jump to navigation

salamat po November 9, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , , , , ,
18 comments

maraming salamat po sa mga bumubuo ng Pinoy Expats Blog Awards (PEBA 2009) sa pagkakataong ibinigay na makabilang ang “bonistation” bilang isa sa mga kalahok.

nasa ABS-CBNnews online kami! yieee!!

abscbnnews

Click to read full story

 salamat din po sa ABS-CBN. at sa lahat ng mga bumoto hindi lang sa akin pati nadin sa dalawa ko pang kasama sa wordpress “topexpress at flamindevil“   =)

 

ako ba yun!? November 3, 2009

Posted by bonistation in drama rama.
Tags: , ,
21 comments

nakakatense naman talaga ang nakita ko sa sementeryo nung nov. 1, first time ko ang okasyong ganito sa pilipinas after 2years pag aabroad. at finally nadalaw ko si BON Sr. sa araw mismo ng undas.

IMG_2117

nakakatense yung pangalan! =)

 

sabi ko nga sa kapatid ko parang nakita ko nadin tuloy ang pangalan ko sa lapida at ganyan din ang siguradong nakasulat pag wala nako (awwww!).

 

Eternal Rest grant unto them,
O Lord,
and let perpetual light shine upon them.
May they rest in peace.

 

 

whats up~?! October 22, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , , , , , ,
22 comments

konting update lang po, busy po sa bakasyon dito sa pilipinas! yeeey!!! sinusulit lang ang bawat minuto.. =)

 

IMG_0501

Bloggers:(Left to Right) BatangMangyan, BoniStation, PinkDiaries, RiaFaj, TeenToinks, BloggerJorge

notiboi’s trippin’ September 20, 2009

Posted by bonistation in drama rama.
Tags: , ,
81 comments

naalala ko pa yung english na kanta na ginawa mo sa typewriter..  ipinasa mo yun sa grupo natin., freshmen palang tayo lahat nun, at nagsisimula palang mabuo at makilala ang mga magiging bagong ka klase at kaibigan..

labing dalawang taon na ang lumipas, tara balikan muna natin..

naalala ko pa nun sa buong klase ikaw ang parang pinakabata, at totoo nga kasi mas lamang pala kami sa ‘yo ng isang taon. pero ganun pa man, hindi yun naging sagabal para mas maging angat ka sa nakararami, sabihin na nating; isa ka sa mga bright na mag aaral nung panahon na yun. isa ako sa naging saksi kung pano mo inaaral ang lahat ng subjects na meron tayo lalo na ang math kasama na ang lahat ng klase ng calculus at kung ano anong equation.

simple ka lang din naman nun. larawan ng karaniwang estudyante. papasok, iiyak (haha joke!), maglalagi sa canteen, sa internet lab or kaya naman sa library. alam ko syempre! dahil sa mga panahong ‘yan.. nanduon din ako. kasama mong tumatawa, nambobola at nangungulit sa ibang mga kakilala at ka klase. at isa sa mga bagay na nagkakasundo tayo ay ang pagiging active sa iba’t ibang org at activities sa loob ng school.

mas naging popular ka pa lalo nung naging member ka ng student council. matalino ka naman talaga at masipag kaya kayang kaya mong pagsabayin ang lahat. kahit may mga pagkakataon nagiging sakitin ka, bat ang dalas mong magkasakit nuon? badtrip na tonsilitis kase hehe. di matatapos ang isang linggo ng hindi ka nagkakasakit lalo na pag malapit na ang exams. alam mo bang kinakabahan kami pag ganun haha. (wala kaming kokopyahan!) isa ka sa  top 5 na nakaka solve ng problems sa integral at differential calculus samantalang kami ay negative ang score haha. may utang  pa. taragis! pero hindi naman lahat ng jackpot ay na sa ‘yo ^^ bleh! kwits kwits lang din tayo. may ibang subjects din naman na lamang kami  tulad halimbawa ng P.E. lols!  ako ang presidente ng  PE Club kaya partida sa lahat ng incentives pagdating dun haha.

pero seryoso, isa ka sa hinahangaan ko sa talino at galing nung nag aaral pa tayo. kung paano mo hina handle ang lahat ng bagay. oo kahit na college na tayo pero madalas kapading umiyak nun. at hindi ko sasabihing natatawa ako .. sa ‘yun ka eh, mababaw ang luha mo at madalas mapaiyak ng mga simpleng salita o gawa ng mga taong naka paligid sayo, yun ang rason kaya tinawag ka din ng tropa na “nubitaaa!”  na para bang palagi dapat nasa tabi mo si doraemon hehe.

sarap alalahanin ng samahan nuon, bawat isa sa atin nagsisimbulo ng iba’t ibang klase ng tao, pero  magkakaiba man, sa huli nagkakasundo sundo parin. ikaw ang pinakabata pero ikaw ang pinaka madiskarte at may pinakamaraming niligawan. .(bwahaha!) kala mo ha! alam ko pa ang mga pangalan nila. ^^ gusto mo i-enumerate at bilangin natin! chos!

makakalimutan ko rin ba na diehard fan ka ng A1 at Westlife. na ilang araw lang ang lumipas ganun narin at fan nadin kami. lakas ng hatak mo. ikaw din ang may kauna unahang cellphone sa barkada. isang araw sinundo ka ng mommy at daddy mo sa school, nun pala bibilhan ka nila ng cellphone pero hindi pa uso ang text nun  at “piltel” pa ang network provider. pag pasok mo kinabuksan angas ng dating haha richkid! pero muntik mo din maiwala yun kasi nalaglag nung pasakay ka sa jeep umuulan at nag aapura ka nun. tangengots buti nakita ko!

sa 5th year hindi tayo naging magka grupo sa thesis dahil kailangan nating mag spread-out sa barakda (leader-leaderan daw tayu mga boys over girls!) haha. sobrang daming suportahan ang naganap, sa mga ginawa natin lahat successful at magaganda ang kinalabasan. namiss ko ang salitang “cheers!”. sa OJT sa baguio sanggang dikit padin tayo, walang patawad magkakasama at buhol buhol ang iisang likaw ng bituka.

eto sigurado tatawa ka, parehas na taon din ng muntik ka ng mag monghe! ^^ hindi ka nga lang pinayagan pa ng supreme court (family mo), at subukan daw munang ma experience mo ang buhay professional..

lumipas ang mga  taon, maraming mga pangyayari at pagbabagong naganap. kasabay ng pag buo at pag tupad ng kanya kanya nating mga pangarap alam ko mas naging mas matalino ka at mas malawak lagpas pa sa tulad ng dati.. 

at sa pagbabalik sa kasalukuyan;  masaya ako at hanggang ngayon astig padin ang samahan natin! kahit hubadero kana at ako eh simpleng artista lang harhar!..  pero eto ang pinakamabigat.. sa mga susunod na araw o buwan, haharapin mona ang totoong landas na dapat ay nuon mo pa sinuong.. ang lugar na kung saan mas magiging kapakipakinabang hindi lang ang talino mo kundi pati na rin ang kakayahang makatulong at makapagbigay inspirasyon sa bawat taong makakasalamuha mo..

parekoi, hayaan mong makita ko sayo ang isa sa mga pinangarap kong maging….

at alam kong hanggang ngayon ay may kaba ka parin na nararamdaman pero ikaw narin ang nagsabi, ‘yan ang makakapag patahimik at makakapag pa panatag ng loob mo.. at sa araw na magdedesisyon kang sumagot sa KANYA ng oo.. ay araw din ng simula ng pagkakaroon ng totoong kahulugan ng buhay mo..

 

“His calling is a declaration of love.”

Your response is commitment, friendship, and love manifested in the gift of your own life as a definitive following and as a permanent sharing in his mission and in his consecrations. To make up your mind is to love him with all of your soul and all of your heart in such a way that this love becomes the standard and motive of all your actions.- Pope John Paul II 

***

bloggerjorge will soon permanently leave malaysia  and will return to the philippines to pursue seminary life.

bonistation

si ek atbp. September 10, 2009

Posted by bonistation in drama rama.
Tags: ,
71 comments

sobrang hilig ko talaga sa pets nung bata pa ako.(kahit nun malaki na) gusto mo maging pet kita!? lols. at naalala ko pa ang lahat ng uri ng hayop na pinagipunan ko ng baon  para lang mabili mga yun. normal lang din naman siguru sa isang bata yung ganun na curious sa ibat ibang hayop na pedeng iuwi sa bahay (kahit yata sisiw at itik na napapanalunan sa palabunutan pinatos ko  eh) malimit akong nag uuwi ng kung ano ano sa bahay nuon galing sa school, ibong maya na nakalagay sa maliit ng kulungan at pilit aalagaan at papakininin hanggang sa kung saan nya kayang mabuhay. nag karoon din ako ng dagang kosta hehe ang ku cute yung mga puti at mababait talaga sila.at halos hindi ko na makontrol ang bilis ng pagdami nila kaya hinintuan ko din kasi hindi ko sila kayang alagaan lahat. ksama pa ang guinea pigs, aquarium fishes, arowana,  iguana, piranha(isang piraso lang), turtle, pati  hipon at kung ano ano pa^^ (more…)

handmade of the lord September 7, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , , , , , ,
62 comments

madaling araw ng magising ako at magcheck sa bonistation at isang comment ang nagpabangon sakin mula sa pagkakahiga upang lumipat sa laptop para mapanood ang “youtube slides” na sinasabi nitong si baby priest..

frfielcomment

at eto po ‘yon:

(more…)

patalastas September 4, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , ,
55 comments

missing sapatos. mamaya (Friday Sept 4, 2009 sa GEB ng mga BATA) haha pakihanap kung sino ang may suot ng sapatos na ito!! ang unang makahanap at makapag post dito may premyo hehe! next month uwi nako! may premyo camel! wahahah!

KANINONG SAPATOS ‘TO? (CLICK HERE!)

 

 

-

BONISTATION.

libreng kape August 25, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , , ,
98 comments

sobrang lamig sa office kaya naman mas ok pang magkape sa labas, eto unang gabi ng duty ko na ramadan mode. masarap pag ramadan mababait ang mga tao, tulad ngayon nakalibre ako ng kape! 1riyal din yun (12.50pesos). ayaw ng pabayaran sa akin sabay bati nya ng ramadan kareem na hindi ko rin naman alam ang ibig sabihin kasi hindi naman ako muslim. pero parang holy greetings yata basta ganun ang mahalaga eh libre ang kape ko ngayun hehe.

ang tahimik sa loob ng ospital para bang kahit anong oras ay mayrong kakalabit sa likod ko tapos sasabihing “huwag kang lilingon” o kaya naman magpapatay- sindi ang mga ilaw na parang mawawalan ng kuryente..  kaya lumabas ako at tumambay sa may ER entrance (uu pasukan ng emergency pag me aksidente o ano pa man) sa labas sa bandang gilid may mga bench na parang  waiting area.habang umiinom ng kape ramdam ko talaga na nasa saudi ako kasi kung anong lamig ang meron sa loob ng ospital ay sya namang todo ng init sa labas.. may mangilan ngilang stars.. wow! madalang ako makakita ng bituin dito at swerte ngayung gabi meron aww! para lang star in a million, pati ang buwan ay visible.. sobrang halaga ng buwan sa mga muslim, sa buwan ibinabase ang simula at pagtatapos ng ramadan, napansin ko uli tuloy yung ambulance na naka park common sa atin ang tatak na red cross pero dito walang palatandaan na ganun.. ang makikita mo lang ay red crescent.. sobrang init padin parang sinasabayan ng hangin ung init ng kapeng hawak ko.. hanggang ngayon may mga pagkakataon padin na hindi ko mapaniwalaan na nasa saudi ako.. dati nadidinig ko lang to sa kwento ng tatay ko at nakikita sa mga pictures na ipinapadala nya. hays sana talaga nag abot at nag kasama kami dito sa saudi, mas marami siguro akong matutunan at malalaman pa..  na miss ko tuloy ng husto ang tatay ko, si mr. bon sr…

(more…)

simpleng buhay nuon.. August 20, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags:
74 comments

na aalala mo pa ba?

 

 

 

 

bonistation

 

 

bag ko ‘to August 13, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , , , , , , , , ,
84 comments

na tag ako ni livingstain tungkol dito na nagsimula naman kay machongbutiki. nung una ko to mabasa kay mb, natawa ako kasi para lang artista sa SNN with Boy and Kris at nakita ko to minsan ng mag feature sila ng mga celebrity  ^^ (more…)