sino si bon?

Eto napilitan tuloy ayusin ang blog dahil sabi ni master ooqay ok daw ang blog, sabi ko sige lang pag maluwag na ang time at hide na toxic! (ahaha pra namang palagi akong busy)

sabi ko nga hintayin nyo blog ko paglabas nito…

luluhod ang mga tala, mabubuntis ang mga bakla!

haha taragis! anu ba yun! wag na dadami pa sila! diko pa naayos ang blog na to, pasimula palang eh wala pa kasi akong maisip na design, gusto ko design muna para naman sipagin akong mag post (kung may ma ipopost man) weh! siguro magdadasal din ako parang si jorge para magkaroon ng liwanag sa utak ko..  anu yun parang signs!? haha natawa nga ako nung binasa ko yung blog nya parang may divine intervention sa pag gawa nya ng blog, pero somehow nakakatuwa ibig sabihin lang nun kahit anong ginagawa natin andyan padin talaga si Lord.

Lord email kita mamaya ha, dami ako bagong request!  ahihih ^^

masyadong mabilis ang panahon, kakaiba na talaga. lahat yata ngayon nababasa nalang sa computer! akalain mo aabot pala tayo sitwasyong ganito na ang tsismisan ay nasa internet na! haha! na pede mong ipabasa sa buong mundo ang gusto mong sabihin (weh! bahala kayo umintindi ng tagalog!) bakit nga kaya di mauso ang licensure exam para sa Tagalog no? (parang IELTS tsk! kamahal pala ng exam na yun) naalala ko tuloy ang tanong ni Issam, “ang tagalog ba language or dialect?” dami ko napagtanungan dyan pero magulo padin ang mga sagot! kayo ano sa tingin nyo??

may isa pang tanong na hindi rin maipaliwanag ng mga duktor kahit dito sa ospital namin sa saudi. si aylin kase kakulet! “eh ano daw ba ingles sa pasma!?” haha ano nga ba?! eto sabi ng mga medical team wala daw kasi nga hindi recognize ang pasma sa pilipino lang para meron nun hehe pero nagresearch padin ako, nagtanong tanong kase unfair naman kung pilipino na naman me ksalanan kung bakit may pasma! ayooOn ang sabe ni Khris (nga pala isang taon nalang duktor na sya yihaaaa) ang sabe nya sa chineese din daw un parang imbalance of yin and yang! weh!! *&%%^!!$%#!!*&**!!! taragis na mga intsek nayan eh pati itlog ngayon may issue! yung nga milk sabe padin ng isang kakilala ko eto doc padin to (hi doc hehe, mamatay na magkagusto sayu sabe mo! wahaah)kung alam mong may melamine wag mo itapon sayang naman! wag mo din inumin loko masama nga! pero pede mo daw ipanghilamos! yiiiihh! ayos! “if symptoms persist! consult your doctor!”

sa ngayon wala pa muna kakaiba dito sa blog, wala pa muna kwento bukod dun sa mga naunang post naku putek tagal na nun! nung mga time na ang drama pa ng buhay, ganun talaga! sabi nga diba

Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya

haha woy! nasabe ko lang pero sa ngayon walang ibang ibig sabihin to! pooott pooottt!

Kagaleng talaga ni BOB ONG, nakakatuwa sya  na nakakabwiset eh kase totoo ung mga sinasabe nya haha inis! oyyy! Bob ONg bitter ka no? pero until now ba talaga wala pang identity ?? sabi ni Nice eh! (woyy graduate sya ng UP!)  tapos sabi nya nung nasa UP pa sya suspetsa nila isa lang sa mga pagala galang professor si bob ong dun! hmmm.. pero sabi din nila sabi daw ni Bob ONg taga Ateneo sya! (ka susyal naman ni Bob Ong!) atenista kolokoy haha! wala nakong iba pang alam tungkol kay Bob Ong bukod sa sabi ni Basti minsan “ayy eh bading yang si Bob Ong” ahahah! witwit!!!

Magulo pa talaga ‘tong blog, pasensya na medyo ang daldal kona! wala kase ako magawa dito, wahaha naka duty pala ako now sa work nakalimutan ko! Oops! work mode muna….

(after 39minutes)

woy eto ule! kala mo naman totoong may 39minutes waiting time haHA! KUNYARE lang yan! Malapit nadin naman matapos ang duty ko (5:35ng hapon dito KSA time. Oct31,2008) whohoo Halloween na pala! namiss ko din yung sabe ni Sir Adz, yung nakawan ng kandila sa undas!  tapos sa gabi mag gawa ng maliit na kalan gamit ang maliit na bato tapos tansan sa ibabaw then lagay mo ung kandila lusawin tapos ilang sandali pa ihian nyo! “kaboom”  lakas ng sabog nun! bakit nga kaya no? anong meron sa kandila sa ihi haha! for boys lang yung katuwaang yun para sa mga bata di pedeng sumali ang babae haha pano nila iihian yun!? tapos sa gabi ♫♪kaluluwa’y dumarasal sa tapat nd durungawan♫ parte parte ng kikitain, eh kung sino naman ung bahay na magbibigay sa lugar nyo halos lahat ng mangangaluwang bata dun ang punta! pero ngayun susyal naden eto na “Treaaatttt or triccckkkk!?” pang mayaman hahaha!!!

Gustong gusto ko ang Halloween at Undas! haha sayang wala ako sa pinas now! huhu! oks lang next year andun ako for sure! hehe. Midnight Madness Sale dameng tao sa mall grabe parang ang dami ding alikabok nun tapos kadumi ng mall. dagsa, tapos kinabuksan naman daming tao sementeryo!! kasaya!! nakakamiss makikita mo mga ka klase mo nung elementary, high school, ung iba gumanda!! dimo akalaing gaganda sila ng ganun edi kung alam mo lang na ganun sana niligawan mona dati pa. pero yung iba awww!! maganda dati bakit ngayun ganun na hitsura… hahah eto na naman si bob ong , oo nga tama pala sya sabi nya din :

“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo,lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka”

O maniwala daw tayo! haha! weh! taragis, kahit mukha payang pandesal sige mamahalin kita!  ayaw mo nun lamang tyan padin kse yun!

Sa november 30 naman birthday na ni Andress BOni! haha eto nga pala yung BLOG Name ko BONI STATION! hehe naalala ko

ang MRT BONI STATION! ang BONI AV at ang Fort Boni. yihhaaa!


Woy! IAMPINOY support natin yan mga t-shirt mabibili a Penshoppe at Bench, proceeds will go to childrens hour foundation! -IAMPINOY, IAMNINOY.

ok balik dun sa kay Bonifacio.

Maagang paglilinaw, hindi ko po birthday sa Nov30. Uu Bonifacio name ko pero hindi talaga eh, sorry sa mga nag eexpect ha (ahahah may ganun pa talaga!). Halos taon taon kase may bumabati sakin ng Happy Birthday pag Nov30. Bakit naaalala nila ako pag ganun! hehe! anyway salamat padin. Ngayon ang babati saken sa Nov30.. promise magsasara ang puwet!! haha joke Peace!!!

Sige yan lang muna! kadaldal ko oo!! taragis naubos oras ko ah alas sais na pala!!!  isang oras nalang uwian na!!

Next time ule

 

***Opps nakalimutan ko eto pala yung sagot SINO si BON? (AHAHAH muntik pa makalamutan,taragis talaga) ako po si Bonifacio Francisco Talampas, Jr. whew! kahaba talaga! nung kinder ako kahirap isulat nyan!! pero oks lang! ILOVEIT! ILOVE MY DAD!

24 Responses to sino si bon?

  1. ♥just me♥ says:

    ..Hahaha..uy sir JP,nagenjoy ako dito ha! Sino nga ba si sir BON, yeah,..hindi ko makakalimutan name na yan,.. remember sa ABE, may proff/teacher evaluation yata un,.. eh andun yung name mo ~BONIFACIO TALAMPAS JR~ sa buong klase, ask ko ng malakas “eh sino ba tong bonifacio talampas Jr.???!!!” tawanan lahat sila,.. ikaw daw yun,.. yung asa comp. lab… (noon yun) eh kase ang alam ko lang sau nun yung cute na sir sa com.lab na minsan ngingiti ngiti, minsan suplado… minsan patingin tingin,.. ahahah!

    …Now iba na,,.. para po sa makakabasa ng blog na ito at mga previous blogs ni sir Jp..(skanya nyu na itanung y JP) ehem..term of endearment yan.. charring… di ba, sa blogs palang malalaman na nyu kung sinu si sir,.. ahahah…..

    masyado ng given pag inisa isa ko p ang lovable qualities nyan.. hahaha… bka hindi na “can i be with you tonight?” nalng ang maging comment…baka maging “can i be with u 4ever?” na yun! wooooh…!!

    (selosa koooo) peace… ahahaha……

    huy sir jp, alam ko yung sa kandila na yun ha, pero hindi yata wiweee nilalagay namin dun dati??? hmm..ahahaha…

    sigurado ka ha kahit pandesal ok lang ha? ahahaha…

    ang saya-saya nitong blog mo….

    hehehe…

    saka hindi na kandila ninabakaw ngayun sa sementeryo, pati flowers na rin, boste, rehas, lona..ahahaha…

    ““““Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya”
    haha woy! nasabe ko lang pero sa ngayon walang ibang ibig sabihin to! pooott pooottt!““`

    owwwssss,,totoooooo??? ahahaha..

    standing ovation para sayo sir.. hehehe…….. ♫♥♥


    Bons: woy salamat po sa comment! natawa ako sa kalahati palang ng binabasa ko tawa nako! masyadong bola din naman tong si just me! nun pala DYUSME!!

    haha anyway salamats po! yung JP po na sinasabe nya eh “Junior Pogi” haha YUN NGA BA YUN?

    awww!~ tapos yung issue naman na “i can be with you tonight” meron kasing isang nag photo comment saken ganyan ang sabe! TARAGIS! ok na sana eh! nung pinuntahan ko ang profile tangna lalake den! sabe ko ok lang ang pandesal.. pandemonay pede din basta lamang tyan pero wag naman ang footlong! hahahah!

    pede din naman tubig dun sa kandila na yon kaso mas exciting kasi sa mga bata ang pag ihi, naisip ko nga din ngayon ko kaya gawin yun? mas malaking pagsabog siguro ang magaganap! awww!! astig yun! bwahaha! biro lang dapat behave tayo may mga batang mambabasa! (eg.master ooqay) weh! kala mo naman inosente yan haha mas marami pang alam saken si jorge

    oopss teka nga akala ko na naman sumususlat ako ng blogs, reply lang pala sa comment to umaarya na naman kalikutan ko s akeyboard. stop kona bago pa makabuo ng isa pang kalokohan sa pagsusulat kadaldal na naman kase ng mga kamay ko at takataktakatak na naman tong hp keyboard nato (shhh! nasa office ako hehe)

    sge po salamat sa comment

  2. rachee says:

    ang daldal mo pala bonn… hihihi pero ganda ng blog post mo ha :) enjoy basahin… i’m sure makakahanap ka ng magandang design for your blog galing mo kayang gumawa ng designs… at naging inspiration mo pa si jorge para maupdate mo ang blog mo ha :)
    diba ang tagalog ay language? then ilocano or bicolano ay dialect?
    yung english daw ng pasma e depende sa tinutukoy… spasm, hand tremors, hand tremors, karpal tunnel syndrome, unexplained muscle ailments… hmmm… ano nga ba? :)
    kakatuwa ka ha.. tignan mo nga naman sa sobrang kagwapuhan e pati kapwa lalaki nagkakagusto ; naks… hehehe


    Bons: madaldal lang pag sinisipag pero tamad ako most of the time ahihi ^^ salamat sa pagbisita dito! talagang explain mo ung pasma ha pero gusto ko yung unang meaning “SPASM” ahehe kasi isinagot ko din yan! toinks! rachee thanks! regards sa family!

  3. ♥just me♥ says:

    sagutan potion: (bow)ahahahaha….

    ….wuuuu, di bola yun noh! ahahahah……ayaw pa kase sabihin ang meaning ng term of endearment ko sakanya….hahahah,,..di namn yun yung JP weh! heheheh,.. nililigaw pa ang mga readers! hahahhahaha…

    hahaha..hala naisip pang subukan ngayun ang wiwee ha, sige sangkatutak na footlong ang hahabol sayo.. ahahahah! at dika na kayang iligtas ng mataray na (selosa ako!) thing ko,.. wahahaha..

    buti nalng di pako inaaway nun baklush na yun no sir..,, sagot mo ko pag tinarayan ako nun. hahahahaha…..

    ehem..pilyo side ni sir tong blog nato..

    forget ko lang din po inote sa taas na, kahit si sir most of the time pag ala sa mood eh suplado..

    sweet yan..super! hehehe..

    at kakilig ever lalo pag naka yellow..

    hehehehe……

    (sasabihin nanamn bola)

    =)

    don’t forget my leche flan request next year sir JP.. hihihi..

    mwuah. . .


    Bons: etong si just me kung makikita nyu po talaga sya sa picture maiinlove talaga kayo, pano pa sa personal laglag nga ano ko dito weh! .. laglag puso ko ^^.

  4. Master Ooqay (Jorge) says:

    Wow!! Ayos! Welcome back in blogsphere parekoi! Naks, ang lakas ko talga sayo. Kakatuwa na ang editor in chief namin eh nagbabalik sa pagsusulat!! Astig!!
    Nde muna ako magcocomment sa mahabang post mo ha, nde ko pa natatapos basahin eh, gusto ko lang i-welcome (back) ka muna. You know nmn, its weekend, medyo ngarag pa ng konti, toinks! hehehe..

    At talgang mabubuntis ang mga bakla!! Eto na ang himala!! Toinks!!


    Bons: natakot naman ako sa EIC term mo. dati pa yun. eto kasing si jorge kakulet sa blog! blog blog blog! araw araw blog! pati sa status blog ayan nagising tuloy ang natutulog kong dugo! uurrghh! krakk krakk!!
    rock on!

  5. leojqm says:

    this one’s really cool. samut- sari yet very sensible and entertaining. sino nga ba si Bon? this article is distinctly BON. still, got another word for you Bon, isa kang HENYO sa makabagong panahon hehehe. Astig!


    Bons: salamat kumpareng joel! nakakatuwa naman henyo ng makabagong panahon! toinks! mabuhay ang lahing pilipino! haha!

  6. marius0780 says:

    ayan napagaya ako sa inio.. meron na din ako blog.. astig ang blog mo.. kabongga!! kakulet mo sa keyboard.. kaya pala gasgas na yan mga keys sa laptop mo.. nice.. love it..

    Bons: salamat nako etong si basti bihira yan mag compliment kaya samantalahin kona! putek ung keyboard ko gasgas na nga yaan mo minsan pag gising mo bakbak na keyboard ng laptop mo at naipalit kona dito sa aken! bwahaha!

  7. azilair says:

    si bon? simpleng tao pero rock, looking mabait pero loko… wahahaha… juk lang … astig ang dating kaya madami bading… before love nya mga sentimental music.. ung tipong halos mapapatanga ka sa kahihintay sa next na linya nung kanta… pero mukhnag ngaun rakerista na… keep up my prend… YOU ROCK MY WORLD….!!


    Bons: awww! taragis talaga buhay oo, pag ganito mga comment ay may nabubuhay saken! kumikibot kibot.. ang ugat sa daliri ko para magreply sa comment no ba kayo! tara i rock ko mundo mo kaya mo ba sing tigas ng bato!? ^^

  8. aileen says:

    wow nman..featured ako s blog mo..hahhahah..d ko alam n napraning kita s pag iisip ng english ng pasma..hahaha..

    si bon.. kakaibang nilalang.. basta ang alam ko isa to s mga Pinaka masarap n kausap n tao s buong mundo..kaya kung friend k nya swerte mo! nakksss!

    Bons: wahhhapaaak!! tumbling ako sa tuwa nung nabasa ko to wah! nakakataba naman ng puso na malaman na ganito pala ako! na isa sa buong mundo! after rocking someone’s world! eto naman kakaiba ang entry
    “pinaka masarap n kausap n tao s buong mundo . salamat sa inyo, tangna mga kaibigan ko nga kayo!! ahaha

  9. nice says:

    sir bons! nyahaha! though, i still didn’t meet you personally, i presume ur a senseful person. haha. maloko lang talaga.. (lalo na dun sa nangyari sa videocam, haha!) toinks. nakakatuwa sya nung time na sobrang down ako (sobrang sad dahil brokenhearted ako. darn!), naka-chat ko ito. toinks. aba, sa lahat ng mga taong nakausap ko that day, alang nakapagpangiti sakin pero bilib ka dito, napatawa nya ako sa mga corny jokes and punchlines nya. toinks. kasi naman ginagaya nya yung mga emoticons.. bagay nya ito –> :D nyahahaha!

    hmm.. sabi nila dito sa AU, gwapong-gwapo ka daw?! nyahaha. pwede gwapo lang? OA pag gwapong-gwapo eh.. di kapani-paniwala. haha. joke. tapos mabait ka daw? hmm.. maybe.. pero sutil yatang tao ito eh. toinks.

    anyways, yeah boy! im included in ur blog post. hehe. ginawa mo pa akong reference. haha.

    as for the question if tagalog is a dialect or a language.. tagalog is a dialect, filipino is the language.. haha. marami talaga tayong misinterpretations tungkol sa dalawang ito. hekhek.

    btw, i hope i can meet you one of these coming days.. haha. pero i doubt. i’ll be leaving the academe soon.. hahay. :(

    take care there at mag-umpisa ka nang maghanap ng gf. matanda ka na uy!


    Bons: ahaha talagang sinabi ang nangyari sa webcam, ganito po kasi ang nangyari dun, umaga nagising ako at syempre adik nga binuksan ko ang laptop at nag connect sa internet dahil makikinig ako ng radio streaming, at pagkalog ko sa yahoo messenger diko kasi maintindihan taragis na YM ko bakit ang naka default sa view my webcam is “allow everyone”. ayun na click ko pala ang webcam so running sya ng hindi ko napansin.. eh nung time na yun gumagayak ako ayannn na! etong si nice nag view ng walang pakundangan toinks! ayun nangyari ang di inaaasahan na hagingan ko ang webcamera,conservative pala itong dalaga natin, naka jeans naman po ako at wala lang shirt. -isang paglilinaw.

    Salamat sa Language at Dialect! siguro mapapaniwalaan ko yan kasi sabi ko nga sayu UP ako by heart (naks!) kung ang LaSalle ay Green magsuot kau ng green, and Ateneo ay Blue sige lang blue damit nyo, pero ang UP sa karanganlan ng Oblation yiippeee walang bra’t pantiiiiii!!! woyyy joke lang po alam ko namang maroon ang UP.

    OA naman talaga pag gwapong gwapo, pano nalang yung iba magtira naman tayo sa kanila at baka ma salvage ako nyan, sutil ako sa AU kasi naman spoiled ako sa Manager ko dyan at sa COO ahaha (pati sila idinawit dito)

    Oyy advertisement na ba to ng paghahanap ng Gf?! hmmm

    ayy kahaba ng reply ko, ate artista kaba? sige mag chat nalang tayo para sa iba pang detalye. Salamat dito ha! ^^

  10. ♥just me♥ says:

    sir JP..kung puso mo talaga yung malalaglag…

    …….

    sige sasaluhin ko! (with all my heart yan……) hehehe(boleeeerrrrooooo. . . woooooooooohhhhh)



    Bons: eto o ♥

  11. prettybaby says:

    hi bonifacio!, hehehe tagal mo na singil ‘to sensya na sa kaabalahan ko.alm mo naman! dami mo n comment dko na lam sasabihin ko..at dami ko na din pala missed na i-message sau, dami na kasi blog.everyday ata meron! anyway kapag dko mabasa sa office blog mo piniprint ko nlang at sa bed ko nalng bsa, hirap kasi adjust pko dito.lagi bagsak sa bed pag uwi.pero naaaliw ako sa blog mo para ka lang kaharap na nagkwekwento…hmmm good writer ha..pwde!

    i use to call him bonifacio, mag pinsan kasi pangalan namin…masasabi ko na nakakaaliw talaga sya, corny man pero nadadala naman ng pagka good looking nya! yay! palakpak tenga! makulit talaga at sikat sa AU hihihihihi ewan ko nga ba siguro dahil nun time na yun nag iisa lang sya na IT dun hahhahhaa. dko makakalimutan yun salagubang ba dinala nya sa classroom, at parang kinder na nakikipag harutan…masipag at matalino talaga..taga pag paalala kung san kami mag ro-room nuon classmate pa kami..at sya ang friendly ghost ko…

    bons sory dko na nasagot iba pa, halos lahat may sagot na sa mga kakaiba mong tanong! matalino ka talaga hehehehe..

    peace!


    Bons: haha bukuhan session na naman ‘to. sinasabi ko na nga ba walang maidudulot na maganda ang pag ba blog. taragis! pati ang salagubang naalala pa hehe. matatawa kayo kasi yung harutan na ‘yon hindi nangyari nung bata pa kami o elementary.. nangyari po yun nung magkaklase na kami sa masters! toinks!

  12. Joanne says:

    Boni…tsk, tsk. Astig ka na talaga ngaun. He, he. Dati nung HS kame, he’s mr. goody-goody guy…Ngaun naman, puro kalokohan. He never got in trouble noon, laging tama ang ginagawa…kala nga namin magpapari ito, eh. Anyways, pogi talaga yan, dami nga nagkakagusto jan dati, eh. I still remember SOME of them…Naks naman! Ang dami ata nun, ah.

    Anyways, mr. suplado, kita kita na lang tau sa pnas nxt yr. Kakabalik ko lang pala d2 sa US 2 wks ago, 1 yr ako sa pnas…tlagang sinagad ang bakasyon, noh.

    Bons: salamat po, nagbalik tanaw tuloy ako sa highschool life. noon yon. at akala mo lang goody goody. ^^ namiss ko na kayong lahat.

  13. Joanne says:

    Ows?!!! Eh para ngang nalimutan mo na kami. (He, he…magmuryut ba). Anyways, kelan ka ba talaga magseset ng HS reunion natin? Kapag uugud-ugud na tau? Hay naku! kung alam ko lang na wala kang kwentang magset ng reunion…di na sana kita ibinotong Class president nuon!…..Joke lang po, im just kiddin’.

    Ako din, miss ko na ang HS, I mean schools there sa Pnas in general…dito kz sa states di ko type, iba talaga saten.

    O sya, basta inform mo kami lahat kapag nagset ka na para makauwi. Maybe in the next 5 years, good na yon. Nga pala, i’ve got news 2 share…I’m pregnant! He, he. Kaya siguro medyo cranky ako…

    Ok, take care na lang.

  14. this is a very interesting blog! count me in as one of your additional regular visitors! ok ang mga posts mo dito boni! i included you in my blogroll…

  15. raquel says:

    pambihira k sir nung nsa ABE p tyo medyo kalog k lng pro ngaun sumobra n pagiging kalog ah? pro thanks s kwentong kuneho mo ntawa ako sobra muntik nko mapaanak ng di oras hahaha…

  16. hello po!

    natutuwa ako sayo kasi ang daldal mo nga pala ;)

    madaldal na may sense !

    add po kita sa blogroll ko ;)


    bons: haha sige po! salamat! eto yata ang unang unang post ko nun hindi pako sanay dito^^

  17. uu, ang daldal mo pala,
    pra sa pag babasa ko nagtalumpati
    ka ng mahigit sa dalawang oras.
    hehehe.

    dami mong kwento at
    hindi ako magdadalawang isip na
    makinig sau.

    apir!
    ei, maraming salamat sa pag
    bisita sa aking bahay.. ha?
    apir!
    punta ka don palge kasi
    libre meryenda. hehehe.apir!

    bons: salamat! nahalungkat mo pa talaga to hehe! nung ginawa ko to hndi pako sanay magsulat hanggang ngayon hindi parin wahahah! sige apir nalang!

  18. Prinsesa ng Drama says:

    nakakaaliw ‘tong blog mo. hehe.
    ayos to! keep blogging. =P

  19. boypulubi says:

    Ang daming laman ng “sino si bon” nito. Pero may natutunan din naman ako tungkol sa iyo. Kaya kung may eksaminasyon tungkol dito. Mayroon na akong isasagot.

    “Maghugas ng kamay bago kumain.” Tama ba ito bons?

    Nagpaparamdam lang Kabayan.

  20. pinkdiaries says:

    sinu nga ba si BON?!

    hhmm, napadaan lang..

    at pag balik ko, bonggang bongga ang kasagutan ko!

    8.. ^^

  21. adeairam says:

    ganda ng blog bOni. :D

  22. topexpress says:

    sino si bon? sus! dali sagutin… bespren ni topher! ahahahah at prinsipe ni lhen. oohaaa?! tama ba pareng bon? eh un eh kung aayon ka lang naman… pwede din naman na hindi. aheheheh

    kiddin aside, kahit sino pa si bon, im glad that nakilala kita sa paraang pinakilala mo sarili mo sa akin. MAKULET, PANG MASA at KWELA! san ka pa! eh di sa BONI station na!

    trivia: nung college ako jan ako nagtira sa bhaus sa boni. ahehehehe un lang!

  23. joanne manliclic says:

    haha, nakita lang kita kay arnie sebastian..naks..nice blog ha? mala Bob Ong jr.

    Pagpalain. Kudos! Ipalaganap ang pwersa ng mga salita… (ngisi)

  24. eda says:

    naamaze naman ako, nagkikita kita pala ang mga bloggers.
    i was in balanga too, that friday morning :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: