jump to navigation

noon at ngayon November 26, 2008

Posted by bonistation in pekturepekture.
26 comments

Habang nagiikot ako sa blogsphere kanina nakita ko ‘to sa isa sa mga entry ni rache kasama ang kanyang caption. (more…)

love team November 25, 2008

Posted by bonistation in drama rama.
Tags: , , ,
26 comments

natuwa ako nung napansin mo yung status ko sa YM na bonistaton na naka link sa blog ko, sabi mo “ayos ginawa mong parang mrt station” sakto nga kasi inaantok kana dyan. hehe natawa talaga ako nun parang dimo kasi bagay. at sinundan mo pa ng isang biro “baka makatulog ako dito ah ang hahaba kasi..” kaya sinagot nalang din kita ng pabiro ”kaw bahala ka baka makarating ka ng Taft” haha. tapos sumunod na araw diko alam kung pinapagalitan mo ko o ano dahil ang sabi mo sakin “oist bago na naman yang blog mo? puro ka blog” natuwa ako sa dating nung message mo at naisip na sana tayo na nga lang no?, sana ikaw na lang yung taong palaging nandyan para sa akin at papansin sa mga ginagawa ko..

namiss ko lang din yung dating gawi na sasabihin mo sa kin manlibre ka nga tapos escape ng konti sa kung ano man yung ginagawa para lang kumain sa canteen, karaniwan na ang usapan natin sa pangarap, sa magiging work at sa kung ano ano pa. ang simple ng buhay nun.. na kung pede nga lang humakbang pabalik baka ginawa kona.

kanina nakita ko na naman ang picture mo.. diko talaga mapigilan na mainis sa sarili ko na bakit ba talaga hindi naging tayo, bakit hindi nalang tinotoo ang akala ng iba, yung gusto ng iba at aminin ko mat hindi gusto ko rin. lumipat ka nga ng work nun, medyo nalayo at naiba ka ng konti at nasundan pa ng pagpunta ko dito sa KSA, lalo ng naloko. unti unti dumalang ang pag uusap natin. naging busy din naman ako kung sa ano anong bagay at sa iba pa.

naalala ko minsan nakausap kita at tinanong ko bakit nga ba hindi ka pa nag boboyfriend. simple lng naman sagot mo ayaw mo pa at wala lang, kaya hindi rin naman na ako nangulit, ngayon pede na ba kitang kulitin? pede naba tayo uling maging love team.. pero sana this time totoo na. ^^

** hindi ako inlove wehehe. MAGSITIGIL KAYO.

 heart1

Bons

Blogger Buddy Award November 23, 2008

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
19 comments

first time ko din makaresiv nito, ibinigay ni libay matapos ko syang tanungin liberty is tat u? ^^ oo sya nga daw. naalala ko ang taong to sabi nga nya schoolmate kami. sige hindi ko na palalawigin pa kung sa panong paraan, kailan at saan, basta ang mahalaga nalaman ko na kakaiba ka pala talaga. toinks! ^^ eh ke suplada mo kasi dati somehow nakaktakot at parang magagalit ng magagalit sabi ko nga sa isang reply ko sa comment parang syang abugada noon. ay kahaba na ng intro ko, syempre inuwi ko ang award at dinala ko dito sa bonistation, eto sya o: (more…)

dalawa lang ang ibig sabihin November 21, 2008

Posted by bonistation in drama rama.
Tags: , , , , , , ,
27 comments

aanhin pa ang kagandahan ng isang babae.. kung hindi naman ako ang boyfriend! haha! .. toinks!

biro lang po. hindi naman talaga nasusukat sa hitsura o pigura ng isang babae ang ikakatangi mo sa kanya. iba padin ang totoong ramdam mo na mahal at aalagaan ka. (caregiver kumbaga) toinks! kunswelo nalang pag hot chick talaga ang babes mo! aww! araw araw gabi gabi jackpot ka. basta ang mahalaga kaya nyang panindigan ang pagiging butihing ina ng isang buong basketball team. kaya nyang tiisin ang mga kakulitan mapa yung daddy o ung mga bata. (more…)

sagot ko November 21, 2008

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
11 comments

aanhin pa ang kagandahan ng isang babae.. (more…)

popoy November 17, 2008

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
comments closed

lunes na naman, sakto ang dami nagtatanong ng blog kung may bago ako. sinadya kong di gumawa kasi naman sabado nga at linggo sabi nila walang benta pag ganyan mga araw kasi karamihan sa inyo walang pasok at alam naman natin na mga huwarang empleyado kayo! huh!? alas otso ng umaga friendster ka agad! at sabay sabay magagalit sa FS dahil ninakaw ang mga friends nila. haha. sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ganun! hoy ibalik nyo mga friends namin! sabi nga nun isa sa nabasa ko na nagcocomplain “friendster! give me back all my friends” ^^

habang nag iisip isip ako ng topic kanina  naisipan kong manghingi sa chat at eto ang usapan namin (more…)

para sa aking bukas November 11, 2008

Posted by bonistation in drama rama.
28 comments

mahilig ako sa hayop. as in pets! kaya nung bata pa ako ang dami kong alaga sa bahay. kung ano ano maliban sa kuneho toinks!. sipunin kasi ‘yon at madaling mamatay. ’yun hilig ko din siguro na yun ang dahilan kung bakit dati gusto kong maging isang duktor.. ng hayop ^^. VetMed ba, diko lang alam kung pano at kung saan kaya hindi ko na lang itinuloy tsaka nalaman ko sa sarili ko takot pala ako sa karayom at dugo. diko alam parang tumataas ang pwet ko pag nakakita ako ng sugat na malala o kaya naman yung mga inooperahan. pero ngayon kahit anong sugat pa yan sariwa o basa diko na inuurungan at di na rin ako mangingiming anohin yan. taragis! (more…)

usapang gusto natin. November 8, 2008

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
25 comments

ikatututwa na naman ang entry na ’to ng mga kaibigan kong suki sa blog at kasama na dyan ang grupo ng quickie elevator at dyugdyug hagdan. kung ilalaban sa popularity contest ang blog ko mananalo tayo sa mga kahalayang nasasaad sa mga comment nyo. taragis! kahihilig oo! hindi ko na tuloy maiaalis ang totoong kulay ng boni station. pero sasabihin ko hindi kayo magwawagi. ibabangon ko ‘to at muling ipapasok sa butas ng kalangitan ooohhh ahhh! (toinks! nadala lang ako teka!).

bakit nga ba masarap ang bawal, at masarap gawin ang mga bagay na patago? kkaiba ang sarap sa pakiramdam pag ginagawa mo ang bagay na nagpapasaya sa ‘yo sa style na patago.

may betamax o vhs ba kayo dati? yun ang uso bago pa sumikat ang cd at dvd. marami din ang mga video rental shop sa palenke o kaya naman sa kung saan saang kanto sa lugar nyo. high school ako ng magkaroon kami ng betamax (more…)

saludo ako sa ‘yo November 5, 2008

Posted by bonistation in drama rama.
27 comments

one year and 5 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng isang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay!

‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo.. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi. (more…)

Wanted: GF November 4, 2008

Posted by bonistation in drama rama.
18 comments

Medyo matagal tagal na rin at kahit papano masaya na din naman ako at alam kong lahat tayo ay masaya ngayon kaya siguro pwede kong isingit ‘tong blog na to.. ayoko nga sana kasi baka maging madrama ang kalabasan pero may nangungulit kasi na gawin ko ‘tong post at nasundan pa nung isa na maghanap nadaw ako ng gf!! (bakit nyo bako pinepressure!?) kaya pede nadin namang sabihing ”by popular demand” ..

eh tinanong ko nga kanina,  ”ano ba ang dapat kong hanapin?”

ang gusto ko mgng gf m0 un,aalagaan ka..
Dka huhurt,at pangingitiin ka and paki2nggan mga wentu mu evryday.. Di ba? Kc gsto ko mafil m0 na appreciated ka.because u deserve it,..u deserve to b happy dun s ta0ng mmhalin m0 at mmhalin k the best and sweetest way ever..

para namang napakasarap isipin, sa totoo lang kinilig ako nung nabasa ko yan at sabi ko sige gagawin ko taragis!  nakakatuwa at ang saya naman kasi talagang pangrapin ang ganun. pakiramdam ko nga umihi ako ng sampung beses at sampung beses din akong kinilig sarap ulit ulitin..  siguro nga handa na akong umibig muli! yiha! tangna kadrama yan na nga ba sinasabe ko weh!  (more…)