tagay na

iba ang wisyo pag nasa inuman, nakakalakas ng loob, ramdam mo ang kakapalan ng mukha (nakakamanhid). ilang beses nadin ba akong nakabasag ng baso dahil sa hindi kona ito mahawakan ng mabuti at palaging dumudulas sa kamay  ko isama mo pa dyan ang pag bangga sa  pader kung tatayo ka at maglalakad pupunta sa CR para umihi. (taragis! wag kase kayung magulo, lasing ako!)

kung lasing ka nga malakas ang loob mo, pero hindi pwedeng sabihing hindi mo alam ang ginagawa mo. ang masarap lang don out of control ka at kung may kasama kang chicks, patay na! ^^.  [period haha, ayokong mag kwento pagod ako.]

pero isa na yata sa pinakamagandang natutunan ko sa kwentuhang lasing ay ang mga salitaang “walang tama o maling desisyon, nasa diskarte at paninindigan lang yan.”  naisip ko nga ang mga pagkakataong nagkakamali ako sa buhay at gaano karami ko nadin bang nasabing ok lang ‘yan, walang mali. diskartehan mo nalang. may mga pangyayari talaga na kailangan din nating magkamali dahil dun tayo natututo at mas nakakakakuha ng malaking experience o lesson. duon mas lumalakas ang loob natin. sa inuman ko din natutunan ang ilang bahagi ng respeto at pakikinig sa iba. maraming epal sa inuman,  lahat gustong maging bida, sikat at magyabang. hayaan mo lang sila. minsan nga dun pa sa taong hindi mo inaasahan manggagaling ang kakaibang kwento ng isang kakaibang buhay. may ibang lasing na mas sincere pa kaysa sa taong hindi naka inom.

kung may mabuti man sigurong naidudulot ang pag upo sa isang inuman ay ito yung pagkakaroon mo ng pagkakataon na masabi ang mga salita at kwentong hindi karaniwang nagpaguusapan sa isang normal na kwentuhan. malaya kang makapagbibigay ng mga naiisip at mga gusto mong ikomento, maingay, magulo, malakas talo talo. may mga pagkakataong hindi magkakaintindihan at magkakainitan pero normal at nandyan pa rin naman yung iba para umawat.

simple lang naman ang buhay; masaya, malungkot, may pagkakamali, may naitatama. wala namang nagsabi na kailangan ng perfect straight life para maging kumpleto at makabuluhan. basta ang mahalaga nandyan sa paligid mo ang mga taong nagmamahal .. sila yung hindi ka iiwan kahit sa ano pang laban; pamilya, kaibigan na subok na sa panahon at di mapapapantayan ang katatagan at suporta .

saktong isang buwan mula ngayon uuwi nako. malapit na ule! tagay na! 

Bons

 

***

ilang beses ko rin bang kinanta ng paulit ulit  sa videoke ang ‘and i give up forever to touch you, cause i know that you feel me somehow’ haha. naalala ko lang at natatawa padin ako hanggang ngayon at kung mababasa to ng mga kainuman ko nung mga panahon na ‘yon siguradong sila din ay tatawa sa pag alala sa kakulitan ko.

53 Responses to tagay na

  1. flamindevil says:

    yahooooo.mukhang una yata ako sa magbibigay ng komento.

    miss ko na rin tumagay, mapoksa, malashing, at halos gumapang na pauwi dahil sa sobrang tama.

    kakamiss ang inuman kasama ang barkada.walang inhibitions pag lashing ka.nasasabi mo lahat.tamang kwentuhan.tamang drama.usapang lashing ba. haha

    :p

    Bons: tagay sa tagumpay! pag lasing walang arte! walang itinatago walang bawal, sige lang. saya nunnn!! kamiss

  2. heleyna says:

    ang saya ng post na to ha! Hindi ako masyado maka relate bihira ako uminom eh…ng ovaltine…milo ako eh. Hehe salamat nagbalik na ang artista. Buhay na ulet mga fans! O sya duduty pa ko. Paalam. Ingat na lang. ^^


    Bons: hmm. MiLO=Masarap Ito Lasang Ovaltine. eh yun din pala un.^^

  3. payatot says:

    tol, wag na wag mong kakantahin ang my way sa inuman pag uwi mo..alam mo na kung bakit! ang mahirap lang sa inuman e yung inom lang ng inom at di naman marunong bumili, di ba..ang dami nyan…

    oo malakas ang loob mo kung lasing ka, at tama ka na komo lasing e di alam ang ginagawa..alam naman talaga ang ginagawa ng isang lasing, malaks nga lang loob..akala mo kaya nya lahat ang balakid sa buhay pero pag uwi naman sa bahay at andun ang asawa e sukob naman sa saya ng asawa nya sa takot..ehehehehe..

    ano ba yan ? nadala ako sa wento mo lasing…good luck sa pag uwi, tol..ingat ka…

    Bons: hik! tagay pa! ^^ pang inuman nga yung kanta na yun at balita ko maraming namamatay dahil dun wahaha. sa mga may asawa na at lasing eh alam naman kase talaga kung sino ang kumander! kaya ayos lang yon, matutong kumilala ng misis yan ang golden rule nyahaha. o shot muna!

  4. eric says:

    Naalala ko ng Una kong nalasing dito sa Mal. kasama ung indiano pianmumukha nya sa akin na kundi dahil sa galing nya sa DOS eh hindi daw tatakbo ung problem ng computer sa production… hindi din rin ako nag patalo from Pinas sabay sagot ko ng Yes! I also know DOS! specially “format c:” *hik.. Kulang nalang yata suntukin ko sa sobrang yabang, buti nalang nauna ung suka ko… hahaha…
    Sarap ng entry mo bon tamang inuman to’
    Lapit ka ng umuwe! extend mo pa sana … lam mo na un!

    Bons: nyahaha sinukahan mo ba? haha format c:\ kasunid press “Y” ayos na yun mahaba habang inuman hehe. gusto ko i extend kaso alanganin padin hayss! ipagpaumanhin idol.

  5. TeenToinks says:

    Haha.. Paggising ko may advertisement na sa fone ko… ‘yahu may bagong entry’ hehe ang saya ha!

    Neweis, tagay na!! Sing… Siiinnnggg… Lashing… Kumakanta ka? Ahaha! Gus2 ko maranasan ung super lasing tas maliligo ng madaling araw habang nagsusuka… Ay! Ikaw ba toh?!? Nyahaha.. Masaya lang, tagay sabay kwentuhan, pero kung ang kakwen2han mo eh ung indiano na katagayan ni eric eh tigilan na! Nyahaha.. *hik* No durians! Haha

    Bons: wag ka nga at baka isipin nila ikaw ung isa sa mga chick! ahaha. kunyare wala lang alam ok!? ung indiano ni eric eh hindi na daw yun nag yabang pa buhat ng masukahan. haha

  6. livingstain says:

    welcome back sir…

    lika tagay tayo, kasi ang sakit sakit sakit na… toink na naman…

    hindi ako madalas sa inuman, bihira lang tuwing may okasyon, ung mga barkada ko lagi pumupunta sa amin, dun lang kasi may maluwang na langit para makapagusap ng kung ano ano lang naman. nalulungkot ako tuwing matatapos ang inuman kasi aalis na sila, pero ang mahalaga, sama sama pa din kaming humaharap sa saya at lungkot ng buhay… tulong tulungan lang, ganon talaga.

    kung hey fat choi!

    Bons: malungkot naman talaga pagkatapos ng kasiyahan. maiiwan ka naman. mwawala na ung mga tawa at ingay. back to normal. pero ok lang pede namang ulit ulitin! ^^

  7. revsiopao says:

    patagay muna dito! walastik ang sipag ha…

    suwerte mo’t umabot ka sa deadline ko kalabaw.
    in 1 hour ay magsisimula na ang aking quasi-hiatus mode, kaya nakahabol pa ‘to.

    whaahhhh! hindi pa man din nagsisimula ang hiatus ko, parang nagwi-withdrawal syndrome na ako. haayysss….. bakit kase may exams pa???!!

    ang saya ng post na ‘to. hindi naman ako masyadong tomador {ows} pero nakaka-relate ako sa ilan mong tinuran…. e.g. “ang masarap lang don out of control ka at kung may kasama kang c***ks, patay na!”…. {blush} those were the days… {blush ulet}…. o huwag ka na! ayoko magkuwento… pagod din ako. toinks!

    aabangan ko ang araw na tatagay tayo nila jorge, tina, et al.
    world war 3 siguro ‘yun. unimaginable!

    Bons: walang mompo dito rev! ^^ hehe. tagay ka dyan baka mapagalitan ako ng mga frayle! haha at nakarelate kapa sa chicks ha pambihira tsk tsk! lagot ka talaga! nyahaha. ge goodluck sa exam

  8. chicksykat says:

    patagay din po..=)

    kakamiss nman uminom kasama mga frendship..

    hayyz..

    alak pa nga!…hehehe


    Bons: shot sige lang! haha nakakamiss no!? =(

  9. TeenToinks says:

    Ay uu nga, bt nagmuka akong isa sa mga chicks.. Weh! Di ako heavy drinker noh… At FYI po hindi ako chick… Tandang lang! Nyahaha… Lagi kc may sabong eh pag kasama ko, parang aantukin ka lang pag kasama ako uminom. Ciao! Tagay nga uli jan! *hik*

    @rev: cge tagayan tayo, pero padagdag ng pulutan… Isa kc ako sa mga nalalasing sa pulutan! Bat ba kasi.. Tagay! Kampai! Hehe

    Bons: kampai sa tagumpay! mahilig ka sa pulutan pati katabi mong boy pinupulatan mo hayss [boy bawang yooonnn] kayu naman

  10. Cindyrella says:

    same tayo, one month na lang uuwi na din ako so im so excited na din ^^ kaya nga lang di naman ako iinom dahil nga sa allergy ko pero for sure magvi videoke ako! weee!

    Bons: saya! so magkikita tayu? ahaha! tagay naa!

  11. gasti says:

    at kung may kasama kang tsiks..patay na!

    gusto ko pa mabasa ang mga detalye. haha! uy masaya kasama ang mga babae sa inuman.


    Bons: wow! dumalaw na naman angh aking idol! ilabas uli ang lamesa magpapainom ako yahooooo!!!

  12. hisnameisdencios says:

    tama lahat ng nasabi mo.pamatay na diskarte na pag lasing.
    pero ako naranasan ko ng malasing ang natandaan ko lang ay nang bumangga ako sa pader hehe

    nakiraan lang =)

    Bons: ayus ung pagbangga sa pader hehe ok na sana kung walang nakakakita eh! meron pala haha. cool! salamat sa pagdaan welcome palage! ooopss! shot muna mang dencio!

  13. flamindevil says:

    naalala ko nung college ako at mahirap pa ko (may ganun?). lakas ng loob namin. ilalagay namin yung laman ng gin sa loob ng bottle ng snapple (ewan kung meron pa nito). tapos solb na.mapopoksa kami sa loob ng room.haha.sarap ng trip, madalas din kami mag bente-bente.contribution ng bente pesos pambili ng alak.sarap.miss ko na talaga.


    Bons: naks talagang me mahirap pang term! hehe. masaya ang buhay basta sama sama kahit ano pang trip yan wag lang drugs hehe. ^^ oo patak patak na! bente bente!! 20ringgit naman dyan… drop lang sa paypal haha

  14. p0kw4ng says:

    hay sarap balikan ang mga nakaraan (halumbaba)..yung pag ihi ko sa gitna ng tulay..yung pagsusuka ko sa isang bar sa HK…yung mga paghampas hampas ko sa cr habang sumusuka…pagtumba sa gutter ng session road sa baguio…pagiinuman sa burnham park sa may bangka…at marami pang iba…hihihi baka maging isang entry kasi eh!

    at dagdagan pa pag may lasing ng cute na kainuman na pwede ng pagsamantalahan,hahahaha…

    masarap uminum..masarap malasing..yun nga lang kinaumagahan..maisusumpa mo lahat ng alak sa tindahan!

    Bons: haha napaka tindi ng mga paghampas hampas.^^ mukhang lasing na lasing ah. at mapagsamantala pala ha hehe sige inom tayu! tagay pa! damay damay na yan! baguiooo wooo sarap ang lamig!!

  15. mangbadoy says:

    excited na ang bata umuwi… wow lapit na!!!


    Bons: syempre its my turn to shine! nyahaha!

  16. Jorge says:

    Hanube! huli na naman ako! Galing ako sa inuman eh!! Nauna ka sa posting na ito eh magsusulat palang ako ng inuman session namin nung chinese new year! hehehe

    Miss ko na din kayong makainuman, grabe. naalala ko ung inuman natin nung college at nung nagwowork na tayo, dun sa shop ni beto {RIP} tas nagkape tayo sa inyo that morning kasi ang lakas ng hang over, ang sakit ng ulo natin, tas ako umuwi pa ng sto domingo, hehehe..

    Miss ko na un!!

    Bons: iinom tayo ule dapat bago ka pumasok at tuluyang talikuran ang mundo ng mga alak haha. cheers dyan parekoi!! naalala ko tuloy si beto, kalungkot. =(

  17. emilayskie says:

    Padaan po… ^^

    Isang beses ko lang na-try malasing. Mahalay yata ang moves ko that time. LOL. Pero ang naalala ko na lang kinabukasan pinutakte ako ng rashes sa buong katawan. Di na naulit. Hehe..

    Basta inuman lagi akong present jan! Pero ako lang ang taga-kwento at tagakain ng pulutan.

    Add kita sa blogroll ko po ha? XD

    Bons: haha parang gusto ko yung term mo na “mahalay” nyahaha! masarap kapalang kainuman at malasing (joke lang po) hihihih. salamat sa pagdaan! minsan kwentuhan tayu. hehe

  18. anakngpating says:

    haha ako taga tira lang ng pulutan yun lang hek3…kasama na syempre ang kwentuhan hek3..

    napadaan lang hek3…:)

    Bons: ayos! sana mauso nadin ang nakalalasing na pulutan para kwits kwits hehe!
    salamat sa pagdaan! balik ka!

  19. joycee says:

    bawal ata ang bata sa post na ‘to. babalik nalang ako pag may bago na ulet. *swooosh*

    pang milo lang kase ako eh. :(

    Bons: ahaha. salamat powww! papadala ko nalang yung milo dyan! ^^

  20. King says:

    Lasinggan ba kamo? meron ba? ang last na inom ko sa saudi yung baterya ng kotse. Kakalasing pala yun, toinks!

    Bata batuta, inom ka ng inom wala naman inbitasyon, hehe!

    Bons: haha mahirap inumin yan sadike at hindi dumaan sa pagsusuri di mo alam kung anong maidudulot! nyahaha (parang hindi ako umiinom nun ah) amp! walang choice! tagay na king

  21. payatot says:

    tinamaan ka kay joycee ano? panlalaki lang nga naman ang post..hehehehehe…dumaan ulit…

    Bons: milo with alcohol yun.^^

  22. glesy the great says:

    excite ka na? uwi ka na pinas…

    sabi nila seryosohin mo daw ang sinasabi ng taong naka-inom.. never akong naniniwala na wala sa wisyo ang taong naka-inom.. siguro di lang nangyari sakin na maging out of control ako pag umiinom… kasi di naman ako nagpapakalasing… parang ang gulo.. pero bago ang lahat.. after one month.. hayaan mo akong unang magsabi ng “Mabuhay!!!! welcome back sa Pilipinas!!!”

    uy bagay na bagay ang seg ko dito… cheers;p-glesy the great

    ay teka lang… nalito naman ako sa comment mo.. hinihingal ka? pwede ka namang mag-comment pagkatapos mong magpahinga.. cheers ulit.. hehe

    Bons: wow may masaganang pagsalubong hehe. ibigay ko sayu exact date and time ng dating ko ha. ^^. hindi naman lahat ng lasing dapat seryosohin yung iba nagiging sobrang bolero. at pagka wala ng lasing wala ng lahat ng sinabe nakalimutan na.ingat din dapat. salamat glessy.. d great ka talaga hehe

  23. khzr4u says:

    hindi ako umiinom pero sige mag-kape na lang tau..ha!ha!ha!

    Bons: ayus to kakaibang trip! sige tara magkape tayu!! gusto ko yan at mis ko nadin

  24. emilayskie says:

    Sure! Sure! Kwento-kwento. LOL @mahalay. Hahah..

    Bons: teka teka maghunus dili ka. isa isang sure lang. lasing pa yata ako (hik!) na dodoble basa ko.. ^^ pero ung mahalay malinaw basa ko may kasama pang bling bling sa mata ko. ahaha.

  25. chicksykat says:

    korak..

    kakamis talaga

    *sigh*

    lalo na yung kulitan kapag tinatamaan na,ung mga kwento ng mga nakaraan nyong kalokohan na ibabalik nyo tapos sabay okrayan blues..hehehe(saya saya..)^^

    ang ayoko lang eh yung level na nagtatawag ka na ng uwak sa kalasingan..grabiness

    naranasan ko isang beses at parang dinaig pa ung feeling ng morning sickness kapag buntis ka..hehehe

    (^^,)

    Bons: hmm parang chat lang talaga to wah!.^^ bumabalik balik sila. hehe. yung uwaaakkkkkk.. ewww! hahah mahirap un. lalo kung wala kang mailabas kundi ang mapait na kulay green. hahaah. sakit sa ulo.

  26. L_e_n... says:

    Hhmm, mukhang excited kna tumagay ahh?! ooppss, umuwi pala?! toinks! hehe..

    Bons: both ahaha. hindi ako umiinom eh (weh!) haha joke lang po.

  27. emilayskie says:

    Haha.. Di ko ma-imagine yung itsura ng bling bling sa mata. Kumikinang ba yun?

    Kagabi accidentally nainom ko yung screw driver drink na in-order ng friend ko. Akala namin kasi yun na yung orange shake. Haha.. Di pa naman ako miinom. Kung nakadalawa siguro akong inom dun hilo na, parang may bling bling na rin sa mata.^^

    Bons: uu kumikinang kinang. as in kumislap ang aking mga mata sa word na mahalay. nyeheh. biro lang po. sana tinuloy tuloy mona ang pag inom ng para naman may another experience ka uli malay mo makagawa ka pa ng new entry about dun. title ‘screw driver’ cool. ^^

  28. chicksykat says:

    eh kase ndi ko nman alam ym mo pano kita makakachat..hihihi^^(may ganun)


    Bons: ahaha me ganun talaga?! ^^

  29. winkii says:

    nakakatuwa naman yung entry mo..
    naalala ko tuloy yung quote ni bob ong..
    sabi “wala namang masarap sa alak. masarap lang kasama yung mga kainuman”.

    Bons: oo nga astig talaga yang si bob ong! totoo naman kase yung sinabe nya! hindi naman talafa masarap ang alak! ams gusto ko pa nga ang softdrinks o kape e! pero ang masarap sa inuman yung mga taong nagiging totoo pag kaharap mona! sa inuman nabubuo ang matinding samahan! ayooouuwwwnn!!

  30. emilayskie says:

    Hahaha.. Ayaw ko naman mag-blog kung paano ako nagwala ng dahil sa screw driver. Mejo wala pa ako sa ganung level. Hahah..


    Bons: aabangan ko na nga eh! pag nangyare yun mag papainom ako wahaha!

  31. sandi martin says:

    salamat sa pagdalaw sa aking blog.. tagay na :)

    Bons: ayun nakitagay na! ayos! salamat din po

  32. kengkay says:

    ay ako pass na ako dyan ;D

    salamat sa pagbisita sa ebahay ko

    Bons: sige sagot ko na ang tagay mo!! ^^

  33. jem says:

    hehe..kailan nga ba ako huling nalasing? *isip*
    hndi ko na matandaan..
    basta ang alam ko lang, pag lasing ako, para akong namumulang labanos.. .*imagine* sumasayaw ako to sawa!

    Bons: ayooooouuwnn ang maganda dun sumasayaw wan to sawa hehe! ^^

  34. emilayskie says:

    Sige. Magpainom ka tapos hindi rin ako iinom noh? Galing! Haha..

    Gusto ko nag-aattend ng mga inuman kasi kapag lasing na sila ang dami nilang nasasabi at ang dami kong bagong information na nalalaman. *insert evil grin here* Same level of enjoyment, wala pang hang over. Hihi..

    Bons: dapat naman iinom ka. tagayan nga eh! ^^

  35. jex says:

    naalala ko nung B-day ko syempre ano pa nga ba meron INUMAN! pag tapos nmin uminum sinipag ako bigla at napa hugas ng pinggan nung pag ka lagay ko ng mga baso nasugatan ako sa gasera wakwak ang kamao ko dun ahaha na impeksyon ako un muntik na ko operahan kasi namamaga talaga sya…

    sabi nga isang lasenggo sa amin “HIK! lam ko lasing ako pero may TAMA pa rin ako”

    Ahahaha

    mabuhay ang mga LAKLAKERO!

    ^^
    http://jex009.wordpress.com/


    Bons: awwts! sakit naman nun! naisip ko palang na mawakwak sa gasera ang kamao ko h baka tanggal agad lasing ko nun!. parang ang hapdi nun ah.
    anyway salamat po sa padaan!

  36. revsiopao says:

    aba at tuloy tuloy pala ang tagayan dine…

    o may pulutan pa ba?

    Bons:tagayan hanggang valentines! nyahahah me ganun

  37. brotherutoy says:

    hmmm… inuman! sali ako dyan! basta beer tayo ha. beer! at walang takasan!

    bons, dapat kapag nagkakita ang toinks team, may inuman ha. pupuntahan ko talaga yan kahit sa tugegarao pa yang tagayan na yan. hehe…

    miss ko na ang uminom ng beer. dito kasi, wine lang. may beer man eh nakakalungkot pa rin kasi di tulad sa atin, all-night ang drinking, may videoke pa. dito, wala lang, mag-isa lang ako sa Irish Pub…

    haayyzzz….


    Bons: haha natawa lang ako mang utoy dun sa kakulitan mo sa beer tayo! basta beer! beer lang ha! beer! hahah amp! dikaba lasing nyan?! hehe. ang pagkakaalam ko eh magaling kang gumawa ng mga alak! iinom ang toinks team kung kasama ka talaga! call kami dyan! tignan naten ang itatagal mo wahahah. (may challenge na binitawaN? natakot naman ako)

  38. bipolarsisa says:

    napadaan lang po. :) i couldn’t agree more! :)

    ang maganda sa inuman, nararamdaman mong maging bida at kontrabida. :)

    masarap malasing! haha.

    Bons: in short ‘artista’ yun yun eh! sige itagay pa!!

  39. chicksykat says:

    may tagayan pa rin!

    ^^

  40. bluepanjeet says:

    Miss ko na inuman. Ilang buwan na ako sober. Itinigil ko inom kasi di na ako nageenjoy sa inuman, hindi dahil sa hindi ito masarap kungdi puro problema ang pinaguusapan sa mga ka tropa ko. di ako lumalago. Puro tsismis, yabang ni ganito, yabang ni ganyan, problema ni ganito problema ni ganyan. Namimili na ako ng kainum ngayon kasi gusto ko pagusapan ay buhay, hindi buhay ng ibang tao… may 8 buwan na siguro ako di umiinom. Datio rati nung 2005, height ng alcoholism ko. Everyday coming from my work I always go out and drink on bars. Nauwi ako mga 3 am na ng madaling araw and kadalasan ang pasok ko is 7:am. ganun katindi ang trabaho at inum sa buhay ko.

    Palagi ako noon laman ng videokehan. dumadating nga yung time, pag weekdays at wala ako makainuman, I just go home with a bottle of vodka on my bag then I sit on the terrace of my room and drink solo. Ganun ako ka alcoholic nun. sabi ko wala pupuntahan ang buhay ko pag ganito drama ko. kaya nagresign ako at the same time nag-quit ako last year sa pag inom. dalawa na lang ang gusto ko itigil na bisyo… yung umuusok at yung sobrang pag kain.

    Napakagnada ng experience ko sa inuman, sometimes malungkot sometimes masaya. Dun ako marami naka close na kaibigan sa inuman. and totoo yung sinabi mo, minsna nakikilala mo lalo yung isang tao pag nakakainom kasi naglalabas ng kung ano man nasa dibdib nya (minsan nga may kasama pang bra haha)

    pero seriously, medyo sawa na ata ako sa walang kabuluhan na inuman. Gusto ko namang maranasan yung inuman na masaya, walang problema at puro positive pinaguusapan at hindi problema sa buhay. napakaikli ng buhay. at kung mamamatay ako sa inum, mas gusto ko naman masaya ang inuman.

    Tagay na pare!


    Bons: wow ang haba na overwhelemed naman ako sa haba nato! haha nawala na lasing ko! ^^ cheers! nice naman ng sinabi mo. masarap naman talaga na pag inuman eh positive ang usapan. at isa sa mga gusto kong inuman ay yung “tagay sa tagumpay” minsan umiinom din tayo dahil masaya tayo! inom ng tropa dahil natapos ang isang napakahirap ng project, thesis, promotion, sinagot ng syota etc or sa madaling sabi celebration para sa isang accomplishment!

    hindi naman talaga masarap ang lasa ng alak, ang masarap lang ay kasama mo sa in uman ang mga totoong tao sa buhay mo! yun yooooon! hehe!

    tagay paaaaaaa!!

  41. kathy says:

    grabeh ndi na siguro makagulapay mga tao dito sa kalasingan haba ng painom mo eh..may happy fiesta ba?..hehehe

    kape nman muna inumin mo pantanggal tama..;-)

    bons: malapit ng mabuos po! dont worry.^^

  42. brotherutoy says:

    bidyoke! wala bang bidyoke sa inumang ito? andami ko pa namang limampisong barya! nasan na ang folder ng songs? kanta tayo! pakantahin natin si Tina ng mga kanta ni Sara Geronimo. Tina, kanta ka ng “to love you more” hehe…

    di pa ako laseng…


    Bons: haha parang lasing lang s apagka demanding ah hehe! bidyoke! wala bang bidyoke sa inumang ito? amp! haha lasing na!

  43. TeenToinks says:

    @bro.utoy: Kakanta ako?? Ahh ehh… At ‘to love u more’ pa tlga? Hay bka mputol n litid ko di ko pa rin maabot ang kanta n yan, bahay kubo nga lang mali pa lyrics ko. Haays…

    Pangs.. post na kasi.. baka mapakanta pa ko dito! hik

    Ubos na pulutan!

    Bons: lasing pako. wala sa wisyo. walangh post

  44. kathy says:

    http://chicksykat.wordpress.com/

    daan ka po minsan ha..

    ingatz^^

  45. revsiopao says:

    tagal naman ng tagayan…
    ubos na rin ang pulutan…
    new entry na!!!


    Bons: may darating pa! mahaba habang inuman!!

  46. Jorge says:

    Woi! Galaw galaw!

  47. brotherutoy says:

    ang mga tao dito, alam ngang wala nang pulutan,
    di pa gumagawa ng paraan.

    teka, bili lang akong Lala at Dingdong.
    di ako tumatakas, pramis.
    di pa nga ako lasing eh.


    Bons: pag abot ng singkwenta ng comment! sarado na ang inuman promise!

  48. teentoinks says:

    Sige bilis Bro. Utoy… Bili ka LALA at Dingdong samahan mo na rin ng Boy Bawang pleaaassseeee…. gawa ako sawsawan SUKA may diin sa dulo yung may bawang at paminta… hindi SUKAH! eeewwww… ahihiihi *hik* *hik*


    Bons: bwarrrrrrks!

  49. kathy says:

    oh ayan po pang 50 na ko ha..new post na!
    yeheyy^^

  50. Ax says:

    ako, pang 51!

  51. Polaber says:

    Ay e nkarelate ako ahhh. Lam mu n kung bahket. Heheh. E anu nman n ngayon kung uuwi k at malapit n tumagay. D nmn n ako mkakayikum ng katas ng saudi. Huhuhu

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: