rock on! July 26, 2009
Posted by bonistation in drama rama, english mode, kwentong kuneho.Tags: salamat
58 comments
paramdam lang July 16, 2009
Posted by bonistation in kwentong kuneho.Tags: no entry, paramdam, saudi
47 comments
kahit wala akong post wala pading araw na naging zero ang viewer ko (hikhik). salamat po sa mga bumabalik balik. ^^
sobrang init dito sa saudi. minsan umaabot sa 48degrees celcius ang temperature. swerte na lang talaga at may aircon. pero sa labas ng building awww! ang init parang nag aapoy ang paligid ok sana kung apoy yun ng masarap na pagmamahal sa maalab at madilim na gabi (hays). pero hindi eh hindi mo kakayaning tumayo at baka ilang minuto lang ma stroke kana. summer dito simula ng march hanggang september. (more…)
alaala May 31, 2009
Posted by bonistation in drama rama.32 comments
habang wala pa po akong bagong entry. i share ko lang muna ‘to. malamang marami na sa atin ang nakabasa nito dahil nagpaikot ikot ito sa mga emails sa loob ng matagal na panahon…
masarap padin syang uliting basahin.. mahaba pero its worth reading… (more…)
big bro! April 25, 2009
Posted by bonistation in drama rama.Tags: big bro, kuya
89 comments
kuya,
ilang araw na lang fulfilled na ang pagiging daddy mo.. alam ko sobrang excited ka. wala na yatang mas pinakamasayang tao sa mundo kundi ang tatay ng isang batang bagong panganak. (parang well-experienced naman ako,.huh! weh!) haha. eniweys! congrats kuya! at siguru timing na din para makuha ko yung chance na to para pasalamatan ka sa lahat lahat ng mga ginawa mo para akin, diba nga kwento ng ate natin habang ipinapanganak ako (april 3, 1980) at dalawang taon gulang ka palang non nakikipag laro ka sa aso ng kapitbahay ayun nakagat ka daw? hikhik. kaya nadala ka pa sa center at tinahi ang noo mo, natakot yung aso naglayas at nawala na lang basta.. ^^
bilis din ng panahon. naalala ko dati ikaw pa ang kasama ko palagi sa pag ba bike kahit madalas iniiwan moko at hindi kita maabutan! adik ka kaya sa bike halos yon palagi pinapabili mo sa tatay! syempre kuya kita palagi gusto mo ang nasusunod pag me package tayu galing saudi yung magagandang kotse (matchbox) ang napupunta sayo..
may nagbigay pa nga dati sau isang complete set ng toy-train ang ganda nun! parang hindi naman sya laruan kasi pang display and dating at di kuryente pa! galing din yata un sa saudi diba? bigay ng ninong mong matagal ng nawala at bumawi ng todo kaya binigyan ka ng ganun pero malaunan ang ginawa natin sa train kung ano ano na, ginawa ko pa ngang bus ang isa dun eh! tapos ikaw naman pinagexperiment mo yata ang kuryente ayun naging grounded ang buong railway eh pano pa natin malalaro yun tuwing hahawak tayo may ground! amp! para ka kasing mekaniko or siraniko lahat kaya ng laruan natin binabaklas mo kahit nga hindi na sayo binubuksan mo pa para lang makita mo kung ano yung laman sa loob at kung paano umaandar bat nga pala dika nag automechanic? hehe. may naalala nga pala ako itatanong ko lang eh bat mo ba sinira ung batman na laruan ko! kahit plastic lang maganda at gusto ko yun! nag-agawan lang tayo tapos ayun tinadtad mo na ng kutsilyo at itinapon! taragis hindi ko makalimutan yun wala naman ako magawa syempre kuya kita at takot pako sayu nun!
ikaw din nagturo saken kung pano gumawa at gamitin ang tirador! suki tayo sa palengke. paiba iba ang rubber na ginagamit natin may decolores pa nga. tapos hahanap lang tayu ng sanga ng puno ng bayabas na dapat perfect “Y”. hindi ko rin makalimutan sobrang pinagalitan ka minsan sa bahay at napalo ng husto kasi madami kang gasgas sa binti nahulog ka yata sa bike tapos hindi mo sinabi sa nanay pero nalaman padin ayun napagalitan at napalo kapa tuloy.. naawa ako sayo nun..
naging kaagaw din kita sa family computer natin pero si ate weng ang matindi itinatago ang adoptor! san ka pa! pano tayo maglalaro kung wala yun. nung highschool ka ayaw mo mag CAT kala mo naman pedeng walang ganun buti nalang at napilit ka ng mga kaibigan mo na kahit papano pumasok. naalala ko padin bago ka mag college sabi nanay sayo “o wag ka garu garu don baka mabagsak mo computer mahal yun” haha hinding hindi ko makalimutan yun at natatawa ako pag naalala ko! eh napakalikot mo kase kaya ayun kahit mag ka college kana pinapaalalahanan kapa. sabagay mahal nga yun, hindi pa nga natin kilala nun ang computer basta ang alam natin “yung computer kayang sagutin lahat ng tanong” ganun kagilas sa isip natin ang tragis na computer!
pero habang college ka 3rd year high school naman ako nun at nun natin naranasan na mabuhay ng tayo tayo lang at walang magulang sa bahay dahil pareho na silang nasa abroad. nahirapan ako.. alam mo ba na sayo lang ako kumakapit nun.. kahit wala magulang natin may natatawag padin akong kuya. at isang malaking bahagi yun ng pagbuo ng sarili ko. alam ko na kahit ano mangyari nandun ka para sa akin. kaya nga computer course nadin kinuha ko dahil ikaw ang idol ko. naalala mo ba isinama mo pa ako malapit sa school nyo para lang mag rent ng computer at makagamit ako ng colored monitor dahil sa school namin black and white. tuwang tuwa ako sa colored nun. kahit ba windows 3.11 palang ang gamit natin. nung binigyan tayo nanay pambili ng computer ikaw nga yung pumunta sa manila at ang ganda windows95 na! tapos pag na ba virus ko dahil kung ano anong disket ang inilalagay ikaw din ang taga linis wala pa naman ako alam nun syempre ikaw magaling sa computer.
ilan lang yang mga binanggit ko sa sobrang daming pangyayari na pinagdaanan natin mula pa noong pagkabata. basta ang alam ko ikaw lang ang nag iisa kong kuya at kahit hindi mo man sinasabi, ramdam ko ang pagpapahalaga at pag iingat mo sakin mula noon hanggang ngayon. kaya kuya! salamat sa lahat.. palagi akong proud sa ‘yo!
taragis! ganda pa ng pangalan mo..
Bryan Talampas
Update: its a boy!
Name: Emmanuel Angelo I. Talampas
Born : April 28, 2009 ; 11:37pm
bons
**
I’ve learned…
that family and friends are what make
us who we are today, and without them
we would never be complete.
minsan April 18, 2009
Posted by bonistation in english mode.Tags: happiness, imperfection
42 comments
naagaw lang ang pansin ko ng isang contact list sa ym, napagisip tuloy ako ng simpleng ym-status na ‘to..

ordinaryo, halos lahat nga tayo alam natin yan, pero minsan pala sa mga panahong wala kang magawa at malaya ang isip mo sa pagmumuni muni, dun mo mas mabibigyan ng halaga at pagkakataon ang mga simpleng aral ng buhay..
..imperfection is hapiness.
bons
now boarding! April 17, 2009
Posted by bonistation in kwentong kuneho.23 comments
hindi ko alam kung pano uli sisimulan ang bagong entry ko. tagal kong nawala dito pero sabi ko nga hinding hindi ko bibitawan ang istasyong ito. hehe. back to normal. nandito na uli ako sa saudi. tuloy ang pakikibaka ng kuneho sa lupain ng mga kamel. taragis!
ang sarap talagang magbakasyon sa pilipinas, kakaiba ang pakiramdam paglapag palang ng eroplano at makita mo sa bintana ang mga bubong ng mga bahay na malapit sa airport parang ang sarap lumundag ng immigration at makalabas kana agad sa naia. adik na yata ako sa feeling nag pag -uwi.. (hmn umuwi nalang kaya ako?) haha. tulad ng inaasahan na surpresa ang aking nanay sa biglaang pagsulpot ko sa bahay! walang nasabi habang yakap ko kundi “ang daya mo” kasi hindi nya talaga ineexpect nuong hapon na yun na makikita na nya ng live ang anak nyang artista bunso (nyaaa!). ^^
walang kasing saya ang feeling! masarap ang nasa sarili mong bahay, nasa sariling bansa. sa araw araw na pag gising na eexcite ako. parang yung pakiramdam na bumalik ako sa pagkabata at naranasan uli yung pag aalaga ng nanay ko.. kakaiba talaga ang feeling pag nandyan sila sa tabi mo, yung sila ang maghahanda ng pagkain dagdag pa don ang sobrang sulit na mga kwentuan habang kumakain. sarap talaga ng may inuuwian.
kasama din ang mga kaibigan at tropa na may pasalubong o wala ramdam mo yung excitement sa kanila sa pagwelcome sayo. masasabi kong mga pang habang buhay na fans haha na naniniwala at sumusuporta sakin. mahal ko kayong lahat. sabay kaway at may showbiz na ngiti. syempre naman hindi ko rin palalagpasin ang pagkakataon na pasalamatan ang nagmamayari ng puso ni bons. you are everything i never knew i wanted. mahal na mahal po kita.
**
salamat din sa mga nag nag greet nung birthday ko. pwede pang humabol. in kind or in cash (via paypal) haha. ilan sa mga naresiv kong email greeting ay may mga attachment na ganito: (more…)
under new management March 23, 2009
Posted by bonistation in drama rama.27 comments
napadalaw lang po sabay sabing may bagong nag mamayari sa bonistation hehe. sa puso pala ni bons ^^. salamat po sa lahat ng mga dumadalaw dito. babalik po ako sa pag ba blog pagkatapos ng aking bakasyon (dito sa pilipinas). (more…)
tag-leave- February 16, 2009
Posted by bonistation in kwentong kuneho.55 comments
og.
napakadaming TAG sa paligid ngayon,. at halos lahat yata gumawa ng ganito. sasagutin ko na habang nandito pako sa saudi at ilang araw nalang naman na kasi uuwi nako para magbakasyon. ako naman!. its my time to shine. lumipas ang pasko at bagong taon ng wala ako sa bahay namin kaya pagdating ko medyo magpapasko kami hehe ^^ (post-christmas) at syempre new year kaya pag uwi ko makakapagpaputok nadin(hmm for new year celebration yun ha)
1. nung bata pa ako public school ako nag aaral at tuwing hapon eh nag gagarden kami at kung saan saang kalye sa paligid ng school kami nakakrating nga mga kaklase ko para lang mag igib dala dala ang dalawang galon magkabilang kamay. ang hirap ng buhay nun., madalang ang working na poso(water pump) sa loob ng school kaya kailagan pa namin lumabas para may pang dilig lang sa halaman.hays..
2. grade 4 ako ng una kong magustuhang manood ng wrestling. sarap pagkwentuhan nun pag umaga sa school kaya minsan nasasama ako sa listahan ng noisy. sikat na sikat sila hulk hogan, jake the snake,ultimate warrior at iba pa, may mga laruan din akong ganun. at nalaro ko din sa familycomputer. same grade din ng mag ka crush ako sa classmate ko na maganda. ^^ pero hindi kona alam asan sya ngayun. baka nag japan na haha.
3. naging boyscout of the year ako nung 1992(grade 5). sumama kase ako sa camping yun lang yon. automatic pag kasama ka sa camping sa recognition may award ka.^^ naalala ko nung recognition kakagaling ko lang sa lagnat nun medyo nanlalata pako pero kailangan kong umattend kase syempre may medal ako at kailangan may picture ^^. (bago din ang rubber shoes ko nun-kulay blue)
4. 2 years akong naging class president nung highschool hehe(2nd and 3rd year). nung 4th year ayoko na.kaya umabsent ako nung election day. kaso ayaw padin pumayag mga ka klase ko kaya kahit wala ako na elect padin at inaproved naman ng teacher (tsk! taragis) wala na talaga akong magawa pag pasok ko kinabukasan class president na naman ako. haysst!
5. colorblind ako pero i can distinguish basic colors. ^^ nalaman ko lang yan after kong mag pa medical, requirements for abroad. in-born defects pala yung sakin. bagsak ako sa ishihara test. out of 15 plates 5 lang nasagot ko hehe.
6. sa kumbento ang tambayan namin ng mga kababata ko. dahil sakristan eh mga goodboy kami^^. nakakamis din ang mga kakulitan kasama nadun ang pagkain namin ng dangkal dangkal na oscha at paginom ng mompo.
7. nung december 2005 muntik nakong magpasko sa hospital kasi na confine ako dahil sa dengue.^^ december23 na discharge nako.yun ang kauna unahang ospital ko at unang pagkakataon din na tumanggap ako ng mga karayom sa katawan. ^^ may isang gamot na sa tyan ko itinusok malapit sa pusod awwts!
8. sa lahat ng gulay hangga’t maari di ako kakain ng talong. sagot? wala lang, ayoko lang wala naman kasing lasa. at wala daw vitamins? diko sure. pero yaan mona. ^^ pero isa sa gusto ko ay gatas ng kalabaw ilalagay sa kanin tapos ang ulam ay pritong tuyo. nung bata ako yan ang favorite ko.
9. may time na nalasing ako at parang masusuka na dahil sa isang boteng san mig light. weird diko din maipaliwanag sarili ko nun kung bakit nangyari un! todo kantyaw tuloy ang inabot ko. kesa masuka ako edi tigil nalang muna.
10. airforce reserved ako.^^ nung college ang rotc training na kinuha ko (military science) ay hosted ng philippine airforce.
sa mga sinabi ko, lahat totoo. walang kwentong barbero.. sabi nga pala kasi ni BRO bawal magsinungaling.^^
bons
tagay na January 25, 2009
Posted by bonistation in kwentong kuneho.Tags: diskarte, lasing, tagay
53 comments
iba ang wisyo pag nasa inuman, nakakalakas ng loob, ramdam mo ang kakapalan ng mukha (nakakamanhid). ilang beses nadin ba akong nakabasag ng baso dahil sa hindi kona ito mahawakan ng mabuti at palaging dumudulas sa kamay ko isama mo pa dyan ang pag bangga sa pader kung tatayo ka at maglalakad pupunta sa CR para umihi. (taragis! wag kase kayung magulo, lasing ako!)
kung lasing ka nga malakas ang loob mo, pero hindi pwedeng sabihing hindi mo alam ang ginagawa mo. ang masarap lang don out of control ka at kung may kasama kang chicks, patay na! ^^. [period haha, ayokong mag kwento pagod ako.]
pero isa na yata sa pinakamagandang natutunan ko sa kwentuhang lasing ay ang mga salitaang “walang tama o maling desisyon, nasa diskarte at paninindigan lang yan.” naisip ko nga ang mga pagkakataong nagkakamali ako sa buhay at gaano karami ko nadin bang nasabing ok lang ‘yan, walang mali. diskartehan mo nalang. may mga pangyayari talaga na kailangan din nating magkamali dahil dun tayo natututo at mas nakakakakuha ng malaking experience o lesson. duon mas lumalakas ang loob natin. sa inuman ko din natutunan ang ilang bahagi ng respeto at pakikinig sa iba. maraming epal sa inuman, lahat gustong maging bida, sikat at magyabang. hayaan mo lang sila. minsan nga dun pa sa taong hindi mo inaasahan manggagaling ang kakaibang kwento ng isang kakaibang buhay. may ibang lasing na mas sincere pa kaysa sa taong hindi naka inom.
kung may mabuti man sigurong naidudulot ang pag upo sa isang inuman ay ito yung pagkakaroon mo ng pagkakataon na masabi ang mga salita at kwentong hindi karaniwang nagpaguusapan sa isang normal na kwentuhan. malaya kang makapagbibigay ng mga naiisip at mga gusto mong ikomento, maingay, magulo, malakas talo talo. may mga pagkakataong hindi magkakaintindihan at magkakainitan pero normal at nandyan pa rin naman yung iba para umawat.
simple lang naman ang buhay; masaya, malungkot, may pagkakamali, may naitatama. wala namang nagsabi na kailangan ng perfect straight life para maging kumpleto at makabuluhan. basta ang mahalaga nandyan sa paligid mo ang mga taong nagmamahal .. sila yung hindi ka iiwan kahit sa ano pang laban; pamilya, kaibigan na subok na sa panahon at di mapapapantayan ang katatagan at suporta .
saktong isang buwan mula ngayon uuwi nako. malapit na ule! tagay na!
Bons
***
ilang beses ko rin bang kinanta ng paulit ulit sa videoke ang ‘and i give up forever to touch you, cause i know that you feel me somehow’ haha. naalala ko lang at natatawa padin ako hanggang ngayon at kung mababasa to ng mga kainuman ko nung mga panahon na ‘yon siguradong sila din ay tatawa sa pag alala sa kakulitan ko.







