noon at ngayon

Habang nagiikot ako sa blogsphere kanina nakita ko ‘to sa isa sa mga entry ni rache kasama ang kanyang caption.

baby-bon-and-basti-on-pc

wala akong nagawa kundi tumawa, sabi ko nga dun sa comment ko unahan ko ng piliin ang sarili ko kung sino ako dyan, at ako yung nakatayo dreaming someday it will become touchscreen.^^ while yung isang bata eh nasunod din naman ang gusto nya. dreaming someday he can still chat while in CR. ginagawa nya po yan minsan pag ka chat nyo  hindi nyo alam nasa banyo sya nag pupupu haha gamit nya ang mobile phone while chatting. eeeww!

gusto ko lang i share eto na po ang dalawang kolokoy after 25 years. wala pading hilig sa computer. dumayo sa saudi para ipagpatuloy ang propesyon -[ang mag blog] toinks! kinakailangan ng magdamit at baka pagnasaan pa ng kun sino sino special mention tina banana.^^ sinubukan po naming mag pa picture ng katulad ng nasa itaas naked,  pero mahalay ang kinalabasan kaya itatago nalang, pero dun sa mga may gusto talagang makakita pwede po kayong umorder ng kopya diretso lang ule sa paypal button. hehe.

after25years

 

ang dalawang kuneho

sulitin na natin ang kwento

**kwentong basti

kung tutuusin para lang talagang 22 years old yung kasama ko. kainis nga kasi palagi nalang syang napagkakamalan sa work namin na school boy at sinasabihan ng mga duktor, nurses at ng iba pa na “where is your mom?” why are you here? (at tuwang tuwa sya dyan kasi compliment para sa kanya yan)  haha. may mga eksenang ganun pa kasi, tangna! na akala lang daw nila inutusan na bumili ng suka at kung bakit nakarating na ng saudi. taragis may mga pagkakataon pa na akala nila isa lang kaming dalawa. napakadalang kasi na magsasabay kami sa duty kaya ang nangyayari pagkausap nila ang isa sa amin akala nila isang tao lang yun, magugulat nalang ako at may magpapaalala ng mga sinabi nya the other day at parang nakalimutan ko ba. haha. ang totoo hindi ako ang kausap nya or kung ano pa man. basta litong lito sila at isa lang ang pinaka obvious na dahilan: we’re both small. haha! natatawa ako pag idedescribe nila si basti “the small boy” hindi ko lang alam kung ano naman ang deskripsyon nila sa akin pag ako naman ang wala at si basti ang kaharap.

Fact: nung bago pa lang ako dito kabidahan ko ang mga kasama namin sa department at isa dun ang hindi ko makalimutang term na sinabi ng isang saudi national “basti is a peace-loving guy” naks!  ayos! maganda ang ipinakita ng ating bida sa mga unang taon nya sa saudi. kaya hindi rin nakapagtataka kung bakit nakarating ako dito dahil nadin sa pakikisama at job performance nya. habang nirereview ng mga kinauukulang arabo ang aking resume sya po ang ipinatawag sa opisina at sumagot ng mga tanong. tol effective ang iyong pagpapanggap bilang ako. toinks!

kaya ngayon conquering saudi ang dalawang baby engineers hehe at syempre cute padin. ^^ hindi naman magbabago yun.

 

littlemonsters1

 

Bons

 

27 Responses to noon at ngayon

  1. basti0780 says:

    hahaha.. o nga.. minsan pagduty ako kung ano ano nalang sinasabi nag ng ibang staff sakin.. hindi ko naman magets yung sinasabi nila.. si bon ang nakausap nila.. toinks! akala nila e iisang tao lang kami.. lamang ka lang ng age sakin!!!

    kaya siguro lagi sinasabi nung iba bumabata ka ah?! malamang nakita ka nila tas nun nakita nila ako nagmuka nga naman bata! toinks. peace!!

    Hahaha.. kasaya naging bida din ako sa blog mo.. star ang dating ko ah hahaha. Salamat po ng madami..

    Salamat sa paguupdate ng Inventory para skin kasi lagi ko nakakalimutan. Pagbalik ko next year bawi nalang ako hehehe.

    Penge nun picture natin na yan ha!? yung wala tayong damit bat hindi mo inilagay??!!

    Bons: buhay nga naman oo. pinuri mona nilaglag ka pa. tsk. tsk. woi 4 months lang akong nauna sayo dito sa earth.

  2. basti0780 says:

    tsaka isang pinagtataka ko sa mga tao dito sa hospital.. hindi naman kami magkamuka ni bon!! mas cute kaya ako sa kanya!!! toinks.. joke lang po!!! agaw eksena e…

    Bons: sige lang bida ka e. taragis!

  3. basti0780 says:

    dadamihan ko comment ko.. paghihiwalayin ko..
    diba masaya naman yun ganun. nakakawala nang problema minsan.. magugulat ka nalang bigla sa mga sinasabi ng isang tao sayo.

    kung iisipin po kung ano ang complements ni bon sa mga katrabaho nya dito ay parang complements ko na din! targis pagsamahin ba naman ang dalawang bright boys sa isang departmento, di sila maberat..

    kaya tol lahat ng good na sinasabi ng mga tao sakin alam kong iba don ay gawa mo. syempre baligtaran lang kaya walang talo satin dalawa. win tayo sa lahat.. dami nga natin fans dito.. fans mo fans ko!!

    Bons: woi magkaiba tayo ng fans no! inpeyrnes to them hindi mo sila fans! manapa yung fans mo, possibleng fans ko! hehe.*ayy nag away sa fans? ^^

    ok sige halfway, agree ako sa bright boys. toinks!

  4. revsiopao says:

    PANALO!

    Kahit mag-donate pa ako sa paypal mo ng Euro1,000…
    Utang na loob po, huwag niyo lang ilathala ang inyong mga larawang hubad! Darating na ang “paghuhukom” ‘pag ginawa niyo ‘yun! Huwag po mga kuya! (Siopao: Nanginginig… sinindihan ang mga kandilang pula at itim at nanalangin ng taimtim).

    Sir MIREX, hindi naman makatotohanan e! Saan ang arinola mo?
    Tapos nagpakulay sana kayo ng buhok ni BONIFACIO. Next time nga, tumawag muna kayo sa Roma para ma-coach ko kayo ng perfect cinematography ha. Tsk tsk tsk!

    Naks naman! “Basti is a peace loving guy!” Todo na ‘to!!!
    Peace man! Peace!
    Bidang-bida ka ngayon ha.
    Kung sabagay tama naman ‘yung Arabo e…
    Kasi ang mga pics mo para ka lang natutulog. (Ahooo!!!)
    Peace man! Peace!
    (Bayaan mo na ako mang-okray…. uuwi ka naman ng Pinas bukas e. Happy Trip po! Enjoy your Christmas Holidays!)

    Well done Mr. Talampas!
    Bravo! (o ayan ha bumawi ako… para gandahan mo ‘yung “project” natin). Huy si Tina nag-iisip… Ano kayang “project” ‘yun?? Malufet na SIKWEEETTT!

    Bons: haha syempre nagbago na ang lahat.kahit nga mga mouse namin naging big rat na e! haha basta the thought was there. waaah ang sikretong malupit may teaser pa!

  5. ♥just_me♥ says:

    hahahha, Si basti nga ang pers..sabi ko sau sir Jp eh,,.

    2nd and third pa din…. nyehehhe………

    may discount bako pag ako nagview nung pic. na nakatago? hahaha!

    hahaha..ang cute ni Baby Basti..dun sa nakaupo sya..

    Sir JP,bumili ka na ng experia,,….(touchscreen effect!)

    wahahaha,,…

    at anu itong mouse and rat na ito? hmmm……..

    cute??? hmmmmmm………… sino mas cute??? hekhekhek……..

    Bons: haha. discounted pag sayo. ^^ wag mona pansinin ung reply sa comment ng may comment hahaha. bata ka pa. toinks!

  6. anakngpiso says:

    take it off!!!! take it off!!!! teka lang asan ba yung wallet ko… ahahahaha… biro lang…

    honga, honga magkamukha kayo… pero di naman masyadong mejo lang… cheers;p

    Bons: hahah. take it off! gusto mo exchange tayu? hihihi^^

  7. naisu says:

    oo nga! take it off! take them all off! :drool:

    striptease ito! haha. exciting!

    aruuu! natawa naman ako. yung tinitira ko dati dito sa comments na si basti, aba’y mantakin mo’t bestfriend pala ni sir bons!

    ahaha! toinks.

    keep the great friendship up! :)

    Bons: wag naman take them all off, masakit na sa balat yun. toinks!

  8. TeenToinks says:

    Aba.. aba.. at aba..

    eto masasabi ko… ______________________! (turo ni Rev. Siopao)

    Neweis, bat special mention ako.. at feeling nmn pinagnanasaan ko kayo! Amp! Helloo… wag nga kasi! Kurutin ko kayo jan eh! Ayy! toinks!

    Oh sya sya.. wala ako masabi at puro kasinungalingan ang nabasa ko.. isa lang ang alam kong totoo jan.. “ang dalawang kuneho”

    Cge laglagan pala ha! wait nyo si mader superior! (toinks)

    Bons: haha mag madre kana nga kase^^ suportahan ka namen.

  9. air says:

    dapat nilagay u din ung katulad nung pic nung mga bata, para naman nag enjoy kami… hehehe…

    well said, i remembr basti , gawin bang screen saver ung flame, syempre amaze na amaze kami nun, tapos si bon, gumawa naman nang robot “CARLO”. o san ka pa da?… talagang isa nalang kulang sa dalawang bright man na to… at ako un… hehehe… juke!

    Bons: wahaha ayos ang sagot ah parang beauty pageant! clap clap!! you’ve got it! ^^

  10. rache says:

    aba!ang ganda ha… the before and after pictures…galing nyyo talaga :) dapat nga lang preho rin nung bata walang damit… hehehe…joke

    Bons: meron ngang kopya nun. may na irelease na kaming 12copies.

  11. TeenToinks says:

    Ui.. RACHE.. nahahawa ka na ha! Naughty ka!

    (((Mader superior… si Rache po oh!)))

    ((bulong)) Pst.. send ko sayo ung NAKED copy nung pic nila.. wag ka maingay ha.. baka marami mag request sakin.. sabotage ko lang yung PAYPAL donation nila.. gumawa na rin ako ng PAYPAL.. Sa kanila Original (mahal un)… akin PIRATED copy… mura lang! Business minded na ko ngayon! Oha! Oha! san ka pa!? May free caption pa un!

    Bons: aba! nakatulog lang ako may ganito na? black market?! bentahan ng kung ano? fake tong kay tina! mouse padin ang nandun, look for the original. look for the big rat.^^

  12. mangbadoy says:

    akala ko basti and gasti magkatunog kasi… bat kasama ka pa mare…joke! ikaw pala dapat ang bida kasi ikaw ang blogista…

    i’m just wondering talaga bang wala kayong masyadong mapag abalahan bukod sa sariling sikap twing walang ginagawa at walang tao at madilim na madilim ang gabi sa kwarto… stress releaver ang blogging pero ako feeling ko ang konti ng oras ko i want more time in one day sayang para mas marami akong gustong gawin sa isang araw… pag sumapit ang lunes diko na alam friday…

    going back, akala ko mag-kuya lang kayo ikaw syempre ang matanda (wala ng plastikan di ba mare? hahaha!) minsan masarap magbutingting ng computer pero pag nakabisado mo na ang work mo at paulit ulit na lang nakakatamad…

    we always want to be challenge that what make us breathing – nalimutan ko na kung san ko yan nakuha… lol!

    Bons: mare iba naman kase pinagkakaabalahan mo! tulad nyan hindi ka na naman kamo pumasok kase sale ang mga relo! taragis! anong buhay yan ginagawa mo lagot ka sa bebe at nanay mo! wahaha. simple kang dumali sa blog ko ah! hoy blog ko ‘to!

  13. Jorge says:

    Aba aba, nahuli na talaga ako, cencia na sobrang busy lang pow.

    Teka, nde nmn nagaya eh, bakit walang arinola at bakit may damit? Ayy apoo!!

    Panigurado pumapalakpak ang tenga ni basti sa tuwa, oi, magpaburger ka naman! toinks!!

    Sa haba ng mga comments nila nakalimutan ko na sasabihin ko, pwamis! churi naman!

    Bons: sige laboy. hehe.weekend na naman parekoi! saan ang foodtrip? ^^

  14. libay says:

    Funny talaga si boni… super!!!

    parang gusto kong maki cheer ng take it off, take it off with glecy lols (kaso baka masira yung abogada image ko hehehe)

    tina pakiforward na lang yung pirated copy sa amin ni rache… pero sikret yun huh :P

    Bons: haha oo remember ang abogada image wag sirain. ^^ nakakatuwa talaga. parang napaka serious mo nung araw. (eh nung gabi kaya?)

  15. rache says:

    hehehe… pano nman tina dapat exact picture nung bata ha at tama si jorge dapat my arinola na upuan… gusto pa kasi may bayad sabagay bka ma- tv patrol or the buzz pa siang dalawa pag nilagay nila yung naked version ng ngayon…

    tingin ko nga magkahawig na kyo………….. ng height — peace! kaw nagsabi nun inulit ko lang… pero seriously minsan mgkamukha kyo… mas pogi lang si…… umm syempre aking mister… hehehe..

    good job basti! well written bon

    Bons: aminado naman talaga sa height. bukod sa hugas ng bigas ang nainom hindi din kami nakatikim ng cheryfer, star margarine lang pero hindi naman pala epektib. haha.

  16. rache says:

    sinabi mo pa hindi naman totoo star margarine ;) puro yon yata pinakain samin non bata kami hindi naman tumalab… hehehe… ganda ng entry mo… cute ng pictures nyong dalawa… pano na yan iiwan ka na ng kambal mo babakasyon ;)…

    Bons: oo naniniwala ako sayo dyan na hindi talaga tumalab.^^ kase nainsipire lang kaming sa picture mo na 2 babies. nahirapan kaming gayahin yun kala mo ba haha. nagbakasyon na, yes pag balik nya wala na syang fans haha nasakin ng lahat.

  17. brotherutoy says:

    talaga nga naman at extreme tripping ang pictures natin ah. marami ang nagreklamo na iba ang picture, kaya sige’t ipapahiram ko muna sa inyo ang trainer potty (sosyal term for arinola) ko.

    at may modelling pa ng notebook! wala kayo, ang notebook ko, cattleya! may picture pa ng artista! sige, mainggit kayo! hehehe…

    may online padasal kami nina bluep. punta naman kayo.
    God bless!

    Bons: aspen yung notebook namen haha. dumalaw nako sa blogs nyo.nakita ko nga ang online padasal marathon 2010.^^

  18. aileen says:

    bakit b nasa dulo lagi ang comment ko?/? laging late..hahah… kaganda n ng kuha humarap p kayo…at magkaterno p kayo ng shortie…uniform nyo b yan???

    oi..kilabutan kayo..cute??bata??? duh!!!

    Bons: sige dagdag comments din ‘to. ^^ maganda po si aileen makita nyo sa personal. hehe

  19. aileen says:

    may nalasahan akong paet, pakla at konting anghang s reply ahh..hahaha..

    ** ndi po ako maganda…nakakasawa dw kc yun habang tinititigan… ndi din ako cute kc pang bata lang dw yun…sabihin n lang natin n may angkin akong kariktan… AWWWWWWWW… heheh…o alam mo nmang sinungaling ako d b???(kaya wag k n kokontra!)

    Bons: aba para lang chat ang comment section, may pait at pakla pang nalalaman. ikaw ba si marikit? toinks! angking kariktan pala ha. naalala ko tuloy nung grade 3 yata ang mga term na ganyan tinatawag ng kasingkahulugan.

  20. rio says:

    ok ah buti nlng kupas na si MAHAL at MURA **peace** joke lng
    –kakatuwa nmn pics nyo Kacute! hahaha

    Bons: haha sobrang liliit naman nun. toinks! ^^

  21. MC says:

    hi boni! nagulat ako nung makita ko comment mo na marked as spam,di naman siguro galit blog ko sa’yo.Honest mistake lang daw,lol

    Bons: intended spam talaga yun kala mo lang hinde.lols^^

  22. MC says:

    pareho naman kayo gwapo eh :P

    Bons: yan ang banat! haha^^

  23. basti0780 says:

    clap clap clap.. hoy tol sulit ang pangugngulit mo sakin!!! dami mong comments..

    mantakin nyo po si bon e kinulit ako sa picture na yan.. opo yan po ang totoo.. kinontrata pa ako na mgpapicture daw kame. hindi nya mapublish ang article hanggat wala daw yung picture namen. kakauwe ko from work e yan agad ang pinaggagawa nya.. setup nya cam at pc..

    NASAN ANG TALENT FEE KO??? sabi mo babayaran moko.. pakipasok nalang sa account ko pls. hahaha

    Bons: at diba sinabi mo kase pasikatin kita sa blog ko? i feature kita yan ang ang natatandaan kong sabi mo wahaha!

  24. revsiopao says:

    Napadaan lamang po upang magbigay pugay kat Gat Andres Bonifacio, ang ninuno ng ating idol. Maligayang kapistahan!

    {{Libreng ADs: Inaanyayahan ko po ang mga adik sa blog na ito ni katotong Boni sa pasinaya ng aking bagong tindahan (http://revsiopao.wordpress.com) sa ika-8 ng Disyembre. May libre pong siopao sa unang-100 dadalo. Kitakitz}}

    Bons: pasimple ng ADS a, hehe. naki fiesta tapos nagiwan pa ng baba-sahin! ^^

  25. rio says:

    buti nlng may holiday kapag panahon ni bon **toinks ___walang pasok bukas!!! yehey

    Bons: bonifacio day! hehe. ayos yan! libreng sakay sa mrt! byahe na! mula bonistation hangng bonistation uli walang babaan! its a 2way ride! haha

  26. eloiski says:

    awts!
    kala ko porn site ng mga bata!
    joke!
    magkamukha kayo!
    adik!

    araw mo kahapon ah!
    pacheese burger ka naman!

    Bons: haha porn site nga pede din pang matanda kung gusto mo, bayad kalang ng viewing fee. pay-per-view ^^ cute ng eloiski. dati ganyan din ako bonski.

  27. noon at ngayon bonistation is a nicely put together blog. I dont believe my web site http://www.stumbleupon.com/stumbler/witowerywr/ has much in common with yours, though I can (and have) learnt a lot from you, cheers, Fredericka Meyers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: