saludo ako sa ‘yo

peba

 (Official Entry to the Pinoy Expat Blogger Awards 2009)

***

two  years and 3 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng dalawang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay!

‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo.. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi.

kinabukasan, ayos agad ako ng resume ko update at scan ng mga iba pang kailangan at send.. marami pangyayari at hindi rin naman naging mabilis at madali ang pag ayos at paghintay.. hanggang sa na approved at makarating na nga ako dito. welcome kingdom of saudi arabia.

hindi ko din naisip na sa dami ng bansa dito ako mapupunta. pero pamilyar na sa akin ang bansang ‘to sa loob ng labing dalawang taon. 6 years old palang yata ako nung magpunta ‘yung tatay ko dito. ang layo ng saudi nun, sobrang layo dahil sa kalayuan isang beses lang sa loob ng dalawang taon namin sya pwedeng makasama. wala yata akong matandaan na nabuo ang pamilya namin tuwing pasko, palaging may kulang, palaging may bakanteng upuan. nakita ko na yata ang lahat ng klaseng pagsasakripisyo ng nanay para mapunan ang lahat ng pangungulila naming magkakapatid sa isang amang nasa ibang bansa.

hindi ko padin dati maintindihan ‘nun bakit ba kasi kailangan pang ganun pwede naman hindi mag abroad, pwede namang sa pilipinas lang. pero uso kasi yata nun ‘yon marami din naman akong mga kaibigan at ka klase noon na nasa abroad din ang mga tatay nila..

‘diko makalimutan yung isang christmas card “for my terrific son” , isa na yata yun sa pinakamagandang card na natanggap ko galing sa tatay ko.. masarap kasi talaga yung pakiramdam na proud sayo yung magulang mo.. kaloko ko nga nun parang hindi ko lang iniintindi yung mga kwento nya sakin dati kung ano hitsura dito sa saudi.. ngayon alam na alam ko na..

I missed those days, your stories, the miles you drove, the adventures you took.. i never imagined nor even expected that I will be here, almost in the same place where you used to work..

minsan gusto ko magkwento, gusto kong makipagbidahan sayo kasi yung mga nakikita ko sa pictures mo dati, ngayon napupuntahan ko nadin, yung mga streets at stores na dinadaanan mo…

ayoko naman talaga dating mag abroad, kasi hindi ko din naman pinangarap na umalis ng pilipinas. kontento nadin kasi ako kung anong meron.. pero dumarating ang pagkakataon at oportunidad na kailangan nating kuhanin at subukan. eto na, bon jr. sa saudi. sayang nga lang talaga at hindi kami nag abot ng tatay ko dito. edi sana dalawa kaming blogger ngayon. taragis!

sa pagpunta ko dito, isa lang ang napatunayan at naunawaan ko ; hindi biro ang sakripisyong ginagawa ng mga taong lumalayo sa pamilya upang magtrabaho alang alang sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay.

saludo ako sa ’yo Bon Sr.

inmemory

**ILOVEMYDAD

Bonifacio F. Talampas, Jr.
Dammam, Kingdom of Saudi Arabia

About these ads

51 Responses to saludo ako sa ‘yo

  1. supermankind says:

    puno naman ng puso ang iyong post…
    bagay na bagay sayo tol ang maging isang bayani bilang OFW…pangalan mo palang ay bayaning bayani na ang dating.

    saludo ako sayo, mabuhay ang mga OFW!


    bons: salamat supermankind! ^^ naalaal ko nung kinder ako hirap isulat ng pangalan ko ang haba haba! tapos may junior pa hehe pero habang lumalaki ako up to now, am proud of my name.sa tatay ko yata ‘to hehe!

  2. supermankind says:

    teka, mukhang ako ata ang nauna dito..tama ba? BASE hahaa

  3. p0kw4ng says:

    aww ramdam ko ang panghihipo mo……sa puso ng nagbabasa! minsan talaga may mga bagay na nagagawa natin kahit na hindi nating plinano o naisip man lang na magagawa natin!

    tulad ko din!

    bons:uu nga tulad mo din isang bayaning ofw,todo sikap para sa mga mahal sa buhay sa pinas.alamna natin ngayun ang totoong salripisyo ng mga ofw. salaamat sa pag daan.

  4. Ampness! says:

    Mabuhay ang mga tatay! Mabuhay ang mga OFWs! Mabuhay si kuya Bon! :D

    Kumpleto kami ngayon dito sa Pinas, although may plano mom ko mag-abroad. Wag na sana..

    bons: mabuhay ang pilipinas! nyaaa! haha cory magic padin ba dito?^^ salamat ampnes! amp! nurse ka siguru naman may balak ka din mag try sa abroad.. maeexperience mo din ang buhay ofw.^^ goodluck po sa family…

  5. aksoriyalmo says:

    Kudos to your Dad kuya Boni!

    He deserves a son named Boni!

    bons: ..and i deserved a father named Boni! i will forever be proud of him ^^

    • aksoriyalmo says:

      indeed! both of you deserve each other.

      pero malamang sa malamang mas gwapito ang senior kaysa junior.

      awts.

      bons: thanks ax! nanibago ko sa handle mo na name ha hehe sabi ko sino to bago!? hehe! ikaw pala! ^^. sige papayag nako na mas gwapito si bon sr. pero siempred like fahter like son lang yan eh hehe., kung ano sa kanya un nadin sakin! wohooooo!

  6. topexpress says:

    SAPOL!!!!

    tol, naalala ko napagkwentuhan na natin to, even saw your dad’s pic na nasa drawer mo. Alam ko kung gaano mo iniidolo tatay mo at nasabi ko na sayo tol na, alam ko kahit nasa kabila na tatay mo, masasabi niya na “Iniidolo ko ang anak ko!”

    mabuhay ka at ipagpatuloy ang pangarap mo at ng tatay mo para sayo, at sa pamilya mo.

    tagay na tol! (red horse, siomai, at tortillos na black!) :D

    bons: sapol! hehe.salamat tol. alam ko naman na pinasasalamatan ka din nya sa mga bagay na yan.. at pag usapan ganito eh magpaparamdam at magpaparamdam ka hehe! tagay naaaa!! mis kona pork siomaiiii!!!

  7. jason says:

    Kung nabubuhay lang si Sir Bon Cliff Sr.
    Sigurado magiging proud sya sayo.

    ung tipong pag magkasama kayo, ibibida ka nya
    lagi.

    panigurado proud sya sayo sa lahat lahat ng mga nagawa mo
    at kung sino ka na ngayon.

    bons: kung nabubuhay lang yun hindi ako pedeng maghari harian dito haha!^^ salamat jason ka boom!

  8. senyor says:

    chiiiz naka-relate talaga ko boni..lalo na i have my own family and now na malapit na kong makabalik it’s really sad but i have to.. and i salute your dad ha :)

    bons: chiiizii! hehe basta isulit mo ang panahon na kasama mo sila! thanks sa pagbisita senyor! ingats!

  9. TSI says:

    A touching story..may kurot..once na bumalik ako diyan boni hahanapin kita sa Dammam hahaha, nako lapit na naman ang Ramadan.

    bons: touch sabay kurot ahehe! ouch! eh nasaan ka ba ngayon!?? paalis nako ng dammam haha baka hindi na tayu mag abot! ^^

  10. anakngpating says:

    matagal ka na rin po pala jan kuya boni..

    at isa rin sa sasabihin ko kung nabubuhay nga si tatay nakow sobrang proud un sayo..

    we salute boni sr. at sayo kuya boni..tunay na bayani talaga kayo..:)

    bons: parang kelan lang un! ^^ hindi ko pa ramdam na ganun katagal! salamat po sa pag salute haha! pugay kamay!

  11. flamindevil says:

    nakakatouch naman tong entry mo pareng bons.

    swear.huli akong na teary-eyed (yeah,mababaw na ko minsan) sa entry mo dati pa. yung ang title eh ‘basta,i’l be home soon’ (naks,alam ko pa title no).

    and i’m telling you that this is another excellent and nostalgic post which touched me.awww

    hirap nga lumayo sa pamilya. daming sakripisyo.dati rin hindi ko maintindihan bakit kelangan pang lumayo ng magulang natin para magwork. nagwork kasi parents ko sa Kuwait naman, bumalik na lang sila nung 7 years old na ko. kaya i’m a certified lola’s boy.

    for sure, proud na proud ang dad mo sa’yo.and i know that you’ll continue to make him proud.

    and btw,dapat proud ka rin kasi alam mo naman ako,hindi ako nagcocomment ng mahaba sa mga posts.this is one of the few times.hehe

    anu ba to parang post na rin sa haba.haha. ngat pareng bons. :p

    bons: awwwts! salamat sa mahabang comment! alam ko namang busy ka sa pagtulog hehe kaya appreciated yan.. dapat pala eh gumawa ka na nga separate entry mo hehe.sarap lumaki sa lola kasi sigurado bibigay lahat ng hiling.. at kaya naman pala palagi mo nababanggit lola mo sa mga entries mu… at siguradong sigurado proud din sya sayo! cheers for them! cheers for us! ahuuuu ahuuu!

  12. Len.. says:

    I know kahit nasan man ung Father mu ngayun, hes really proud of you, ksi mabait kang anak, at kapatid. And even me, I’m so proud of you hon!

    bons: sarap naman!! mwaaaaaah! hehe!

  13. teentoinks says:

    Isa ito sa mga paborito kong post mo, kung nasan man si CAP ngayon I’m sure he’s proud of you. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, parang ngayon nagpa flash back lahat ng sinasabi nya nuon. Minsan naisip ko, bakit kaya nuon na buhay pa sila hindi natin iniintindi mga sinasabi nila intindihin man madalas naman kinakalimutan. Minsan naman kung kelan nararanasan mo na yung sinasabi nila, ngayon naman sila wala na kung kelan pwede na sabayan ang kwento nya.

    Bat walang PinoyExpat link at logo? Para alam rin kung san ka iboboto? Actually galing na ko sa PinoyExpat… boboto na sana ko, di ko naman makita tong entry mo.

    Newei got an award for you. Its up to you if you want to grab it. Happened to have a rules hehe

    bons: wala pang updates/response galing sa pinoyexpat eh. anyhows thanks sa award hahays! PS. miss na daw kau ni CAP hehe! napanaginipan ko..

    • teentoinks says:

      Wahhahahaa… loko, ahhh kung gusto kami dalawin ni CAP malamang matagal tagal pa ko, mauuna muna sila jorge… ahihihi

      Neweis, sige pag may update na yung PinoyExpat let us know… susugod agad ako dun sa site. oks? ameshyu pangs!

      bons: haha! dati madalas nyako dalawin dito sa panaginip nung mga first 2months ko ^^. tinitignan lang kung ayos ba ako dito hehe!

  14. livingstain says:

    kung nasan man sya alam ko masaya na sya ngayon, nakakalungkot isipin na iniisantabi nila ang kanilang personal na kasiyahan para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

    sino ba namang ama ang ninais na hindi masaksihan ang paglaki ng kanyang mga anak. swerte na lang nya at magaling ang asawa nya sa pagpapalaki sa inyo.

    Galing mo Senior Talampas.

    bons: yup! walang kapantay na sakripisyo! ^^

  15. blogger din dad mo? hehe

    bons: blogger on his own way! gamit ang tape recorder. pinapadala sa amin dati hehe! ^^

  16. wow,
    isang napakaganda ng post!
    natats ako..
    may kaunting kirot.
    hehehe.miss ko na din si dad..
    heheheh

    bons: salamat sa pagdalaw! asan ba dad mo!?

  17. very touching post! saludo talaga ako sa mga nagtatrabao sa abroad! grabe, when i was in disneyland hongkong and during the grand parade, may isang nagpeperform doon na kinamayan ako, and sabi niya “regards sa mga kababayan natin pag-uwi nyo…” aba, naiyak ako…

    kaya mabuhay ang tatay mo bons!

    mabuhay ka rin! kasama ka sa dasal ko…

    bons: mabuhay tayong lahat! ^^ salamat po father! masarap maglibot sa disneyland marami nga daw filipino na performer dun. kaya kakaiba talaga ang pinoy! saludo ako sa lahat!

  18. meliza catedral says:

    nkkatouch nman yung blog mo bons! ako di ko naransan mgabroad! pero malapit na!heheheh
    malungkot talaga pagmalayo ka sa mga minamahal mo dahil nahhomesick ka..
    anyway saludo pa rin ako sa iyo pagging OFW mo at mabuting anak, bons.

    bons: salamat po sa pagdalaw! ^^

  19. may regalo ako sa yo. ang iba ay nasa reply ko sa comment mo doon sa latest post ko:

    dont worry, harmless ito…

    hehe.

    bons: salamats haha. yan ung hinahanap ko sa entry mo na sea snakes yay katakot talaga sila haha

  20. gasti says:

    pareng boni ikaw na ngyon ang tagapagmana ng buong saudi arabia! kahit di ka manalo sa pacontest na yan kunganomanyan..panalo ka naman dito samin. isang makabagbag damdaming high five sayo boni jr. ur da man!

    bons: huwaw! dinalaw ako ng aking idol! salamat haha. sarap namang isipin na sa yo manggaling “panalo ka dito samin ” wahaha! salamats!!

  21. Jorge says:

    Nde ka nag iisa parekoi. Ako din nagtatanong din bakit kailangan pang magsaudi eh pwede nmn sa pinas. Pero during my childhood, naunawaan ko na ung kaibahan ng may tatay sa abroad, mas maayos ang buhay financially..

    Ganun din sa amin, laging may kulang na upuan tuwing pasko at birthdays. Si mame lang ang naging ilaw ng tahanan at at the same time naging haligi na din.. Saludo ako kay Cap at sa mga OFWs at ciempre sa mga nanay na naiwan, just imagine how strong they are, being single parent with lots of children. ang gagaling nila! sana maging ganun din tayo pagdating ng panahon..

    Godbless parekoi!

  22. mb says:

    5 months na pala ako sa manila… haiz… at 5 months na rin akong wala sa malaysia… namimiss ko na malaysia…

    halos sabay lang tayo ng pumunta ka ng saudi.. hay di pa rin ako makapag blog ng husto kasi super busy maging guro at ang liit lang sweldo haiz!

    musta na mare?!

    malaysia truly asia!

    bons: mangbadoy musta kana sa mapua! sana ayos kalang dyan. ganyan talaga tiis muna uli. pasasaan bat makaka diskarte karin uli ng maayos ayos na sweldo. salamat sa pagdalaw! hindi ka namin nakakalimutan basta balik lang paminsan minsan.at mag update ka ng blog! happy valentines pa andun eh! haha

  23. PEBA Team says:

    Bon,

    Congratulations! You are PEBA nominee number 33! Thank you for joining PEBA, please grab the nominee banner at the PEBA site under 2009 Nominee webpage.
    Thanks Bon and Goodluck!

    Bons: salamat po! mabuhay po kayo!

  24. The Pope says:

    Congratulations for being part of PEBA as 33rd Nominee, and you’re right, hindi biro ang pagiging isang OFW, isang malaking sakripisyo para sa kapakanan ng pamilya at ng Bayan.

    God bless you.

    bons: salamat po “the pope”

  25. pinkdiaries says:

    wow! congrats! i’ll give my full support! ^^

  26. ruel says:

    hi bon..

    you got a very nice story. Though my dad was not an OFW pero nakakarelate ako sa storya mo especially thAT your dad and mine have the same name and and both have passed away.

    btw, welcome sa PEBA.

    bons: maraming salamat po!! bon din pala dad mo! so tatlo kaming magkakapangalan! ang saya namang malaman yun! =) God Bless po

  27. enjoy says:

    Welcome to PEBA Bon and congrats dito sa entry mo.

    I couldn’t agree more. Matindi talaga ang sakripisyong inilalaan ng mga OFWs para lang mabigyan ng maginhawang buhay ang mga mahal nila. My father was also an OFW and I know what he’d been through just to provide us a decent living. Now I can truly relate to his experience.

    Anyway, good luck sa ating dalawa at sa lahat ng mga participants ng PEBA! God bless :)

    bons: uu nga sobrang daming sakripisyo at hindi yun malalaman unless ma experience natin sa sarili natin.. isang paraan din siguru para mas lalo kong ma apreciate yung pagsisikap ng tatay ko na mas mapabuti ang buhay namin..

    goodluck din po! thanks for visiting!

  28. 2pe says:

    insan,

    kinabog ng blog mo dibdib ko.. Taragis! ang lupet.. the best! habang binabasa ko ko. naaalala ko ung lugar sa inyo.. kasama sila lola nene kompleto talampas ^^ i missed those days.. keep it up insan!

    bons: salamat 2pe! oo nga nakakamiss yung dati! simple lang nun! ngayun mahirap na kasi humanap ng oras dahil busy na tayung lahat… ingats and regards to all!

  29. Nebz says:

    Congrats sa entry mo. It made me shed a tear (hindi naman iyak, medyo-medyo ngilid luha lang. hehe). Siguro nga ganun talaga ang kwentong OFW — puno ng damdamin, ng puso at pag-asa.

    I’m pretty sure Mr Boni Sr is proud of what became his junior. Continue keeping him proud even after you’ve earned your Boni the 1st.

  30. LIFE Moto says:

    Welcome aboard bro. Congrats at nakasama ka sa PEBA. Maging sa yung magandang entry. Specially the last parts.

    Koz it reminded me of myself when si Ama ko ay isang OFW din. yun lang mag kaiba ang pananaw natin. Kasi idol ko sya kaya naman ay gusto ko rin maging isang OFW tulad nya. Biruin mo kasi sa kanilang magkakapatid sya ang unang nakapagpatayo ng bahay sa isang subdivision. At ang laki ng kita nya. Kasi nasa Oil rig naman sya noon.

    But then dito ko naramdaman na ang hirap pala ng malayo ka sa family mo. Kaya ang pangarap ko ay sana wag na kami magkakalayo ng mga anak ko kapag meron na sila mga sariling buhay.

    Well good luck baka magkaiyakan pa tayo. Koz kamuntik na rin ako mapaluha sa story nyo ni Sr.

  31. theo relevo says:

    what a wonderful post. more of this please!

  32. g says:

    “What you need to know about the past is that no matter what has happened, it has all worked together to bring you to this very moment. And this is the moment you can choose to make everything new. Life is a process,
    and everyday is a journey… Goodluck and God Bless….

  33. mahreez says:

    nice entry. im sure your dad is proud of you. :)

    bons: thanks mahreez!~

  34. pruelpo says:

    Kudos to you. Ngayon natagpuan ko na ang inyong mga official entries sa PEBA 2009 hindi mali ang aming sapantaha ni Father Felmar. eprint ko itong blog article mo para mabasa ko pag uwi sa bahay. Isa na lang yong kay Topexpress ang kulang.

    bons: salamat pruel! sana maging isa sa mga inspirasyon itong entry ko.! God Bless!

  35. SECRET says:

    boni jon jon ang galing ng mga sinulat mo.Ako heto nasa abroad din 22ong malungkot pero kailangan,Natandaan ko kasama kopa tatay mo nung nag aaply ako di ako matangap kaya umayaw nadin ako.Pero matapos umayaw heto biglaan din 2lad mo natangap tinawagan din direct hire pa. SALUDO ako sa pagiging mabuti mong anak at kapatid,

    bons: salamat po.. natuwa naman ako kasi kilala mo ako pati ang tatay ko.. pede po bang malaman sino sila? goodlcuk po sa trabaho!

  36. jay says:

    Bon, di ko alam kung pano ko uumpisahan tong mumunting mensahe para sayo, ANYWEIS, umiyak puso ko sa blog na eto, gusto nga ring lumuha ng mga mata ko, kakahiya lang kasi nasa faculty room ako, sa CR ko na lang iiiyak! (LOL). Nalalapit na rin akong umalis ng Pinas, kelangan eh, tumatanda na sila erpat at ermat, halos 23yrs na sila nagtratrabaho para sa aming mga anak at apo nila, ako naman siguro magtratrabaho para sa kanila. Ayokong umalis, ok naman buhay dito pinas kahit mahirap, pero KELANGAN eh, para sa pamilya. Musta mo na lang ako ky BON Sr, pakisabi proud lahat ng pilipino sa anak nya… Pagpalain ka ng mMaykapal, kuya! Ingat lagi!

    bons: salamat jay, goodluck sa bagong tatahakin mo. tiis lang din sa bawat sakrispisyong gagawin natin para sa pamilya, at sigurado naman na worth it yon, gagawin natin lahat para lang mas maging maginhawa ang lahat. ganyan tayo, ganyan ang pinoy!

  37. fairy rose young gamboa says:

    hi sir bon..nkkaadmire ung mga posts mo about s love and sacrifices mo pra s family..nkktouch..i’m sure n proud n proud sau father mo khit nsn man cya ngaun..wla aqng mgwa khpon..nagplipas aq ng oras s pagbbsa ng mga blogs..d q n nmlayan n nbasa q n pla lhat ng blogs mo..lhat mkbuluhan..lhat may laman, may puso..gwng Filipino..k2lad mo din aq..isang anak at kpatid n wlng ninais kundi mk2long at mbigyan ng khit konting ginhawa ang mga mhal s buhay..cguro nga lng d q p nggwa ung pinakamahirap n sakripisyo..ang lumayo s knila..ingat nlng po lagi!!..ipagp2loy mo lng ung ginagawa mo..Gud Luck!!!

  38. Dex says:

    congratulations

  39. LIFE Moto says:

    Bro, Congrats for winning the PEBA. Happy new year! You really deserve it! Cheers

    bons: MARAMING SALAMAT PO!

  40. Ferline Ledesma says:

    I got hooked reading your blog….when I was researching about Dammam. My husband has just left para magtrabaho din sa Dammam.I miss him a lot already… nahihirapan ako at nalulungkot pag my mga special occassion para sa mga anak namin at wala siya dito pero naisip ko mas mahirap ang kalagayn nya kasi kailangan nyang tiisin ang malayo kmi sa kanya para makaahon sa buhay…I hope my husband will always be fine and safe sa Dammam. Ingat kayo lagi lahat diyan. God bless

    bons: salamat po sa pagbisita. ^^

  41. Ferline Ledesma says:

    Salamat for ur inspiring blogs

  42. Hiroko Hill says:

    saludo ako sa ‘yo bonistation is a well put together blog. I dont feel my web site http://www.delicious.com/appling.wanda has a lot in common with yours, although I can (and have) learnt quite a bit from you, cheers, Hiroko Hill

  43. fowlgamer says:

    Hi Looking for new online cockfight betting? Here’s a site that will sure give you the best online cockfight betting. It is where big bettors are rolling in! Join the Sabongking.com match betting, with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit arena: Big derbies, big bettor and clearest video. Feel the adrenalin rush as you watch and place your bets. Be part of the action and not a mere spectator! Be the SABONGKING ! A true gamecockers don’t just watch they BET. So start loading your Sabongking virtual points now. Visit the site and SIGN UP! http://www.sabongking.com

  44. A fascinating discussion is definitely worth comment. I think that you ought too
    write more oon this subject, it may not bee a taboo matter but tyypically people don’t talk about such topics.
    To the next! All the best!!

  45. You can also connect with so many gay personals as you wish.
    You’ll have plenty of time to rehash your pasts later – but
    in the first two dates, consider it off-limits. I am here
    to reveal the precious secret which Mankind has been searching for centuries.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 39 other followers

%d bloggers like this: