para sa aking bukas

mahilig ako sa hayop. as in pets! kaya nung bata pa ako ang dami kong alaga sa bahay. kung ano ano maliban sa kuneho toinks!. sipunin kasi ‘yon at madaling mamatay. ‘yun hilig ko din siguro na yun ang dahilan kung bakit dati gusto kong maging isang duktor.. ng hayop ^^. VetMed ba, diko lang alam kung pano at kung saan kaya hindi ko na lang itinuloy tsaka nalaman ko sa sarili ko takot pala ako sa karayom at dugo. diko alam parang tumataas ang pwet ko pag nakakita ako ng sugat na malala o kaya naman yung mga inooperahan. pero ngayon kahit anong sugat pa yan sariwa o basa diko na inuurungan at di na rin ako mangingiming anohin yan. taragis!

napakasimpleng mangarap ang mga bata. naalala ko dati bagong bag mga notebook at lapis bago magpasukan, ang sarap sa pakiramdam halos gabi gabi ko tinitignan ang mga bago kong gamit hanggang sa dumating ang mismong araw ng pasukan na talaga namang big day, bago ang uniform sapatos lahat lahat na at syempre masarap ang breakfast! purefoods tenderjuicy! may family computer ka ba noon? sarap nyan pag sabado at linggo, lalo naman pagdating ng summer na halos umagahin ka sa paglalaro, ok lang naman kasi bakasyon, paborito ko ang super mario bros. na halos pati ikaw mapapatalon sa upuan mo para lang isave mo sa mga kupal na kabute ang princess na sa bandang dulo mukha namang biik ang hitsura.

minsan naisip ko ang sarap talagang maging bata. walang pressures, walang problema, basta mag aral ka lang na mabuti ok ka na! habang lumalaki tayo nagiging kumplikado ang buhay, tama nga na habang tumatagal mas dumarami ang gusto at naiiba ang pananaw natin. ganun siguro talaga pag patuloy kang nangangarap, patuloy kang magsisikap.

“Life isn’t about finding yourself. Life is about creating yourself.”

wapak! english yun ah! totoo tayo ang gagawa ng buhay natin, nandyan lang yan isang bakanteng pahina, isang canvas. masarap pag naabot ang mga pangarap, ibig sabihin non nagsikap ka at pinaghirapan mo. naging matatag dahil sa samut saring pagsubok. walang nagsabi na madaling mabuhay, ang alam ko lang madaling gumawa o maging tao. toinks! pero mahirap din magpakatao dahilan narin marahil sa hirap ng buhay! totoong masarap abangan ang magandang bukas pero mabigat na responsibilidad ang pagharap dun, hindi ‘yon nangyayari sa pagkatapos ng isang tulugan lang. ang bukas ay pinagpaplanuhan at pinaghahandaan. masarap anihin ang bunga ng pagsisikap, walang kasing sarap.

sa supermario natutunan kong sa bawat pagsisikap na gagawin mo may mga points na katumbas hanggang sa maabot mo ang final stage masarap sa pakiramdam tuwing matatapos mo ang bawat level, parang mga pangarap, kung isa isa mo silang makukuha kakaiba ang naibibigay na saya sa buhay mo. hindi man ako naging duktor ayos lang para sa akin. nakuha ko padin naman ang isa sa mga pangarap at gusto ko ang pagiging artista engineer. marami pa akong tutuparin, na tulad ng isang bata pilit kong aabutin ang mga bagay na magbibigay ng lubos na kasiyahan pero sa pagkakataong ito hindi na para lang sa sarili ko kungdi para sa magiging pamilya at mga anak ko.

 

Bons

**kung ang lahat ay sumasalubong sa iyo…
   wrong lane ka pare ko… toinks!

*ILOVEMYDAD!

29 Responses to para sa aking bukas

  1. Mr. Siopao says:

    O HA! Una ako ulit. Yehey!
    (Pasingit: Paninindigan ko na ang pagiging Mr. Siopao sa aking mga komento… ‘yan yata ang nagbigay daan upang makilala ako ng babaeng mahilig tumambling at umisplit… Feel ko nga close na kami e. TOINKS!)

    Clap clap clap Mr. Kuneho [aka.Kalabaw] [aka.Mr.BUNI este Boni>]!!
    Isang nakakapanindig-balahibo (sa ilong) ang artikulong ito. Panalo ulit! (sir ‘yung allowance ng mga fans club members paki-deposit na lang bukas sa ATM ko ha).

    “Life isn’t about finding yourself. Life is about creating yourself.” — WOW! Ano daw? Matalinhaga ka ha. Go go go…. continue to CREATE yourself sir. Bravo!

    Okrayin daw ba ang princess sa Super Mario? Huwag ganun! Pati ba naman ang prinsesa pinatulan. Alalahanin mo nung tayo’y bata pa (background music pasok)… inaasam-asam natin ang umabot sa stage na ‘yun hanggang sa mapudpod na ang ‘pindutan’ ng family computer.

    Bumalik ka sa aking tanggapan ngayon din at mag-sumite ng paliwanag (10-pahina) tungkol sa “sugat na sariwa o basa”. WHAAATTTTT?????!!!! Magsabay kayo ni Ooqay at pinapatawag ko din siya sa aking tanggapan. Ang mga batang ito oo. Kung anu-ano ang natututuhan. Paluin ko kayo sa puwet e.

    Serious na: This post is Supercalifragilisticexpialidocious! (In short… Panalo! May puso… may atay, balun-balunan, apdo, bituka, lapay).

    Ipagpatuloy ang pagsulat. Kahanga-hanga!

    Mr.Siopao (minsan asado, minsan bola-bola)

    Bons: salamat po. sa mga readers paki ignore nalang ung kalokohan ng deacon.haha kadami kasi mapapansin ung sugat na sariwa pa at basa. ^^ . ung serious comment lang ang basahin hehe. toinks!

  2. row talampas-balingit says:

    we should be thankful to our parents that they provided what we need and what we want.The values they inculcated, how to wish and dream for and how to get /conquer them.Those childhood memories will always be an inspiration to go on with our life and live to the fullest…does it make any sense?
    I remember a story of a child asking her mother” mom what do you want when you grow up?” In the eyes of a child , they believe that we the old ones should not stop dreaming and working for what we want in life…..so we keep on dreaming and dreaming and work for it.


    Bons: oo naman it make sense! never stop dreaming!
    woy dati naalala ko kaagaw ka pa namin ng kuya ko sa famicom naten eh haha itinatago mo pa kaya yung charger! toinks!

  3. Jorge says:

    Yep, ang sarap maging bata, hingi lang ng baon derecho na sa school. Pag uwi ng bahay may continuation pa ang laro tas kain, aral ng konti tas tulog na. May family computer din kami nun! Nde ko man nasave ang prinsesang mukhang biik, eh enjoy naman hanggang sa napudpod (literally) ung joystick namin at nde na napakinabangan. Salamat sa mga tatay nating nasa saudi nun! hehehe..
    Oi, serious mode ako ngaun, wala munang kabulastugan, ayan pinatatawag na tayo sa opisina ng deacon, lagot!! maglagay na ng karton sa pwet pra nde masakit ang palo! Toinks!!
    Mabuhay ka parekoi! Keep it up! (Ano daw?!)


    Bons: oo galing din saudi ang familycomputer with 101built in games yata yun kadami haha mananawa ka! wag ka mag alala i will make sure its always up whatever is that.^^ hehe

  4. cats says:

    ang sweet naman nyan, planning for your future family. tatay na ang dating parang ang sweet mong maging daddy. keep it up!

    Bons: awww! salamat! basa ka ng Wanted: GF

  5. nice says:

    haha. natawa naman ako dito sa post na ito (kahit seryoso itong post, toinks). haha.

    i’ve a question. sir bons, may plano ka na bang mag-asawa? kasi parang ang tema ng post mo na ito eh from childhood to planning in getting married. toinks.

    haha. lalalalala. inlab na ata si sir bons. toinks. toinks. toinks.


    Bons: alam ko kung san ka natawa.naku baka mapalitan na naman title ng post ko at mauwi sa sugat na sariwa at basa. hehe.

  6. ♥just me♥ says:

    hahaha.. sir naabutan ko pa rin yang family com na yan. nyahahaha!
    naalala mo pa ba kung panu kunin yung hundred lives??? weeee….

    eh me din nun pangarap ko nung bata akong maging magaling na doktor, un lagi sa e.r.,, wooohhh,..

    Saka kahit namn di ka naging vetmed.. isa ka namng makisig at magaling na alagad ng teknolohiya nyagun! ehem. . . . . (tagalog n tagalog yun!)

    “marami pa akong tutuparin, na tulad ng isang bata pilit kong aabutin ang mga bagay na magbibigay ng lubos na kasiyahan pero sa pagkakataong ito hindi na para lang sa sarili ko kungdi para sa magiging pamilya at mga anak ko. . “

    sir jp.. wow ang line nato ha…..as in.. teka, inlab ka nga ba??? (intrigaaaaa. . .)

    joke….

    sir Jp,.. feeling ko lang ang gandang gumising sa umaga
    ang secured matulog sa gabi kapag ikaw yung husband…

    ehhmm…….. itatanong ko yan sa magiging misis mo someday! ahahahah…..

    wwooooohhh…

    ;-) iba ka talaga sir JP.. hehehe..

    ♥♥♥


    Bons: salamat. sige magtanungan kayo, pede din kayo magpalitan ng recipe ng spageti o kaya ng sinigang ahehe. pero ang ganda ng comment mo, mas lalo ko naramdaman ung sense ng isinulat ko.

  7. Web_Hacker says:

    pero ngayon kahit anong sugat pa yan sariwa o basa diko na inuurungan at di na rin ako mangingiming anohin yan. taragis! Nakakatawa naman 2, kalibog mo talga e mahiwagang sugat yan eh.

    Pero pre seryoso maganda blog na ito, tama ka “Life isn’t about finding yourself. Life is about creating yourself.” but in GODs will pre, kasi minsan some of us e tinatahak ang landas na gusto lang natin, di na iniisip kung tama ba ito at wala bang nasasagasaan na tao/ Hindi pwede sabihin na eto ang gusto ko marating, dapat natin gawin eto ba ang tamang daan na gusto ng panginoon para matupad ko ang pangarap ko. Pre tandaan natin na ang mundong ito e temporary lang alam ko mahirap intindihin ng iba na kaya tayo nabubuhay e hindi para sa sarile natin nabubuhay tayo para sa iba at para sa panginoon (AMEN?). Tutal Seryoso naman 2 kaya wag kana muna kontra ha. Tol sa super mario na yun iba ang nakikita ko pananaw, ang mga kabuti na sagabal sa pagsagip natin sa prinsesa, e mga problema na binibigay ng panginoon satin upang lalo natin patatagin ang ating sarili sa pagsunod sa another Level ng ating buhay at cyempre at the END of that Level is the reward which is ang masagip ang prinsesa this princess symbolized the eternity na maaring maibigay satin ng panginoon kasama cya. So we are living in this world for the Glory of the LORD.


    Bons: nakss! thumbtaks! astig ka. all around IT ka talaga oo! salamat pre! mas madadagdagan ang mapupulot ng mga dadaan dito sa blog dahil dyan sa comment mo. cheers! SMB light! awww!

  8. leoj says:

    dream..believe..survive…TOINKZ

    keep dreaming.
    explore…never stop exploring :)


    Bons: may paborito akong i explore eh! kaso diko magawa dito sa saudi. inis!

  9. aileen says:

    kampay..tagay s tagumpay!!! hahah..

    s totoo lang tumanda n kot lahat..nawala n s uso ang usper mario e hindi ko p din naaabot ang princess n yan..jan yata nawala ang drive ko n mahilig s games…( good for me d b?)

    d ko tlga ma take c gino pag nagseryoso..hahaha… d ako tlga sanay!!! parang may calling kung makahirit!!! DREAM kaya nya yun??

    just continue ur journey..mahaba haba p yan..basta enjoy mo lang lahat..because at d end of it all..nothing really matters most but d journey itself.. ( anu raw??)


    Bons: kampay..tagay s tagumpay, gold eagle beer ba yan? ok lang naman na hindi mo narating ang princess sa mario.be satisfied even within yourself awww! si gino dream nga nya yun malamang. ^^ ganda naman kasi din e. nothing really matters! puro kau englisero taragis diko magets! haha

  10. mangbadoy says:

    yehey pang 9 ako!!! akala nyo una ako ano? adik kayo!!!

    sabi naman ng kondoctor sa LRT: “WAG NATING SALUBUNGIN ANG MGA BUMABABA, HINDI NATIN SILA KAMAG-ANAK”.

    marami pa akong tutuparin, na tulad ng isang bata pilit kong aabutin ang mga bagay na magbibigay ng lubos na kasiyahan pero sa pagkakataong ito hindi na para lang sa sarili ko kungdi para sa magiging pamilya at mga anak ko. >>> pwede bang maging tatay ka… dadi boni bili moko PSP hahha!

    Life isn’t about finding yourself. Life is about creating yourself >>> ayoko datungan pa tong quotes nato hahahba lang comments ko e… basta kung ano man yung pinaniniwalaan mo wag mong bibitawan yan dont stop dreaming kasi pag nag stop ka it means your dead… di pa natin masasabing nasa peak na tayo ng life natin kasi di pa natin nararanasan yung darkest moment…


    Bons: at sabi naman sa boni station: “WAG NATING SALUBUNGIN ANG MGA BUMABABA, HINDI SILA OFW”. toinks!

    thanks mangbadoy.number 10 ka! habang ginagawa mo may sumingit at naunahan ka sa pagsubmit haha. oo hindi tayo dapat huminto sa pag gawa at pagbuo ng mga bagong pangarap sa buhay.. ayy tama na tapos na blog ko hahaba pa.

  11. nice says:

    i never imagined sir G writing a very serious comment here!

    thumbs up! i read that comment, 1st-hand. haha. toinks.

    anyways, to sir bons, i’ll be looking forward for the next blog posts na senseful.. hehe. i always enjoy reading ur posts kahit pa may konting kabastusan yung iba, still, it has substance.

    hehe. anyways, mabalik tayo kay sir G! di nga, aba, toinks. nag-bleed ang pores ko nung nabasa ko comment mo. hekhek. peace.

    (clap)

    looking forward for the next level of your metaphysical ideas! haha.


    Bons: alam ko ang dahilan sa kabila ng pangalawang comment na ‘to. di lang ako kuneho. kwago din ako toinks!

  12. taps says:

    natutunan ko rin sa family computer kung paano daigin ang siyam na buhay ng pusa.

    up down up down left right left right a b a b select start


    Bons: ayos yan taps! ung start A and B button ko palaging nasisira nakailang palit din ako ng joystick. ^^

  13. dhacker says:

    hahaha, loko 2ng mga ito ah. Parang di pwede mag seryoso hahaha. nahahati kasi ang utak ko sa 2 bagay kalokohan at kabanalan. Kapag di me seryoso puro kalokohan ang sasabihin at gagawin ko, pero kapag seryoso naman ako puro kabanalan ang sasabihin ko. Eto pa may may kwento ako para about sa boni station (Usapang Tren) lalagay ko na lang sa BLOG ko sana magustuhan nyo.

    **
    Since HOT ang Blog mo at since Boni Station ito makikidaan lang me para sa BLOG ko hahaha..Para may ibang makabasa naman thanks…. See this link Ang Tren ng Buhay


    Bons: click nyo lang ang link na Tren Ng Buhay. nabasa ko na! maganda may dyugdyugan sa tren! nakakapanabik! ^^

  14. Tina says:

    Karamba..

    Serious mode: walang tumbling sabay split (PAGOD AKO!)

    Sabihin na lang natin na walang taong kontento.. kasi nun bata tayo gusto natin apurahin ang pag tanda, ngayon naman gusto natin maging bata… Hay apoo… Nuon bata ka.. ayaw mo masugatan, ngayon naman nag hahanap ka pa ng sugat! (kala ko ba serious toh)

    But newei, nice entry! Nalala ko tuloy yung kuya ko kaagaw ko din yun sa familycom eh, kakalundag ni Mario nahatak ko yung cord bumagsak ang familycom.. ayun namatay… hindi si MARIO kundi yung computer kaya back to start uli. Since nun ayaw na ko pag laruin, pag maglalaro ako may KONDESYONES.. “bawal lumundag” hay apoo… kaya ayun nagtumbling ako sabay split! Oh.. say mo! Bonga! ahihihi..

    Mr. Siopao… may necktie ka rin pala! Eh santa hat? meron? ahihihi (deacon baka sabihin uli sapao ka eh siopao ba naman!) hikhik

    Nice one pangs!


    Bons: salamat buti naman at walang split ngayon,nakakasawa nadin naman kasi paulit ulit ang talent mo. umisip ka ng iba. akala ko nung nahatak yung cord yung kuya mo yung namatay. awww! ^^ sige ipagpatuloy mo ang pagtanda habang kami dito ay nagpapakabata, ops! yung sugat wag mo pagagalingin kawawa ka pag gumaling yan! toinks!

  15. Rhai says:

    marami pa akong tutuparin, na tulad ng isang bata pilit kong aabutin ang mga bagay na magbibigay ng lubos na kasiyahan pero sa pagkakataong ito hindi na para lang sa sarili ko kungdi para sa magiging pamilya at mga anak ko.

    very inspiring lines. ang sarap namang isipin non. nakakatouch tong blog mo. ang galing mo bons. pero artista ka ba dati? haha


    Bons: burado sa pangarap ko yun,ayoko ng showbiz magulo. toinks! tinotoo ang tanong? hehe. salamat sa comment, na touch pala kita, sige minsan patouch kadin sakin ha.. in person baga.. para masaya. ^^

  16. francois kitty me says:

    weeeeee……. ang galing ni mr. bon rocstar! saludo kami sayo my pwend galing ng mga sulat mo… tanong lang naming lahat dammam rockstars … eh asan ang sinasabi mong pamilya at mga anak ….. wahoooooooooo………lapit na ba? pakilala naman sa amin….. nyahahahaha….. oh well, wag ng i-cross out ang artista at artistahin ka naman talaga modelo namin yan dito…. pero totoo ang mga nasambit mo dito sa nasulat mong ito….sana nga bata tayong muli….no complications…. pero lets just make our lives fulfilling as we move on and reach our golden years …. napagusapan lang namin ni insan nung isang araw….na sana balang araw…. kahit matatanda na tayo …. andun pa rin ang closeness nating lahat together with our own families (kung magkakaroon) …. basta… basta…. na miss ko na mag DOTA…. waahhhh …. sha non-sense na ako….. bilib talaga me sayo my pwend!


    Bons: “sa magiging pamilya at mga anak ko” yun yon eh! pero mas atat pa kayo sa buwan ng saudi pag matatapos na ang ramadan ah! haha! ^^ maghintay maghintay! pero salamat sa pagdaan sa blog na ‘to kahit kakulet mo oo targis! toinks!

  17. AZILAIR says:

    wow iba talaga si bon.. so ibig bang sabihin noh e… lam mo na kasi sabi u takot ka sa tusok ng karayom at dugo before… so ngaun lang.. lam mo na…. hehehe…. un lang po


    Bons: ang lawak nman nakakaiyak! hehe! wala kabang masabi?

  18. Basti says:

    natabunan na talaga ang comment ko.. sensya po natutulog kasi ako sa pansitan. halos parang kakagising ko lang after 15hrs sa pagkakatulog.. toink.. sarap matulog kakalimot kasi ng mga iniisip..

    kakatuwa pati super mario nasa blog mo na.. kapanget nga ni princess dun.. naalala ko pa nga pupunta ka sa World 3-2 ba yun tas kukunin mo yung hundred lives.. tononononut.. tonononut.. tonononut.. tonononunut.. hahaha. kasaya.. tas diretso ka sa level 8-4 na paikot ikot..andun c king kupal..

    sabi nga life is a game.. meron iba dyan nakakarating agad sa tagumpay meron naman iba dyan medyo natatagalan.. pag kumuha ng hundred lives that’s another thing na.. hehehe

    tsaka penge nga cells ng rabbit.. hahaha sabi kasi ang rabbit daw maantot.. pede ba sa tao yun??

    antok uli ako.. tulog muna..

    Bons: ahaha. naalala ko ung tununututnut!! sabay akyat ng bandera at the end of each stage. life is a game na minsan kailangan mo talagang laruin, pindutin,talunin at kung ano ano pang “in” . enjoy lang naten lahat! LIFE is a never ending game. DOTA naaaa!! owwwningg!

  19. Nakaka relate ako sa blog mo nato kasi nung bata ako isa din akong ”adik”‘ sa paglalaro ng family computer, gaya nga ng sabi ni jorge galing din yun sa Saudi regalo ng erpat ko basta daw maintain lang ang grado namin.

    Eto pa nga ang nakakatuwa nung mga time na ”tinuli” kami ng kapatid ko dun kami talaga nagbabad sa paglalaro, nakakatuwang balikan ang mga panahon na iyon na pa easy easy lang, hingi ng baon, aral, laro, kain at parelax relax lang sa buhay. Minsan, naiisip ko nung bata pa ako sana matanda na ko para mabili ko yung mga gusto ko, nagtatrabaho at napupuntahan yung mga lugar na malayo.

    Ngayon na alam ko na “I have to be more responsible not for myself but for my family especially for my wife and son”. Hindi ko na iniisip ang para sa aking bukas. For now, I think of their better tomorrow. naks naman:)

    Para sa magandang bukas.

    Bons: wala ka naman kasing ibang pedeng gawin kapag tinuli ka, naalala ko summer din nun. sa bahay kalang at joystick lang hawak mo. masarap pag lumaki ang isang bata na responsable, dadalhin nya ‘to hanggang sa pagtanda. salamat comment. ^^

  20. brotherutoy says:

    una sa lahat… Toinks.

    di ko maintindihan kung bakit dapat may sound effects ang pagpapatawa. pakiramdam ko eh vestiges ito ng Tropang Trumpo. o kaya Mario Bros.

    pangalawa, naiinggit ako sayo kasi may kabuluhan at may lalim ang mga kumentong iniiwan sa blog mo, maliban na lang sa naunang mag-comment sa post na ito. kunsabagay, isa rin siya sa mga mahilig mag-iwan ng kalokohan sa posts ko na hinahayaan ko na lang kasi nagbibigay traffic din naman siya sa blog ko. sayang din yun.

    pangatlo, salamat sa pagboto kay ging-ging. di ko akalaing kampon ka ng Siopao para mapilit ka niyang bomoto. magkano pala ang ibinayad niya sayo? kung tatlong “hail mary” lang eh kaya ko yang tapatan ng lima para iboto mo si manang bola, ang puppet version ni madam auring.

    panghuli, ia-add kita sa blogroll ko ng walang paalam pero syempre, after the Mass. medyo gipit na ako sa oras. galit na ang pari.

    God bless.

    Bons: salamat po sa pagdalaw dito sa blog ko. sa pakiramdam ko eh pinadala kayo ni lord. (broutoy at panjeet) para sawatain si deacon jhoen haha. (laglagan) biro lang po. salamat sa comment mo mas lalo ko narealize ang value ng mga taong nasa paligid ko at nagiiwan ng comment dito. ang sarap basahin ng mga reaksyon nila ang lalalim talaga pag nagbibigay sila ng comment na kung pagsasamasamahin ay makakabuo na ng panibagong blog.

    **
    GBU2

  21. Mr. Siopao says:

    Bro. Utoy, nilaglag mo naman ang cute na Siopao! Akala ko kapatid kita? Dami ko pa namang na-evangelize para tumambay sa iyong bahay-dalanginan… este blog! Hu hu hu! Susumbong kita kay Ging-Ging!

    Toinks!

    ^^Bons… pacensiya na… Nakigamit na naman ako ng walang paalam… Sarap kasi mag-rant sa comment section ng blog mo e (angkinin ba?)^^

    GOD BLESS din! (naks)

    Bons: ok lang yan. pakiramdam ko banal ang blog ko pag andyan ka, lalo pa ngayong tatlo na kayo. kaya para sa inyo eto aaawwwts!! (awww+tumbling+split)

  22. bluepanjeet says:

    libre mangarap. Kaya nga sa taytol ng blog ko ay may “wings of my dream” kasi hindi man matupad at least nangarap tayo kesa dun sa iba na ayaw man lang matikman ang ligaya kahit sa panagarap man lamang. Sa pinagdadaanan ko ngayon sa buhay ko ay di biro. Naiinip ako sa totoo lang. If I have the choice to fly like a bird and go to south when winter and fly north when its summer, then I will. But then again, life sometimes pull us on the ground which disable us from flying. That’s why God gave us dreams so that we can fly whenever our feet is grounded.

    Keep dreaming dude!

    PS. Would you believe that I once was a video boy here in our city. Videoboy means isa ako sa mga batang palaboy sa videohan at nakikivideo sa halagang dos pesos kada limang minuto way before counterstrike and warcraft became a hit among computer shops. I was an addict in battle city, mario bros and commando with infinite lives ha (a+b up down left right select etc). I was soo hooked up with the family computer na di ko akalain na magkaka sarili ako game consoles paglaki ko. see kahit huli na nasatisfy ko pa rin yung longing ko for nintendo but better. and natupad din ang dream ko and now I have my own blog.

    Keep on dreaming at syempre may action din.

    Bons: salamat po sa magandang comment.(nosebleed) ^^ biro lang. masaya ang buhay. enjoy lang natin. at syempre habang nag eenjoy dapat alam natin responsibilidad natin sa sarili at sa kapwa. libre lang mangarap, walang hanggan na paghiling.

    ♫♪Ang sarap sanang magkaroon ng
    Sapatos na lumilipad
    Spaceship, kotse ni batman
    X-ray shades at laser gun♫

  23. brotherutoy says:

    aba, bluep, andito ka rin?

  24. rio says:

    wla tlagang kupas ang boni express prang bukas mahaba man ang gabi dadating at dadating padin!
    sa dami ng naging bagong notebook at bag mo lagot k talga kay nanay pag d k nakatapos (joke lng po)
    ako yata ang napalo **toinks (buti nlng nakabawi na!)

    Bons: tama diba? gano man kahaba ang gabi, liliwanag din para sa magandang bukas. let us all keep on dreaming and keep on working for it. ^^

  25. p0kw4ng says:

    hihihi..maya ko basahin yung post..sa comment muna..ang gaganda naman ng comment..at nagpapabalik balik din para lang chatroom,hihihi

    salamat sa pagdaan sa mundo ko!

    Bons: ahaha salamat binibinig pokwang. ^^

  26. Helena says:

    Bon pareho tayo!! VetMed dapat ako (ayaw ni ZEUS). Sabi nya “ANO?! Gusto mo maging si okidok?”

    Sabi ko “Hindi po sabi ko Med bingi ka lang”

    Ayun kemalas ko napunta tuloy ako rito…unlike you iniisip ko pa ang halaga ng lahat ng to. Siguro kelangan ko makausap si padersiopao.

    O sya alipin kumain ka ng marami. mabulunan mabusog ka sana.

    Bons: haha so buti nga at hindi ka naging okidok. mas magandang yang tinahak mo. mas malaki kita dyan hekhek!

    **araw nga pala ngayun kaya alipin moko, humanda ka mamayang gabi.ako ang iyong kamahalan. ^^

  27. Helena says:

    wag mo na ibroadcast dito yan bon. Si padersiopao nakikinig oh…nakainvisible. Toinks! Baka padapain tayo.

    Bons: haha. di na nya mapapansin to. gustong gusto ko nga dumadapa eh hihihi

  28. Helena says:

    malakas pang-amoy nun. Saka sabi nya may bolang kristal daw sya parang ke manang bola. wahaha

    o sya trut na to…matutulog na ko alipin…ihanda mo na ang kama.

  29. hi there admin. i have to say that you simply have a very nice blog(para sa aking bukas bonistation) and i was really impressed with it.i am new to blogging and i would want to know other bloggers and learn from their website. My blog(http://www.delicious.com/chadalley52) is very new and i am still figuring out to work with it. i hope i will get to know a great deal from bloggers like you. cheers for this well-written post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: