burp!

matapos ang halos kalahating buwan na pag iisa sa bahay, nakapag breakfast din ako ng may kasabay. dumating na kasi ang isang housemate galing bakasyon sa pilipinas. loaded ang aming agahan at nun lang yata ako uli nabusog, burp! iba padin kasi pag may kasabay at kabidahan ka habang kumakain.

marami na naman ako narealize nung mga araw na magisa lang ako sa bahay. at parang na homesick yata ako nun.^^ naisip ko na naman yun mga panahon na nasa pilipinas pa ako nag wowork, reporting 8am-5pm. gigising ng alas sais ng umaga para gumayak at babalik sa bahay minsan past 7pm na. kundi nag pagabi sa office dahil traffic sa rush hour ng 5pm malamang nagpalamig sa mall. at pagdating sa bahay, pagod at halos inaantok na.

naalala ko nun na hindi talaga matutulog nanay ko hangga’t hindi kami dumarating ni kuya bryan. at minsan babantayan ka pa nya para kumain lang nung niluto nyang hapunan. yun yung mga isa sa pagkakataong naiisip ko na sobrang laki ng sakripisyo ng mga nanay natin sa atin. sa araw araw na wala tayo sa bahay, hindi kumukupas ang pagkasabik nila para makipagkwentuhan pagbalik natin sa gabi.

 

teka bawas ng konti sa drama at magpapasko na dapat masaya tayo, pasko nga e! pasko!. muntik nakong malate kanina.  na off ko ang dalawang alarm ng cellphone ko. isang 5pm at 5:30. past 6pm nako nagising taragis at 6:30 ang sundo ng service pero nakahabol padin lahat ng ginawa ko rush.(wag na tanungin kung pano) basta may na skip akong isa. ^^ 

holiday rush na ng christmas shopping! kasama yan sa holiday season! sarap makigulo sa mga malls, maraming tao maingay! greet dito greet doon! uso nadin ang christmas party! kailan nga lang kausap ko isang kakilala at ang sabi nya sakin..

 malapit na nga ang pasko, ngayon ko napatunayan na ang pasko ay para sa may pera lang…

sabi ko nga ‘wag namang ganun, ang pasko ay nasa puson puso; may pera o wala mahalaga magkakasama kayo ng buong pamilya. nalaman ko nalang kahapon ilang araw matapos ang kanilang christmas party sa company, nabunot sya sa major prizes at nanalo ng 10,000 pesos.  swerte diba?! may dahilan pa ba para hindi sya magdiwang ng pasko?

maraming biyayang hatid ang pasko, kasama din dyan ang mga karaniwang pangyayari para sa mga bata na minsan hindi na natin napapansin pa.

kasiyahan ng mga batang matyagang nangunuglit sa harap ng bahay nyo pag gabi..

ang pasko ay sumapit,.. tayo ay mangagsiawit♫♪!  tawad! toinks! ako pinag daanan ko rin yan!, karamihan yata sa bata sa probinsya naranasan ang pangangaroling, small time lang naman.. kaunting barya masaya na! fulfillment na para sa amin. bagong damit, sapatos, laruan.. mga simpleng bagay ng bumubuo sa pagkatao ng isang tipikal na bata.

kumita kanaba ng malaki pag pasko nung bata ka pa? magkano? sarap gastusin ng sariling pera diba? o kinuha lang din ng mama mo pagkatapos ng pasko? inutang? itatago daw? hanggang sa hindi mo na nakuha. haha. memories of our childhood, nakakatuwang isipin..

balik sa kasalukuyan, ilang araw na lang pasko na nga. magbabakasyon sa trabaho ang karamihan sa atin. kahit ano pa ang iyong paniniwala, simple lang ang dulot ng pasko …. “panahon para sa pamilya, kaibigan at mga taong naging bahagi ng ating buhay..” tara sama sama tayong magdiwang ng kapaskuhan!

maligayang pasko po… 

 

Bons

22 Responses to burp!

  1. basti0780 says:

    first ako hehehe..

    Lam kong malungkot ang pasko jan lalo’t halos wala na tao jan sa Rakkah kasi ngsiuwe sa pinas para sa vacation.. Ako dito lang sa bahay sulit na ang pasko ko kasi masaya na kasama family ko hehehe.. Hindi na nga ako umaalis gaano kasi tatampo mother ko kung aalis ako ng bahay hehehe.. ganun talaga sila gusto nila lagi ka nakikita..

    Namamasko Po!!!
    Maligayang Pasko!!!

    Bons: simpleng hiling dapat pagbigyan! ^^ sunugin ang mga tires ng sasakyan! haha.
    oo nga gusto nila palagi ka nakikita. tol ibigay mo sa inang reyna ang pinaka masayang pasko naks!
    maligayang pasko sa inyong lahat dyan!

  2. basti0780 says:

    hahaha pucha wag ganon.. hindi nya sususnugin ang gulong ng tsikot para hindi ako makaalis hahaha.. mahal din nya yung tsikot ko hahaha.. regalo kaya ng erpat at ermat ko sakin yoon.. hehehehe..

    Bons: haha. kabilis ng reaksyon!

  3. basti0780 says:

    pede nmn i flat ang tires pero wag sosonugen!!! maglulupasay ako hahaha!!!

    Bons: ayy kakulet! need kase ang magandang mags mo!

  4. revsiopao says:

    Tumbling ako dito: “tol ibigay mo sa inang reyna ang pinaka masayang pasko”… o ‘di ba, parang ‘OK ka Fairy Ko lang? {enteng kabisote ikaw ba ‘yan?}

    O ano’ng sarap pagbulay-bulayan (o ha!) ang masasayang ala-ala ng pasko nung tayo’y bata pa lamang. At siyempre, ang lahat ng pagkakataong kumpleto ang pamilya sa ganitong panahon. {emote}

    Woi, ano ‘yung nakalimutan mo sa pagmamadali?… ‘Di ka naligo ‘no? Umamin ka! {eeewww yaya eeewww}.

    Tuloy ang masaya at mapayapang pasko saang sulok ka man ng mundo! ♫ang pasko ay sumapit,.. tayo ay mangagsiawit♫♪!

    @BASTI – huwag makulet. dapa!!!


    Bons: hahaha natawa ako dun sa nakalimutan! napansin talaga yun! maliit na detalye lang un hehe. kung ano man yun chicklet na lang muna haha.tsaka ok ka fairy ko lang diba?! si basti prinsipe K .. takatak-takataktakk!

    ** sabi nga kung may pagkakataong malayo ka sa pamilya mo sa panahon ng kapaskuhan.. nandyan parin naman ang mga kaibigan at kung kasama mo sila nandun rin ang pasko! yihhaa!

  5. potsquared says:

    busog na busog ang entry mo bon.. ehehehehe… naaalala ko nga ang nanay ko.. talagang ipaghahanda ka pa niya, puunasan ka pa ng pawis kapag nakita niyang tumutulo ang pawis mo.. hay… nakakamiss..

    hindi ako naniniwalang para sa may pera lang ang pasko.. lahat ay pwedeng magdiwang.. may ngipin o wala.. este pera pala… ang mahalaga.. ang pamilya..

    malaki kinikita ko nung bata ako nung nangangarolling pa kami.. ang style namin.. hindi kami kumakanta nung typical carolling song ng mga bata.. ang kinakanta namin ay yung kanta ni Jose Marie Chan.. yung Christmas in our Hearts.. masaya na kami kapag nakakakuha ng 2 piso.. malaki na ang pera noon.. tapos yung naipon ko dati pinambili ko ng G.I. Joe


    Bons: wow GI.Joe oo sikat na sikat dati ang GIjoe! may nabibili pa bang ganun ngayun!? bigatin naman pala kase kanta nyo nun pang mayaman haha kaya malaki kita nyo! anyway maligayang pasko po!

  6. teentoinks says:

    Hello.. 5seconds ka lang kaya maligo malelate ka pa? at may nakalimutan ka pa? ano yun? ehhehe

    Ok final message… Basta pag may ganito kang entry kakaingeeet! Basta.. at teka nangaroling din ako nun pag hindi kami binibigyan shempre yung famous line sa kanta… ang baBARAT ninyo! Tas kwento ko sa lola ko yun pag dating, hehehe sasabihin sakin “wag na kayo mangaroling”… ay KJ.. nagkwento pa kasi ako eh! amp!

    Pero ninang ko, kuripot talaga.. di ko pa naalala na binigyan ako ng pera.. nagbigay pero ung 3injections ng antiHEPA.. weh.. maapreciate kaya ng bata yun? Pero nun nalaman ko na mahal pala per injection ewan ko bat natuwa ako… hehehe!

    Bons: 5seconds ka dyan! hehe. 5minutes kaya! bat ka naman naiigget pag may entry akong ganito. hmmm. anyway, ung antihepa oo mahal nga yung 3shots! (si basti naka 6shots nun) ayaw talaban nung unang 3. hahaha tsismis! sshhh wag ingay!^^

  7. livingstain says:

    i miss my parent so much, kelan lang e magkakasama kame, dumating sila dito matapos kong ibalita ang mga napanalunan ko, syempre nagpunta kami ng malls at baclaran para mamili ng pangregalo, sobra, sa loob ng maikling araw nabili na namen lahat ng nasa list ko, syempre bago sila umuwi e ipinasyal ko pa sila sa isang comedy bar bandang quezon city.
    sarap ng makitang masaya sila, tawa ng tawa, kaso naokray si papa muka daw kapitan ng barangay… hehehe, pero bale wala lang sa kanya, inaaya ko na nga umuwi dahil umaga, aba ayaw pa, enjoy na enjoy….

    salamat kay God binigyan nya ako na 10,000.00 pesos…. sir pano ba maglagay ng pera jan sa account mo.. whahahahaha…. Merry Christmas…


    Bons: ay ikaw pala yung nasa kwento ko hehe.^^ saya naman ng treat mo sa parents mo kakibang experience ang mapunta sila sa isang comedy bar. sarap naman nun! online cash lang need ko. diko magagamit donation mo haha.

  8. cindyrella says:

    merry christmas!!
    ako naman di ko na nakilala ang mga ninong at ninang ko. tinakasan na ata ako, oo lumaki ako na walang god father anyway ok lang naman dami pa din naman ako natatanggap! uyy!! it’s better to give than to receive!

    Bons: parehas pala tayu. wala din akong nakitang ninong at ninang kaya lumaki ako ng walang kita pag pasko hehe.

  9. King says:

    Na sad naman ako sa entry mo. Naalala ko din nanay ko, huhuhu!(emote mode). Madaming beses na nangyari yan sa akin na laging mag isa sa hapag kainan, pero di naman ako nawawalan ng gana? bakit kaya? Di naman din ako nagbavitamins pero lusog ko, lol!\

    Ganyan talaga bons ang life minsan sad at masaya, pero sa bawat lungkot may kapalit itong ligaya. Kaya ako mas love ko ang being alone kasi nakakapag isip isip ako ng mga bagay bagay na dapat kong pag-muni munihan, di ba? Isang bagsak naman dyan, toink!

    Hayyy naku, bakit ba malungkot tayo?! Magsayaaaaaa!

    Bons: wag malungkot! pitong taon ka na nga sa saudi eh!! wag ka nga! tsaka alam ko kung bakit hindi ka nawawalan ng gana! matakaw ka ba? (may naalala akong sss) haha. isang bagsak? haha para lang nasa retreat ah! toinks! merry christmas pow!

  10. ericpascual says:

    “Idol” akala ko kumpleto ka na dyan, Blog, laptop, N9x, ebuddy, nakaw ng wifi sa kapit bahay, chicks at extension mo pang chicks, kaibigan mong arabo at wish list. Hehehe …. pero totoo nga Bon.. kalungkot nga naman mag isang naiiwan parang nag tampo sayo ang araw na di ka pinapansin at sabay papasok lahat ng muni muni mo at papasok na dyan ang nakalimutan mong isa sa paliligo mo… toinks!

    Naalala ko rin unang araw kong trabho sa Bulacan ginawa kong blikan ang Cabanatuan, akala ko ganun lang kadli. Pasok 6am biyahe – 9:30-10pm gising parin Mom ko pero nakikita ko namimikit na ang mata sa pagod. Nagagawa nila yun kasi Labs na labs tyo ng Magulang natin. :)
    Makalipas ang tatlong araw ako na sumuko sa byahe :D


    Bons: kalokong tao! hindi totoo ang mga sinasabi mong kumpleto hehe.
    serious,di naman talaga mapapakali mga magulang natin gat di nila alam na safe na tayu nakauwi.minsan tulog man pero gigising padin to check kung nakauwi kanaba or ano.. nakakamis diba?!

  11. jay says:

    nandito po ako…

    merry Christmas po! :D

    21 palang po ako. pero huli yata kaming nakumpletong
    pasko e nung 15yrs old po ata ako.

    malungkot talaga pag kulang. tsk tsk.

    wala akong masabi talaga.

    hehe. next time. meron na.

    God Bless po.


    Bons: 6 years ago! medyo matagal na din. well enjoy lang kung ano meron ka ngayun.. merry christmas!!

  12. brotherutoy says:

    nabasa ko yung wishlist mo, bon.
    gusto sana kitang bigyan ng 20$
    kaya lang euros kami dito eh.
    wag na lang, baka mainsulto ka pa.
    ipagdarasal na lang kita.

    bakit pala kailangan mo ng bonnet?
    makatanggal-tenga na rin ba ang lamig dyan?
    hayaan mo’t oorder ako kay rev.
    magaling maggantsilyo yan.


    Bons: haha euros pala ha! sige ipagdasal mo nalang ako at ako na bahalang sumingil sa ibang tAo ng pagdarasal mo nayan (sabihin ko payment for your prayer) wahaha! malamig na dito hindi lang makatanggal-tenga, mababasag ka pag nauntog ka! ganun kalamig!^^. yung ginantsilyo dapat magawa din nya ang tatak “nayki”. hihihi

  13. Jorge says:

    Waahh!! Akala ko tapos na ung dramahan dun sa dating entry mo, meron paring hang over dito? toinks!

    Anyway, ang saya maging bata, simple karoling lang may barya na pambili ng isaw at bbq sa tindahan ni aling cora, hehehe..

    Merry Christmas parekoi!

    Godbless!


    Bons: habang may inuman sa blog mo wala ding katapusan ang drama dito hehe kala mo wah! o anooo!? tagay!!! pasko naaaaa!!!

  14. leoj says:

    maligayang Pasko Bons!

    ano nga ba ang Pasko? to me, Christmas is about being around those you love, spending time with loved ones (with family, friends, colleagues, housemates, inmates, who else?) that you would not normally spend, and enjoying each other’s company to the fullest – at syempre, sharing great meals, hahaha burp! burp! pwede! – enjoying the simple things in life, and realizing what we have to be thankful for.

    A blessed Christmas to all!


    Bons: daming busog ah! pinakamaganda na yung realizing what we have to be thankful for! sa dami ng blessings na naresiv natin sa buong taon, ito nadin siguro yung pagkakataon para sama samang magpasalamat! ^^

    maligayang pasko!

  15. joycee says:

    naku nung bata ako hinde ko binibigay sa nanay ko, akin lahat yun! eh bawi-bawi naman sya nung nagtrabaho na ko noh? hehe.

    pskong pasko na talaga dito sa blog mo, nakakatuwa. sana’y talagang maging maligaya ka ngayong Pasko. Ü


    Bons: wow ulirang anak ka na ngayun! bawi bawi naman pala sya now eh! ayos yan! goodwork joycee!

  16. ES says:

    hulaan ko kung ano nkalimutan mo sa pagmamadali pumasok..”di ka nakapagtoothbrush!’ ahehe!

    maligayang pasko !i like the music


    Bons: eeenggg! mali ang iyong hula! diko nakakalimutan yun! kaya palagi akong ready sa mga kiss kiss nayan! ^^.

  17. teentoinks says:

    Pangs.. naalala ko (habang nakatingin sa WISH LIST), wala pala ako Digital Fortress. Deception Point at A&D lang pala meron ako… naks bibigay ni Aylin yun Digital Fortress sayo?

    So ano gusto ipahiwatig ni Tina? (((naka SMILE sabay kindat habang tumatumbling nang naka split)))) Ahhh Eehhh… Ahhh Ehhh.. Poooogggiiii (yyyuuccckk)…. PAHIRAM naman oh! wehehehe ayan na!

    Nga pala… sabi nila.. “SHARE ur BLESSINGssss daw!” EHEM yun ung sabi nila! Isa pang EHEM… sabi nila yun! hehe

    Bons: ahaha wala ka pala nun!? sige tapusin ko muna then pabasa ko sayu. ay kwento ko nalang pala.. ^^

  18. kamotenista says:

    sige hug na lang kita bon kaya lang hindi pa ako naligo,hindi nakapagtoothbrush, aha basta!…wahaha

    nakakahiya man aminin na hindi ko naranasan ang mangaroling pero mabait naman ako sa mga batang ganyan.namimigay ako ng peso tapos minsan nagrerequest pa ng song gaya ng boomtarat tarat basta yung mga saya na song.

    merry christmas bon!

    Bons: wow sarap naman ng hug! wag ka na mahiya kung dika man nakapangaroling ganyan daw kasi pag lumaking mayaman ahihih^^. at may request request pa. sige sayawan din kita boomtarat! ^^

  19. nichole says:

    tito bon, merry christmas po . an d2 po ako sa office ni mama .wag ka na po malungkot jan din naman po mag papasko si papa d2 ehhhh…

    o ayan, nag message na icol sau… wag ka na daw malungkot jan, nalulungkot dn daw xa.. heheheh.. naalala ang ama.. 1st time wala ang papa… hayyy.

    o pano kitakits sa summer, uuwi din pla te nhong march magkikita kayo.. april 1 balik nia sa japan.. pero sikreto sa mga bata un hah, bawal malaman, tayo tayo lang….

    kita kits.. en meri xmas poh sau jan…

  20. walongbote says:

    atliz ngayon tol nakapag adjust ka na ng onte.. ganun lang talaga sa una siguro.. never been out pa ksi na magisa ako.. anyway

    hi! MERRY CHRISTMAS! a christmas greeting is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
    and also here’s my greeting card. click this ECARD
    Hope you like it!!! More blogging year’s for us to come!! mwaaahh..

  21. mangbadoy says:

    kaya ka nalate kasi may ginawa ka pang kamunduhan tama ba mare??? ahahhaahh! :D

    bibo ako nung bata ako pag may bisita tapos mapera sasabihin ni mama o ayan si badoy pasayawin nyo or pakantahin ako naman susunod pero sasabihin ko bente-bente lang ang nuod… o di ba kumikita ako kahit bata pa…

    nung nangangarolling naman ako, tinatandaan ko yung malaking mag bigay ng pamasko kaya inaaraw araw ko pero sinasama ko yung iba bata para di halatang araw araw kaming napunta sa bahay nya…

    yung magulang nga natin tinatago yung napamaskuhan pero wala ng balikan yun kaya nga sila magulang di ba? heheeh!

  22. flamindevil says:

    wow..namiss ko tuloy luto ng mommy ko..anyway,ngayon ko lang nabasa to..happy chinese new year na lang.haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: