Wanted: GF

Medyo matagal tagal na rin at kahit papano masaya na din naman ako at alam kong lahat tayo ay masaya ngayon kaya siguro pwede kong isingit ‘tong blog na to.. ayoko nga sana kasi baka maging madrama ang kalabasan pero may nangungulit kasi na gawin ko ‘tong post at nasundan pa nung isa na maghanap nadaw ako ng gf!! (bakit nyo bako pinepressure!?) kaya pede nadin namang sabihing “by popular demand” ..

eh tinanong ko nga kanina,  “ano ba ang dapat kong hanapin?”

ang gusto ko mgng gf m0 un,aalagaan ka..
Dka huhurt,at pangingitiin ka and paki2nggan mga wentu mu evryday.. Di ba? Kc gsto ko mafil m0 na appreciated ka.because u deserve it,..u deserve to b happy dun s ta0ng mmhalin m0 at mmhalin k the best and sweetest way ever..

para namang napakasarap isipin, sa totoo lang kinilig ako nung nabasa ko yan at sabi ko sige gagawin ko taragis!  nakakatuwa at ang saya naman kasi talagang pangrapin ang ganun. pakiramdam ko nga umihi ako ng sampung beses at sampung beses din akong kinilig sarap ulit ulitin..  siguro nga handa na akong umibig muli! yiha! tangna kadrama yan na nga ba sinasabe ko weh! 

Lahat naman tayo deserving na maging masaya, deserving ng pagmamahal.. pana panahon lang din ‘yan, sabi nila ‘wag mong hanapin, ‘wag mong ipilit! darating! weh! eh kung dumating ka man sana magparamdam ka at wag kang umasta na huhulaan kong ikaw na yun! toinks! biro lang po.. wala naman sa ganun yon. nasa nararamdaman talaga at tibok ng puso.. gustong gusto ko yung term na “pangingitiin ka at pakikinggan mga kwento mo everyday”, wala ng mas sasaya pa sa sitwasyong ganyan, mawawala at kukupas ang lahat, tatanda at kasama na din ang pagkawala ng hilig mo sa ano ^^ hehe at ang tanging maiiwan sa inyong dalawa ay ang pakiramdam na may kasama ka at kausap, pagkukwentuhan ang nakalipas.. kanta muna tayo 

♫♪Kung tayo’y matanda na
Sana ay di tayo magbago
At kailan man, nasaan man
Ito ang pangarap ko..♫

Masarap magmahal lalong mas masarap ang may nagmamahal pati nadin ang add-ons ng love (toinks!) taragis, pag pagmamahal kasi usapan may kakaiba akong nararamdaman, tumitigas yun ano ko yung kamay nagstuck ayaw magtuloy sa pagtype.. at sa pagkakatong ito sasabihin ko ng available ako yiieeehh! in certain flavors! strawberry, banana, moca or chilli.

Kanina nung nagbukas ako ng friendster nabasa ko sa isang bulletin ganito ang tanong nya..

sino ba ang tama? si bob ong o si juan tamad?  eto pala kasi yon..

ang pagmamahal ay parang elevator lang yan.. bakit mo isisiksik ang sarili mo kung wala ng pwesto para sau.. meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin. -BOB ONG

astig diba? walang kupas si bob ong oo nga naman! wag mo na kasi ipilit yung sarili mo sa ayaw sayo! pero natigilan ako at napaisip nung nabasa ko yung sinabi nung isa…

mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik ito, at darating ang panahon na makakasakay din ako.”-JUAN TAMAD

haha. o ano nalito kayo ngayon no? minsan naman kailangan lang talaga ng pasensya at matuto sa salitang paghihintay. taragis tamad lang talaga si juan ayaw maglakad. pero malalim ang ibig nyang sabihin. “Patience is a Virtue” sabi nga, naku english patay tayo dyan.. dugo ilong ko dito tangna haha.

Maraming beses nadin naman akong nagmahal at minahal. Masaya, malungkot, mahirap. Pero eto lang ang sasabihin ko, mas malakas na ako ngayon at syempre mas masarap! ^^
 
Wanted: GF.
 
Bons
 
*Boni Station Announcer: “paalala wag po nating salubungin ang mga lumalabas ng tren, hindi po sila OFW!” toinks!
 
***ILOVEMYDAD!

19 Responses to Wanted: GF

  1. Basti says:

    hahaha.. kay Juan Tamad ako!!! hahaha.. yung elevator kahit ilang beses bumabalik yon at pede sumakay ng pababa at pataas.. taas.. baba.. taas.. baba.. taas.. baba.. taas baba.. ahhhh.. ohhh.. nakakapagod hahha.. awwwwwww.. tsaka mas ok nga yung siksikan sa elevator diba.. nagkakabangaan kayo ng kung ano ano.. targis matutusok ka pa ng nasa likod mo hahaha!!! Toinks.. Bon is good in strawberry flavor.. ndi ko pa natry yung banana e.. subukan ko bukas hahaha!!! Arottt…

    tska teka muna.. nuka butil ng Palay??? hahaha kaw kaya tumuka sa manok!!! hindi ka mgkaka GF pag inintay mong tumuka ang palay sa manok!!! Good luck!!! hehehe saya mainlove!! Seasons of Love!!!!


    Bons: haha bawal ang ma libog sa blog ko hindi naman kasi ito iBlog, punong puno ng kahalayan ang comment mo taragis ka! ^^

  2. aileen says:

    jusko e nagtaka k p kay basti!!! hahhaha…

    napag isip mo ko s hagdan at elevator..lagi na lang bida ang elevator…e ung hagdan d nga nappansin..gamit lang lagi in case of emergency..d pansin kc alam mong andun lang..pero pano kung tuluyang bumigay yung elevator n hinihintay mo..nagblack out..putcha..walang generator yung building e..hehehe..d b wla kang ibang choice kundi gamitin ang hagdan…

    same s real lyf…people have different purpose in life..minsan iniisip mo u mean nothing to the world pero actually to somebody u r his/her world…yihhaaa..

    mag asawa k n nga..girlfriend girlfriend..huuuu…matanda k n oi..mappanis n kasarapan mo!!! hahahha

    Bons: nandun padin ang kasiyahan sa paghihintay; darating ang panahon masasakay din ako.. habang tumatagal mas nakakasabik mas nakakagigil, masarap kasi talagang gawin yun sa elevator!

    Maari ding ang elevator na yun ay para sa mga piling tao yung sinasabing VIP. Pano kong hindi ka VIP sa buhay nya? maghihintay kapa ba or maghahagdan kana!? bilin mo yung buong building tangna huh! kala nila ha!

  3. Basti says:

    oy aileen.. ang elevator mabilis.. express ba..

    diba pagsakay mo ng elevator may mararamdaman kang kakaiba???
    “yung pakiramdam na parang nakalutang ka!!”

    sa hagdan ba mararamdaman mo yun??? pucha kahit mgpatumbling tumbling ka hangang sa baba ng hagdanan e hindi mo mararamdaman ang sensation ng pagsakay sa elevator hahaha.. o ha.. targis kaya maraming sumisiksik sa elevator kasi nga bukod sa masarap sumakay nakakakiliti pa.. toinks.. daming tumutusok sa likod o.. hahaha..

    Bons: nanunusok kaba sa elevator? pede ding kaya maraming sumusiksik sa elevetor kasi maraming nabubunggo na kung ano ano.

  4. Basti says:

    ay e parang ganun na nga hahaha.. targis kadaming elevator sa tabi tabi… paghindi ka nakasakay sa isa edi dun ka sa kabila.. kung puno pa din lumipat ka ng ibang building.. hindi naman isa lang elevator sa buong mundo!!! toinks!

    Bons: adik kaba? 72 hours ka na kasing gising!

  5. Jorge says:

    Kay Juan Tamad ako!! Kasi naniniwala ako sa ‘Patience is a virtue’ na kasabihan, mag intay at dadating ang ‘the best’ para sayo.

    Nakupo, ang dami kong icocomment kaso nawala! Ano ba yan! Asar kasi tong kasama ko sa office eh, tinotopak na naman! aaay apoo!

    Wala pa tuloy akong matinong comment, inyamittin!

    Bons: ayos lang magtrabaho ka ng marangal dyan sa malaysia truly asia hehe

  6. justme says:

    Sir JP..parang yung blog mo umikot sa tusukan sa elevator at sa walang thrill na hagdanan.. ay (wala akong alam dito!) … i’m sooooo naive… nyahahahah! wuuuu.. at anu tong flavors na ito!?

    ….wala bang fruit salad flavor? timing na timing para sa pasko diba? hekhekhek…..

    seryoso na alm mo na yung gusto kung gf para sau (ehem!!!)…. san ba nakakakuha ng application form??? charingg,,,,,… kung pwede nga lang ba.. ahahahahah!

    mabalik tau… sa mga may balak magaaply,,, well…. seryoso to ha..
    swerte ka kung sinu ka man pag nainlove sayo so sir JP.. ever!
    di ba? di ba? hehe..masasabi mo na siguro na ikaw na pinakasweteng girl sa balat ng lupa..

    about sa elevator at hagdan… ehhm…. ikaw lang makakapagsabi nun kung panu at anu,dahil ikaw yung nagmamahal at ikaw yung naghihintay o maghihintay…

    ahahahah….”

    Patience is a Virtue” oo ng pero di ba may point na aabot din tayo sa tama na, sobra na…….. pero kelan nga ba natin masasabing ganun?

    in short “it’s time for a change!” ..wanted gf….

    jokeeeee………..

    chill sir JP, sabi ko nga sayu matagal ka pa mag 30.. ahahaha..

    ..whoever will it be, ang importante yung mapapanigiti ka araw araw.. ok nako dun! hehehe.. ask mo nalng sakin kung bakit..

    ♥♥♥

    Sir JP: ahah eto tlaga name? pakiramdam ko ba eh artista ako sa comment mo! awww! parang gusto ko uling kumanta… “♫We had the right love at the wrong time … guess i always knew inside..♫♪” ^^

  7. nice says:

    to basti: (kung sino ka man) :D toinks! sus. may kabastusan pang nalalaman kahit sa elevator. if ur brave enough, do it sa hagdan. mas conventional, mas challenging. andun ung pressure kung paano mo gagawin yang sinasabi mo in an artistic way.. haha.

    seriously, to sir bons, ur not getting any younger so it’s really a wise decision for you to move on totally and find another girl to love truly. pero alam mo, i agree to what have been sad. it’s true na maglalaho lahat ang libog, ganda kaseksihan at kagwapuhan sa mundo when u start to get old pero when u and ur partner developed a sense of great communication (na may maayos na give and take), ur realtionship, love and respect for each other will remain. pero siempre, expect that there are some ‘downs’ sa relationship nio. nothing’s really perfect. haha.

    i’ve a friend, they’ve been together for a long time na.. tapos ang lagi nyang sinasabi sakin at kay 3C na hindi ang sex ang pinakamahusay na factor para magtagal kayo sa isang relasyon.. it’s having the great communication.. ung merong magkukwento at may makikinig (good or bad things man) and vice versa..

    pero alam mo sabi nung fave prof ko sa UP, ‘love is the divination of sex’.. haha. ponder on it positively ha? toinks.

    ur old enough for all of these things.. and mature probably. :D

    God bless to ur search. haha.

    toinks.

    one more thing.. sabi ni socrates,’by all means marry. if u get a good wife, you’ll be happy. if u get a bad one, you’ll become a philosopher and that is a good thing for any man..’


    Bons: awww! may humahamon sayo basti! at mukhang palaban, basahing mabuti ang mga salita nya..

    ang dami mo ding sinangkot dito sa comment mo. salamat gusto ko yung kay socrates “by all means marry!” yihaa!

  8. ♥just me♥ says:

    … sir jp.. “kwentuhan tayo” ahahahah…

    kadami ng clue sa JP nato… hmm..basta term of endearment ko sayo to..

    woooo,,,ang saya mag comment..

    hal.. love,love,love…………………….

    next song please……


    Bons: ahaha! sino kumanta ng love,love,love!?

  9. Alvin says:

    tama si nice kasi masarap sa fire exit promise! kasi kahapon pagod na pagod na ako kakahintay sa elevator aba pag pasok ko amoy putok, ansakit sa ulo… di kaya aircon ung office ng tao na un… hai kakalasing ang amoy…

    dapat elevator ang pamagat nitong blog na to e.

    pero ingatz sa elevator, my hidden cam jan… whahaha… napapalibutan pa ng salamin, bitin ako jan, fire exit na lang mejo ok pa, kakapawis sarap sa pakiramdam pagdatin mo sa taas.


    Bons: parang dapat ko na ngang palitan ang title. kahihilig nyo kaseng lahat! haha!

  10. Alvin says:

    sakay ka MRT, sa bandang BONI Station, masyadong siksikan madaming nanunusok at tsaka nagkakaskas… whahaha…

    ROCKENROLL!!!

    Bons: parang gusto kong tumabi dun sa nagkakaskas na ‘yun!

  11. azilair says:

    hay naku basta usapang “love” lahat kinikilig , at alam u ba kung anong usapan ang hindi nakakasawang pag usapan at lahat energetic ano pa? e di “SEX”… try mo… hehehe

    its nice to hear those reactions according to thier points of view.kakatuwa… hehehe… kita mo talaga ung difference ng mga kautakan, da ba? kahit nga lasaglasag na at kulang kulang nagshare pa din… : )

    oo nga naman bakit ka magpapakandahirap sa pagdaan sa hagdan as what basti said “masarap ang pakiramdam para kang nakalutang,vip ka and its an easy way, kahit mahaba ang pila hindi ka man makasakay sa una dahil puno na, babalik at magpapabalik balik pa din namn un hangang sa makasakay ka un ngalang kung kelan ka nakasakay saka nawalan ng kuryente, madilim, mainit.hindi mo alam kung kelan gagana because u dont have any choice kundi ang MAGHINTAY and theres no other way, hindi mo alam kung nasaang part ka na , da b? parang sa panlilgaw din sa babae yan, pipila ka pa ba kung alam mong marami ng nanliligaw at nasa huling pila ka pa? magiging syota na sya nung mga nasa una,laspag na pagdating sau and u dont have no choice kasi matanda ka na at wala ng tigas, da b? express syota nga kaya hindi mo alam attitude.den suddenly ma rerealize mo your just wasting your time kasi hindi na fresh… amoy luga na, pawis tapos para ng nightis ung balat.

    pag naghagdan ka naman, walang pila, mainit, papawisan lahat ng papawisan sau,lawit na dila mo sayad na hangang simento bago ka pa makarating sa paroroonan mo.at kahit mawalan ng kuryente hindi ka ma stranded kasi madaming pinto at puede kang maglakad habang nangangapa , da b? sabi nga nila mas masarap namnamin ung pinagpaguran mo, bakit pag nag dyug ka ba instant baby na, hindi da b? paghihirapan nyo pa din un kasi sa huli naman pareho kaung tirik ang mata sa kasiyahan…. a basta e explore mo nalang ung gusto kong sabihin…

    kung sa elevator nakasakay ung gusto mo at mahaba pila, maghagdan ka nalang, dahil habang stranded sya sa loob at kaw naman naglalakad sa dilim, pasasaan ba at sa dulo magkikita at magkikita kau “dahil kung para kau sa isat isa , magiging KAU..” kahit na ano pa itsura mo [ag nagkaharap kau(para ka ng basurero habang sya sya fresh na fresh)

    both of u will love each other no matter what happened and its a measurable,accept who u are and what u are… (check mo nalang ung grammar if tama o mali, saka mo nalang tawanan…) wahahahaha….

    napaka chuvanels no… daming dakdak…

    Bons: salamat. ang ganda naman ng paliwanag mo para nagtaglamig at nag tag tigas awww! ^^ talaga sigurong dapat elevator na ang title nito. nakakatuwang isipin na naipaliwanag mo ang lahat ang lalim ng pinaghugutan mo.. urrrgh!

  12. kit says:

    gawin mo na ngang elevator ang title nito… hehehehe

    maraming talagang pwedeng masabi at maihambing sa “love”

    may isang magandang article akong nabasa na aking i-po-post dito…

    nawa’y maging enlightenement sa lahat ng babasa…
    may kahabaan sya pero magandang pagtyagaan…
    mamya ko ipopiost at mahuhuli na ako sa pagpasok ko..


    Bons: eLEVatOr kumpleto padin naman kasi ang salita na yan naka rumble lang nandun padin ang love. salamat sa pagdaan dito!

  13. mumayenbryan says:

    naku naman, huhuhu, naremember ko nanamn yung kanta ko para sau.. ahihihi.. kaya lang i know bawal d2, bka itakwil mu aku,, tlga naman, as in… naicip mu yan, hahaha, ur not gettin’ any younger anymore, tndaan mu, pag nakita mu na c bon II, sasabihin u sa srili u, hay! “anu ba yan, masakit na likod ko sa khahabol sa batang ito”… kasi naman antnda na kumerngkeng weh.. hahah, jowk3! peace poh!!!

    hindi nga, e panu ka nga ba mak2hanap e kung hnhntay mu cla, tama ba un, ikaw ang lpitan… teka nga muna, uwi ka nga d2 pinas at ng mbtukan kita.. toinnnkkksss…

    hay! sana lang c doy, magaswa na din sa age natin.. ilan na nga age natin? wooopppsss!!! remember mas MATANDA ka sakin.. ahihiih…

    un lang poh bow!!!


    Bons: [walang tao, umalis, di na babalik.] toinks!

  14. Tina says:

    Wanted GF
    Advertisement paid by Manila City Jail

    Hindi lahat handang mag antay gaya ng pag akyat sa hagdan at hindi rin lahat pwedeng apurahin gaya ng pag sakay sa elevator. Bakit ka mag hahagdan at mag-elevator may ESCALATOR naman, hindi si Juan Tamad or si Bob Ong ang magdedesisyon ng KALIGAYAHAN mo kundi IKAW, ikaw na handang umiyak pag nasasaktan at tumawa pag masaya.

    Note: Sa elevator andun si Basti nanunusok (ano ba yun pardible or aspile? ahihihi), sa hagdan naman andun si Jorge may dalang Jungle Bolo (Wahhhpak?) ahihihi


    Bons: sa escalator nandun si tina panay ang split! awww! . naniniwala ako na ang kaligyahan ay nagmumula sa tamang desisyon sa buhay, kung magkamali ka man isipin mo nalang na mayron kang matututunan o kaya isipin mo ham yan. pag wala padin magbigti ka sa elevator o kaya patihulog ka sa hagdan.

  15. prettybaby says:

    parang tama naman si bob ong, bakit mo nga naman isisiksik yun sarili mo kung wala ka naman pwe-pwestuhan sa elevator?! hmmm parang ginawa ko na yan dati db?! kaya nag hagdan ako hehehe…lam mo na yun! secret hihiihhi d naman nag babasa blog yun e.safe.pero syempre nun nag hagdan ako nakakapagod din pero at least pinaghirapan mo makaakyat lang.pero kung pagod na pwede naman huminto..kapag naka pahinga saka tumuloy..depende sa hagdan kung ganun kahaba..kung 2nd to 3rd kaya naman kung 10 to 15 pinaghihirapan talaga.huhuhu..dami man unos akyat pa din…
    pero sa ibang banda may point din si juan tamad, nag hintay nalang sya na bumalik yun elevator dhil sigurado naman daw na babalik ito..pero pano nga naman kung nasira yun elevator at under repair pa… e di dalawa na tau mag papa-wanted ngayun…pero ang mag hintay, sakripisyo din.

    totoo na lahat tau deserving na maging masaya…masarap nga naman yun may pinag sha-share-ran ka ng good and bad days mo, may kakausap at makikinig sau…at ka-share sa lahat…at inspirasyon at kasama sa mga pag pplano sa buhay! yay! serious na..
    aaalagaan ka at aalagaan mo,makakaaway at makakabati mo hiihihi…yun tipong dmo kaya kapag wala sa buhay mo…
    ang tanong bakit nga ba la kapa gf?! dami naman humahabol sau?! for sure! pihikan k nga ba o mataas lang talaga standard mo?! hiihihhi bon,sabi nga ni mam aylin magumpisa kana maghanap…makinig ka sa elevator ni bob ong….ako nag hagdan na e.try mo din….baka kasi matagal pa ayusin elevator…


    Bons: akala ko kasi nasa elevator kapa., nun pala nag hagdan kana? sige maghahagdan nadin ako.

  16. Basti says:

    wahahah e bakit ba parang naging mahalay ang tema ng blog mo??!! toinks..

    seriously based on my experience pagdating sa love.. eto e opinion ko lang.. pag love mo talaga ang isang tao hindi mo mbabago yun at nakatatak na yun sa puso mo kahit pagtanda mo.. lumipas man ang panahon at may magbago sa nararamdaman mo babalik at babalik pa din ang pakiramdam na iyon…

    comparing the two sides of love.. it’s more happier to be with the one you really love.. totoo naman yun diba. kesa dun sa napilitan ka lang at pagaaraalan mo pang mahalin.

    maraming pwedeng explanation sa mga nararamdaman natin pro hindi mo kayang labanan ang sarili mo at lokohin ang sarili mo pagdating sa pagibig. Oo nga may pinili ka nga pero hindi mapupunan yung emptiness na nararamdaman mo.. those emptiness can only be filled by the one your heart desires..

    when it comes to love.. kaya mong gawin lahat at kaya mong ipagpalit lahat.. kung sa tingin mo ay mali ako??!! SIGURADO AKO.. HINDI MO PA NARARAMDAMAN ANG TUNAY NA PAG-IBIG!!!

    lahat tayo pantay pantay pagdating sa pagibig.. kahit sino maging pulubi, artista, modelo at politiko ka pa.. sigurado ako nagugulangot ka din at umuutot ka din.. toinks.. parang ganun lang yun.. tahat ng tao meron something in common pagdating sa pagibig.. wapak!!

    one love one happiness.. at lahat tayo meron nyan

    Bons: wapak! wala naman talagang mas sasarap pa sa sitwasyong kasama mo ang taong pinakamamahal mo. sa pagibig lahat nga pantay pantay. lahat may karapatan lahat may kulangot at lahat umuutot. toinks.

  17. ning says:

    ang haba… pasali ha?.. si Bob Ong or si Juan Tamad?.. hmmm.. familiar ung bulletin… talagang pinag-isip mo lahat ha.hehehe..
    anyway.. kaylangan ko din ba mag-explain bwt dun?.. maya nalang konti.. tutal di nman Elevator title na’to eh.. “Wanted: GF”. naghahanap ka talaga?.. sabagay sabi nga nila ur old enough and mature sa ganung bagay.. cguro nga dapat ka narin maghanap ng magiging gf mo.. and agree ako na kung cno man ung papasa, maswerte cia to have u.. blog palang.. wala na akong masabi. tsk. tsk. tsk..=) Love, love, love.. ano nga ba?.. Happy nman maging single dba?.. magagawa mo lahat ng gusto mo ng walang nakikialam sau..kahit san ka makarating malaya ka.. Pero i know, ciempre iba parin kapag may taong nagmamahal sau.. ung tinatawag na gf/bf.. mas masaya parin na may isang taong alam mong nanjan para sau.. Hindi ko alam kwento nang past mo pero cguro nman panahon narin para humanap ka ng magmamahal sau.. part nman talaga ng relationship or ng life natin ung masasaktan ka ung may magkakahiwalay.. sabi nga dun sa isang blog na nabasa ko “Love will always be there, reminding us that we should be thankful and happy not because we have lost love, but because, for once in our lives, that feeling called love lived in our hearts and made us happy”.. parang ang layo. hahaha anyway… siguro sinasabi lang dun na nabigo ka man hndi ibig sabihin hanggang dun nalang un.. at least natutunan natin kung pano magmahal mahalin masaktan at magsimula uli.. ang mahalaga may natutunan tau… tumatanda kana, and u deserve to be happy Bon..
    Go Bon.. I know God have somthing better for u..

    Si Bob Ong or si Juan Tamad?..
    pareho nman silang may point… minsan kasi mahirap talaga na ipagsiksikan mo ung sarili mo.. sa isang relationship kasi mas mahirap un, mas masakit na ipipilit mo ung sarili mo kung dna pwede, its better to let go.. hmmm. “may hagdan nman d lang napapansin?”… dahil ba wala kang choice kasi puno na ung elevator?.. i dont know pero mahirap din kasing maghahagdan ka kung dmo nman talaga gusto.. kung sa ralationship uli un.. unfair both sides.. kasi napipilitan ka lang..

    Juan Tamad (tamad talaga cia noh)
    “mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik ito, at darating ang panahon na makakasakay din ako.” nakakalito talaga… ang hirap mag-isip.. tama cia babalik nman talaga ung elevator eh unless di masira.. but in real life, may elevator ba talaga taung inaantay?.. we dont know.. may isang kwento na… may isang bata na nagtanong dun sa isang matandang lalaki kung bakit hndi cia nag-asawa ang sagot nung matanda “iniintay ko ciang bumalik” iniintay niang bumalik ung babaeng nagsabi sa kanya na babalik ako.. pero hanggang tumanda cia… nag-iintay parin cia.. wala lang, naisip ko lang… mag-iintay din ba tau ng ganung katagal?.. if ever ayaw nating maghagdan?. hahaha ang gulo talaga =)

    but… naniniwala po ako na lahat may dahilan…..
    coz GOD rili wants, what is d BEST for us..

    Bons: sabi ko sayo nung nabasa ko ang bulletin mo isasama ko yun sa blog ko (bob ong and juan tamad), its good to see you here ning, salamat sa pagpapaliwanag at pagbigay ng side mo about sa blog ko na to. welcome anytime! tuwa ako sa comment na to muntik lagpasan ang blog ko hehe ^^. pero isa lang masasabi ko NO ONE WAITS FOREVER! baka maghagdan nalang din ako, kita tayo ^^.

  18. ♥just me♥ says:

    …. sir jp, hindi namn nagiisa nag elevator, madami pang iba..

    kahit na elevator or hagdan pa un,,, one thing is for sure.

    magmamahal ka ulit…. no one waits forever (korek!) and no one deserves to be alone…

    we all have our share of hapiness in this life..

    madami namn nagmamahal syo eh! di ba sir jp ;-)

    smile… (wag ganu ha maxadong madaming maiinlove sayo! hahaha)

    alam mo ba namimiss ko na sabihin sayo yung “smile” nato.. kase lagi ka ng naka smile ngayun… hahahah…. uy, happy namn ako lagi ka na naka smile, wala lang namimiss ko lang…. hehehe!

    ♥♥♥

    Bons: smile and the world will smile to you! toinks. english. salamat!

  19. hi there.. good blog, interesting posts, wonderful layout, good content management. i appreciate this blog Wanted: GF bonistation. what plugins do you use for your blog. do you use wordpress blogs or something else. i would like to know. i’ve a blog which doesn’t look very good at all and its a trouble to work with it. are you on facebook or twitter? i would like to get to know you as well as learn from you. Please reply.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: