jump to navigation

tagay na January 25, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , ,
53 comments

iba ang wisyo pag nasa inuman, nakakalakas ng loob, ramdam mo ang kakapalan ng mukha (nakakamanhid). ilang beses nadin ba akong nakabasag ng baso dahil sa hindi kona ito mahawakan ng mabuti at palaging dumudulas sa kamay  ko isama mo pa dyan ang pag bangga sa  pader kung tatayo ka at maglalakad pupunta sa CR para umihi. (taragis! wag kase kayung magulo, lasing ako!)

kung lasing ka nga malakas ang loob mo, pero hindi pwedeng sabihing hindi mo alam ang ginagawa mo. ang masarap lang don out of control ka at kung may kasama kang chicks, patay na! ^^.  [period haha, ayokong mag kwento pagod ako.]

pero isa na yata sa pinakamagandang natutunan ko sa kwentuhang lasing ay ang mga salitaang “walang tama o maling desisyon, nasa diskarte at paninindigan lang yan.”  naisip ko nga ang mga pagkakataong nagkakamali ako sa buhay at gaano karami ko nadin bang nasabing ok lang ‘yan, walang mali. diskartehan mo nalang. may mga pangyayari talaga na kailangan din nating magkamali dahil dun tayo natututo at mas nakakakakuha ng malaking experience o lesson. duon mas lumalakas ang loob natin. sa inuman ko din natutunan ang ilang bahagi ng respeto at pakikinig sa iba. maraming epal sa inuman,  lahat gustong maging bida, sikat at magyabang. hayaan mo lang sila. minsan nga dun pa sa taong hindi mo inaasahan manggagaling ang kakaibang kwento ng isang kakaibang buhay. may ibang lasing na mas sincere pa kaysa sa taong hindi naka inom.

kung may mabuti man sigurong naidudulot ang pag upo sa isang inuman ay ito yung pagkakaroon mo ng pagkakataon na masabi ang mga salita at kwentong hindi karaniwang nagpaguusapan sa isang normal na kwentuhan. malaya kang makapagbibigay ng mga naiisip at mga gusto mong ikomento, maingay, magulo, malakas talo talo. may mga pagkakataong hindi magkakaintindihan at magkakainitan pero normal at nandyan pa rin naman yung iba para umawat.

simple lang naman ang buhay; masaya, malungkot, may pagkakamali, may naitatama. wala namang nagsabi na kailangan ng perfect straight life para maging kumpleto at makabuluhan. basta ang mahalaga nandyan sa paligid mo ang mga taong nagmamahal .. sila yung hindi ka iiwan kahit sa ano pang laban; pamilya, kaibigan na subok na sa panahon at di mapapapantayan ang katatagan at suporta .

saktong isang buwan mula ngayon uuwi nako. malapit na ule! tagay na! 

Bons

 

***

ilang beses ko rin bang kinanta ng paulit ulit  sa videoke ang ‘and i give up forever to touch you, cause i know that you feel me somehow’ haha. naalala ko lang at natatawa padin ako hanggang ngayon at kung mababasa to ng mga kainuman ko nung mga panahon na ‘yon siguradong sila din ay tatawa sa pag alala sa kakulitan ko.

buhay artista January 24, 2009

Posted by bonistation in kwentong kuneho.
Tags: , ,
18 comments

lahat tayo may choice kung ano gusto nating gawin sa buhay. kung ano ang gusto nating maging.. tayo.  naisip ko lang, hindi pala ganun ka simple ‘yon at hindi natin yun pwedeng gawin ng mag isa. we need people that will continuously guide and inspire us. may mga taong patuloy na nag aalala, nag iisip at naghihintay sa mga bagay at pangyayari sa ating buhay. we cannot just simply ignore them. at balikan na lamang sa oras  na kailangan at gustuhin natin. hindi ganyan ang tamang buhay-artista! umayos ka bon. nyahaha!  ^^

muntik ng kalawangin ang mga bakal dito sa riles ng tren ^^. eto nagbabalik na ako. mahigit isang buwan buhat ng balutin ako ng lamig ng disyerto. oo malamig dito pero hindi ko parin pwedeng ipagmalaki ang 2degree celcius namin kumpara sa mga bansang nakakaranas ngayon ng yelo. kasabay ng paglamig ng panahon at pagkalusaw ng mga popsicle sa antartika (ang arte!) naging yelo din ang mga kuneho cells ko. kaya ipagpaumanhin nyo at hindi gumana ang aking imahinasyon sa mga nakaraang araw at buwan.  hindi naman ibig sabihin nun iniwanan ko na ang mundong ‘to. hinding hindi ko iiwan ang pag aartista ba blog. pramis ^^

****

Bons

 

Som pipol promis 4ever, bt cudnt stay a minute. Som pipol say deyd be der, bt dey ddnt care. Der r those who say dey’d stay 4 a while, but never never left