popoy

lunes na naman, sakto ang dami nagtatanong ng blog kung may bago ako. sinadya kong di gumawa kasi naman sabado nga at linggo sabi nila walang benta pag ganyan mga araw kasi karamihan sa inyo walang pasok at alam naman natin na mga huwarang empleyado kayo! huh!? alas otso ng umaga friendster ka agad! at sabay sabay magagalit sa FS dahil ninakaw ang mga friends nila. haha. sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ganun! hoy ibalik nyo mga friends namin! sabi nga nun isa sa nabasa ko na nagcocomplain “friendster! give me back all my friends” ^^

habang nag iisip isip ako ng topic kanina  naisipan kong manghingi sa chat at eto ang usapan namin

n12

nagseryoso at nanghihingi pa ng opinyon sa akin. itatago ko ang pangalan syempre para sa kanyang kapakanan.

n21

talagang seryoso, wala akong nasabi dere deretso ang type nya ng message, hindi ako binigyan pagkakataon sumingit!

n31

o diba tsismis? haha. ibinabahagi ko lang naman mga bagay na yan na totoong nangyayari sa araw araw, ordinaryo man o kakaiba at minsan paulit ulit. karaniwan naman talaga ang ganito. classic sabi nga,  problemado sa kaibigan nya na pakiramdam nya gustong dumiskarte kahit alam na alam nyang may gf to. sabi ni bob ong “wag ka ng humawak pa ng iba kung may hawak ka na” kung may girlfriend kana tanginings ka maging loyal ka naman, kaya ka nga nag girlfriend in preparation na ‘yon para sa pag aasawa mo, ngayon kung may nakita kang iba at may naramdaman kang mas higit na kakaiba, tangena si bob ong padin sagot mo dyan, sabi nya piliin mo daw yung pangalawa kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung talagang mahal mo yung una.

paano kung ayaw naman ng taong gusto mo? kahirap diba? hindi naman pwedeng basta gusto mo lang sya. dapat gustuhin kadin nya, masarap talaga pag give and take. parehas kayo nagmamahalan panigurado kahit yung araw gagawin mong gabi maka iskor kalang ng maka score.

at mahirap din naman talagang mag move on, mahirap kalimutan ang taong minahal mo at halos ibinigay mo na ang buhay at panahon mo at hindi ganun kadali para mag palit ng bagong kapareha, may stages yan! naks (parang ekspert!). parang sa pelikula lang yan wag kayong magulo! ganito kase yon, “hindi nyo ba alam ang 3 months?” kailangan maghintay ka muna ng tatlong buwan after the breakup bago ka makipag boyfriend/girlfriend”.. 

hindi ko din alam yan toinks! sinabi lang kasi ni popoy sa “one more chance”. ok lang naman maging open ka sa bagong relasyon pero sana hindi mo iyon gagawin dahil gusto mo lang pasakitan ang taong totoong mahal mo. kaya tama din na bigyan mo ng panahon ang sarili mo na gumaling at makalimot upang magkaroon ng puwang sa puso mo ang bagong tao na magmamahal sayo.. darating ang oras na sasabihin mo “handa na kong muling umibig”. sarap nun! ^^. taragis kinikilig na naman ako!

kausap ko din kanina isang kaibigan ko sa pinas at nanghihingi din ako ng topic para sa blog, natawa lang ako kasi eto ang naging tema. syempre usapang kuneho na naman.

g1

nung college kami tawag namin sa kanya “batang ma L”  hanggang maka graduate kami yun padin. kaliit kaseng tao napakahilig! naalala ko pa nung kasama namin ‘yan nag OJT sa Baguio, umuuwi yata sa cabanatuan linggo linggo para lang makipagkita sa mga babae nyang nakakatext. ibang klase dating, taob kaming lahat sa pagka tsikboy nito oo! napakatinik, nung nagsabog yata ng biyaya ng kahiligan eh sinalong lahat ng batang ito.

pero syempre hindi lang naman laglagan ang mangyayari dito, kailangan ko ding bumawi sa kaibigan kong to, saludo ako. syempre dahil masarap makisama at sya yung pwedeng maging deskripsyon ng taong pede mong sandalan. di ka nito iiwan kahit ano pa laban mo. nung mga panahon na hindi pa kami busy kasama ko tong nanyinyiks rumaraket! magaling ang utak, mula ulo hanggang ulo kibot ng kibot nakuhh!. haha. taragis ka!

 

Bons

** pakiramdam ko wala ng mag cha chat sakin sa YM pag ganito ng ganito.

43 Responses to popoy

  1. Jorge says:

    Hahaha! Isa na namang best seller ito! At sana ako ang unang magcomment!

    Ang haba ng entry pero worth reading as usual!

    Eto ang tinatwag na true friendship, laging naaasahan! Astig ka talga parekoi. buti nalang nde mo pinopost ung mga chat natin, hahaha. Kabog ako dun! Maglaglagan na! Toinks!

    Natawa nmn ako dun sa pangalawang chat, kilalang kilala ko kung sino un, pero nde ko sasabihin! Sikretong malupet!! Eto clue: ung batang ma L na un eh lagi naming kinokopyahan nung college at sya ang sandalan ng bayan sa mga projects! Un na po. bow!

    Bons: haha. natatawa din ako sa mga pinagsasagot ko dun sa unang chat. kaya bumawi nalang ako. eh kabastos kahilig din kase ng mga sagot ni bons dun sa chat. yung pangalawang chat naman. hinding hindi ko yan makakalimutan. yan talaga ang idol sa lahat ng bagay. ^^

  2. Jorge says:

    Ayan! Una akong nagcomment! Awwooo!! Iba talga ang avid fan! Astig! hehehe..

    Kapag makakachat kita, dapat walang print screen ha! toinks!

    At para naman dun sa first friend mo na may problem. Mas magandang umiwas, umiwas at umiwas pa. Show him that its not okay at kung maari ipakita mo na galit ka na sa ginagawa nya. If he really likes you, he should respect you, he should help you to move on from your break up. If he still insist na friends lang ang turing nya sayo, give him a big slap on his face and shout ‘Wake up!’ Un lang po. Sana makatulong.

    Keep it up parekoi!

    Bons: bakit ako sinasabihan mo ng keep it up! papatayuin ko na naman ba tong sakin?? pagod ako!! ^^

  3. Jorge says:

    Wahahaha!! Naisahan mo ako dun ah! This time nde kakunehuhan ang ibig kong sabihin sa keep it up na un ha!? toinks!

    Ako din pagod, buti nlang si basti tulog na naman. hehehe…

    Ang tagal namang magflood ng mga comments. Mga natutulog sila mga fans mo, hehehe.

    Bons: ano kaba! tatlo na post mo kahilig mo oo. nangangati ka na naman! hehe!

  4. mangbadoy says:

    potah naman akala ko ako una… enewei’s yehey pang apat ako! hahahah… sige basahin ko na… comment muna bago basa!

  5. dhacker says:

    hahaha! kilala ko kung sino yung una at yung pangalawa, pero like jorge di ko sasabihin. yung sa una naku office mate namin yan. Hehehe pero palis na daw cya. Yung pangalawa naman totoo yung sinsabi nila sandalan namin yung tao na yun mahusay yun sa lahat, mapastudy, application, computation ng problem solving at cyempre sa kalokohan. The Best cya maasahan sa lahat ng bagay… Tama ba ko mga Pre? wag kayo kokontra ha wahaha.

    Bons: haha laglagan na ‘to. wag mong ibuko. mysteryo yan.

  6. just_me says:

    helloo.. sir jp…my gurl na ba dito?

    hahahha… asus..

    eto na:

    “BAKIT HINDI KA GANYAN SAKIN SIR????”

    hahaha…..totoo!!!!!

    kwela tong blog na to..

    mmya ng comment ko ha…. mahabng mahaba ng leeg ko katitingin sa boss ko,baka lumabas office nya un.. huli ko!
    hhahaha..

    sir jp.. keep it up! (ano daw???) ano un..
    sus.. keep up the good work..

    mwuah!

    Bons: wag ka ngang magulo dyan, baka may magtampo pa. ^^ mahal ko kayong lahat ok? awwwts!

  7. mangbadoy says:

    isang buntong hiningang malalim…

    paunawa sa lahat ng babasa ng comment ko mahaba po ang comment ko kasi gusto ko lang i-emphasize ang stages ng break-up(if there’s such) at ang usapang love/relationship.

    1. in my case, wala ng stages ang break-up for me wala ng time to cry at move on.. so i am lucky na hindi ako nagdaan sa sinabi ni bon na dapat may 3 months lead time (or rule) para mag move on sa natapos na relasyon. sa tatlong babaeng dumaan sa buhay ko inperness yung unang dalawa more than one year kame tapos yung current (hopefully last na!) 2 years and 6 months na kame. yung pagitan ng una sa pangalawa actually walang pagitan kasi nag- overlap e. yung second tapos yung current wala pang 15days diko nilagawan kasi i dont believe in courtship (off topic na to next time na lang visit my site if you want to know more) to cut this long intro… bakit kailangan tayong madepressed mag-iiyak kung alam naman nating binigay natin lahat kung niloko tayo ng ex natin so be it! hindi natin/nyo ginawang manloko kasi gusto nyo maging LOYAL at di yun masama problema na nya yun ang importante nalaman natin hanggat maaga pa na hindi kayo para sa isa’t isa. ITS NOT YOUR LOST, ITS THEIR LOST na iniwan nila kayo ang dami nyo pang pwedeng i-offer so bakit kailangan mag-iiyak! pag nagmahal tayo dapat UNCONDITIONAL dapat walang hihingin so kung mag-iiyak ka kasi iniwan ka nya or natapos yung relasyon nyo e di ibig sabihin your expecting something from him/her… ano kayo banko na may interest or producto na may money back guarante.. if you open your door for someone you should also know WHEN to close it and call it QUITS! and besides your windows are still open for other opportunities that are willing to be explore they are just waiting for you to explore it…tsaka there are so many FISHES in the OCEANS wag kang pipili ng bilasa tilapia dami dami dyang TUNA e…

    2. may ginawang expirement yung mga psychologist na pag kinulong or cinontained natin ang mga tao sa iisang room…may mga taong madedevelop sa bawat isa…kung familiar kayo sa PINOY BIG BROTHER, nakikita natin yan na na-iinlove ang housemate sa kapwa nila housemate kasi naghahanap tayo ng kalinga ng oppositive/same sex. natural behaviour yan ng tao…sa skul nga diba nung high school pag nagkakacrush tayo nililigawan natin sila (uulitin ko di ako naniniwala sa process na to) so yung naramdaman ng kaibigan ni bon ay naghahanap lang ng kalinga sa ibang tao. PERO, kung ayaw sayo tantanan mo na! ayaw nga nangungulit ka pa pero understandable yun LALO na sa mga OFW na naghahanap ng kapwa pinoy/pinay na ka partner sa ibang bansa mahirap mag isa sa ibang bansa kung ikaw lang pero marami rin naman success stories na nag work out ang LONG DISTANCE relationship basta ba may CONSTANT COMMUNICATION at TRUST sa bawat isa basta establish na yang 2 sa relasyon nyo i think READY-TO-GO na kayo…

    mahaba ba? ang kulet ni bon pinasulat pa sa comment section to! hahaha…

    for more inspiring stories visit my blogsite @ http://mangbadoy.wordpress.com

    this is your host mang badoy para naman sa isang mahabang comment na walang sense…

    Bons: wow! ang haba! salamat! pogi kasi tong si pareng badoy kaya ganyan ang thinking nya hehe. experience is the best teacher sabi nga. others will learn from yours. ^^

  8. NICE says:

    cool blog, spontaneous ang utak ng sumulat! toinks.

    at sobrang kyut at intelligible ang topic. haha.

    btw, ma-L ka pala sir *tooooooooot*! haha. i just called you kanina, kaya alam mo na kung sino ka. halata naman eh! haha!

    pero seriously, totoo yung sinabi mo sir bons na mahirap mag-move on and it will just take time for you to heal and accept someone again na mamahalin mo at mamahalin ka rin. Kanina nga lang, para akong naiiyak nung nakita kong nag-OL si 3C tapos nag-log out din.. para akong tanga na halos habulin sya upang i-pm lang. toinks. Sakit eh ‘no?

    haay. Pag-ibig nga naman. Kahit sobrang talino na, magmumukha parin tanga. Grr.

    How I wish also that guys must be loyal! Please, don’t treat us girls like little sparrows. Ponder on the definition of fidelity please. :D

    Good written article sir bons!

    (pasensya na, mukhang may problem ang net connection ko kaya pumapalya ang pagpost sa comments ko. Haha.)

    Bons: little sparrow… little sparrow..♫♪ ^^ salamat sa comment at sa ‘yong damdamin, mukhang malungkot ka din. ayos lang yan. lollipop lang naman yon pede mong palitan anytime. haha.

  9. CeL says:

    Hahaha, napatawa ako dun ah! Mahirap pa naman ako nabibigla ng tawa, nawawala ang pagiging dalagang pilipina hahaha. Sira tuloy mapinong poise ko dito office, kainis ka bon. Damihan mo pa blog mo :D

    Bons: pag tumatawa ka pa naman eh nilalabasan ka! ^^ haha. peace.

  10. prettybaby says:

    hi! kilala ko din po yun “batang ma L” inaninag ko mabuti yun name sa chat room…anyway totoo po na mabait yun at maaasahan…mabait yan kasi pinag drive nya ako hahaha sa gitna ng matinding sikat ng araw mahatid lang ako sa amin 1st gig.ang dko sure yun isang description sa kanya…lam ko lang mapagbiro ng sobra yan kaya madalas mamisinterpret haha!…

    bout sa 1st topic…mahirap din yun ganyan sitwayon..pure friendship lang gusto mo sa kanya pero yun isa naman minamalisyahan na yun mabuting pakikitungo mo sa kanya.i also experienced that here in abroad, nakakainis nga kasi he’s acting like a bf..nakasunod ng nakasunod…at OA na sa pag care.mabait sya at malaki natulong nya sa akin pero kung i-tatake advance nya yun, hindi talaga ayos…gang sa napikon nako sa kanya…(alam naman nya kasi na committed din ako)nagalit ako sa kanya at hindi ko sya pinansin pero after a month nagkaayos din kami.siguro narealize na nya yun mali nya.he’s also have GF in manila at napakatagal na nila…to you Ms.1st topic let him feel na ayaw mo ng actions nya kung kinakailangan magalit ka din sa kanya para magising din sya…
    yun lang po at salamat…

    Bons: salamat prettybaby ng dubai. ^^ mababasa ni ms.1st topic yan. ingat ka dyan,sabihen mo sakin pag may loko.^^. kilalang kilala mo nga si mr2ndtopic. close kayo nyan dati nung nasa pilipinas kapa. haha.

  11. rache says:

    naku bonn grabe ka ha…baka nga wala nang makipagchat sayo nyan – baka mafeature pa sila sa blog mo…. masyado ka namang mahilig… maginoong bastos ba? oy magasawa ka na kasi noh ng mabuo na basketball team mo!
    entertaining tsismis / entry though :)

    Bons: salamat rache! katuwaan lang naman at ok naman dun sa may ari ng chatbox. ^^ wala na syang magawa actually.but shes thankful now kase marami syang nakukuhang feedback from comment. nageenjoy na nga sya ngayon. ^^ toinks!

    tuwa lang akong magblog, kaya ganyan tema ko, pero maginoo ako promise. may basketball players nako kaso magkakaiba ng team! ahaha. ^^

  12. Naisu says:

    According to Anna Louise Strong, ‘to fall in love is easy, even to remain in it is not difficult; our human loneliness is cause enough. But it is a hard quest worth making to find a comrade through whose steady presence one becomes steadily the person one desires to be’.

    This is in response to a comment herein in which I would like to state my disagreement. Yes, falling in love is so fucking easy but maintaining the passion on how you see your partner through time is fucking difficult on the other hand and it will DEFINITELY WILL LEAVE A MARK IN YOU.

    Maybe, people differ from each other and yes, it’s a given fact that they also differ on the ways they cope up with things (in psychology, defense mechanisms). Kaya I don’t think, we should generalize the situations of ‘moving on’ na di valid o ni hindi man lang dapat iyakan. It’s not the question on whether you really love ur ex-partner or not kaya ka nagka-cry or nadi-depress. It’s the question on how you REACT on the failed relationship. Sasabihin mong di ka man lang umiyak or nanghinayang and that u didn’t have the time to move on? Hmm, maybe that’s your way of coping up. In psychology, we call that escapism or projection. PERO, most of the failed relationship cases, it’s a common reaction or defense mechanism of people to cry and become depress. Crying is something that we really cannot explain metaphysically but yes, it’s the common way of releasing the emotional imbalance in us during the down situations that we really are going through. According to Antoine de saint-exupery, the land of tears is such a secret place. It’s such a secret place that we cannot actually define how crying means to a certain person. Ok?

    For further information lang rin, yung sa Big brother thingee naman, hmm, it’s actually an experiment on PANOPTICON. It’s allowing a certain ‘big bro’ to monitor the actions and body languages of the people inside his house. It is not only observing on how they will be falling inlove with each other (part lang yun ng COMMERCIALIZED EXPERIMENT) pero it is primarily, to monitor how people will adapt into a free environment patungo sa contained environment. Kung gusto niong makakita ng real life panopticon experiments, pumunta kayo sa mga jails. For sure, di yun commercialized panopticon kasi mga laypeople ang bida dun. Panopticon was actually a concept designed by Jeremy bentham (and was invoked by michel Foucault) for the prisons in which the prisoners cannot really see the ones monitoring them.

    Thank you and I hope this comment will contribute on a knowledgeable discussion here in ur blog sir bons!

    Bons: napakagandang comment. salamat naisu. habang binabasa ko eh dumudugo ilong ko. ^^ biro lang. well said, ok lang naman talaga na umiyak ka, kasi masakit. at mahirap tanggapin sa sarili mo na naisahan ka. toinks! its not that ayawan nyo na kaya ok lang. yung pakiramdam na mahirap magbago ng lifestyle na nakasanayan mong may kasama ka suddenly mawawala un. isipin mo ang taong sobrang mahal mo at bigla bigla mawawala sayo sa dahilang hindi mo gusto o labag sayo. darating at darating yung moment na gusto mong umiyak at gusto mong maramdaman ng buong mundo na apektado ka. well since blog ko ‘to pede kong sabihin na ako umiiyak din, and i did it more than once, twice at sa pagkakatanda ko mas higit pa. para sa akin kasi normal yun, at isang sign yun na mahal na mahal mo ang isang tao kaya ka naiiyak dahil nawala. ngayon kung ang sarili mo ag dahilan kung bakit ka lumayo taragis bat ka nga iiyak. on that part parang hindi ka nagmahal ng lubos. or nagmahal ka man lumipas na. depende padin sa tao kung ikaw yung palaging nangiiwan sigurado hindi ka pa umiyak, pero itaga mo sa bato! makakahanap kadin ng katapat at iiyak kadin.^^

    salamat po sa mga comments. dami matututunan.

  13. basti0780 says:

    Wow ang daming comments.. Parang para sakin lahat ng comments dito ah.. Epal hahaha.. umaagaw ng eksena.. dami talaga nagrereact pag Love ang topic..

    Hmm..Everyone has its own perspective naman pagdating sa love..

    Lahat naman sila tama.. sabi nga ni Naisu, “falling in love is easy”.. yeah tama ka dun lalo na if you really like the person diba.. and wala ka na magagawa dun.. It’s Unstoppable!!

    Sabi naman ni Nice: “Kahit sobrang talino na, magmumukha parin tanga!”. Tama ka din dyan.. kasi ang pag-ibig walang pinipili. kahit sino ka pa basta tinamaan ka ng lintek na pagibig lahat gagawin mo.

    Lahat ng yan ay elemento ng pagibig.. normal sa tao ang magmahal at ito ang bubuo sa pagkatao mo..

    Lahat tayo ay may kanya-kanayang storya nang pag ibig.. naging masaya o malungkot man ang ending ng love story mo.. atleast minsan sa buhay mo meron kang kwento ng pagibig na hindi mo makakalimutan, kwentong mgbibigay inspirasyon sa iba.. kwentong kakaiba.. kwento ng pagmamahal..

    Umiyak ka man, sigurado ako sa bawat pagiyak mo ay may mga bagay kang matutunan na mapapalakas at magpapatatag sayo. “You’ve made me stronger by breaking my heart..” eka nga..

    Totoo naman masarap ang may minamahal at may nagmamahal.. pero nasayo din kung pano mo tutuldukan ang ending ng love story mo. Sabi nga sa kantang Seasons of Love..

    “In – Five Hundred Twenty-Five Thousand
    Six Hundred Minutes
    How Do You Measure
    A Year In The Life?

    How About Love?”

    —–Q&A—–
    Q: How do you measure your life and love???

    A: Para sakin love is immeasurable; it lives on forever even if your life ends..

    Bons: astig ah! para lang akong nanonood ng DR.PHIL at OPRAH. lahat tayo may kanya kanyang kwento ng pagibig. may sarisariling lakas at kahinaan pagdating dyan. kahit ano pang kwento ang meron ka, malungkot man o masaya sigurado blockbuster yan para sayo.

    **
    sagot ko sa Q/A ni basti (na agaw pansin parang sa kanya ang blog haha):

    I measure it on how many times you forgive people who have done wrong against you, how many i love yous and thank you i received from the person i loved, family and friends. How many friends laughed at my jokes and blogs, put smile on their faces, and helped them in time of need. How many people in my work place appreciated the time i spent for them when they needed guidance and advice (wayback philippines-tsismisan in tagalog). How many of them see me as a brother and not just an IT personnel with geek impression. How many times i tell them God is Good, everythings gonna be fine. I measure life through all bad things and good things in one perspective…and love as a free flowing gift which can come and go but still able to find true one tha can stay with you even after forever’s forever.

    Bons

  14. Dhacker says:

    Pareng basti mukhang ang dami mo na alam sa LOVE ah, parang pang BLOG na yung sinsabi mo. Pwede kana Mr. Kupido hahaha. Gawa ka ng BLOg tungkol sa payong Pag ibig, payong Kamanyakan, payong pinaghalong pag ibig at kamanyakan. Alam ko dyan ka experto eh, Im your instructor dyan dati, at dahil nagtapos ka ng may mataas na karangalan dyan alam ko na mas mahusay ka pa sakin. So pareng BON wag ka alala kaw naman ang Second Honorable with Best Thesis pa Title: “Boni Station” So guys Keep it up itaguyod nyo ang ating School, The School Of Great Manyakis hahaha toinks toinks. Pati me nahawa na sa toinks na yan ano ba meaning nun? hehehe!

    Anyway gusto ko mag advice dun sa Girl na mukhang bingsakan ng langit at lupa sa larangan ng Pag ibig: Girl kung sino ka man na nasa itaas lang na opisina ko eto lang masasabi ko……………..Wag mo isipin ang pagiging paranoid kasi di ka naman mongoloid hahaha, ang dapat mo isipin e kung totoo ba na may nararamdaman cya sayo o baka naman binobola ka lang nya at iniisip mo na mahal ka nya at the END ikaw din masasaktan kung papatulan mo mga palipad hangin nya, Likas samin mga guys ang magpalipad hangin, at kung minsan may mga girls na sumasakay dun. Tandaan mo lang ang isang bagay kapag nagtapat sayo ang lalaki at sinabi na mahal ka nya ang tanging isagot mo im not ready, if he still incest? hahaha mali pa tagalog na nga lang kapag pinilit pa din nila na manligaw sa kabila ng pagtanggi mo dun mo pa lang masasabi na seryeso yata ito, at dun hayaan mo lang cya manligaw at kilalanin cya. Pero kung ikaw mismo ang magiging paranoid sa kakaisip na baka may pagtingin sakin ang taong ito naku GIRL maloloka ka lang at baka sabihin pa sayo ng guys, who told you na mahal kita. Di ba mas masakit yun. Dapat just take the day with HIM just an ordinary day sabi mo mga friends lang ang turing mo sa kanya so BE IT na lang yun. If Gusto nya tlaga na ligawan ka o mahalin ka so Dapat Tapusin nya muna ang relasyon nya sa iba(sabi mo may GF cya sa manila). Ok? So hope this Comment will make you anger with me hahaha at hope this comment also make your day a GOOD DAY. God Bless…

    Bons: haha tado! walang siraan ng reputasyon “magalang ako” kasasabi ko lang ahihi ^^. wala padin tatalo sa yo panginoon ng hilig! **sambahin!.

    dun sa girl, oo nga naman baka naman paranoid kalang at humaba na tuloy ng ganito ang comment section ko, ginulo mo buhay nga mga taong dati eh manyak ngayun love na ang sinasabi. baka naman na mimis interpret mo lang din minsan ang mga kilos nya. at baka isang araw nga sabihin nya sa harap mo (inspired bay A VERY SPECIAL LOVE movie hehe) “i didn’t ask you to love me” tapos eto pa “maawa ka nga sa sarili mo, itigil mo nayan, mapapagod ka lang..”

  15. koolit says:

    no comment! hahaha dumaan lang para bumusina…beep beep!!!

    Bons: ayaw mag comment baka ma quote! ahaha! play safe ang manager.^^

  16. basti0780 says:

    langya ka Gino(dhacker) ka.. kitang siroyoso ako ng isang dangkal at kalahati dine e.. kaw kaya nangunguna basta ganun..

    @Girl: Oo nga baka akala mo lang e kakaiba na yung kilos nun guy.. Some guys used to have that kind of attitude, sweetness ba.. Natural sa mga lalaki yoon, naparanoid ka lang cguro.. Kahit sinong siga at sanggano ang iharap mo sa babae, may pusong mamon pa din yun. Baka ganun lang talaga sya magcare sa mga friends nya. And in the first place hindi naman ata sinabi nun guy na gusto ka nya or liligawan ka nya. dont know the reality of your situation.. sabi nga ng isa kong friend “let things fall into places”.. o putilin mo ang hair mong mahaba.. mahirap mapahiya at the end.. intayin mo nalang mga susunod na pangyayari.. guys usually speaks at thier peak.. read this..

    Wife: Maghihiwalay na tayo!
    Husband: Ok, akin ang Bahay!
    Wife: Akin ang Farm!
    Husband: Akin ang Kotse!
    Wife: Akin ang Driver!
    Husband: Pwes, mag kakamatayan tayo, matagal na syang akin!!

    **Wahaha.. Husband nakaka Split ka ng laman!! Umayos ka.. magpalda ka nga!!!

    Bons: toinks! ang husband haha bumigay sa driver wapakk tumbling ako dun a!! wala nakong masabi sa comment sa ibabaw. tawa na lang ako ng tawa dito sa mag asawang maghihiwalay! bwahaha!!

  17. naisu says:

    @ basti: well, u’ve got it right. u don’t know the reality of the situation. i know the girl, first and foremost. just to emphasize, THE GUY ACTUALLY TOLD HER HE LIKES HER and that he cannot just go directly into courting because he’s confused as of the moment since the guy PRIMARILY has a girlfriend in manila and the girl has JUST CAME FROM A BREAK-UP OF A LONG-TERM RELATIONSHIP at hindi pa nakakapag-move on at vocal nyang sinasabi na SOOOBRANG HOPEFUL PA SYA NA MAGKAKABALIKAN SILA NG EX NYA!

    ‘WAG MO NAMAN SABIHING MAGPAPUTOL MUNA NG MAHABANG BUHOK YUNG GIRL DITO! WALA KANG KARAPATAN NA SABIHIN YUN dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon. feeling nyo kasing guys, kayo ang hinahabol! and that really is a bullshit thing! in the first place, as far as i know, nag-usap na yung girl at guy na involved dito. the girl actually confronted the guy and he said nga na ganun talaga yung feelings nya towards her (refer to what i’ve said earlier). pero after the confrontation, mas lalo pang lumalim yung pangmo-monitor nung guy sa kanya. see??

    haay. grabe. don’t judge the girl thru this blog. she has lots of guy friends na super to the nth level ang achievements sa buhay and those guys really care for her a lot na sobrang espesyal ang tingin sa kanya pero di nya pinag-isipan ng masama ‘in advance’ yung actions nila because these actions show just a friendly care. pero iba talaga ang case na ito with the guy. please lang.

    don’t mention comments that you cannot really validate further!

    thanks.

    Bons: ok relax lang po. very-well said. naipaliwanag mo na ng husto ang kabuuang sitwasyon ng girl, at siguro magiging maliwanag na para sa lahat.

  18. just_me says:

    ano daw??? hala. . .

  19. Dhacker says:

    Hahaha! Nag aaway na sa BLOG. Naisu VS. Basti hahaha! gawan nga ng BLOG yan hehehe

  20. TeenToinks says:

    Oi.. Gising na ko! Wow… sige I’ll just assume na expert ako magPAYO! (wag na kumontra.. or else… magtumbling ako d2… manakot ba?!?)

    @GIRL: dnt stress too much bout jan sa guy na yan.. or worse baka natatakot ka na BAKA sa huli “IKAW” ang magkaroon ng feelings sa guy.. tas baka isagot sayo… “i never said… that i love you” (joke..JB of maging sino ka man) nyemas… nahawa na ko ah.. Toinks.. wapak!

    But then again if ur sure as in sure talaga sa feelings mo na super friends lang talaga kayo at walang FLASH.. (hes IN, hes OUT) ay.. toinks.. yaan mo na lang sya, dun sya masaya eh… enjoy mo na lang na someone cares for you (hay.. sigh.. inggit!)…

    At para dun sa “batang ma-L”, kilala ko rin po yan… bago pa magkaroon ng “LAST HUBADEROS” nag karoon na ng “FINAL REVELATION”… sya un.. oo sya nga un! as in… sa Baguio nga.. dahil sa BARCELONA (bah?)! Hehehe eto lang po ang naiwang question gang ngayon di pa nasasagot…….. “is it BIG… or is it really really BIG?” toinks… ay… ahihihi (demure) (oi.. ang mag react jan.. SYA NA YUN!) bwahahaha

    Hoy batang ma-L… este oo ikaw nga.. nang gagatong ka pa eh! ahihihi (oi.. walang clue yan ha!)

    @BSTI:
    Q: How do you measure your life and love???
    A: Hirap naman ng tanong.. I still believe in life after death hirap i-measure yun.. LOVE… ah eh.. ah.. eh.. hay! sigh! smile! ahihihi Love.. i dnt know hw to measure.. jst best wen it’s shared.


    Bons: masarap ang may nagmamahal sayo, tama nga minsan na “let them be” pag wala ka ng ibang love atleast may reserba ka! haha. toinks! minsan kasi kasiyahan nadin ng ibang tao na mahalin ka nila sa paraan ng gusto nila yun lang yung makakakapag pasaya sa kanila as long as wala naman ibang hinihinging kapalit. again let them be. lamang tyan din yun no. ^^ pero minsan persistence really counts! sa kakulitan ng isang tao bumibigay din at malalaman nalang natin nag fall na pala tayo. hindi naman kasi mararamdaman ang love sa isang saglit lang. (unless its a love at first sight! aww kakilig hihi). minsan natututunan din ang pagmamahal at nadedevelop along the way. sabihin mong hindi mo mahal ngayon pero bukas o sa isang buwan marealize mo mahal mo pala.

    at para naman kay batang L. sagutin mo ang tanong ni tina. o gusto mo sabihin ko din na “i know batang L personally and i knew his story” kaya kong sagutin ang barcelona question. haha! aww!

    salamat tina banana. isang split naman dyan!

  21. just_me says:

    …LAGOT KA SIR MAY NANG aaway na oh!

    “haay. grabe. don’t judge the girl thru this blog. she has lots of guy friends na super to the nth level ang achievements sa buhay and those guys really care for her a lot na sobrang espesyal ang tingin sa kanya pero di nya pinag-isipan ng masama ‘in advance’ yung actions nila because these actions show just a friendly care. pero iba talaga ang case na ito with the guy. please lang.

    don’t mention comments that you cannot really validate further!”

    “HINDI NAMAN PO SIGURO SILA NAG JUDGE cOMMENT LANG PO>>>

    ……………..chill…

    HINDI TO PLACE NG AWAYIN…

    NAG SHASHARE LANG PO SILA NG PANANAW NILA>>

    sir jp pahiram! “peace”

    hahaha….

    Bons: peace on earth! ^^

  22. just_me says:

    sorry awayan pala! hahahah….

    Bons: hehe lagot ka! ^^

  23. Jorge says:

    Wow, umaapaw ang comments!! Astig talga!

    Papromote lang po, lumipat na ko ng bahay!

    Eto na po ang bago kong blogsite:

    http://bloggerjorge.wordpress.com/

    Kita kits!
    Thank you po boni station!

    Bons: welcome parekoi to wordpress. aba nakailang lipat kanaba! pumirmi kana ha! kalikot mo eh! toinks! welcome! welcome! next station: boni station.

  24. naisu says:

    @just me: well, ‘comment lang’ as you have just said di ba?

    hehe, then tell basti to use words, phrases or connotations that will not ignite others’ temper.

    as for my latest comment, sorry for the outburst. I PERSONALLY KNOW THE SITUATION. thanks.

    well, comment lang rin.

    =)

    Bons: kakukulet nyo oo. paghahahalikan ko kayo weh!! hehe

  25. koolit says:

    kasalanan mong lahat yan bon. :))

    Bons: haha wala akong kinalaman dito. masyadong maalab ang mga mambabasa! pagbibibigyan ko sila ng frenzy. ka iinit e~!^^

  26. basti0780 says:

    Huwag po sana kayong magalit sa mga komento ko sa blog na ito. Lahat ng iyon ay “para sa lahat” at hindi para sa “isang tao” lamang.. At ang blog po ni sir Bon ay isang halimbawa at batayan lamang ng mga karaniwang nangyayari sa buhay pagibig ng mga tao sa paligid natin.

    Si “Girl” po ay halimbawa lamang at instrumento para mabigyan nang kulay ang lathala. “Nirerespeto ko po ang lahat nang opinyon at sana ay i-respeto nyo din po ang opinion ng ibang tao.”

    Maraming salamat po.

    Anak: Nay ano answer sa 5+5?
    Nanay: 11
    Tumawa yung Tatay!!!
    Nanay: ba’t napatawa ka??
    Tatay: Akala ko hinde mo alam e!!!

    ** Arot kayong mag asawa!! Dati lang magihihwalay kayo dahil sa driver nyo.. ngayon nakakasakit na kayo ng elbow..


    Bons: ^^ haha. syempre sapaw ule ang joke. kala ko naghiwalay na yung taragis na mag asawa nayan! sobrang tatalino ah! aprub ako dyan sa comment mo basti. in-general ang usapan at hindi naka point sa iisang tao lang.

    ** basti maghihintay pako ng sequel kung ano na mangyayari dyan sa magasawa na yan. haha

  27. bonistation says:

    OFFICIAL STATEMENT:

    nasa inyong paraan ng pag cocomment kung paano nyo maibabahagi ang inyong iba’t ibang pananaw at walang mali sa bawat isa dito. lahat tayo may kanya kanyang experience sa buhay at dahil doon may kakayahan tayong magbigay ng comment batay sa ating naranasan o mga pinagdadaanan.

    ang sitwasyon sa itaas ay kwento nating lahat.

    **
    ISANG PAGLILINAW:
    ang entry ko po ay hindi na pofocus sa iisang babae lamang (kung ganun kasi dapat pinangalanan ko nalang sya) sa totoo lang LALAKE po sya! kaya MAGSITIGIL kayo! toinks! haha!
    Bons

  28. kirksydney says:

    Taena nalunod ako sa mga comments, ang hahaba. :lol:

    Bons: that keeps me goin’! ;-) salamat po sa lahat ng mga nagbabahagi ng comment!

  29. Jorge says:

    Ayan, nakakalunod nga. Ang dami talga, bumabaha! hehehe…

    Buti nmn may official statement ka na sa mga kaguluhang nagganap, mabuti na ang malinaw. hehehe..
    Basti kase nde nmn in general ung comment mo eh, nakalagay dun @Girl, ciempre ang iisipin ng mga readers eh para sa kanya ung advice mo di ba? anyway, sabi nga, may kanya kanya tayong karapatang magcomment based on our experiences, maging responsible lang (nde ko sinasabing irresponsible ka ha, peace parekoi!).

    We will wait for the family feud sequel ha! toinks!!


    Bons: salamat kailangan talaga magpalabas ng press statement haha bago pa magkagulo gulo.

    impeyrnes to basti, the “GIRL” were talking about is GENERAL. shes just representing the story. and when basti ses @girl it doesn’t really mean the girl itself. its all about the story. =>

  30. naisu says:

    Prof Soresca:”Mr. Gatbunton, why are you late?!”
    Student:”Sorry Mam, galing pa ako Las Pinas.”
    Prof Soresca: “Ladies, don’t marry somebody from Las Pinas because they have bamboo organs!!”

    (Spanish 1 class)

    have a great day ahead! loud mouth!


    Bons: toinks! kala ko naman dahil palaging late! nun pala mahalay din ang prof! bamboo organs daw! aww! tagos sa bibig un! haha labas mo parang lechon!

  31. naisu says:

    buti pa si jorge, nakuha yung point ko. haha. specific kasi yung point of argument. thanks for that. =) ur a keen observer..

    Bons: o isa pa to! di nyo na naman na gets ang official statement ko! ipapakain ko kayo sa mga arabo eh! basa ule!! and read it as GENERAL.

  32. just_me says:

    asan ng kiss? kiss mong makukulit. .. hahaha…

    wag sa arabo sa camel nalang! nyehehehe…

    basti sabihin ko daw sayo to oh: “use words, phrases or connotations that will not ignite others’ temper. .”

    to naisu..ayan ha nasabi ko na kay basti…

    Agree ako kay basti dito…”Nirerespeto ko po ang lahat nang opinyon at sana ay i-respeto nyo din po ang opinion ng ibang tao.”

    Respetuhan ng naman “KOREK!”

    (may kampihan yatang nagaganap dito!)

    joke.. joke..joke…

    Iba-iba namn ng way magisip ang bawat tao.. and we cannot expect others to think or to see things na katulad ng iniisip natin..even to talk the way na gusto natin.

    SO,,,,,,,,,,,,,repect natin opinion ng bawat isa and again “PEACE”

    Bons: since dumating kana sige pauunahin na kita sa pila ng mga ikikiss. ^^ pasensyahan na sa ibang makulet. at since kiss lang naman gusto ko dito sa comment mo, diko na papansinin yung iba mo pang sinabe. toinks! ^^

  33. naisu says:

    fine. =)

    Bons: thank you. =)

  34. naisu says:

    no further appeal. haha. toinks. sabi ko nga kay sir bons, i’ll shut up na lang. don’t worry, last hirit na ito. toinks. u can say whatever you want after this. toinks.

    bye. beep beep!

    Bons: nagbubusinahan ba kayo ni koolit? comment #15 ^^

  35. basti0780 says:

    Ay e bat ang laking apoy nito.. mahirap nang patayin hahaha..

    nagsimula lang sa mahabang buhok!!

    Sa huling pagkakataon po.. hindi ko po hangarin na may masaktan at may magalit sa akin.. hindi ko rin po mapipilit na maniwala kayo sa mga sinasabi ko. Lahat po tayo ay malayang magpahayag ng damdamin at saloobin… Wala pong pumipigil…

    Pero mas excited ako dito.. kanina lang nakasagap ako ng chismis about sa makulit na magasawa.. eto ang larga ni Husband.. galit na galit kay Misis..

    Husband: Pesteng buhay na to! merong kaldero, walang bigas! Merong lampara, walang gaas! Merong gripo walang tagas! Dagdagan pa ng asawang walang hugas-hugas paano pa titigas?!!

    ** Arot ka naman pala Misis e.. kaya ka pala pinagpapalit ni Husband kay Driver..

    Bons: ang inaabangan ni jorge na family feud! maghugas ka kase misis! awwww!!

  36. koolit says:

    let put an end to this issue…tapusin na lang natin sa isang joke tutal karamihan d2 sa inyo e mga bata at dalaga kaya ang maipapayo ko….

    MAG ASAWA KA!

    Dok: May taning na ang buhay mo.

    Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?

    Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.

    Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru’n?

    Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

    Bons: aww! mag aasawa nako bukas! pero ayoko pa mamatay! gusto ko lang mag asawa kase gusto ko ng fulltime na ka anuhan.. ^^

  37. just_me says:

    Si sir jp, gumawa ng blog may wildfire effect! hahaha…

    ang galing….. yeeeeepppppssss!

    Basti, eh kung gumawa ka kaya ng blog about jan sa mister, sa misis at sa driver! di ba.. telenovela effect, aabang abbangan! nyahahha..

    pag ba nagwash magiging ok na sila ni misis??
    hahahha,…

    ….wala lang, isa pang kiss! (makulit ako weh!!!)

    dumaan lang para sa kiss..hahaha(ano daw??!!)

    mwahahahhahaha….

    Bons: sa sobrang kulet mo, kunehohin na kita dyan e? hihih awww!

  38. basti0780 says:

    @just me. Sa palagay ko hindi sila magkabati.. baka bukas pa..

    Nagmisscol kasi sakin si Misis ni Husband kanina.. wala daw sya load kaya ako ang tumawag sa kanya.. galit na galit din ang bruha..

    Wife: Sus!! punyeta! Satsat ka nang satsat.. di nga ako nagrereklamo.. itlog mo kagabi maalat!!

    ** Nakakasakit na talaga ng ulo ang magasawa nato.. wala akong masabi.. Arot kayo.. masyado nyo ginugulo buhay namin.. Driver tahimik ka lang muna jan.. yaan mo muna sila magkabati..


    Bons: taray ng misis! haha. kainet ng ulo umagang umaga!

  39. ♥just_me♥ says:

    hahaha,.. pag namiskol sau ulit sabihin mo buy one take one yung lactacyd dito! wahahahahaha (ano daw?!)

    di na sila magaaway nun.. pwede na sila magtigisa!

    eh kaya pala sila di magkasundo parehong di marunong magwash!!!!

    hahahaha….

    aabangan ko po ang katuloy!

    Hi sir jp…… nyahahaha,…

    asan ka na???

    chhiiiinngg joke,…

    kuneho ka jan? QC passed ba for extreme and lasting performance?!

    (wala lang naalala ko lang yung shirt mo,… nyahahaha! yan kase puro ka kangarooohhhaaan itong blog)

    wwoooossshhhh……..

    araw ng kulitan ngayon! hahahaha. . . . .


    Bons: ang laki naman ng kangaroo sa kuneho! aww! may similarity sila pareho rin kaya sila antot ng antot.! toinks!

  40. ♥just_me♥ says:

    oh sige panay kanunehohan pala… nyahahha.. ayan kung anu anu na naiisip ko! hala..

    sleep na sir jp……… sweet dreams!

    wala ng makulit,… nightsssssss………. hehehe

  41. Dhacker says:

    Akala ko tapos na 2ng BLOG na ito, naku yun pala may tsunami ng comments ah. Grabe di pa rin natatapos ang awayan na yan, panga ang nangyari nagpayuhan tas yung payo pinayo uli tas sa payo na yun nagcomment uli, tas sinamahan pa ng joke, parang magulo na ah. Hahahah! Pareng BON isa lang ibig sabihin ng mga blogster mo, you need to post NEW comment na magbibigay uli ng Gulo sa kanilang tahimik na mundo. Nayanig mo ang Pilipinas at ang Saudi dahil sa Blog mo na ito, kala ko magkakagiyera na ang PILIPINAS at ang Saudi..Pero Sa lahat ng commentator ni BON keep on posting your wonderful comment na nakakapagbigay ng Inspiration at Relaxation sa mga nakakabasa.. Naalala ko tuloy ang palabas na “Freedom Writer” try to watch it kasi its a story of each of everyone. So maari natin masabi na eto ang storya ng buhay na nangyayari sa bawat isa satin.. Thanks BON for this Page at you Ignite yung mga tintagong talento ng bawat isa, ang isulat ang kanilang tunay na nararamdaman at advice sa ibang tao. KEEP ON POSTING MORE BLOGS..

    Bons: thanks! kapagod din pala mag maintainng ganito. di nako makatulog ng wasto. papahinga muna ako. tutlulog ako ng 2days! ahaha.

  42. brotherutoy says:

    andami ng nagcocomment sayo, bons. bago ako nakarating sa kailaliman para makacomment, nakalimutan ko na ang sasabihin ko. hehehe…

    God bless!


    Bons: thanks broutoy! sobrang haba na nga ng inabot haha. ^^

  43. bonistation says:

    *** sa lahat po ng nakibahagi sa entry na to.maraming maraming salamat po! kayong lahat ang nagpapanatili ng blog ko dahil sa mga comment nyo. buhay na buhay ang bonistation..

    msyado ng mahaba at umagaw ng atensyon tong si POPOY kaya isasara ko na ang comment section nito. hehe.

    kita kits ule at tuloy ang kwentutan kwentuhan at kumentuhan sa next blog entry! ^^

    Bons

    ***

%d bloggers like this: