paskong pinas

habang pumapatak ang mga yelo dito sa blogsite ko mas lalo ko tuloy nararamdaman ang lamig nakajacket na nga ako eh tumatagos padin! taragis! pangalawang beses kona mag papasko dito sa saudi at hindi ko padin lubos maisip na lumalamig pala ng ganito kalamig dito bumababa yata kami sa 5degrees. pero hindi naman umaabot sa yelo.

dalawa lang ang season dito summer and winter (naks winter talaga,diko lam basta sobrang lamig) yan ang nararamdaman ko.

pag summer; march hanggang september sobrang init! as in napakainit at sinasabayan pa ng maya’t mayang sand storm. kahit silyado ang buong bahay mo nakakalusot padin at minsan maamoy mo nalang na sumasama sya sa aircon sobrang pino ng mga buhangin at malapit ng maging parang alikabok. toinks! mainit ang mga panahon na yan hindi mo kakayanin ang lumabas ng bahay at magstay sa bilad ng araw siguro triple ng init sa pilipinas pag mahal na araw o byernes santo, nakakapaso parang gateway to hell taragis! golf course yata to ni santanas! ^^ (uyy golf daw alerto nyan si libay). pag ganyang panahon karaniwan na ang fog sa umaga o gabi na kulay gintong buhangin. parang tag ulan lang na imbes na tubig buhangin ang mga bumabagsak. napakayaman nila sa buhangin haha (may halong gold)!

pagdating naman ng october hanggang february yan ang malamig na panahon pakiramdam ko nasa loob palagi ako ng frigider! hindi kadin pedeng lumabas basta basta ng walang makapal na jacket or  kaya bonet baka bigla ka nalang maging snowman, version namin SANDMAN. maninigas ka nalang sa lamig ng hindi nagyeyelo, yung tipong pati ang ilalabas mong spermcell ihi ay parang tubig na galing sa icebox.

hindi ko talaga inakala na lumalamig ng ganito dito, imaginin mo ang disyertong  napakalamig!? sige diba nakaka tangang isipin yun? eto din yung pagkakataon na makakakita ka na ng ibang kulay na suot ng mga saudi nationals. pag summer puro puti ang suot ng mga lalake (thobe) may alternate na sila ngayon kulay brown medyo makapakal at yan ang panglamig nila..

pasko na naman. oo mahirap magdiwang ng pasko sa bansa na kung saan sentro ng relihiyong islam, hindi natin sila masisisi. kung tayo may vatican sa roma na kung saan kakastiguhin si revsiopao namamalagi ang santo papa at nagsisimbulo ng sentro at banal na lugar para sa mga kristyanong katoliko, ganun din sila dito, nasa saudi arabia ang dalawang pinakabanal na siyudad para sa islam (mecca at madinah). “custodian of the two holy mosques” yan ang official na title ng hari ng saudi. (end of trivia)

karaniwan na ang christmas lights dito sa saudi kahit hindi pasko may mga nakalagay sa tindahan, mall at kung saan saan pa. ordinary lights lang para sa kanila blingbling, dekorasyon pang hatak ng customer. may mga parol din at hindi nil kinokonsider na pang pasko yun (yun ang akala nila haha) matatalino mga pinoy. christmas tree meron ding mabibili, ham, keso de bola at lahat ng maisip mo na materyal at nakakaing bagay na kaakibat ng pasko sa atin sa pilipinas..

pero ganun pa man, kahit abot kamay mo ang lahat ng kayang mong bilhin, di padin kayang tumbasan ang presensya ng mga mahal mo sa buhay.. mas naapreciate ko ngayon ang halaga ng bawat minuto sa mga okasyong dati’y nagaganap sa loob ng aming bahay na kasama ako.. kaya kung ikaw magpapasko ngayon na kasama ang pamilya at mga mahal mo sa buhay, samantalahin mo.. mas maging masaya ka at mas magpasalamat.. maraming tao sa labas ng bahay nyo ang mas naghahangad na makaranas ng ganyang pagkakataon..

so pano, medyo maaga pa ‘to pero sasabihin kona, Merry Christmas sa inyong lahat! iba padin ang Paskong Pinas!

 

Bons

 ..pasko! paksiw!


37 Responses to paskong pinas

  1. eric says:

    Boni Kuneho, iba talaga ang pasko sa atin kahit nadadala natin ang pasko sa ibang bansa di parin matutumbasan ang kaligayahan ng nadarama natin na makasama ang Pamilya at ang pagsasalo sa araw ng Pasko.(sama narin natin ang tagayan ng Brgy.)

    “Maligayang Pasko Boni Kuneho”

    Bons: salamat jumbo! haha! oo iba padin talaga ang pasko sa atin lalo sa probinsya natin! naks! nakakamiss waaaaahh!! pasko na naman…

  2. myeski says:

    wow, meri xmas din poh at hapi new yr sa lahat… yeah maswerte nga kami na and2 sa pinas, kasi sbrang saya ng ndrama, lalo na yung mga inaanak na namamasko… toinnkksss… hehehe… tatago c ninang.. ahihihih…

    nyweiz, malungkot na masaya, hayyy…

    tatawagan ko kayo ni doy, at mangiinggit, magluluto ako ng isang bandehadong sisig, at siomai.. yum m yummm… sarap noh…

    meri xmas bonito…

    Bons: haha kasarap naman nyan puro pork!! 2nd christmas kona dito.. haysss! wala pading katulad ang pasko sa pilipinas! =(

  3. chelly says:

    yeah ryt..mas msaya tlaga dito ang pasko..nbasa ko npo ibang blogs mu..nkakatuwa lalo n kpag inaantok ako dito sa work,nkakagcing k..hehehe have u ever tried to become a writer?im sure sold out ang mga books mu..hehe (bola un!) marunong k din pla mgdrama kpag tungkol sa family mu ang usapan, swerte nanay mu..pero khit ngddrama kn nkakatuwa p din..kasi ung drama mu may halo p din kalokohan..este..kakulitan pla..

    hmm..d ako katulad mu n mbilis mg isip, so much for now..bsta keep on writing what you feel, may mga tao kng nppsaya (khit ngddrama k)..merry x-mas to you and to your family!

    Bons: ok po salamat chelly!! di ko sinubukang maging writer (toinks) wala sa dugo ko un hihih. dugong kuneho lang ang dumadaloy sakin, saglit lang akong natanggap sa playboy magazine toinks. imbes kase na ipublish ang mga pictures eh itinatago ko sa table ko, nahuli ako kaya sibak kaagad. ^^

  4. Dhacker says:

    Merry Christmas pre. Tama ka iba pa din ang pasko dito sa PINAS, lalo na at kapiling namin ang bawat isang miyembro ng pamilya, malungkot kapag may kulang sa pamilya. Kaya ramdam ko ang pagkasabik mo na magpasko dito at ramdam ko din ang pagkamiss nga pamilya mo na makasama ka dis christmas specially your Mother, sad to say 2 BONIFACIO ang wala sa kanya now.. Ayoko kita paiyakin pero sobrang nakakamiss talga sa part ng mother mo ang katotohanan na yun..Maswerte kami na kasama namin ang bawat isa na magcecelebrate ng pasko, kaya SALUDO ako sa mga OFW na nasa kabilang panig ng Mundo na tinitiis ang sarili para lamang sa kasaganaan ng buhay ng pamilya…Maliban dun tinitiis din ang sariling kaligayahan hahaha sago sago na ba, pero now malamig kaya salad na sago na yan. hahaha. GOD BLESS AND Have a Wonderful Christmas.. Tawag ka lang sa pasko at matutuwa na ang mother mo at mga kakilala mo dito.


    Bons: ayos isa kang alamat! haha! ok yan mix emotions tayo wahaah. iiyak tutulo uhog at kung ano ano pa, pedeng sago sago o kaya salad na sago, malamig lahat ng liquid sa katawan ko wahaah! nabubuo agad pag inilabas ko.

    anyway, salamt pre God Bless din! regards kila mama mo at sa lahat lahat na merry christmas sa mga chicks and boys mo dyan ng mga SA (chickboy).

  5. mangbadoy says:

    maiingit ka at uuwi ako next week as in next week wednesday. 7AM flight ko mga 11AM asa pinas nako :P

    napansin ko lang mare, ang lakas ng luob mong tumabi sa matatangkad a… naoobvious tuloy na mas matangkad sila.. hehehe! ayan ha hindi ko sinabing pandak ka ang sinabi ko lang mas matangkad sila…

    Bons: haha ayan tama yan atleast positive ang approach mo! matangkad padin ang unang nabasa ko kaso “sila” nga lang wahaha. di nako maiingget pasasaan ba’t matatapos din ang pasko na yan! at babalik kadin ng malaysia hehe. regards nalang kay bebot mo na pinsan ko pala talaga! ^^

  6. naisu says:

    hi. dumaan lang. merry xmas sa lahat.. hehe.

    toinks. just look on the brighter side of what u’r with ryt now. =) ponder on this: di mo marerealize at mararamdaman ung extreme na value ng mga mahal mo sa buhay kung di mo naranasang mangibang-bansa di ba? u should still feel so lucky kasi napagdadaanan mo yan sa ngayon.. at least, pagbalik mo dito when u decide to settle down, mas ma-a-appreciate mo lalo yung mga mahal mo dito sa pinas. hehe. =)

    pero.. nagtatampo parin ako sayo. hmpf! bleh!

    Bons: aba? may tampo ka pa ng lagay nayan? haha! im lucky na magkaroon ng ganitong opportunity kaya pasalamat talaga, yung nga lang may mga sakripisyo din pero kaya pa!

  7. rache says:

    masaya nga talaga magpasko sa pinas lalo na kung nandon lahat ng kamaganak mo at mahal mo sa buhay pero kung wala naman mas masarap magpasko kung nasaan sila..
    merry christmas syo at sa lahat lahat… happy new year narin…

    Bons: kung nasaan ang puso at pamilya nandun din ang pasko! agree ako dyan! ang pasko ay nasa ating lahat kahit nasaan man tayu!

  8. revsiopao says:

    One good thing that is obvious in this entry is the fact that you are a person who remains very thankful and positive despite the inevitable pains and sacrifices that goes with being far from home.

    As they say, home is where the heart is…
    And if a person is always attuned with the promptings of his heart, then any place can be a home…

    The same is true with Christmas, it is truly celebrated in the heart.

    Pereho tayong malayo sa pamilya ngayong pasko Bons. May kurot… may lungkot… But the choice to be happy is ours to make.

    MALIGAYANG PASKO! BUON NATALE! MERRY CHRISTMAS!

    Kudos for another dramarama post & to your new header!

    {revsiopao: serious mode}


    Bons: salamat po sa napakagandang comment at pagpapaliwanag. nakakagulat ka pag serious. (napapaenglish) hihi. ^^** header meaning: “pasko sa malamig na disyerto”

  9. alvin says:

    matagal na akong hindi nagbabasa ng blogs mo mula nung lumipat ka, puro umpisa lang, pag medyo hindi na ako makarelate o hindi na kayang namnamin ng utak ko hindi ko na tinutuloy, siguro dahil medyo busy na din nitong mga nakakaraang araw.

    ang ganda ng blog mo na to, ansarap basahin, talagang patagal ng patagal, pagaling ka ng pagaling sumulat. (walang halong bola)

    Sir nakalimutan kitang batiin nung Nov 30, Belated Happy Birthday.


    Bons: salamat alvin sa papuri. ^^. busy ka kase sa mga ginto ng kumpanya nyo. hinay hinay lang. kahit nung december1 dimo manlang ako naalala nag pa holiday pa ako sa pilipinas.

  10. cindyrella says:

    tama ka, di talaga matutumbasan ang mga presensya ng mga mahal mo sa buhay ng kahit anung materyal na bagay kasi di mo naman yun nakakausap, o di mo naman siya nayayakap, di yun gumagalaw etc.! grabe naman ang summer dyan, dito naman sa hk, ganun din ang init! kahit mag two piece ka mainit pa din.. ^^ advance merry merry!!

    Bons: sana nga may nakikita din akong naka tupis dito pag mainit ang panahon.^^ dalaw ka sa saudi minsan. hehe. kaw ba si cyndirella ng HK Disney? ^^

  11. TeenToinks says:

    Merry Xmas BON!

    May u have a blessed xmas… kasi kung merry ang gusto mo eh dapat umpisahan mo na kumuha ng ticket at umuwi ka na kay mother at ng mapalo ka na sa pwet! Hehehe Yeah right, sacrifice muna.. para sa mahal sa buhay! Isang mompo jan sabay sawsaw ng siopao… “katawan ni REV?”…. “BOLA-BOLA”! Toinks!

    Merrylicious Xmas pangs, at dahil jan DAPA! Just stay HAPPY,HOLY and H*rN* (healthy)!

    Bons: kahilig mo sa “X” naiintidihan kita mabagal connection mo para buuin ang “Christ” pero ang liciuous nasabi mo! umayos ka! dapa!!!

    Merry Christmas sayo tina banana!

  12. Jorge says:

    Merry Christmas!

    Binura mo pala ung first comment ko. hmpf!

    Bons: ay sorry naman, new post kasi ang ginawa ko. may comment ka nga pala sa blankong page. kase naman..

  13. lush says:

    wow! may snow!:)

    Bons: wow!m luscious!! hmmm! tsalap! ^^

  14. bluepanjeet says:

    Aba ang agang pangungulila ito ah?

    Alam mo Bons, nung nasa loob ako doon ko narealize na madami pala ako ptinake for granted sa pamilya ko. kaya nung lumabas ako simula noon talagang ninamnam ko na ang bawat sandali sa parents ko. kaya nga siguro ako di maka alis alis ng bansa kasi nga I am making up for the last time na di ko naexpress sa kanila yung pagmamahal ko.

    Masaya ako ngayon pasko kasi kasama ko uli sila. Next year, sa pasko baka di ko sila makasama kasi paunta na sila sa states. expired na stay nila dito sa pinas and mapipilitan sila magstay na doon ng matagal because of their visa. Malungkot na nman ako next year katulad nung pasko ko nung 2006 kung saan solo ako dito sa bahay nagpasko. I hate that year!

    Merry Christmas and Peac and all Good

    PS. Talagang nagmumura sa ganda ang bago mo header kapatid haha. When you wish upon a star ang drmathon sa hapon mo haha. haylaykit! Tapos may balakubak pa na napatak, este snow pala haha.


    Bons: oo ganun naman talaga mrerealize mo ang mga bagay na meron ka pala pag nawala o malayo sila sayo. i also experienced the same thing a seminary lived-in seminar or parang practice nadin ng pag stay sa loob, dun palang bumigay na ako agad, kaya sige hala labas! haha. narealized ko na marami pa pala akong dapat ibawi sa pamilya ko (that time kakauwi palang erpat ko from abroad at tipong ako naman ang aalis..)

    2006 ang huling christmas ko na buo ang pamilya namin and its with our dad. i really enjoyed the season, may pakiramdam ako nun na parang yun yata ang huling pagkakataon.. 2007 January our dad passed away, 2007 month of May punta ako dito sa Saudi, 2007 September my sister went to US. kaya Christmas 2007 yata ang pinakamalungkot na pasko para sa nanay ko na nasa pilipinas. =(

    haays haba ng reply ko parang new entry haha nadala lang bluepanjeet! ^^ salamat po sa comment! wish upon the star ba ang drama ng header hehe. ^^ nakatulong sa effect ang snowflakes!

  15. kirksydney says:

    Kahit nasaang lupalop ka pa, iba pa rin talaga ang Paskong Pinas!

    Bons: lalo kung kasama ang napakagandang coach mo! nasan na?!!? ang number at FS account!

  16. kingkong says:

    ramdam ko din yan Bon! . Merry Christmas sayo at sa ibang pinoy na kasama natin dito sa Saudi.

    Bons: asalamalaykum!^^ paskong pinoy sa bansang walang pasko! huuuhaa! maligayang pasko po!!

  17. glesy the great says:

    merry christmas din.. di ko akalain na lumalamig din pala jan sa saudi.. kasi naman laging pawisan sila pag nasa movie… nagsusuot ka rin ba nung thobe? saka yung parang belong pankasal nila pero nasa likod? ang daming tanong eh noh? ikaw kasi eh may patrivia-trivia ka pang nalalaman yan tuloy napapatanong ako.. cheers;p-glesy the great

    Bons: parang yun nga kasi ang dating pag sinabing saudi, puro desert at talagang mainit. pero totoo po na sobrang lamig din, minsan negative ang temperature at halos magyelo na sa madaling araw pero walang ulan ng yelo. hindi ako nagsusuot ng thobe hehe. pero naggiging balbas sarado ako wahaah!

  18. Jorge says:

    Pang apat ko ng christmas to sa abroad, huhuhu… Tayo tayo nalang magsama sama sa pasko! toinks!!

    Buti nalang may work ako, at least nde ako mangungulila at malilibang ako.

    Nakapagsuot ka na ng thobe? Papicture naman dyan, tingnan lang namin kung ano itsura mo, hehehe..

    Bons: duty din ako sa hospital ng dec24. sa office ako mag nochebuena hehe. dipako nakapag suot ng thobe. hayaan mo pag may chance hehe.

  19. Helena says:

    Ayan natabunan na rin ako ng yelo. Okay lang yan bon isipin mo na lang sa dami ng mga kaibigan mo rito na dinadalaw ka parate. Lahat sila nagmamahal at nagmamalasakit sayo. Lahat ng hirap may kapalit na sarap saya. Parang hindi ka na rin mag-isa diba. Ingat ka na lang lagi dyan, ma-balinguynguy ka na naman sa lamig! Nagpapanic-mode tuloy ako sayo eh. Toinks.

    Hindi man sapat, but I wish these words will help in a little way to warm you this Christmas. Merry Christmas bon…


    Bons: salamat din. ayos lang ako wag ka mabahala. masaya padin ang pasko!

  20. TeenToinks says:

    Naguilty naman ako bigla sa comment mo dun sa taas… ayun sa taas… ayuuuunnnn!

    Takot ako bigla.. oh sya bubuuin ko na po….

    HAVE A BLESSED CHRISTMAS… (serious mode)

    __________serious mode expired______________

    Pangs napansin ko pala bago header mo.. kalain mo napansin ko, so meaning OK connection ko! Well, so ano drama yan? Sino ka ba sa tatlong hari na susunod sa tala.. uy mahulog ka jan ha! Ciao kalabaw…

    Bons: haha may serious mode kapa ngayung nalalaman. dapa!!! oo bago header ko at panis na nung napansin mo hehe.

  21. brotherutoy says:

    Pasko na nga. Madrama ang lahat.ü

    Yung thobe, parang sutana lang.

    nakita ko rin ang cool mong header.
    Senti mode sa tabi ng bangin.ü

    Boni, please… Kaya mo yan.
    Mapag-uusapan naman yan.
    Basta wag kang tatalon sa bangin.


    Bons: madrama ang lahat pero masaya padin naman diba? (isang talon naman dyan, na parang may inaabot!) haha. yun pala yun! kasi pala may pictorials kang ganun at ilalagay sa header mo!
    di ako tatalon. mababa lang ung location madaya lang sa picture hehe

  22. rache says:

    ganda ng header mo… :)
    Merry Christmas… regalo ko ha… ;)


    Bons: salamat sa greeting! period. haha ^^

  23. kamotenista says:

    merry chirstmas din…hehehe

    san ka man sa pasko sana makapiling mo kami kahit sa panaginip….god bless and be safe!

    @kuya utoy, may bangin po ba sa disyerto?paumanhin isa po akong brainless…..


    Bons: salamat po sa pagdaan. mapapanaginipan ko kayo wag ka mag alala.
    iba ang basa ko dyan sa name mo mas nanginigbabaw ang 4letters in the middle hihihi

  24. ericpascual says:

    hataw… may sounds na ngayon… snif! snif mukhng napaiyak mo n ako nito… at namimiss ko na … na makita si Mahal kong Pilipinas…. :p at baka ma binggo mo nanaman ako sayo’..

    Ganda ng song mo drama rama boy!… Idol tlaga….!


    Bons: susyal naman neto ‘snif! snif! parang K-9 dog lang ah! snifing dog! haha

  25. walongbote says:

    oo nga sabi nga ni daddy malamig nga daw ngayon jan sa saudi. Nandun din kasi xa. anyway. sabi nga sa kanta ni yeng, although siguro di mo xa kilala or kilala mo man “may gaganda pa ba sa pasko ng pinas.” bagay na theme song for your topic. malapit na xmas. MERRY CHRISTMAS tOl.!!!

    Bons: kilala ko naman si yeng! (haha natawa ako dun) hawakk kamayyy! . merry christmas! pang ilang bote mo naba?

  26. air says:

    snow pala yang nahuhulog, kala ko falling star , wish ka na kasi para maging MARRY xmas u next year at may makasama na mom u… if i know masaya ka now dyan sa xmas dahil 2 taon ka na nakakapagtago ng hindi halata sa mga inaanak u… kaya humanda ka pag dito ka nag xmas… dudumugin ka namin este.. ng mga inaanak u… wahahaha

    MERRY XMAS! ninong… nyek!


    Bons: hmm. marry pala e hindi merry hehe! naku kala mo lang hindi ako nakakapagtago pag christmas account number sa pinas ang kalaban ko haha. mas magastos pa! awwww!

  27. Atty. Shawarma says:

    Dear Mr. Bonifacio Talampas, Jr.:

    What is this smear campaign that you are perpetuating in the blogosphere against my client revsiopao? If you do not put an end to this senseless engagement, we will be compelled to file a case against you at the soonest possible time!… Oh by the way, my revered client asked me to relay a very important message to you: “TOINKS!”.


    Bons: toinks! magsara ka na kase! walang movement ang blogsite mo! hehe. nag file nako ng ownership! sana ma grant saken ng wordpress ang password! haha. ako na mamamahala sa revsiopao. toinks!

  28. ES says:

    kaya naniniwala akong mas mahal parin talaga ng Diyos ang Pilipinas, kahit mahirap ang bansa natin, mayaman parin naman tayo sa ibang paraan..higit sa lahat, katamtaman parin naman ang lagay ng panahon..walang ‘etreme’ kumbaga. iba parin talaga ang pasko sa PInas!

    ingat lang dyan kaibigan.:)

    nice site..

    Bons: salamat din kaibigan! tama ka sakto padin ang klima sa pinas! nakakamiss!!

  29. potsquared says:

    uyy merry christmas bon! iba talaga ang pasko sa atin.. mas feel mo ang warmth ng bawat pinoy.. pero matanong ko lang.. yung arabo ba na kinunan ninyo.. hindi ba si machete yan na dinamitan? kaso nagdalawang isip ako kasi si machete macho.. yung arabo ang laki ng tiyan…


    Bons: tingin ko nga din machete eh! actually dalawa yan, ayaw sumama nung isa maarte! marumi daw ung thobe nya ayaw nya papicture-an. arti diba? sagrado kase sa kanila yan…

  30. Jorge says:

    Parekoi, pano maglagay ng muzik sa entry? Awwts!


    Bons: eto code. dapat naka HTML mode ka sa new post mo
    [audio urlofyourmp3|loop=yes]

  31. ericpascual says:

    Lols! mga simpleng wishlist, pero araw araw parang humahaba … :D

    Bons: haha salamat eric sa pag sponsor sa isa!

  32. basti says:

    awwwww.. may snow din.. oyyy nawala ako ng mahabang panahon. ngayon lang ako nakavisit sa mga blogsite..

    iba talaga ang pasko dito.. kahapon nga pauwe ako from manila ang traffic sa bulacan kasi xmas rush.. ang dami daming tao sa mall.. sabi nila nghihirap daw mga tao e nasa mall naman sila lahat..

    pero iba talaga ang pasko dito.. sarap ng bibingka at puto bungbong.. puro xmas songs ang madidinig mo sa radyo.. swerte ko nga at makakapagpasko ako dito na kasama ko buong family ko..

    mligayang pasko po..

    Bons: palagi naman traffic sa bulacan at ang haba pa ng bulacan lahat ng bayan dadaanan mo! dapat hatiin sa dalawang province un eh! hahah (ganun din mahaba padin) toinks! enjoy your christmas tol!

  33. kirksydney says:

    Wahaha inaabangan mo pa rin pala talaga?

  34. joycee says:

    *napaiyak ako sa background music mo* wala lang gusto ko lang magdrama.

    sabi ng ng officemate ko na dati din sa saudi, super lameg nga daw jan pag gantong mga panahon, dito din sa pinas malamig ngayon eh, mas malamig nga lang siguro jan.

    wak ka na malungkot, sigurado thankful naman ang pamilya mo sa ginagawa mong sacrifice for them. ayun na! :)

    merry CHRISTmas!Ü

    Bons: thanks po sa pagdaan dito. at thanks for highlighting CHRIST in christmas! ^^. uu lamig talaga, kulang nalang snow!^^

  35. joycee says:

    dahil Sya naman po talaga ang reason why we’re celebrating this season, ayt? Ü

    Bons: ayt! ^^

  36. Dfish says:

    Bons, ok ang header ah, malumbay ngunit mapagnilay. Mukhang sa pagiging malayo at mapag-isa ay marami ka na ring nalilikom na mga butil ng karunungan. MERRY CHRISTMAS TO YOU…

  37. This blog (paskong pinas bonistation) doesn’t display appropriately on my iphone – you might want to try and look at that :) Isaiah Howard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: