saludo ako sa ‘yo

one year and 5 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng isang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay!

‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo.. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi.

kinabukasan, ayos agad ako ng resume ko update at scan ng mga iba pang kailangan at send.. marami pangyayari at hindi rin naman naging mabilis at madali ang pag ayos at paghintay.. hanggang sa na approved at makarating na nga ako dito. welcome kingdom of saudi arabia.

hindi ko din naisip na sa dami ng bansa dito ako mapupunta. pero pamilyar na sa akin ang bansang ‘to sa loob ng labing dalawang taon. 6 years old palang yata ako nung magpunta ‘yung tatay ko dito. ang layo ng saudi nun, sobrang layo dahil sa kalayuan isang beses lang sa loob ng dalawang taon namin sya pwedeng makasama. wala yata akong matandaan na nabuo ang pamilya namin tuwing pasko, palaging may kulang, palaging may bakanteng upuan. nakita ko na yata ang lahat ng klaseng pagsasakripisyo ng nanay para mapunan ang lahat ng pangungulila naming magkakapatid sa isang amang nasa ibang bansa.

hindi ko padin dati maintindihan ‘nun bakit ba kasi kailangan pang ganun pwede naman hindi mag abroad, pwede namang sa pilipinas lang. pero uso kasi yata nun ‘yon marami din naman akong mga kaibigan at ka klase noon na nasa abroad din ang mga tatay nila..

‘diko makalimutan yung isang christmas card “for my terrific son” , isa na yata yun sa pinakamagandang card na natanggap ko galing sa tatay ko..  masarap kasi talaga yung pakiramdam na proud sayo yung magulang mo..  kaloko ko nga nun parang hindi ko lang iniintindi yung mga kwento nya sakin dati kung ano hitsura dito sa saudi.. ngayon alam na alam ko na..

I missed those days, your stories, the miles you drove, the adventures you took..  i never imagined nor even expected that I will be here, almost in the same place where you used to work..

minsan gusto ko magkwento, gusto kong makipagbidahan sayo kasi yung mga nakikita ko sa pictures mo dati, ngayon napupuntahan ko nadin, yung mga streets at stores na dinadaanan mo… 

ayoko naman talaga dating mag abroad, kasi hindi ko din naman pinangarap na umalis ng pilipinas. kontento nadin kasi ako  kung anong meron.. pero dumarating ang pagkakataon at oportunidad na kailangan nating kuhanin at subukan. eto na, bon jr. sa saudi. sayang nga lang talaga at hindi kami nag abot ng tatay ko dito. edi sana dalawa kaming blogger ngayon. taragis! drama rama ba kase?! 

sa pagpunta ko dito, isa lang ang napatunayan at naunawaan ko ; hindi biro ang sakripisyong ginagawa ng mga taong lumalayo sa pamilya upang magtrabaho  alang alang sa magandang kinakubakasan ng kanyang mga mahal sa buhay.

saludo ako sa ‘yo Bon Sr. 

Bons

 

† Bonifacio Angeles Talampas, Sr. 1948-2007

**ILOVEMYDAD

27 Responses to saludo ako sa ‘yo

  1. Jhoen says:

    It’s always amazing to hear a son expressing how much he love and how proud he is of his father. Saludo din ako sa ‘yo Bon Jr.

    This is truly a moving post… puno ng puso!

    Bon Sr., I’m sure, must be very proud of you wherever he is now.

    KUDOS!


    Bons: salamat po deacon jhoen
    **si jhoen malapit ng maging isang ganap na pari. ordination will take place on oct 2009 basta bago mag undas yon. malaki kasi ang kita sa bendisyon pag undas.abangan nyo po sa susunod na undas magiikot kami sa sementeryo, early booking will do. toinks ^^

  2. Jorge says:

    Yeah, saludo din ako sayo parekoi. Mahirap talgang mag abroad lalo na nung panahon ng tatay natin. Kami din, every two years ang uwi ng father ko, laging may kulang. Malayo ang Saudi nun kasi sulat lang ang communication, at least ngaun may chat, email, text at twag na pero ganun parin, nasa malayo parin.

    Saludo din ako kay Bon Sr., sir! i know you are very proud of your son right now. Astig yan eh!

    Ingat pangat!

    Master Ooqay


    Bons: at ngayon may blog pa! mahirap talaga noon! salamat sa pagbabasa!regards kay Jorge Sr. ^^

  3. Rowena Talampas-Balingit says:

    grabe, pinaiyak mo talaga ako. i miss him so much.Yan yung lagi nya sinasabi na mahirap mag abroad, yes, now we understand …..he is always with us,seeing what we are doing and where we at…..


    Bons: sabi ko sayo walang iyakan eh! sige magbasa ka ng iba pa dyan ng makita mo kalokohan ng kapatid mo ahaha!

  4. Basti says:

    kadarna mo naman dito!! toinks.. well my dad rocks too.. haha dati may tampo ako sa kanya pro ngayon wala na..astig ka papi.. simula nung napunta ako dito sa saudi lahat nagbago sakin lalo pagdating sa family.. dalas ako umiiyak pag may family problem. lapit na vacation ko after ng tatlong pasko at tatlong bagong taon ang nakalipas na wala ako sa pinas.. ngayon darating na pasko ay kumpleto kami sa pinas.. o ha laban ka.. saya!!! targis gastos na naman..


    Bons: ahaha nang inggit ang loko! weh! matatapos din ang pasko at bagong taon mo babalik kadin sa saudi at pag natapos yon ako naman ang uuwi beh! ^^

  5. nice says:

    ang drama ng post na ito. hehe.

    you must be very proud of your father. astig ‘no? bihira lang ang guys na proud sa dad nila! most of the time kasi, guys when they grow up, they tend to see their dads in a competition over authority. hehe.

    a salute for you and especially to your dad!


    Bons: papasalamatan daw kayo ng personal ng tatay ko! awww! comedy kase yon eh!
    Status ni Nice sa YM ngayun: “Today I cried..”

  6. mumay says:

    hayyyy… anu ba yan.. naiyak naman ako… kakainizz, akala ko kalokohan, ambabaw pa naman ng luha ko, bsta dad na pinaguusapan.. hmmppp.. akalain mu bonitzzz, nagawa mu yan, isa ka tlgang henyo…hehhe.. kidding aside, sabagay ang hirap tlga noh… noon ikaw ibang bnsa kalaban mo, kami ni doy, d2 lang sa pinas.. up to now, ang hirap hirap nia hanapin…. hay ewan… nyweizzz, Bon Sr. is very PROUD of u… knowing wat ur scrificng , magkaroon ba naman ng isang henyong anak.. ahihihi… baboosh muna, dami ko work, compute ako tax now.. ahemmm..

    Bon: awww! tumataba puso ko! ^^ sikat si bon sr. hmmm..

  7. dhacker says:

    Tol saludo ako sa Blog na ito. Inspiring cya parang ayoko na tuloy mag abroad hahaha. Alam ko matagal nyo na ko kinukulit na magsubmit ng application dyan pero eto ako mukhang ayaw pa talga lumayo sa pamilya dito sa pinas, ay mali pala sa GF pala pero mukhang wala na ah kaya pwede na uli. So guys malapit lapit na din ako makaramdam ng dolyar sa bulsa ko hahaha. pssst tahimik muna ha. Salamat pre sa blog na ito, masarap talga maging inspiration ang mga buhay ng tao, dahil dito nakikita mo kung pano cla umasenso sa buhay na kahit mahirap para sa kanila e patuloy pa din cla sa pagtatrabaho na malayo sa pamilya. Mahirap intindihin ng ibang kaanak ang paglayo nyo pero sa kabila ng pagpunta nyo dyan cla ang dahilan, dahil gusto nyo na mapaganda ang buhay na bawat isa sa kanila. Im proud of you being a New HERO of our country OFW ROCKS.


    Bons: huhu astig mas maiiyak pa yata ako sa comment mo kaysa sa post ko wah! hehe. taragis!

  8. Alvin says:

    ganda ng gawa mo, yan ang sinasabi ko, may pinaghuhugutan.

    alam mo sir maswerte ka at ganon din naman ang mga magulang mo sayo, alam mo tatlong lolo ko (kapatid ng lola ko) mga bata pa ang mga anak nila ng pumunta sa saudi, madalang sila umuwi dahil sa hindi pa daw nakakabayad ng ikama (ewan kung tama ung spelling ko at ewan kung ano ba iyon) basta ang alam ko lang un ang lagi nilang dahilan noon-hangang ngayon… lumipas ang madaming panahon kasabay ng pagkalulong nila sa babae doon ay ang pagkapariwara naman ng kanilang pamilya dito sa pilipinas. (wala nakwento ko lang)

    Bon Sr. Mabuhay ka…


    Bons: hmm magkano lang ang iqama hehe.pero pag may bad record ka sa iqama dika pedeng umalis ng kingdom.
    ** iqama – is a residence permit issued by the ministry of interior, sponsored by the employer.

  9. ♥just me♥ says:

    ..This truly reflects how great is your love for your dad,,..

    it also reflect how much of a wonderful person you are,

    at I admire u the most for being proud of your dad.

    ..Tama sila, Sigurado Proud din sya sayu wherever He is ryt now..

    at etong pang isang sigurado,,, someday, someone will look up to you this way, as proud and greatful as u are ryt now..

    heheh/… Bonifacio Talampas III..di ba? di ba? (smillleeeee)

    ginamit ko ng word to before, gagamitin ko ulit

    “standing ovation po para sa tatay mo at para sau sir…”

    ♥♥♥


    Bons: ayan tumawa na uli ako, at ang bigat ng sa III. ^^ toinks!! Bons Talampas III para mas ok naman basahin at hindi mahirapan sa pagsulat pag nag kinder na ang anak ko.

  10. rache says:

    one of the moving and heartfelt post you’ve made so far grabe super touch naman kaming lahat na nagbasa ng entry mo… for sure your dad and the rest of your family members are very proud of you… honestly nung nakilala kita sa college ikaw yung parang pinakamakabayan na nakilala ko kaya nga nagulat ako nung nakita ko sa friendster pictures/profile mo na nasa saudi ka na pala…. babalik at babalik rin naman ang halos lahat ng mga umaalis sa pinas eh
    umiiyak ka ba nung ginagawa mo itong blog post mo na ito?


    Bons: salamat.. tatlong beses akong huminto habang isinusulat ko yan. kala ko nga diko na maitutuloy dahil tulad ng iba marunong din akong umiyak! ^^

  11. azilair says:

    ASTIG ka talaga bon, the BEST KA TALAGA, hay, ano ba to, mukhnag isang timba na ung napuno ko.. wawawahhhh… super na touch talaga me … ganda ng blog mo, basta usapang pamilya mababa talaga luha ko…. YOU ROCK THE WORK!!! chuvanels …chuvanels….

    puede mag request …. gawa ka novela dito para lagi namin susubaybayan… hehehe…


    Bons: o cool kalang.. baka i touch kita ‘dyan makita mo! ano na ngayon ang gagawin mo sa isang timba? pede paba yang ipaligo? awww!

  12. Annie says:

    I remember Bon when we were in ABE, he doesn’t like the idea of people working abroad. Kc Bonifacio name nya, i assumed that time na may pagka nationalista talaga siya. He explained himself very well, pero di ko alam about his family history. Nabasa ko lng ngayon. That time mam Janice and I were trying to explain to him why do people go abroad. So ngayon nasa abroad k na..na experience mo na at naiintindihan mo na.


    Bons: uu nga eh. hindi mo talaga maiintindihan ang isang bagay o sitwasyon kung hindi mo ito susubukan o bibigyan ng pagkakataon. awww!
    **annie is my college professor in business software. ang totoong tawag sa kanya ay annie.doc kase naman pag nagpapagawa ng exercises puro sa pangalan nya naka filename. ^^

  13. Tina says:

    Malay mo, sya ung nagrequest kay Lord na mapunta ka jan to make u experience what he experienced. He maybe gone, but he made u realize that he’s not gone but he’s in you!

    Bongga ka CAP (BonSr.)! May tumbling sabay split po yan! Hehe

    Bons: lolo cap tawag sa kanya ng tropa ko! nakakamiss no?

  14. kit says:

    aba may ka-melodramahan ka palang naitatago… lumalabas ata ang ka-melodramahan ng isang tao pag nagiging OFW tulad ko waaaaaaaaahhhhhhhh hehehe

    mahirap talagang mapalayo sa mahal sa buhay at sa pinas…
    minsan nga yung sa paglayong yan at makasanayan ang buhay sa ibang bansa, malimutan mo na kung pano ang maging tunay na masaya… last year wala akong pinagsabihan sa pag-uwi ko… at sino ba namang mag-aakalang uuwi ako nun eh wala pang 3 buwan ako dito sa Down Under… galak na galak ako sakay ng connecting flight na maghahatid sakin satin… at sus, kakaiba ang feeling ng paglabas mo ng arrival area… parang fiesta… andaming ofw at santinakpan ang mga mahal sa buhay na naghihintay at truk truk na sundo! ansarap ng feeling… lalo na pag pasko ang uwi mo! hehehehe uwi uli ako pero di pa ako nagpapapress release! alam ng mga kaibigan at mahal ko sa buhay na di ko kayang wala sa pilipinas sa kapaskuhan! pero alam din nila na wala nako uuwian dyan kasi lahat ng kapatid ko ay nasa iba’t ibang sulok na ng daigdig… so ang dramang pa-surprise uli ay panalo pa din…

    sarap balik-balikan mga hitsura ng lahat nung makita ako – sa ofc, sa amin, sa mga pinsan, sa mga kaibigan, sa kamag-anak, kahit sa mga long-distance na calls…

    mga foreign objects nagtataka why tayo nagpapakamatay makauwi ng pasko lalo pa at alam nating mabubutas ang bulsa natin… pwede naman daw mag-holiday around the world tulad nila atleast mararating ang iba’t ibang lugar… di lang kasi nila alam… at yung mga bagay na di maipaliwanag, yun yung minsan ay mga tunay na kaligayahan…

    pakialam ko kung mauubos pera ko…
    pakialam ko kung maiksing bakasyon yun
    pakialam ko kung di ko mapuntahan ang lahat ng sulok ng mundo
    pakialam ko kung di ako makakabili ng bagong bahay o bagong sasakyan kaya…

    ang mahalaga nakakauwi ako ng Pasko at di ko nalilimutang pasayahin ang sarili ko at ang mga mahal ko…

    anong mapapala mo sa pagkakandakuba kung bukas makalawa ay wala ka na?
    hanggat bata, hanggat maaga, hanggat may lakas, gawin mo ang bagay na alam mong magiging masaya ka…

    minsan lang tayo mabubuhay…

    mahirap talagang maging ofw…
    pero its a choice and decision that we should not regret in our life, coz at that point when we decide for it, thats the best thing we have made.

    gasgas na to — live life to the fullest.

  15. kit says:

    parang nag-blog din ako hehehe sa haba ng isinulat ko…
    haaaaay di nako nakaluto ng corned beef (mas masarap purefoods)
    kaya bagsak ako sa cereals
    good morning!


    Bons: salamat sa ‘yo kit! kala ko nga nagbasa ako ng blog mo ginamit mo pa space ko, biro lang. totoo naman kasi ang lahat ng sinabi mo. woy ikaw ha kahilig mo sa surprise! baka minsan ikaw masorpresa sige ka! ^^

  16. Jules says:

    haay… ayun wala aku masabi… kaw din pala 6 years old hehe aku din… tapos katulad din nila every 2 years nga lang tapos pa 2 weeks 3 weeks lang tapos e 2 years na ulit kaya pag pinag add add mu lang tyaka mabubuong isang taon hehe… sana nagkaroon din ako ng tatay na ganyan hehe na lam mu naman di ko naexperience hehe… ingat lagi pre! God bless! :)


    Bons: di mo man makuha ‘yun sa ngayon, pwede mo naman iparamdam sa magiging mga anak mo at pamilya..maging iba ka, gawin mong mabuting inspirasyon at halimbawa ang mga magagandang pangyayari sa buhay mo at sa buhay ng mga nasa paliigd mo. awws! tangna! dr.phil ba ito?

  17. aileen says:

    waaaaaaahhh… kaya nga b kumikibot kibot ang ano ko bago ko buksan ito e..(daliri ko)…sabi na e..wala kcng ganun kalabaw..alam mo nman n mahina ako s mga ganitong topic e..huhuhu

    we r so lucky at award winning ang ating mga tatay.. magkakaiba lang mga sacrifices nila but still parehas lang ng goal..ang mapabuti at maibigay ang lahat ng kaya nya para s knyang pamilya… at fulfilling n para s knila yung ma feel at malaman nila n alam natin yun at na appreciate natin lahat ng ginawa nila..

    hayyy na miss ko tuloy daddy ko!!!!

    tapos n term nila..chance nman natin to ngayon… kaya bon..arya..maghakot k ng maghakot ng dollars jan!!!


    Bons: lahat sila walang hinangad kundi ang mapabuti ang kalagayan nating mga anak nila kahit pa ang kapalit nun ay sakripisyo at hirap..

  18. rio says:

    hmm kakainggit nmn mga tatay nyo… kaaga ko tuloy nalungkot! d nlng me magkklase magmomoment nlng me! toinks^^ joke lng :> makahanap nlng ng papa n kagaya ng sa inyo pero yoko ng mag aabroad pa!

    Bons: haha natawa talaga ako dito.salamat sa isang magandang umaga! hindi ko na expect na magbabasa ka dito. woy mag klase ka lagot ka sa dean mo hehe.

  19. taps says:

    erpats ko nandyan din for almost 20 plus years already.

    wala pang balak mag resign. boypren nya yata ang boss nya.

    hehe


    Bons: haha! toinks!, taragis! pag isipan ang erpat? maaring pwede nating sabihin na may mas magandang dahilan pa kung bakit nandito pa din sya hanggang ngayon.. (at yun ay.. hindi nga nya maiwan ang boypren nya tangena!) ^^

  20. prettybaby says:

    touched ako sa blog mo nato bonifacio, tama sila swerte ka po for having great father bons sr., pareho kmi rio inggit din ako sau…hehehe…wala ako masabi or makwento bout sa fudrox ko, hindi kasi kmi close talaga at bago pko mapunta dito dubai nagkaroon pa kami misundersatnding pero naayos naman nun after krismas..,kaya nun umalis ako sabi ko sa kanya wala ako hihilingin sa kanya kundi magpakatino sya ahahahahaha..hindi kasi ako open na magsabi sa family ko ng mga prob at feelings ko,kahit sa mother ko.yay! kaya sabi ko sa sarilo ko kapag nagkapamilya ko, gusto ko palagi may commmunication sa anak ko at piliin ko yun ama ng magiging anak ko, yun malapit sa pamilya nya at hindi papabayaan..hihiihihi drama ko na…kaya masasabi ko sau SWERTE ka po talaga! for having bon sr., daddy chito swerte anak nyo sa inyo at swerte din po kau sa anak nyo….


    Bons: woy filipina salamat sa pagdaan dito sa blog site ko! naki boni station ka na din? haha!. minsan hindi natin na appreciate ang existence ng isang tao.. mahal kayong magkakapatid ng tatay nyo. nakainuman ko nung isang gabi! awww waappaak! ^^

  21. Basti says:

    Wow blockbuster.. Nakakawala ng antok yung isang ng comment sayo dito!! Toinks! nwey ako din hahabol.. hmmm dalas kami kina bon noon lagi kami sleep over pag may school project kami.. kialala pa kaya ako ni Kap? (tatay ni bon). Tawag namin sa tatay ni bon Kap, ewan ko kung san nakuha nila jorge yun, sa oki dok ata yun..


    Bons: oo sa lolo kap sa okidokc, tsaka “mabait si tsina eh!” -naalala mo ba yan?

  22. Hey yo bons, nakaka touch naman tong blog mo..

    Saludo ako sayo both Bons Jr and Sr.

    Saludo din ko sa tatay ko cos until now kahit tapos na kaming 3 magkakapatid, he is still in Saudi at sabi nya mag-iipon naman daw sya para sa kanila ng nanay ko.

    My dad is also in Saudi for about 17 years na if am not mistaken. Soobrang sacrifice cya para mataguyod kami with all our needs and everything.

    NAPAKAGANDANG BLOG!

    Bons: saludo rin ako sa erpat mo, at sa iba pang mga magulang na nagtitiis para sa pamilya! sa pangalawang pamilya, sa pangatlo! apat.. lima.. haha! biro lang. kilala ko ‘tong si arman at masasabing isang mabuti anak na ngayon tatay nadin!

  23. ruthinian says:

    salamat sa pag bisita sa blog ko. well appreciated. tambay ka don pag gusto mong makinig sa aking jukebox. hahahaha

    Ruthi


    Bons: aww! may napakinggan ko may paro-parong bukid! ^^

  24. leojqm says:

    nice blog tol. inspiring..

    i believe that what we become depends on what our parents teach us at odd moments, when they aren’t trying to teach us.

    mahalin at igalang natin ang ating mga magulang! (miss ko na rin tatay ko.. sana kaberks na ang tatay ko at tatay mo dun…ayos yun..astig! my prayers for both of them:) – leoj

    Bons: tama ka sa mga sinabi mo. wala silang hinahangad para sa atin kundi ang ating ikabubuti! cheers for them!

    naguusap ang dalawa sa langit:
    Tatay ni Leoj : pare kagwapo ng anak mo! artista ba yan?
    Bon Sr. : syempre kanino pa magmamana edi sakin.

    ** naks! toinks!

  25. Helena says:

    Haay, kaya nga labs ko si Zeus kahit super di sya perfect (well,pareho sila ni ex-mom). Dahil nag-iisa syang nagpakain at nagpaaral sa min. Ako nga lang ang mag-isang nagpalaki sa min at sa sarili ko.

    Nung namatay si Daboy halos ka-age nya yun. Napag-isip isip ko: Syet! hindi ko yata kayang mawala sya.

    Aylabshu Zeus!!! Kaway ka naman dyan sa Spain! Sana mabasa mo to…ay wag na lang pala. Baka isumpa mo ko sa ibang makikita mo.

    Toinks! Ayan nahawa na ko ke pader.

    Bons: regards kay mang zeus! ^^ bayaning ofw din pala sya..

  26. KhrisCruz says:

    SALUDO AKO SA IYO PAREKOY!!!

    Astig ka tlga bonski. It’s really great to hear someone express how he feels about his father. Kakalungkot man isipin pero syempre kelangan nating maging matatag para sa ating pamilya. Di ko alam na namatay na pla tatay mo. Mahirap isipin na wala na ang mahal natin sa buhay. Ako din nawala na rin ang aking ama nung akong 3rd year high school. It was a battle from cancer. Mahirap pag nakikita mo ung tatay mo na naghihirap and all you can do is simply give words of encouragement “kaya mo yan tay”. But still we have to face it, some battles cannot be won. Haay buhay bonski namiss ko tuloy tatay ko sa mensahe mo hehehhe.. Galing galing.. heheheh medyo natagalan ang aking comment heheheh..

    Ang importante ngayon we live our lives as what our parents dream for us, a better life, a happy life with our family. At for sure kuya Bon bon.. ang tatay mo proud na proud sa iyo.. I believe he is up in heaven smiling at you and telling everyone in heaven, “yan si bon, anak ko yan, mahal na mahal ko yan at proud ako na naging tatay nya ako”, Merry Christmas Bonski..

  27. blurosebluguy says:

    believe naman ako sa story mo..kaganda…. halos lahat ng mga ofw’s childen pare-pareho ng mga karanasan…tulad natin may kanya-kanyang kwento rin tayo….mas may naunang kwento ako sa tatay ko…

    see: absent si lapu-lapu…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: