Blogger Buddy Award

first time ko din makaresiv nito, ibinigay ni libay matapos ko syang tanungin liberty is tat u? ^^ oo sya nga daw. naalala ko ang taong to sabi nga nya schoolmate kami. sige hindi ko na palalawigin pa kung sa panong paraan, kailan at saan, basta ang mahalaga nalaman ko na kakaiba ka pala talaga. toinks! ^^ eh ke suplada mo kasi dati somehow nakaktakot at parang magagalit ng magagalit sabi ko nga sa isang reply ko sa comment parang syang abugada noon. ay kahaba na ng intro ko, syempre inuwi ko ang award at dinala ko dito sa bonistation, eto sya o:

blogger-buddy

unang tingin ko nga parang gitara lang na i a award sa rockista, hindi pala, napagtanto kong award pala talaga literally, sana pinera mo nalang haha at kung may paypal ka deretso dun sa donation button ko toinks. biro lang. salamat sa award. itatago ko ito at ipapakita hanggang sa kaapu apuhan ko.

 

 

 

 

 

 INTENDED SPACE

wag kang magulumihanan kung bakit may ganito

 

 

 

 

 

 

 

para sa akin wala ng mas tatalo pa sa mga palagiang suki ko sa mga comment na talaga namang ang hahaba at mistulang mga entry ang kanilang mga comment. bibigyan ko sila nitong award na to kahit na yung iba ay wala pang mga account sa blogsphere.

kuneho BLOGBUDDY AWARD: 

blogbuddyaward

1. Jorge Laboy -ang nangulit sa akin na mag blog, nakulitan ako kaya pinagbigyan ko nadin, isa rin sa taong minsan nagigising ng walang damit.toinks! parekoi this award is for you para sa marami pang alak at pagkain na titirahin mo! itagay mo..

2. Teentoinks -ang babaeng walang pahinga sa pag split kasabay ang tumbling sa Washington DC. nung una isang lurker lang dito sa station ko. hindi nagpaparamdam na animo bay may tampo. (alam ko yon hoy!) hanggang sa nadiskubre na din ang talent mapa comment at entry pumapalo palage ng syento bente. aww! tanggapin mo ang award na ito bilang pasasalamat sa lahat ng split at tumbling na nagawa at naicontribute mo sa aking mga entry.

3. basti sebastian -ang tao sa likod ng mga mahahalay na comment. isa sa pasimuno ng kaberdehan sa blogsite ko. ang tagapaglagay ng kulay ng kamunduhan sa bawat salitang binibitawan ko sa entry at sa mga comment naman ng iba. binibigyan kita ng award taragis ka para sa lahat ng kaepalan na ginawa mo sa mga entry ko. paki extend nadin ang award na ‘to kay husband and wife.

4. Mr.Siopao – gusto kong ilagay ang link ng friendster mo sa pangalan mo kaso baka yun pa ang maging dahilan ng pagsikat mo kaya minabuti ko nalang maging isang sagradong lihim ito, at alam ko naman na nalalapit na ang pag international launch ng iyong blog site. aabangan namin ang pagsibol na iyong mga entry at naway gabayan kapa ng husto ni lord. hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi mong “puwede bang huwag dalas-dalasan ang mga temang ganire” dahil aminin mo’t hinde kinikilig ka pag usapang love at sinabi mo pa sa akin kagabi nanaginip ka ng mayroon kang special someone at infairness sabi mo pa maganda sya. ang mga sumunod na pangyayari ay hindi mona natandaan. in behalf of J,T,B iginagawad namin ang award sa iyosa pagiging adik sa pagsubaybay sa mga blog namin. GBU

5. JustMe – wala kapading link bukod sa mga bulletins mo sa friendster. ang babaeng palaging tumatawag sa akin ng Sir JP(junior pogi) hehe. number1 fan ko sa FS at palagay ko pati nadin dito sa blog. ang award na ito ay para din sa yo sa lahat ng mga kulitan natin at kung ano ano pa, sana ay hindi ka magsawa sa pagsubaybay sa buhay at pakikipagsapalaran ni tinytony. toinks!

6. Rache – she dared to hope, ang seryosong mami at butihing may bahay ni paul ong (diko lam kung related sya kay bob ong) para sa lahat ng mga comment mo, promise habang binabasa ko sya parang naririnig ko ang boses mo na nagsasalita sa sobrang kahinhinan. ang taong hindi inakala na ako pala ay tao din na.. (hmm) tao din pala na may kalokohan. isa sya sa mga taong naniwala na si bon ay magiging pari.^^ tanggapin mo ang award galing sa akin simbolo ng existence ng aking bad side. harhar toinks.

7. Nice – isang peyups, saluhin mo ang award para sa lahat ng mga kakilala mong hindi ko naman kakilala na ang daming sinasabi sa buhay tulad nila William Sloan Coffin, Anna Louise Strong at kung sino sino pa.. para din sa lahat ng mga aral na nakukuha sa mga intelektual na saloobin at bagay na yong kalimitang isinasaad.

8. Dhacker – ang aming master, panginoon ng kahiligan, binibigay ko sayo ang award sa lahat ng mga mabubuting salita na naibigay mo sa paraang ikasasaya ng nakararami. sa mga analysis mo at ilang mga translation sa aking blog.

9. Mangbadoy – isa sa mga iniidolo ko sa blog, alalahanin mo nakadalawa na ako sayo haha. bilib ako sayo dahil sa talento mo sa trabaho mo (di mo un alam). tanggapin mo ang award para sa mahaba habang libreng byahe dito sa bonistation.

10. kirksydney – para sa iyong coach ang award hehe. sanay ibigay mo na ang number at Fs account nya. salamat din sa pagdalaw dalaw dito sa station ko. at kahit minsang nalunod ka sa dami ng comment pilit ka padin bumabalik. sana wag kang magsawa dito, minsan isama mo si coach.

11. Broutoy– ang taong matakaw na naospital dahilan sa katakawan. ibinibigay ko din ang award para sayo dahil sa pagbisita mo dito at pasalamat sa naiibang klase ng iyong simpleng pagpapatawa sa mga entry mo sa ‘yong blogsite na sa bandang dulo ay bibigyan ka ng mga magaganda at seryosong picture ng mga stained glass. (gano ba talaga kadumi ang mga glass na yan). nawa ang award ay magamit mo bilang isang sandata sa hamon ng bukas (toinks! serious?) haha. natatakot ako sa title ng blog mo minsan ipaliwanag mo ng personal sa akin yun ha “How Brother Utoy Failed Salavation History”.

12. BluePanjeet – para sa nagiisang tao na nakilala ko sa blog na kakaiba ang trip, may sariling obra at tema, pag gusto ko ng magdonate ng dugo madalas ako nagbabasa sa site nya. ang award na ‘to naway dumami pa ang readers mo upang mas madami pa ang makaalam ng mga nasasaad sa yong dyugdyugan site. ^^ (ikaw nagsabi nyan).

13. Taps – ang taong nag pauso sakin ng kuneho minsan sinabin nya to “Mahilig ang mga lalaki sa sex kasi, tayong mga lalaki ay may cells tulad ng sa kuneho”. Antot ng antot. kaya pag tinawag ka ng HOY KUNEHO! Wag mahiya, sagutin mo at least… tigasin!

** labing tatlo yan, lagpas sa sampu hehe. blog ko naman to bakit ba! atleast 10 naman diba? hekhek!

Blogger Buddy is anyone who is keeping in touch virtually and expressing warm friendship through frequent blog visit, reading blog posts and comments.

1. Each blogger must post this rules.
2. You need to choose at least ten people to be awarded and list their names.
3. Don’t forget to leave them comment telling them they’ve been tagged and to read your blog.

 ****

kakuneho nyo po

Bons

20 Responses to Blogger Buddy Award

  1. Jorge says:

    Hahaha!! Astig! Salamat at ako ang number 1! Naks!!

    Congrats and Thank u! Ganun pala kami kaimportante sayo, hehehe…

    Okay guys, iflood ng comment!! Now na! toinks!

    Next time, KUNEHO AWARD naman! hahaha

    Bons: maghunus dili ka, award lang yan. ^^ tsaka oo mahalaga at mahal ko kayong lahat. toinks!

  2. mangbadoy says:

    hahaha… diko nga alam na magaling ako sa work hahahha…. buti ka pa alam mo…

    Bons: loko wag mo ibuko sarili mo hehe.

  3. mangbadoy says:

    salamat muahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!

    Bons: walang hanuman, mamaya ka saken! hehe

  4. rache says:

    hahaha… seryosong mami bah… ;) hindi naman minsan lang… naku tinanong ko nga sa kanya kung sino ba si bob ong, hindi nya rin kilala.. hindi ko rin kilala yun… mahinhin ako? nyaiks!
    nice to know your different s personalities through blog :) ngayon alam ko na hindi ka talaga magpapari… hahaha
    thanks ulit

    Bons: ayan mainam at nagkakaintindihan na ngayon ang lahat. “hindi ako magpapari” ^^

  5. Mr. Siopao says:

    Aba at nakatulog lang ako e may kaguluhan na palang nagaganap dito.
    Pero in fairness Bonifacio, nahipuan (na-touched) naman ako dito. Salamat po! Tissue please.

    Pero hindi ko pa rin palalampasin ang iyo na namang paglapastangan! Pati ba naman panaginip ko e ipangalandakan sa buong sangka-blagan?! Isa ka talagang dakilang tsismoso! Mamaya ka. Toinks!

    Buti na lang wala pa akong blog, kung hindi required sana akong gawin din ito. Yehey!

    **Thanks din kila J,T,B!

    Bons: salamat sa madamdaming pagtanggap! ^^ hindi ako tsismoso, share ko langnaman kilig moments mo wahaha! na sa kabila ng lahat eh kinikilig kapadin bwahaha! susumbong kita sa kinauukulan!

  6. TeenToinks says:

    “nung una isang lurker lang dito sa station ko. hindi nagpaparamdam na animo bay may tampo. (alam ko yon hoy!) ”

    Eh alam mo pala eh, teka ano na nga ab yun?… at dahil jan! Sayo na yang KUNEHO mo.. akin yung DONATION sa box.. (paypal) magkano na ba laman?

    antayin nyo ang aking award… BABOY NA MAY SPRING at ang tunog ay TOINKS! – pinag tripan ni Mr.Siopao at Bro.Utoy (ahihihi) tawa ko jan!

    Bons: bawal silipin ang laman ng donation box. hihi.

  7. TeenToinks says:

    PS…
    Oh sige na.. (pilit)
    TENKYU! naHIPUAN ako.. pero mas ok nga sana kung yung DONATION na lang sa BOX ang bigay mo sakin! toinks!

    Bons: gusto mo buhay na kuneho bigay ko sayo!?

  8. libay says:

    Abogada talaga ang dating ko dati huh… Tsk akalain mo yun … ang pinaka ayaw kong propesyon pede pala sa akin lols… Isa lang ibig sabihin nun epektib ang aking taktiks :P

    Ang mahalaga doon sa maliit na iskul bukul na di na natapos eh nakadaupang palad ko kayong mga Toinks :P

    ayus naging kuneho na ang award…

    Bons: ayus! ecosoc! awwts!

  9. kirksydney says:

    Nakupo! Pang lima na ata to sa mga utang ko. Hinde bale, pagsasabay sabayin ko para isang bagsakan na lang. :lol:

    Bons: yung tubo paki pasok sa paypal donation box. hehe

  10. rache says:

    thanks sa blog award… i’ve one for you too…

    http://daredtohope.wordpress.com/2008/11/24/another-blogger-award/

    Bons: pang 3rd award ko yesss!!

  11. joshmarie says:

    dropped by :)

    Bons: masakit? walang bukol? toinks!

  12. basti0780 says:

    dyusme.. may blog award.. hahaha.. kakatouch naman.. hahaha.. hilahin ko itlog mo eh.. lufet haba…. haba ng blog.. ayos ah nakilala ang isat isa na suki sa blog mo.. salamat sa award..

    sabi ko nga kay siopao.. ayos lang kahit wala ako award.. having all of you e para na din akong champion.. toinks.. kayo ang trophy ko!! ayoko ng kuneho na yan parang ubos na ang baterya nakababa na yung tenga o.. Duracell lang ata yan hindi Energizer..keeps you going and going and going…

    Ahhhhhhhh kaya pala Kuneho yung ENERGIZER tas tambol pa ng tambol!!! targis na kuneho yan kahit saan, kahit sa ilalim ng tubig tumatambol.. loko talaga yang commerical nang baterya nayan.. tinalo pa ang EVEREADY!!!

    Bons: kaya nga daw antot ng antot dahil sa kuneho cells na yan. bukod pa nga sa energizer nandyan din ang playboy magazine na puro pamapainit ang laman (kuneho logo) pero ang hindi ko maintindihan ay ang philippine rabbit? may nagaganap kayang kakaiba sa bus na yun pag umaandar? haha.

  13. brotherutoy says:

    I get it.

    proposition one: cute ang kuneho.
    proposition two: bunny ang english sa kuneho.
    proposition three: sounds like ng Bunny ang Boni.

    I therefore conclude: gusto mong sabihin namin na cute ka rin.ü

    Salamat sa award! nakakataba ng puso, parang bacon.

    Bons: wag ka na ngang magpaka inonsente dyan. for boys kuneho award talaga ang tawag dyan. uulitin ko tayong mga lalake may kuneho cells. so isipin mo nalang ang logo ng playboy at bakit kuneho ang napili nila. hehe.

  14. bluepanjeet says:

    Lol Ala playboy magazine ang tropeo haha. Astig sa creativity at sa hirit.

    Obra? hindi obra yun, kaartehan yun para maka atrak ng Chiks LOL

    at ginawa mo pang Red Cross ni Rosa Rosal ang blog ko haha. Seriously comedy din ang blog ko, minsan nga masahol pa, kaya lang hindi halata kasi di naman nila binabasa eh kasi nga englis. kala nila basta englis seryoso LOL pero everything is in between the lines.

    Naku yang kay Mr. Siopao na blog na yan ay ang tagal na. Agosto pa ata nyan sinasabi sa akin na ilalaunch nya internationally yan haha. Ewan ko dyan kung bakit ayaw pa nyang magblog eh palagi din namang nakatutok sa blog.

    anyhoooo, salamat pare. Di ko deserve this actually pero salamat na din. Tulad ng sabi mo, may paypal din ako, sana pinera na lang haha. laki pa mandin ka ng palitan ngayon, $1 = 50 na!

    Pax et Bonum

    Bons: ^^ basta ang masasabi ko lang highly recommended ang blogsite mo! aribaaa papa!

  15. bluepanjeet says:

    PS, may nabasa ako kay utoy aabout seminary chenes mo, ex-sem ka din ba tulad ko?

    Bons: sagot – HINDI po. ^^

  16. ayase says:

    thanks! bakit naka-red ang names namin nila just me at mr. siopao?

    haha.

    thanks, anyways. :) glad to read here that you value our thoughts and opinions (gano man yun ka-hard core o kababaw). :) toinks.

    pero sige next time, di na kita sesermunan ng mga ideals ng mga taong sinasabi mo. haha. toinks.

    *hugs*

    Bons: naka red kase meron yata kayo ngayon? ^^ tapos si mr.sopao naman eh ASADO. kaya may tuldok na pula.ayan na naman ang hardcore. umayos ka nga sa salita. haha. alam mo naman kunehoboy ako toinks!

  17. ♥just_me♥ says:

    hahaha,..salamat sir JP….

    natouch namn talaga ko dito..yiheee….

    kuneho talaga ha,,, ehem! uhmmm…bakit nga ba red? akin dapat yellow! (kahilig…hahahah) jokkee…

    about sa Sir JP thing na yan,.. remember di mo napansin tawag ko na sau sir JP..hahahha..

    eh basta talaga namn pag nakikita ko un ikaw naalala ko.. nyahahha,…

    will always be ur ♦no.1 fan♦ hehehe..lam mo na un…

    mwuah…

    ♥♥♥

    Tinytony: salamat! ^^ ahaha. kinarir ang name? toinks!

  18. Dhacker says:

    Akalain mo may award pa. wala ba cash ito? Alam mo ganyan talaga ang umaasenso sa BLOG nagbibigay na ng award… the next step e sponsorship na, magpapagawa na kami ng BLOG sayo tas kunwari kami ang nagpost o kaya naman e gagawa kami ng BLOg tas kaw ang magpopost kasi sikat na BLOG mo eh..I know isa lang ang gusto mo iparating samin, na mainspire kami na magpost pa ng comment para sa BLOG mo hahaha..pero mas ok ito kung magpapadala ka ng cash kay mirex para naman masulit yung BLOG comments namin hehehe.

    Bons: tanginings ka! haha naghahanap kapa ng cash mas marami kapang pera kaysa sa amin. marami na pera marami pa chicks! yiiiihh! sarap buhayhehe.

  19. hisnameisdencios says:

    pang 14th ako hehe.
    paraan boss!

  20. Hasad Garza says:

    Do you people have a facebook fan page for Blogger Buddy Award bonistation? I searched for 1 online but could not see one, I would really like to become your fan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: