basta i’ll be home soon

mamas mode.

“sabi ng kuya mo sa october ka pa uuwi, totoo ba yon?” ayan ang naresiv kong text galing sa nanay ko. aba halos magtumbling ako wah! diko alam ang isasagot ko dahil talagang surprise ang uwi ko sa march. at hindi nila alam yon.

bago pa ang text na yan kausap ko na ang kuya ko at sabi nga malungkot ka nung araw na dumalaw sila sa atin. ang tahimik mo nga daw kahit ba nag ikot pa kayo sa bagong robinsons (wow open na pala sa cabanatuan).

medyo na puzzle kami ng kuya kasi nga bakit kaya malungkot ka. nagtetextan tayo at ok naman ang kamustahan. hanggang sa maisingit mo nga ang “sabi ng kuya mo sa october ka pa uuwi, totoo ba yon?”  bingo! kaya naman pala! masyado kang nag iisip at aminin mo’t hinde eh miss mona ang bunso mo. ^^ text ako agad kay kuya at sinabi ko na yan pala ang iniisip mo at oo napag kwentuhan nga daw ninyo ang uwi ko sa october dahil magsasabay sabay kaming umuwi nila ate weng.

kumulimlim ang mundo ko. at nag alala sa ‘yo. ang reply ko sa text mo; “hindi totoo yun, uuwi ako ng mas maaga pa sa october” diko masabi ang exact date dahil gusto ko talaga na masurpresa ka sa mismong araw na yun. pero parang hindi ko din kaya na hayaan kang mainip masyado. sige sabihin ko nalang march25. (pero mas maaga ako darating sa march25 haha magugulat kapadin). sana lang wag ka mag open ng wordpess para dimo to makita. pag igihan mo nalang yang friendster mo, nakita ko nga bago pa ang profile layout mo, san ba nakukuha un at magaya nga.

namimiss moko alam ko yun, ako din naman, eh pano gagawin kailangan nating bayaran yang pldt sa bahay 1mbps connection mo daig mo pa ako dito ah hehe. christmas na naman kasi inis! at dito na naman ako magpapasko. naalala ko tuloy diba ayokong ayoko ng ganito magkakalayo ang pamilya pag pasko. pero naintindihan ko na talaga, at alam ko mas naiintindihan mo dahil pinagdaanan mo din to. pinagdaanan nating lahat.

wala ako dyan para kulitin ka ilang oras bago magpasko, para papakin ung mga hotdogs na nasa stick at halos maubos at hindi abutin ang alas dose.(para sa readers: nung bata pa po ako yun).  makakaiwas na naman ako sa pagkuha ng buko sa likod ng bahay naten pag bisperas ng pasko kahirap kaya nun tapos sakin nyo pa papabalatan. hehe. at excempted din muna ako sa palengke marathon na tuwing kalahating oras yata eh inuutusan moko. manong pag sabay sabayin kasi. marami akong namimiss dyan lalo na ang pagsisimba natin sa misa de gallo. at ang lahat ng picture picture na halos taon taon meron aanhin ba un? hindi naman uso facebook nun ah.^^

bigla kong naisip na napakatagal para sayo ang october halos isang taon pa kung tutuusin. naka mind set ka na pala dahil ang sabi ko nga sayo bago ako umalis dyan nung huling bakasyon ko mga 9 months or less uwi uli ako. ang hirap din naman talaga ng kalagayan mo dyan. nakakainip at halos magisa kalang sa bahay,  kung pwede nga lang diba dyan narin ako, pero syempre dito muna (maghahakot ako ng maraming riyals!) toinks!

mahal na mahal kita at sa ngayon habang wala pa ako dyan palagi mo ingatan ang sarili mo.

mabilis lang ang araw. wag ka na mainip.  basta ‘ill be home soon.

 

Bons

“One of the oldest human needs is having someone to wonder where you are when you don’t come home at night.”

 

.

26 Responses to basta i’ll be home soon

  1. basti0780 says:

    una ako.. babalik ako.. mag comment ako pag uwe ko pinas.. dito pa me sa HK e.. toinks

    Bons: magkaibang bansa pa ang panggagalingan ng comment? astig!

  2. basti0780 says:

    hahaha.. may ad pa ang siopao!!!!! hahaha para namang may misa sa december 8!!!! online mass ba yan???

    Bons: may libreng siopao daw na ipapamigay ang pari.

  3. ericpascual says:

    Hehehe… Idol! mas masarap nga naman ang nag susurpresa, ang mahirap lang ang tiisin mo ang sikreto at makita silang malungkot para sayo na gustong gusto kang makita.(lalo na si labski mo).
    Isa ka talagang magandang halimbawa para sa kabataan, “Bonifacio”.

    Di na ako magbabanggit na “mag-asawa ka na!” para di ma udlot ang lahat. hehehe… dahil isa ako sa susuporta sayo…! toinks!

    *Isigaw ang bayani ng bayan “Bonifacio!”*
    (KaKaKasalan na)

    Bons: mahirap ngang tiisin yun lalo pa’t pinakamahalagang tao sa buhay mo ang pinaghihintay mo.
    malapit na nga pala kasal mo. pa cheeseburger ka naman!

  4. helena says:

    nasan si pader? Yan lang muna ngayon. Ayoko magdrama masakit na ang mata ko. Babalik na lang din kung kelan sipagin. Paalam alipin. {walang smiley}

    Bons: tanong mo kay brother utoy hehe number 7 yan sa questions asked to seminarian!

  5. naisu says:

    toinks. aray ko sir bons. tinamaan mo ako sa blog entry na ito. daming flashbacks. huhu. grr. kasi mahal na mahal ko din si mama. sya ang primary reason why i decided to come back here in nueva ecija para mag-work imbes na dun sa manila after my graduation last april. that’s the reason naman kung bakit nag-start na maging shaky relasyon namin ng minamahal kong boyfriend. sobrang laki ng naging tampo nya na di ako nag-stay sa manila. hanggang naging sobrang complicated na then.. haay.. ouch!

    anyways, i don’t have regrets naman sa naging desisyon ko. parang pinamili lang ako ng panahon between two important people in my life and i decided to choose the only person who and will always love me unconditionally. :)

    anyways ulit, im really so impressed that u really care and love your mom just like that. bihira lang kasi ang guys na ganyan. toinks. hehe.

    (clap) sabi nila, if a guy loves his mom so dearly, panigurado responsible din sia sa babaeng tunay nyang mamahalin.. hehe.

    wag lang sobra na halos mama’s boy to the nth level na ha? toinks.

    (uy, pangatlo ba ako sa nag-comment na?)

    *hugs*

    Bons: tama lang yung pinili mo. bata ka pa naman. marami pang mangyayari sa buhay mo. ang magulang kahit ano mangyari nandyan para sa atin.tama nga na they will always love us unconditionally, ang pagmamahal nila ang pinaka the best na patunay sa mga salitang yan.

  6. revsiopao says:

    {dramarama sa madaling-araw}

    sadyang iba talaga kapag ‘kananayan’ na ang pinag-uusapan…
    {buntong-hininga}
    merong tila baga malalim na kurot sa puso na kahit pa ang may pinaka-pusong-bakal ay hindi puwedeng ‘di maantig o sumalungat sa dumadagundong na yanig nito na sa ‘yo ay daratal {walang kokontra seryoso ako!}……. {sinapian ni francisco baltazar}

    bata, ayos ‘yan!
    minsan ko nang nasabi ito kay sebastian nang siya’y mag-dramarama rin sa madaling-araw…. huwag palampasin ang bawat pagkakataon na masambit sa iyong ina ang iyong kalinga’t pagmamahal…. huwag mapagod! ano’ng hihigit pa sa ligaya ng isang ina na marinig mula sa kanyang mga anak ang mga katagang: “nay, mahal kita”

    habilin: ‘pag uwi mo sa marso, sabayan mo pa ng super-higpit na yakap ha. {mag-ready lang ng sandamakmak na tissue o basahan}

    {isa pang buntung-hininga}

    hanube! nang-aano ka e!
    kaya pala serious mode kanina, may niluluto! o, sige na po, panalo!

    P.S.
    Sosyal si nanay ha, super techie! Mega-text na, may FS pa, at 1mbps ang connection ng PLDT. Clap clap clap!

    {puwede ko ba add si nanay sa FS ko? he he. tsaka paki-bigay na rin ang cel no. niya para maisumbong ko ang kanyang ‘mabait’ na bunso. toinks!}


    Bons: wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal kalinga at sakripisyo na ibinibigay ng isang ina.. salamat po sa maalab na comment. thanks father!

    **ps. belat! bat ibigigay ko sau edi sinumbong mo nga ako ikaw pa! nakuuuuu!!! (ahaha father daw tapos ganire naman ang ps.) toinks!

  7. Mike Avenue says:

    “christmas na naman kasi inis! at dito na naman ako magpapasko. naalala ko tuloy diba ayokong ayoko ng ganito magkakalayo ang pamilya pag pasko. pero naintindihan ko na talaga, at alam ko mas naiintindihan mo dahil pinagdaanan mo din to. pinagdaanan nating lahat.”

    Nalungkot ako dito!

    Bons: hayys! nalungkot din ako. =(

  8. libay says:

    im sure matutuwa ang mama mo pag bigla ka sumulpot sa march… parang naimagine ko yung itsura ng nanay ko ng minsang umuwe ako ng hindi nila alam… nakabackpack lang ako… from airport diretso sa 5star at nagbus na parang galing lang sa boarding house sa manila… pagbukas ko ng gate nakita ako ni nanay … hindi muna gumalaw manghang mangha saka nabitawan yung hawak… pag-akap ko sa kanya biglang naiyak at ang nasabi lang “anak andito ka na”.


    Bons: oo ganyan din ang balak ko backpack lang din at 5star na may stop over sa double hapiness! kasarap haha. woi malapit kana umuwi!! ingats sa byahe!

  9. cindyrella says:

    well,masu- surpire talaga sila sa gagawin mo ^^ uwi nga ako sa feb eh.. valentines day balak ko din isurprise pero mas alam kong sasaya ang uuwian ko pag alam nila.. kasi habang papalapit ang araw, alam nila na may hinihitay sila.. ^^

    Bons: sige kita nalang tayo. ^^

  10. teentoinks says:

    Nalungkot naman ako bigla…

    “One of the oldest human needs is having someone to wonder where you are when you don’t come home at night.”

    Nakarating nga ako ng Malaysia walang nakakaalam… di ko pinaalam at walang nag tanong… Naalala ko tuloy bigla si Kuyang Boy.. kahit 1am ako dumating from manila nun, nag aantay pa rin sya sakin! kakainis naiiyak na ko! (crying…) Sana di na lang ako nag basa ng entry mo..

    DAPA! ibalik mo ung kalanturan mo! Tama na yan! Uuwi ka naman na eh kung ayaw mo sabihin ko sa nanay mo ang exact date ng uwi mo… may # ako ni mother! Rem’ber? Uy… lumantod ka na lang ule… tama na… hirap naman kasi tumutulo na sipon ko eh!

    Bons: talagang walang makakaalam eh tumakas ka kase at dinamay mo pako para palang nagtanan tayo nung mga panahon nayon no? buti nalang at walang naghabol, baka kaya kung nanjan pa kuyang boy mo eh napresinto na ako. (ituturo ko si jorge) haha.
    serious mode ako. matapos ang ating mahabang usapan nung isang gabi ^^. namiss kasi kita. tina banana rama maghanda ka ng mabuti sa pagbubukas ng tindahan.baka mas marami pang sipon ang ilabas mo dun.

    *PS. wag na wag lang magkakamaling ibigay kay revsiopao ang number ng nanay ko. heheh ^^

  11. kirksydney says:

    Naks uuwi sya. So ano.. arrange na ko ng meet up nyo ni ate? O baka naman si coach gusto mo? O baka pareho? :lol:

    Bons: to ate mo march28 6pm mrt bonistation
    to coach(dahil mas gusto ko si coach) march25(araw ng pagdating ko) kita kami sa airport.hehe

  12. TeenToinks says:

    Tanan? Bwahahaha bwhahaha bwahaha ay mali.. ahihihihi pala!

    Teka teka teka nga lang.. ahhh ganun pala ibig sabihin ng tanan! Bwahahha bwhahaha bwhaaha.. pst.. ano nga ule ung ginawa natin nila jorge sa hotel? Teka bat nga pala hubad na nagising si jorge? At sandali nga…. bat nga pala may NO DURIANS sa elavator! Bwahhaha bwahahha… tsk.. kakulet!

    ang sagot sa mga tanong….. CHIKLET! bwhahaha bwhaha bwhahaha ay mali ule… ahihihihi

    Sandali nga bat ba yan ang comment ko? Sapaw ako kay mother dear! Sige uyet uyet… yoko na la na wenta comment ko!

    Hosyamiso! BAWAL MAKULET ngayon.. SENTI MODE si BONITO! toinks! sagwa.. BONITO eeeewwww… yuuccck!

    Bons: ayusin mo tawa mo para kang inaano hihihi. chickleettt! hubad si jorge dahil nung magising magkatabi kayo! at no durians sa elevator kasi hindi daw kanais nais ang amoy nun. eh how about no indians? bakit mo sinulatan ng no indians ang elevator? magpaliwanag ka!

  13. mangbadoy says:

    ang saya naman ng entry mo mare! pwede kang magtatambling sa sobrang saya…

    naalala ko tuloy si mama kasi she really cries pag wala kame ng pasko at bagong taon… like last year pasko lang ako andun umiiyak daw sa sulok ang mama ko sabi ni papa nung tumawag ako ilang oras bago ang bagong taon…

    sabi nga nila na kapag wala na sa piling mo yung tao (meaning dead or malayo sayo) dun mo lang ma appreciate lahat ng ginagawa nya for you kahit yung kunsume lang ng mga magulang natin sa ating mga pilyong anak namimiss nila… yung simpleng ingay na kapag asa bahay tayo at kahit yung kalat na iiniwan natin para ligpitin ng butihin nating mga magulang…

    tama na mare sa emote… kiss na lang kita!

    @ bastinola arinola y aerola, pasalubong naman dyan pwede bang paki dala si mickey mouse sa pinas… gusto ko yung sa disney land a… hand carry mo na lang para di mabigat :))

    Bons: so iiyak na naman mama mo sa new year dahil balik KL ka na ilang araw matapos ang pasko. pasalubong nalang din ha. gusto ko pork ham! ^^.

    nakakamiss ang mga gawain sa bahay bago at matapos ang pasko’t bagong taon. =(

  14. ericpascual says:

    idol gift ko para sayo. paalala lang daw mula kay best :D

    I’ve a tag waiting for you in my blog site: http://ericpascual.wordpress.com/2008/12/06/on-the-spot/

  15. brotherutoy says:

    tol, parang nagsabay-sabay na drama king mushfest seriously senti mode yata ang mga posts natin ah.

    kidding aside. kakainggit ka. may naghihintay sayo, may uuwian ka, may sasalubong sayo. alam mo, bon, cherish every moment with your family. one of the things that will keep you afloat in this life is your family. As Janina would say: May pamili is…was…the most infortant fersons in my layp.

    emo na ako.

    God bless!

    Bons: oo nga e bigla kasing lumamaig ang panahon naging gloomy! salamat sa comment. hamo’t susundin ko yan mga sinabi mo!

  16. Jorge says:

    Naku, ano ba to, sobrang nakakalungkot ang mga posts nyo, galing ako sa bahay ni bro. utoy grabe, nde ako makapagconcentrate sa work ngaun, huhuhu…

    Anyway, ayoko sanang magcomment kasi baka lalong umagos ang luha dito, alam mo naman ako eh mas mamas boy ako kesa sayo no, cheh! hmpf! yoko ng ganitong usapan, mahina ako sa ganito.. pero gaya ni bro utoy, i can feel each word that you write, regards nalang kay mader mo, pakikumusta nalang pati sa family mo ha.

    Godbless parekoi!

    Bons: woi!! san ka na naman galing nung weekend! laboy ka na naman.
    no comment ako sa comment mo.^^ (totoo na iyakin si jorge) hihihi

  17. basti0780 says:

    hoist.. eto na comment ko.. inget ka lang kaya ka ngpost!!! hahaha ako dito na sa bahay kasama mom ko hehehe.. toinks

    nwey im sure miss mo na mom mo. hehehe hindi ko nanabasa nun sinabi mo na ngpost ka kasi paalis na kami at maglilibot.

    o hayan ang comment ko sayo magkaiba ng lugar. heheh Hong Kong at pinas.

    malungkot nmn talaga yung akala mo e uuwe noon pala e hinde. parang problema na nga lang kasi nila yung kakaisip kung kelan ang uwe e pahahabain mo pa.. toinks.. bat ba kasi may surprise pa e nawindang tuloy mom mo hahaha.. pero ayos lang yun, sigurado matutuwa mom mo.

    ang taray ha may FS sya.. turuan ko nga din mom ko nun.. hahaha

    Bons: astig talaga sa gimik ng comment tinutuo ang dalawang bansa! oo totoo naman na ingget ako at diba sabi ko sau naingget din ang nanay ko dahil sinabi kong nandyan kana sa pinas at malamang sa malamang tol isa yun sa dahilan ng pagkamiss nya sa aken.. hayys! well enyway ok lang bawas naman na ng halos 2weeks ang bakasyon mo dyan bwahahah meaning in 5weeks babalik kana dito at ibig sabihin nun ako naman ang uuwi! yahooo!

    oo totoo nga na wala na yata silang iniisip kundi kelan nila tayu makikita at makakasama. dapat isulit ng isulit ang mga pagkakataon! woy sulitin mo bakasyon mo with family ng hinde ka umiiyak pag nandito ka sa saudi! kaiyaken mo oo!

  18. Dhacker says:

    Pre ayoko maging Green now, dahil bigla ko namiss yung mother ko habang binbasa ko ito, may time kasi na uuwi lang me sa bahay tas pasok na agad sa kwarto kapag sobrang pagod, minsan di pa ko umuuwi at magtatanong na lang cya kung san me galing nung yesterday. Now ko lang din na realized na namimis din nya me sa simpleng tanong na yun, na minsan take for granted ko na lang cya kasi akala ko nangungulit lang. Alam mo pre ako andito sa PINAS e namimis na ng parents ko what more ikaw na nasa malayo pa at di nakikita, Saludo ako sa Mother mo na kinakaya nya ang kawalan ng kanyang bunsong anak, tinitiis nya ang mawalay ka kahit na nag iisa na lang cya dun..I know pre you missed so much yung care ng mother mo at alam ko na sobrang miss na din ng mother mo na alagaan muli ang kanyang Bunsong ANAK..Touch talaga ko dito sa BLOG mo..Keep on Touching as pero wa yung ano ha. hahaha nasamahan na naman ng Green ang kulit talaga. Smile na dyan at punasan na ang luha.

    Bons: gago ka gino naiyak ako sa comment mo! langya ka.tagal ko ng naisulat tong entry nato may after shock pa palang mangyayari pag nag coment ka..

    anyway salamat din somehow may narealize ka para sa sarili mo at sa mama mo.. regards.

  19. revsiopao says:

    padaan po!
    na-miss ko ang pagtambay dine dahil sa pasinayang naganap sa aking bagong tindahan. hay apo! kapagod!

    bonifacio super thank you talaga sa video ha. panalo!
    i owe you a big one for that. GRAZIE!

    Bons: magiging busy kana sa sarili mong blog =( daan ka palagi rev!

  20. revsiopao says:

    pahabol ulit (na-miss ko talaga ang pag-co-comment lang)….
    panalo ang picture ng 7 kolokoys of KSA. gleng gleng!

    sa mga tambay dine sa bonistation na nakidalo sa pasinaya, SALAMAT PO!

    Bons: wapak!! 7wonders!

  21. revsiopao says:

    yahoooo! bago na ang header ng dakilang bayani
    clap clap clap!

  22. myeski says:

    naks, naluha naman aku nian… hayyy… para kang c doy, laging nagaalala kay mame… alas dos ng umaga ng monday lagi akong tinatawagan, at timing pa na kulang ako sa tulog dhil byahe rin me ng 4am… waahhhh…. gcngin ba ako lagi twing monday .. toinksss…

    bsta kitakits pag uwi mo…

    Bons: oks! ingats kau lahat! regards!

  23. roi says:

    kakainggit na meron ka pang nanay na uuwian… feel for her. i know you are… kakatouch naman

    Bons: cheer up!

  24. flamindevil says:

    buti ka pa sa march na uwi.ako june pa.di bale,punta parents ko dito sa april.haha.btw,ganda ng post.tumulo laway,este luha ko.

    Bons: salamat! ayus! kapuso ka pala pag dating sa mamas mode hehe

  25. flamindevil says:

    dahil eto ang peyborit kong post mo, may special mention to sa bagong post ko..way to go parekoy!


    Bons: salamat nakita ko nga! hehe ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: