love team

natuwa ako nung napansin mo yung status ko sa YM na bonistaton na naka link sa blog ko, sabi mo “ayos ginawa mong parang mrt station” sakto nga kasi inaantok kana dyan. hehe natawa talaga ako nun parang dimo kasi bagay. at sinundan mo pa ng isang biro “baka makatulog ako dito ah ang hahaba kasi..” kaya sinagot nalang din kita ng pabiro “kaw bahala ka baka makarating ka ng Taft” haha. tapos sumunod na araw diko alam kung pinapagalitan mo ko o ano dahil ang sabi mo sakin “oist bago na naman yang blog mo? puro ka blog” natuwa ako sa dating nung message mo at naisip na sana tayo na nga lang no?, sana ikaw na lang yung taong palaging nandyan para sa akin at papansin sa mga ginagawa ko..

namiss ko lang din yung dating gawi na sasabihin mo sa kin manlibre ka nga tapos escape ng konti sa kung ano man yung ginagawa para lang kumain sa canteen, karaniwan na ang usapan natin sa pangarap, sa magiging work at sa kung ano ano pa. ang simple ng buhay nun.. na kung pede nga lang humakbang pabalik baka ginawa kona.

kanina nakita ko na naman ang picture mo.. diko talaga mapigilan na mainis sa sarili ko na bakit ba talaga hindi naging tayo, bakit hindi nalang tinotoo ang akala ng iba, yung gusto ng iba at aminin ko mat hindi gusto ko rin. lumipat ka nga ng work nun, medyo nalayo at naiba ka ng konti at nasundan pa ng pagpunta ko dito sa KSA, lalo ng naloko. unti unti dumalang ang pag uusap natin. naging busy din naman ako kung sa ano anong bagay at sa iba pa.

naalala ko minsan nakausap kita at tinanong ko bakit nga ba hindi ka pa nag boboyfriend. simple lng naman sagot mo ayaw mo pa at wala lang, kaya hindi rin naman na ako nangulit, ngayon pede na ba kitang kulitin? pede naba tayo uling maging love team.. pero sana this time totoo na. ^^

** hindi ako inlove wehehe. MAGSITIGIL KAYO.

 heart1

Bons

26 Responses to love team

  1. basti0780 says:

    hahaha.. sino yun?????? da who ireng girl na ire???? toinks!! F1 slash nakakaintriga slash nakakashock slash intensity10 slash backslash slash forwardslash slash ctr+alt+del del.. pagsamasamahin ang lahat ng slash TEAM TOINKS yun!!

    Nangiti naman ako bigla.. kanina lang e mainit ulo ko dahil sa el cambio los mi visa vida loca lola mo e… hahaha

    Inlovevavo kaw???!! Pede malaman kung sino yun hahah!!

    Bons: haha kadami mong slash! perahin mo nalang.

  2. koolit says:

    parang sa susunod na blog mo isa na lang ang patutunguhan…kasal o pag aasawa. una, “wanted GF”, naghahanap ka pa lang nun, sumunod, “dalawa lang ang ibig sabihin” inilalahad mo naman ang mga katangian ng isang babaeng gusto mong makasama habang buhay at ngayon naman “love team” natagpuan mo na yata ang babaeng pinakahihintay mo at nag uumpisa ka ng manligaw… ano naman kaya ang susunod…..maga taga subaybay ng blog ng kalabaw “sundan ang susunod na kabanata..???”

    Bons: gawing teleserye ang aking buhay? wahaha! magsundance kayong lahat! ^^

  3. Jorge says:

    Waah!! Nde ako ang pers! kainis! Two minutes lang ang pagitan may nakasingit na. toinks!

    Anyway, oo nga, baka next post mo proposal na! Wahoo!!

    Hmm.. at sino naman kaya itong girl na to? Pati si basti walang idea, nakakaintriga ha! hmm (ulet!)

    Ano pa nga ba masasabi ko kundi goodluck! Kung masaya ka sa kanya, sana nga maging lab tim ulet kayo, aaaww!!

    Wag ng magdeny, inlove ka! toinks!

    Bons: lab tim! ^^

  4. ♥just_me♥ says:

    hahaha, …sabi ko na nga kase ang ipost mo ” yes!,…i’m inlove (again??)…

    kinakareer talaga yung pagiging pers sa koment eh! nyahahaha…

    naku hindi raw inlab! liers go to hell..☺☺☺ kasunod yan nung promises are made to be broken,… (pag blog na katapat) hehe..

    nakakakuryus namn sinu ba itong labtim na ito>>????

    hmmm… si lab kahaba ng hair..woooohhhhh….

    si lab ba si heart1????♥♥♥
    nyahahha..click mo icon nakalagay na name “heart1” hahahahah..
    ayuneeeehhhhh……

    morning….sir jp! (dito talaga bumati ha!)♫

    Bons: woi pang apat kana sa comment. ^^ pati ba naman yung filename eh nkita mo pa. ^^ wala akong sasabihin.

  5. TeenToinks says:

    Aba.. Aba.. at Aba..

    Hindi ka inlove huh??? eh ctrl+alt+del del na yan! Kung ayaw mo just press the button! ahihiihi..

    Anyway.. kailangan bang i-decode ang mga characters sa baba ng entry??hmmmm teka binary ba gagamitin ko?
    1+1= 0
    hay apoo… sandali ah!

    (pagkatapos ng masusing pag iisip….)

    PAKOPYA na lang… toinks!

    Ahihihi.. Hoy inlove ka! At wag ka na magpaka showbiz noh! May controversial beauty pageant na nga sa kabilang barangay, d2 naman papaka showbiz ka pa! Hay apooo… Tantanan na yan! Wait sasagutin ko tong mga entry na “ganire” ahihihi.. wait mo ang aking press release! May bago akong bahay… at may handaan..Toinks! Unahan na kita… bawal magdala ng supot (lam ko agenda nyo (toinks)..huh.. kala nyo ha!)

    Tantanan na.. kung hindi ka INLOVE! isa pa… tantanan na! Ahahaha!

    Feeling celeb.. helloo… ronnie liang ikaw ba yan? In denial!

    Bons: aba! FBI kaba? CIA o barangay! kadami mong alam oo! eh sa totoo lang nag plug kalang naman ng wordpress site mo. beh!

  6. mangbadoy says:

    this is your host mangbadoy pra sa bagong segment ng startalk na the WHO (bloggers edition).

    da who itong station sa mrt na kung kumerengkeng sa YM a ganun ganun na lang. ayun sa aking spy minsan daw ay dalawang beses pa magpalit ng picture sa avatar. tinatawag rin syang kuneho at boy libog. mahilig magbasa ng porn at mga sinulat na blog ni master gasti…

    ang clue? itago na lang natin sya sa pangalang “BOBBY TARUGO”.


    Bons: haha! kaloko mo oo! pero kay master gasti oo saludo talaga ako dyan.

  7. ♥just_me♥ says:

    nyek sabi ko po..persan persan pala sa komentan! hahahahaha,….
    unahang maka pers! woooohhh….

    talaga..keen observer ako,hala ka maba mahulaan ko yan…

    good afternoon sir JP… nyahahahha..

  8. Dhacker says:

    Parang Kilala ko na yun. Pero di ko sasabihin. Double AA battery yun di ba.. Pre gandang nga nya now, I saw her before nung minsan may paevent cla, hanep pre walang kupas, mala Mariane Rivera pa din. Hahaha, naku alam ko matagal na naantala yung bagay sa inyong 2, kaya pre ayusin mo na uli. Keep in touch na lang with her, Just Chat away lang naman eh.

    Bons: programmer/analyst kaba? diba network admin ka? hehe.

  9. rache says:

    naks inlab na ah… at nagkalakas loob na manligaw sa blog pa… talo mga guys sa strategy na to a ;)…
    wish the two of you the best love team to last :) who knows mauwi na rin sa kasalan… uy invite nyo kami ha!

    Bons: strategy pa talaga.^^ inosente ako dito haha

  10. Mr. Siopao says:

    Kerengkeng ka Bonifacio!
    Hoy tutoy… paki-bilis-bilisan mo ang dramang ire.
    Mura pa ang charge ko sa kasal ngayon.
    Next year, mag-price increase na.

    ‘Yung lang (pagod ako!)

    Bons: haha. wag muna mag increase! bigyan moko ng exemption sa pagtaas ng presyo ng serbisyo.^^

  11. Mr. Siopao says:

    Walang kaibi-kaibigan.
    Ang trabaho ay trabaho. Ang raket ay raket!
    May package deal din ako. Sa akin na ang caterer, photo & video, blog coverage, sing-sing, kandila, give-aways…

    Bons: haha. no comment.^^

  12. naisu says:

    hahaha! toinks. i’m back (as naisu)! hahaha. toinks ulit.

    aba! aba! at aba ulit! haha. no comment. i think, i know the girl, too. well, it’s a wild guess and unjustified conclusion though. i was accidentally informed about the unsuccessful romance of sir bons w/ this girl. i wasn’t asking for the story actually pero someone just ‘made kwento’ as regards to that.. tapos, i was like, ‘ah ok..’ lang kasi intriga yun di ba.. i honestly forgot about it na nga then i read this post just this morning. i’ve got no time to post a comment kasi agad kasi andito kumpleto ang 2 bossing ko. toinks. tapos online din kasi mom ni 3C. toinks ulit. anyways, ayun nga, nung nabasa ko ito, ayun na.. naalala ko bigla yung kwento.. tapos pagbaba ko sa isa pang ofis ngayong afternoon (may isang avid reader din kasi dun si sir bons), nagkabanggitin tungkol sa new post.. ayun na.. same pala kami ng tinutumbok na girl. haha. toinks. (note: we’re not making tsismis ha?) *wink*

    to sir bons, astig naman way ng panliligaw mo. hehe. sana ma-appreciate nung girl yun. aww. kakaiba kasi. toinks. i’m wishing you great happiness (ayoko nang goodluck, there’s no such thing as ganun daw) sir. aruuuu! lumalandi ka ah talaga! ahahaha! nakakatuwa lang talaga.

    one more thing, un bang characters na nasa baba ng post mo eh code na dapat i-decipher? aww! toinks. saya naman.. kung ako sayo sir, diretsahin mo na si girl (kung sya man yun). haha. she’s so pretty and she’s mabait. i worked with her during the event and she’s so ok. :D sabi nga ni Dhacker, she’s just a private msg (YM) away.

    toinks.

    *hugs*


    Bons: aba! aba! at isa padin aba! certified analyst kadinba? haha.di nga sabe inlove eh. pero salamat dito “astig naman way ng panliligaw mo. hehe. sana ma-appreciate nung girl yun. aww. kakaiba kasi.”

  13. eric says:

    Ehem! Idol totoo ba un naririnig ko? sinasabi ko na nga ba kakaiba ka talaga, iisa ka lang. ASTIG!

    Bons: haha napa comment ka na naman ah!. salamat sa pagdaan.

  14. kirksydney says:

    Aguy hinde daw inlove!

    Eto na ang simbolo ng pagbabagong buhay mo? :o

    Bons: haha. mas maganda sya kesa sa coach mo wehehe.^^

  15. kirksydney says:

    Amp hinde pala allowed ang smileys, haha.

    Bons: hehe.agaw pansin kasi ang mga yan! ^^

  16. air says:

    asus at palipad blog ka pa… hehehe…. love team! kung love team but make sure na its for life na ha… yahooo… malapit na mambato ng bahay si bon….! gudluck. kaka xcite ung nxt series … hehehehe…

    Bons: series talaga inabangan? haha!

  17. aileen says:

    awwww.. d nga halata hano!!!.. dhacker… d mo binuo yung name…d k obyus..hahhah… at d knagsasabi n nagbago k n pla ng job title…alam ba ni sir M yan???

    Bons: programmer/analyst. alam na alam ni boss M yan. inappoint nya si dhacker right away to do the task. haha

  18. libay says:

    hmmm kilala ko yung Da HU na yan :P

    Bons: yung kay mangbadoy? oo sige ako na yon! ^^toinks!

  19. anakngpiso says:

    in lab in lab in lab.. ahahaha

    kung kelangan mo ng back-up sa harana… tagapdyak na lang ako.. cheers;p

    nakiki-epal nga pala sa blog mo ha..

    Bons: salamat po! always welcome. pasok lang. ^^

  20. francois kitty me says:

    naco po di daw inlab!
    cannot bilib u….inlab ka nga cguro kse nagkukulong ka jan sa kwarto mo…di ka na namin napagkikikita ….
    weeeeee….. zeeno kaya yun??????
    well, enjoy the feeling bro!

  21. Pepe McKunat says:

    aus post mo ah.
    ito ang kanta para sa iyo
    “Lunes ng tayo ay magkakilala…”

    tapos na.
    napadaan lang.

    Bons: salamat sa bakas! ^^ balik ka

  22. rio says:

    uy parang may alam din ako dyan ah… sana nga 22o ang saya nun :) yehey!!!
    bilisan u kasi sir bon, baka may masakay sa ibng train at mapababa sa ibang station d kau magkita **toinks
    tsk tsk… wla e, wla ng bagong love team dito, ay teka meron yata d lng me updated d b mean? :)

    Bons: dapat pala ipasara na ang ibang stations! bonistation lang ang matitirang bukas^^

  23. eloiski says:

    huwaw!
    love is in the … uhmmm blogosphere!

    wapak!

    Bons: wapak! sapak! ^^

  24. myeski says:

    halah… wala akong masabi… parang di ikaw.. hehehe…

    hindi nga??? ikaw nga ba yan? hayyy.. parang nanibago akong bgla… cnu nga ba areng gurlalush na yan… hmmmnnn,,, dapat pla makilatis mbuti… as if dapat eh noh…

    pero in fairness hah, “love is in the air”… nakakatuwa at nakakakilig naman…. akalain mu tamaan pa aku sa gnyan… hayyyyyyy

    inlove nga ba c bon??? hay sabi ko na nga ba, madami pa kaming di alam sau.. hayyyy.. enyweizzz gudluck pohhhh… sana sagutin ka na … at pag nangyari yun ipagluluto kita sa bhay ng kahit anong gusto mong kainin… deal???

    Bons: oo hindi nga ako yan. hindi nga sabi inlove e. magluto ka ng sisig. madaming sisig.hehe

  25. len.. says:

    Hhmm, ur not inlove d2 ha?! cge sbi mu ehh.. sya ba ung girl na nsa picture?!hahaha kidding lang po.. Ganyan tlaga pag inlove, nag sesenti..hehe.. as i was read at the last part.. malay mu dba?!

    Bons: haha.no comment.^^ thanks sa pagbisita

  26. desperatelyinlove says:

    ako din na inlov ng sovra sovra sa isang kaibigan, na alam kong alam nya ngunit nagbubulag bulagan pa. ang hirap ng sitwasyon, gusto mo pero ayaw mong isacrifice ung friendship nyo. nakakahinayang, dahil kahit gusto mo iparamdam na mahal na mahal mo sya, hindi mo magawa dahil takot ako na lumayo sya at kalimutan ako. kala ko crush lang talaga , na niniwala ka ba sa ground? (ung pag nagkadikit kau parang ang lakas ng boltahe, hindi ng pagnanasa, kundi boltahe na talagang ramdam mo na dumadaloy dahil sa pagkakadikit o pagkakatabi nyo,na sa dibdib mo parang may nagkakarera na kabayo, nginig ng katawan na may halong ligaya, dun ko na realized na love na to. para sakin tama na ung lihim ko syang mahalin, dahil alam ko naman na walang patutunguhan o katugunan ung nararamdaman ko para sa kanya. dahil nakita ko na syang umiyak dahil binasted sya ng mahal nya, sovrang sakit din ng naramdaman ko nung time na yun, ang swerete nya iniiyakan sya ng mahal ko, sana ako nalang. dahil sa puso ko hinding hindi ko sya sasaktan. but still i need to admit that im only his prend forever pero kahit ganun paman dito lang ako lihim na magmamahal sa kanya ng sobra sobra.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: