email ko kay lord

Dear Lord,

kamusta na!! sensya na paputol putol ang connection dito sa bahay! kaya now kolang nagawa tong email ko sayo, alam ko na hinihintay mo din naman to, kahirap naman kase ng connection, tsk! taragis mahirap kase ang nenoks lang ang wifi.

woy!! lord bago ang lahat eh salamat sa blessings! kadami mo nadeng naibigay oo, eh lahat appreciated naman yon kahit diko sinasabe sayo! YOU ROCK! 101.9 (alam mo na yuuun!).

pero totoo bang may intervention ka dun sa blog ni jorge? design mo daw yung header nya eh! haha anyway natanong ko lang naman kase sumingit na naman sa isip ko ^^ toinks!

Tagal nadin di ako nakakasimba ng live pero pede naman yung ONLINE dba!? minsan nga muntik pa kami magkasabay ni basti tanong ko magsisimba ba sya, oo daw, “eh kaw ba!?”  oo start naba?! tapos nung nag stream kami halos kalahati na yung mass sa hayag.com eh tapos nadin ang homily kaya napagdesisyunang sa 2nd mass nalang kami ahihihi^^

bakit nga ba ganun mga pari, lord pag sila late hinihintay namin! pero bakit pag kami late hindi sila naghihintay, weh! kadaya! unfair yun!

tsaka minsan nakakabato din naman lord, talaga bang ganun sa buong taon uulitin lang talaga yung mga binabasa sa misa?!  hehe ^^ nagtatanong lang naman at wag mo naman masyadong seryosohin. naisip ko minsan kung nandito ka kaya sa present time tapos ang porma mo eh  jeans tapos naka semi fit ng shirt astig nun! yeeeeihhh! hearthrob ka siguro, taob mo pati si John Lloyd o kaya si John Pratts! (JP)^^

lord talaga bang nalulungkot ka pag nakakalimutan ka? DOTA tayo tara!! bagay sayong hero si OMNIKNIGHT may mga angels yun na pedeng i summon pag kailangan nya ng tulong. basta wag ka malulungkot pag may nakakalimot sayo, ediba ikaw naman yung MAS MAY PINAKA ASTIG na pang unawa at pang intindi! kaya hayaan mona! eh style mo kase minsan pag nakakalimutan ka uuntugin mo ung tao para magising at maalala ka wag ganon! haha! peace!

nagugutom ako now! penge naman food!. kadaming naghihirap lord bakit ba ganun!? dahil ba tamad sila o dahil sa hindi sila pinagpala! sabi mo nasa tao gawa, nasa yo awa! eh kung walang magawa? ahah pano na? kawawa naman yung mga nasa ibang part ng africa, nood ako kanina CNN, kawawa naman un sitwsyon nila dun! masyadong hirap, pero siguro paraan mo din naman yun para makita ng iba kung gano sila kaswerte, kung gano kami ka swerte. yan na nga ang sinasabi ko sayu eh, style mo na naman para ma appreciate namin ang blessings! katalino mo talaga oo! inaabangan ko nga lord ung marevive ka ng science dito hehe kasi ung blood stain mo  ancient ancient pa yata nakuha daw sa damit mo sus!, susubukan kuhanan ng or kung ok pa ang DNA. hala ka hehe naimagine mona ba yun!? may ibang tao dito na halos katulad mo kasi nakuhanan ka ng dna sample! kagaling na talaga ng science no!? taragis!nakakagawa na sila ng bagong tao na sing katulad dahil lang sa mga dna! ginagawa na sa mga animals at succesful naman! hmmm. eh yaan mona, hindi ko din naman  alam kung ano ang personal na standing mo sa ganyan maliban sa ayaw ng simbahan hehe “eh ayaw mo ba talaga?” mukhang ok naman yun ah, na enhance lang ang galing at talino ng tao kaya dumating na sa pagkakataong ganyan.

eh lord pede ba talaga sa mars? kakulet din naman kase ng mga austronaut at ek ek! pilit ginagastusan yun mission to mars! naalala ko tuloy sabi ni leo “kaluwang pa ng lupa sa earth eh!”  dito nga lang sa saudi kalawak pa ng disyerto! tsaka hindi din ako naniniwala na mauubos ang tubig at pagdating ng panahon wala ng iinumin! weh! kalawak ng dagat! nakita ko dito sa saudi na ang fresh water galing sa dagat, ang laki ng filtration plant nila nasa gilid lang sya ng dagat, may technology pala at possible talaga!

lord si erpat mo ba talaga ang nag gawa ng tao ahihih kagaling din naman kasi! internal organs “perfect machine”. movement, perfectly programmed. tapos yung mga technician nyo yung mga duktor! ahaha! naisip ko na naman tuloy yung usapan namin kahapon ng kasamang kong indiano, nakita kasi namin ang mga duktor sa lobby ng hospital nag uusap usap sila, tsismisan lang siguro hehe awwww!! eh natanong ko lang “may mga kahinaan din naman ang duktor diba?”  may insecurities din ba sila sa kapwa duktor nila!? di naman lahat alam nila diba?

lahat ba ng duktor kaya mag opera?

 eh nagkakasakit din ba sila? kung oo, bakit? diba nila alam ang tama at kung ano ang makakasama sa kanila?  waaah kadami naman tanong!

Si Obama ba or si Mccain? haha!  sige na nga, gutom na talaga ko lord. next time nalang uli yung iba! basta nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings mo! kasama nadun ang mga taong nagmamahal saken at magmamahal! awwww!

 basta lord thank you sa lahat lahat ng blessings!! SALAMAT PEKLAT! ahaha!

ako to’

Bons (sa boni station)

**PS. send my regards sa erpat ko dyan ha! ILOVEMYDAD! ^^

9 Responses to email ko kay lord

  1. leojqm says:

    hahaha, nice one. tol paki-email mo rin ako kay Lord, paki kumusta na rin erpat ko, miss ko na rin sya eh. Astig mo talaga…ngayon ko lang nalaman, pwede na nga pala email si Lord.


    Bons: sige ba ill make another letter for HIM. matutuwa na man yun. sa susunod na letter ayain naten uminom si lord! hik!

  2. marius0780 says:

    wahahaaha.. wala ka magawa kanina no.. nagigising ako pro ang tahimik ng bahay.. dinig ko lang takatak ng keyboard mo hahaha..


    Bons: eh ang nadidinig ko sayu yung langitngit ng bed mo ano ba yung ginagawa mo nung time na sinusulat ko to wah krrechhhhh!! kreeechhh!!

  3. mumayenbryan says:

    hahahah… hay!!! anu ba yan ako yta mababaliw sau.. heheheh… isama mu na nga din i email kay lord na tapusin ni bryan kontrata nia.. hehehe, pero syempre, in gud health and xempre okei naman xa di ba.. o di ba, mahal na mahal.. hahahah… ngayon may panibago na akong gagawin everyday, pagpasok sa opis, i tsek ko if may bago kang blog.. toinnnnkkkkkxzzz.. akala naman importante, ahihiihi.. chige na bye, mahaba na ito, akalain mo, nasa opis ako, doing some personal matters, ahahahaha, lagot ako kay bossss. baboosh muna.. ahihihih.. babay may sanib…


    Bons: toinks! another example of good employee haha sige follower ka na ng blog na ‘to lagot ka sa boss mo! bryan wag ka uuwi! taiwan! taiwan! para sa magandang kinabukasan!! (ayy japan yata un no!?) pede nadin taiwan!! taiwan!! toinks~

  4. aileen says:

    kakulit mo! hahha..lagot k kay lord.. d k gumagamit ng po at opo..pero s takbo ng blog mo mukang close nman kayo.. ^^

    Bons: close kami nyan! sa sobrang close dun na nakatira erpat ko sa kanila ngayon! ^^ opo, sya ngapo! awww eh taragis sa iba naman ginagamit yan ah!

  5. nice says:

    haha. ur using my ‘toinks’ na! nyahaha!

    Bons: o sige eto nalang oinkkks!! oinkss!! ^^

  6. Jhoen says:

    Paki-send mo naman ng e-mail address ni Lord. Ha ha. Cool post!

    Bons: no need sa ‘yo father my direct line ka na sa kanya eh! toinks!

  7. Jhoen says:

    Minsan kasi may “party-line” e….

    Bons: ahaha kadami nyo na kasing pari! awww!

  8. prettybaby says:

    hehehe, natuwa ako sa inaya mo si lord mag games ng dota hahaha!
    nice blog! bravo! bakit nga ba gnun sila father sa misa nman sila lang shot, tau wala…hihihihi!


    Bons: aba! patay tayo dyan, gusto mo bang katagayan sila father? kampay!

  9. ning says:

    pano yan close din kami ni Lord.. nagkita nga kami kahapon eh, bukas uli magkikita kami mamaya pala kasi umaga na.. regardz nalang kita ha.. 4sure hndi na nun makakalimutan lalo na ‘tong napaka ganda mong email sa kanya..
    gbu!

    Bons: salamat. pakikamusta ule. sabihin mo magreply naman sya sa email.^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: