tag-leave-

og.

napakadaming TAG sa paligid ngayon,. at halos lahat yata gumawa ng ganito. sasagutin ko na habang nandito pako sa saudi at ilang araw nalang naman na kasi uuwi nako para magbakasyon. ako naman!. its my time to shine. lumipas ang pasko at bagong taon  ng wala ako sa bahay namin kaya pagdating ko medyo magpapasko kami hehe ^^ (post-christmas) at syempre new year kaya pag uwi ko makakapagpaputok nadin(hmm for new year celebration yun ha)

1. nung bata pa ako public school ako nag aaral at tuwing hapon eh nag gagarden kami at kung saan saang kalye sa paligid ng school kami nakakrating nga mga kaklase ko para lang mag igib dala dala ang dalawang galon magkabilang kamay. ang hirap ng buhay nun., madalang ang working na poso(water pump) sa loob ng school kaya kailagan pa namin lumabas para may pang dilig lang sa halaman.hays..

2. grade 4 ako ng una kong magustuhang manood ng wrestling. sarap pagkwentuhan nun pag umaga sa school kaya minsan nasasama ako sa listahan ng noisy. sikat na sikat sila hulk hogan, jake the snake,ultimate warrior at iba pa, may mga laruan din akong ganun. at nalaro ko din sa familycomputer. same grade din ng mag ka crush ako sa classmate ko na maganda. ^^ pero hindi kona alam asan sya ngayun. baka nag japan na haha.

3. naging boyscout of the year ako nung 1992(grade 5).  sumama kase ako sa camping yun lang yon. automatic pag kasama ka sa camping sa recognition may award ka.^^ naalala ko nung recognition kakagaling ko lang sa lagnat nun medyo nanlalata pako pero kailangan kong umattend kase syempre may medal ako at kailangan may picture ^^. (bago din ang rubber shoes ko nun-kulay blue) 

4. 2 years akong naging class president nung highschool hehe(2nd and 3rd year). nung 4th year ayoko na.kaya umabsent ako nung election day. kaso ayaw padin  pumayag mga ka klase ko kaya kahit wala ako na elect padin at inaproved naman ng teacher (tsk! taragis) wala na talaga akong magawa pag pasok ko kinabukasan class president na naman ako. haysst!

5. colorblind ako pero i can distinguish basic colors. ^^ nalaman ko lang yan after kong mag pa medical, requirements for abroad. in-born defects pala yung sakin. bagsak ako sa ishihara test. out of 15 plates 5 lang nasagot ko hehe.

6.  sa kumbento ang tambayan namin ng mga kababata ko. dahil sakristan  eh mga goodboy kami^^. nakakamis din ang mga kakulitan kasama nadun ang pagkain namin ng dangkal dangkal na oscha at paginom ng mompo.

7. nung december 2005 muntik nakong magpasko sa hospital kasi na confine ako dahil sa dengue.^^ december23 na discharge nako.yun ang kauna unahang ospital ko at unang pagkakataon din na tumanggap ako ng mga karayom sa katawan. ^^ may isang gamot na sa tyan ko itinusok  malapit sa pusod awwts!

8. sa lahat ng gulay hangga’t maari di ako kakain ng talong. sagot? wala lang, ayoko lang wala naman kasing lasa. at wala daw vitamins? diko sure. pero yaan mona. ^^ pero isa sa gusto ko ay gatas ng kalabaw ilalagay sa kanin tapos ang ulam ay pritong tuyo. nung bata ako yan ang favorite ko.

9. may time na nalasing ako at parang masusuka na dahil sa isang boteng san mig light. weird diko din maipaliwanag sarili ko nun kung bakit nangyari un!  todo kantyaw tuloy ang inabot ko. kesa masuka ako edi tigil nalang muna.

10. airforce reserved ako.^^ nung college ang rotc training  na kinuha ko (military science) ay hosted ng philippine airforce.

 

sa mga sinabi ko, lahat totoo. walang kwentong barbero.. sabi nga pala kasi ni BRO bawal magsinungaling.^^

 

bons

55 Responses to tag-leave-

  1. Jorge says:

    BASE!

    Ako una!

    Magbabasa muna…

  2. brotherutoy says:

    1. gawain ko rin ito nun pero sa ilog kame.
    2. nakalimutan mo sina bushwhackers, yokozuna, andrei the giant at si undertaker! at si million dollar something-something. yung panggraduation ang tugtog pag pumapasok sya.
    3. laging handa of the year?
    4. aba, erap/gloria/marcos/aguinaldo in the making ka pala! hehe….
    8. masarap ang carbonara na talong. nasabi ko lang.

    God bless.

    Bons: mag ka age pala tayu hihihih ^^ tagay na! (ay me hang over?)

  3. payatot says:

    nakakatuwang malaman ang pagkatao ng isang blogger na tulad mo sa pamamagitan ng tag..nagkakabuhay tuloy ang mga post natin sa pamamagitan nyan.pero napatawa ako dun sa sabi mong makakapagpaputok ka na rin, sempre naman uuwi ka e..uy, alam ko na yan..waaaaaaaaaaaaaa

    Bons: oo nga sir. simpleng mga sagot pero it tells a lot. ^^ ung magpapaputok eh wag magisip ng berde ha. hehe salamat sa pagdalaw. pataba ka na huy!

  4. chicksykat says:

    huwaw may new post na…hehehe

    cge basahin ko po muna..

    talagang inuna ang pagcocoment bago ang pagbabasa noh…hehehe

    Bons: wow! mga atat mag comment ang mga reader ngayun bat ba kase nauso ang unahan nayan hehe! ^^ thanks for coming back!

  5. chicksykat says:

    naku kuya buti ndi ka kinalabit ni BRO nung nilalantakan nyo ang mga oscha at mompo ng priest..hehehe

    ako nman nung bata rin ako nahilig din ako manood ng wrestling pero ang gusto ko lang nun si hulk hogan at ultimate warrior..ewan ko rin bat sila lang gusto ko,siguro dahil sikat sila nun.

    naku kuya hirap talaga magkadengue buti na lang gumaling ka kaagad..^^

    pasalubong nman jan paguwi mo ha…hehehehe

    ingatz*

    Bons: si ultimate warrior kakaiba kase ang make up nya sa mukha hehe. gusto ko din uyng may parrot. diko lang maalala name. tsaka meron pa yung may dalang panguryente… anyway si Bro hindinaman nagalit kase nagtatago kami sa kumpisalan haha. dun namin nilalantakan minsan sa aparador sa taGuan ng mga sotana. hekhek. uu hirap magkadengue pero survivor naman! ^^ thanks kay Bro!

  6. flamindevil says:

    haha.napaghahalata ang edad natin pareng boni ah.

    hulk hogan, jake the snake,ultimate warrior..wow hindi ko na yata naabutan ang mga yan.kidding

    the best pa rin ang DX para sakin. Suck it!

    maligayang homecoming sayo.btw, may kakilala ko na kakilala mo. sir boni ang tawag sayo eh. :p

    Bons: haha itanggi ba na hindi kakilala ang mga wrestler! isa kadin sa mga nanood nun huy! hehe. 1992 grade5. sige i cmpute na kung ilang taOn^^ sino kaya ung kakilala mo na kakilala ko? parang friendster ang ah! conect connect.

  7. chicksykat says:

    saya-saya nman ma reply agad ang comment..hehehehe

    nakalimutan mo replyan ung sabi ko na pasalubong paguwi mo..hahaha;-p

    Bons: nataon kase na naka online din po ako, kaya reply agad. sure ano poba pasalubong gusto mo? hehe

  8. p0kw4ng says:

    1.nakarelate ako dito kasi public din ako nong elementary..at nag gagardening din..yun nga lang hindi ko natatandaang nakapag pabuhay ako ng gulay o kahit anong halaman..burat lang ang nabubuhay ko eh! tsk tsk!

    5.papaano ba ang color blind? hindi ba yun nalalaman talaga ng may katawan?

    8.hindi din ako kumakain ng nilagang talong..pero super sarap ng baked macaroni na may talong!

    9.nangyari sa akin sa tequilla yan…sanay akong hanggang umagang inuman na puro hard…minsang nasa bar kami sa HK..naka 2 shots pa lang ako ng tequilla eh para na akong naka 1 boteng vodka ang tama..di ko naman 1st time yun sa tequilla..kondisyon talaga siguro ng katawan yun!

    Bons: haha kakaiba pala ang kaya mong buhayin! ^^ kaibigan ka pala ng mga kuneho!. hehe ang colorblind test nandun po sa link ng ishira test click mo po un. mas mainam na malaman habang bata palang. kse certain job hindi tumatanggap ng color blind. uu kundisyon nga din dapat bago uminom para malakas ang laban hanggang sa paghiga laban padin hehe

  9. chicksykat says:

    naku kuya dapat makarating sa kin yan ha..ok na ko sa choklets..hehehe

  10. TeenToinks says:

    Ay! Di ko kailangan gamitin ang kristal bol ko at ang may asim na sayaw? Hayyysss…

    1. Public School din kaya ako… ang masaklap pa tapat lang ng house yung school, so ano aasahan mo.. pati tinidor at kutsara itatakas ko sa bahay mapahiram lang ung mga friendships!

    -bons: oo at pag absent ka hindi pwedeng tinatamad lang kasi madaling mabuko kung totoo o hinde

    2. Ay bat ganun?? di ko kilala si hulk hogan… nyahahaha Basta TATANGKA at Shawn Michael… bakit ba… GWAPO eh!

    -Bons: yan di ko kilala! sino sila? hehe

    3. Naks.. BSP of the year… hmmm… Ano nakalagay sa leeg mo, kuneho o kalabaw?

    -Bons: haha natawa ako dito. syempre kalabaw. dipa uso kuneho nun.inosente pako.

    4. Class President nung high school.. kamusta election nung College?? nyahaha…

    -bons: wahaha.oo na kapartido kita at natalo tayo! natalo ako bilang presidente pero panalo padin ako sa puso ng mga readers dahil ako padin ang EIC ng college paper wehehe. kala mo ha

    5. Anong kulay ang pusya… fuchya…. pyusya… ay RED na nga lang! *corny!

    -Bons: OA to. alam ko yan.nakikita ko pa naman yan. hehe

    6. Uu nga.. naranasan ko din kumain ng oscha na more than 5 sa isang araw…. bigay ng sakristan! 5 lang kinuha ko kasi kala ko bawal eh!

    -Bons: basta hindi pa consecrated ok lang un hihi. simpleng tinapay palang kasi yun. ^^

    7. Awwww… sa tyan tinutusok yung gamot?? HALA!

    Bons: uu kahit ako na schock nung sinabi nyang o taas mo yung damit mo. tatlong beses ko tinanong yung nurse kasi baka nagkakamali lang sya. sa tyan? sa tyan talaga? sa tyan? “oo” sabi nya haha.

    8. Talong… ang talong bow. Uu na walang vitamins… pero sawsaw mo sa buro sarap! ahihihi.. Uy, mas masarap yun gatas ng kalabaw lalagyan ng asukal tas sawsaw mo yun pandesal na mainit pa na binibili kay manong pepot pepot… pepot pepot!

    -bons: masarap nga ang gatas na may asukal tapos sawsaw pandesal gawain kjo din un tapos pag ubos na tinapay inumin gatas may latak pa ng pandesal hehe

    9. Ganun? Ganun? di nga??

    -bons: minsan lang naman nangyari un ngayun sige isang case ng redhorse kaya ko

    10. Phil Airforce… talaga? Naks… di ko toh lam ahhh! Kala ko nag babayad kayo sa ROTC nyo eh! ahihihihi

    -bons: hoy! amp! hindi totoo yon. malinis ang kunsensya ko. basta ako graduate. kasama ko si yus non. dalawa kami,. ewan ko yung iba. wahaha

    MSG: (parang vetsin lang)
    Buti naman nanumbalik ka na…. Yun lang! Bawal mag sungit, baka pumangit! Amp! Panget!

    -bons: eto lang pala message mo hays. nagpatuo din ako s apagsagot sa 10comments mo wahaha. anyway thanks! miss you. ^^

  11. revsiopao says:

    haayss… hindi na talaga ako mananalo sa pag-base-base na ‘yan
    {magpauso kaya ako ng pahulihan?}

    palakpakan naman at nabuhay ang kalabaw!

    1. siyempre relate ako sa pampublikong paaralan — ye know, i studied at law school of st.perfect {translation: mababang paaralan ng san perfecto… laban?}
    2. hulk hogan solid! {‘yun lang kasi natatandaan ko e. ha ha ha!} at siyempre pasok sa banga ang nintendo!
    3. kailangan talaga extra ang new shoes na blue?!
    4. pangulo!….bow.
    5. naalala ko ‘to nung nabanggit mo sa chat tapos ni-try ko ang ishihara test. nasabi lang… bakit ba?!
    6. DAPA! {palagi niyo na lang akong inuubusan ng oscha at mompo}
    7. tsakit tsakit! huwah po diyan doc… dito po!
    8. tama sila powkie & utoy. tsalap ‘yan sa pasta. madami ding italian delicacies na talong ang primary sangkap. baka ma-convert ka pag natikman mo.
    9. ay mahina pala ang bata. tagay pa!
    10. david garcia jr. ikaw ba ‘yan? toinks!

    SANTINO, enjoy your vacation!
    Remember to HUG your mother dear.
    Pasalubong! {isiningit}

    Bons:
    1. hmm comedy bar? hehe.
    2. pinakamatanda si hulk hogan eh. ^^
    3. uu kasi ang sarap ng feeling. advan ang tatak wahah.
    4. not pangulo. “the president”. haha
    5. pasado ka naman sa test?
    6. naku eh sa kwarto mo kaya ginagawa mo pang salad ang ostya.
    7. nag papabili pa ng isa pa uli yung doctor sabi ko wag na aba sobra na sa gamot haha.
    8. haha. baka. siguro nga sige pagluto nyo ko. ^^
    9. tagay pa! kala monaman tumatagay sya. weh.
    10. oo bok! musta kana? hehe

    salamat father jose (jhoe-n). i eenjoy ko talaga. kasi yun ang gusto ni bro. mag enjoy pero holy padin. ^^ 3H.

  12. revsiopao says:

    napagod ako…
    bakit ba kase inisa-isa?!
    -Bons: excited. yun lang yun. haha

  13. revsiopao says:

    woi, totoo ang pangalan ng iskul na sinabi ko — as in San Perfecto Elem. Sch. talaga! check mo pa
    CV ko.

    bons: sige na nga sabi mo eh.^^. astig ng pic mo sa prenster ni utoy wahaha

  14. TeenToinks says:

    Isa isa talaga… at nagpauto ka lang talaga ng lagay na yan ha! Ganun??? Hmmmm…..

    Miss you too pangs!

    bons: wala akong pasalubong.^^

  15. brotherutoy says:

    balik ako.
    salamat sa pagdalaw sa prenster-smenchter ko. wala kang comment dun sa smiling picture ni rev? hehe…

    comment pala ako tungkol dun sa isang beer pa lang, hirap na. Ganyan kapag matagal nang di nakainom. Hirap ubusin ang isang bote. Ang solusyon, uminom ng pangalawang bote, at pangatlo, at pang-apat, at pang lima, at pang-anim, at pang-pito, at pang-walo… basta you get the picture na naman siguro. walang biro, epektib.

    di ko pa rin maisip kung sino yung wrestler na pang-graduation ang entrance song. Basta mayabang yun.

    bons: si undertaker yata yung wrestler na yun. pagwalong bote eh baka bagsak nako nun at dun nako matulog hehe.

  16. vamp2pak says:

    pati pala sa blog may tag2x …
    parang txt lang … weeeeeeee …

    i remember nung dumalaw kami with my berks sa hospital (7) … ndi naman halata na … na dengue si sir bon … eh pano kahit na maysakit KAWAII pa din … hehehe … ^_^
    -bons: haha artista eh ganun talaga ayokong maging suplado sa inyo hihihi ^^

    talaga tinumba ka ng isang boteng sanMIG (9) … baka naman naka isang case naman na kayo … tagay pa …. KAMPAII …
    -bons: shhh. after 1 case ng redhorse. natumba ako sa 1piece san mig light wahahah

    BON voyage … have a safe trip sir … !!!

  17. Mon says:

    Haha.. nakakatawa naman yung isang bote lang ng san mig down na agad? hehe.. yabang ko po.. soweee..
    Astig ahh, kahit absent Class President pa rin! “salute”

    Daan lang po me Santino.. hehe
    Paki-send my Regards to BRO.

    ;)

    bons: hahah tagay tayu pag uwi ko! yabang neto! (hehe joke only) salamat sa pagdaan.bago ang bonistation binalak ko din kuhanin ang boniavenue. heheh. i like ur blogname monzavenue. ^^

  18. emilayskie says:

    Gardening – Peborit ko to noong elementary. Ako raw kasi ay may green thumb. Haha.. Alala ko pa kung paano gumawa at mag-maintain ng mga plot.

    Wrestling – Inis na inis ako dito noong nalaman ko kay Ernie Barong na peke lang pala ang mga aksyon dito. Akala ko talaga the whole time totoo. Mula nun di na ako nanood.

    President – Nice naman Boni. Leader-leaderan ka pala ha?

    Colorblind – Kaw ang pang-apat na nakilala ko na color-blind. Madalas sa lalaki lang daw to di ba?

    Talong – Peborit ko ang pritong talong na sinawsaw sa toyong may kalamansi. Gusto ko rin ang tortang talong. Pero sa ibang lutong ulam na may talong di ko sya feel.

    Salamat naman sa mga tag tag na yan at sinipag ka na rin mag-post ng bago. Hihi..

    bons: salamat din sa walang sawang pahihintay sa mga ipopost ko hehe. nagiging busy kase kaya madalang ang bago. ^^ masarap din naman ang tortang talong. papagalitan ako ng nanay ko pag diko kinain ung ulam na yun.pakilala moko sa tatlong kilala mong colorblind… =) leader leaderan nga kaso kahirap naman dapat eh palagi model. gusto kong maging bad diko magawa ahahaha. alam ko din gumawa ng plot, kailangan may tali heheh madalas namin itanim kamote. ^^

  19. nice (a.ka.) naisu says:

    haha. natawa naman ako. =) ala lang. poinks. pero masarap kaya ang talong. paborito ko yung nilaga tapos sawsaw mo sa halubaybay na may kalamansi. hehe. o kaya sa burong tilapya.

    at astig ah! airforce reserved ka pala. poinks ulit.

    whoa! natutuwa ako. ngayon lang ulit ako nakapag-comment sa isang blog entry mo. =) huling-huli pa ata ako. *poinks*

    see you (if i’ll have a chance to see you). hehe. anyway, sa totoo lang, namiss ko ‘tong blog mo. :))

    bons: salamat sa pagdalaw sa makating istasyon (bunisation) ahaha. bakit ba bulok ang lata ng halubabay, diba delikado un? puro kalawang na pero ibinebenta padin? masarap samahan ng suka at sili ang halubaybay. pero mas gusto ko padin ang ginisang bagoong alamang o kaya buro na may nilagang okra. ^^

    airforce reserved. sanay akong magpalipad ng jet fighter. (joke) hahaha.tikas pahinga lang din ang alam ko.

  20. Rowena says:

    HALUBAYBAY????? grabe ang allergy ko dyan- deadly. Did you know that ate sahlee and I have an allergy with halubaybay ?

    bons: etong ate ko, saan kaba nag cocoment? haha sa halubaybay? ^^

  21. revsiopao says:

    pahabol ulit…

    ano nga pala ‘yung “og.” sa start ng entry?
    he he.

    bons: ah yun ba? typoerror lang.

  22. Mr yoso says:

    makikigulo lang sa idol ko hehehehe..1st komento ko para sa blog nya hahaha panay tambay at pag babasa lang sa blog nya ginawa ko pero eto mg sasalita na ako hehehe
    –bons: ayos! nagcomment ka nadin haha. salamat sa pagdaan.

    nung nabasa ko tong entry ni idol na alala ko ang lahat ng ginawa ko nung elementary at high school

    1.magtanim ay di biro..dahil habang nag tatanim kami likod ng school namin my napatay kaming ahas or (alupong) yan ang tawag sa bulacan.
    -bons:delikado talaga lalo pag matataas na ang damo. challenging un pag bata kapa at nakapatay kau ng ahas. sarap ng feeling ahaha.

    2.naabutan ko yang wrestling na yan pero mas nag enjoy ako sa Degeneration X, triple H at kay the rock.
    -bons: galing nyang si d rock pero ung degenx at 3H diko yata matandan.. ^^

    3.mula elem at high school cab scout/boyscout hahaha gustong gusto ko kasi sumama palagi sa mga camping my adventure din kasi hehehehe..
    -bons: complete get up. may hunting knife,yung panyo ano na nga tawag dun.tapos may kalabaw,may cap,green shorts, green socks, pito, tapos ung taling nakabuhol buhol ilalagay sa balikat. ganda ng porma! astid diba, kaya ang sarap mag camping plus ung hiking sarap pag mauy ganun

    4.kung ikaw presidente palagi ako laging escort taragis kahit wala sa umabsent kana ikaw parin..No choice hahahha..
    -bons: nyahaha artistahin ka kase. panalong panalo! haha

    5.idol ngayon ko lang nalalaman yann ahh
    -bons: oo yan ang isang magilas na katotohanan. haha.wala namang kakaiba bukod sa mga kritikal na kulay medyo mahihirapan ako mag identify. ^^

    6.sakristan hehehe good boy talga si idol..
    bons: tambay lang sa altar. hehe

    7.Gumamit ka kasi ng kulambo sa pag tulog idol
    bons: sa araw umatake yung lamok eh.dibale sigurado patay na sya ngayun., nakaganti nako wahaha. ^^

    8.tortang talong sasaw sa halubaybay,,wahha kakagutom pasok na pasok yan kapag tag-ulan..Gatas ng kalabaw natatandaan ko tuloy yung binebenta ko na gatas ng kalabaw ng lolo ko kasa kasama ko sya sa pag papastol at pag gagastas ng kalabaw namin sa bukid..(Dapat pala title nito Time Machine)bumabalik sa nakaraan..toinks!!
    -bons: ayos naman pala kasaya nun libre gatas ng kalabaw kana! hmm palagay ko magaling ka ngayun sa isang bagay wahaha…

    9.unang inom ko alak napatuyan ko na malakas ang tama ng REDHorse sumisipa…dahil na huli ako ni erpat at akoy kanyang sinipa papasok ng bahay..gulpi saado pero ok lang pasaway kasi wala pa ako sa tamang idad nun..hehehehe
    -bons: haha kala ko naman kung anong sipa! sipa pala ng erpat mo whaha natural lang yun hehe.sabi nga ni lola mag softdrinks kanalang muna.ngayon malaya kana! tagay pa!

    10.ROTC hehehe nung college nag NSTP nalang kami kasi mahirap mag ROTC binibilad sa araw hahahaha.pero di ka naman tinatablan ng kaitiman..sa puti mong yan hehehe.di tulad ko hiram na kulay lang hahahaha..
    -bons: haha.pang susyal na kase ang NSTP, hiram na kulay ka dyan. tsaka ang alam ko mas maputi ka sa akin. kaya wag lang umasta!

    napahaba ang comment ko idol..
    -bons: next time ule. welcome palage.

  23. vamp2pak says:

    KAWAII = cute

    ^_^


    bons: ahaha ganun ba yun.. ? sure? hehe

    take care sir …

  24. gilbert says:

    first time ko mag post ng comment dito pero nakabasa na rin ako sa ilang blogs mo kumpareng bons. isa din ako sa bumilib sa pamamaraan ng pagsusulat mo. ang galing kasi napaka buhay (lively, i mean) at puno ng humor. na-encourage ako ng isa kong friend na magbasa ng blog mo kasi fan ka nia, so-eto nakikitambay na rin ako sa station mo. madalas ka ipagmalaki sakin at kuya bons pa ang tawag nia sayo (e,kuya nia din ako dito sa qatar) kaya pinagbigyan ko pangungulit nia.pero di nman ako nagsisi kasi ang ganda at ang galing mo nga naman talaga (parang gusto ko yatang magsulat na rin, kaso parang di bagay sakin kapagka sing tunog o sing tema ng gawa mo-kaw ang original, kaw ang prinsepe ng mga bloggers…ewan ko lang kung madaming kumontra sa tag na yan kasi baka sabihin nila kulang ang intensity ng salitang prinsepe kumpara sa, malamang, turing nila sayo,sa dami ng fans mo e hari pa ang kabit nila sa pangalan mo-when it comes to blog writing is concerned) anyways, nakaka aliw ka at nakakalibang, sana nga mabasa din to ng mga abu sayyaf rebels para sa ganun instead na kidnapping atupagin nila e magbasa na lang sila ng blog mo…he he he …good luck and more power sayo.
    sana maging friends din tayo sa friendster.

    bons: amabasador ko kasi yang si petertosh hehe. special envoy of bonistation to qatar kaya nag popromote, ^^ naku kuya (naki kuya nadin) haha. salamat sa mahabang comment mo nakaka taba naman ng puso.^^ sarap namang mabasa na may mga taong nagugustuhan ang paraan ng pagba blog ko. basta isa lang po masasabi ko sa mga readers; “mahal ko kayong lahat”(with matching kaway) haha amp! showbiz ang damuhong bon. anyweyz, agree ako na wag ng maNGIdnap ang mga abusayaf eh wag monaman itaboy sa bonistation at baka ako naman ang dakpin ng mga yun hekhek. may prinsipe tag kapa ha hehe. ngayun lang yata ako natawag ng ganyan hehe (namumula at nag pa flush^^) haha flush talaga. salamat po uli sa pagdaan!

  25. Winkie says:

    makikicomment lang. buti naman honesty tag ito… hirap maghula nung mga hoax gimmick eh! LOL!

    natawa naman ako sa 1 boteng san mig light. panu pa kaya kung red horse yun? hehehe! grabe, bata pa lang, achiever ka na! congrats!

    makikigulo uli ako next time ah! :-)

    bons: inzy winkie tini wini.. hahaha. salamat naman at nagbalik ka kaytagal kitang hinintay! ^^ lung redhorse po un amoy palang baka bagsak nako o kaya naman eh nangrereyp! hahah jowk.

  26. myst_wet says:

    talaga namang ang dami mo ng naloloko sa blog na ito. pero tama sila magaling ka ngang mangsulat, kung hindi ako nagkakamali marami ka na ring nabolang babae nyan. tsikboy ka siguro.

    dahil pati ako natuwa sa paraan mo ng pag susulat, kung paano mo ilalarawan ung isang bagay na hindi boring basahin.

    hayaan mo at lalagi ako makitambay sa blog na ito

    bons: haha. sino kaba. magpakilala ka^^. hindi ako bolero. goodboy ako hehe. wag ka magulo hindi ako tsikboy (pede sa tsik pede sa boy) ma chicks pede pa.. anyway thanks po sa pgdaan,. balik ka ule

  27. gilbert says:

    o yan ha kagigising ko lang at nakikitambay na ulit ako sa station mo. sana naman i-add mo na rin ako sa friends list mo. baka maging good influence ka sa kin na magsulat na rin ng blog…but for now, mas maganda ytang maging plain fan muna…he he he!
    with the way you do ur writing, nakakalibang na, nakakatipid pa.
    especially ngayon na merong worldwide crisis, mass laying off kelangan magtipid. and i think reading ur blog is a best recommendation. har har har…approved ng BFAD kaya lang delikado sa MTRCB!
    keep on.
    at ingat lagi…


    bons: haha salamat po! acknowledge yan! wanted nga ako sa MTRCB buti nalang wala ako sa pilipinas. ^^

  28. flamindevil says:

    may dumalaw sa blog ko from frenster pareng boni.

    sir boni tawag sayo.

    keem daw sya,kapatid ni sye.kilala mo? :p

    bons: uu kilala ko. ^^ hehe. nag comment na din sya minsan dito.

  29. Jorge says:

    Teka, kakadating ko lang..

    Magbabalik ako!

    bons: pangalawang balik mona to. wala kapading comment. ikaw ang unan tsek mo. pangatlo ban kana hehe

  30. roister says:

    ako rin nagkacrush sa girl nung primary years ko kaso ngayon mas gusto ko na lang syang kulutan at bka gusto nya rin mag japan…hehehe

    bons: haha kilala kita. sige magkulot ka na nga lang. taragis! ^^

  31. azul says:

    napadaan lang po galing kay mang badoy…

    lahat talaga yan totoo?uhmmm naitanong ko lang naman..hehe

    bons: promise. cross my heart. hope to die. ahahah

  32. vamp2pak says:

    hahaha … tama …

    xympre … kawaii ako eh …

    mana kaya ako sau sir …

    weeeeee …

    ^_^

    >>> mag pare pala kau ng fDEVIL (kuya rye) ??? hehehe …

    bons: kawaii! haha parang ang layo!? nabanggit ka nga ni rye. ikaw nga un kapatid ni sye hehe.

  33. azul says:

    uhmmm add po kita sa links ko huh…salamat!


    bons: no probs. pero ano po ba blog link mo?

  34. sandijmartin says:

    taga- hanga rin ako ni hulk hogan :)

    bons: taas kamay!! ^^ tagay na

  35. macallister says:

    nasa saudi ka pala? ang saya malapit na siya umuwi hehe

    lola ko mahilig kay hulk hogan dati kalaban namin siya kasi gusto namin watch the sharon cuneta show LOL!

    bons: lols! natawa ako kay sharon cuneta show. baligtad yata?? hehe

  36. mis ai says:

    oo n.totoo n lahat ng sinabi mo!hahha..naaliw mo ako bons..at mas naaliw ako s mga magkukulutan dito! hahah

    bons: wahaha nagbasa ka talaga ng comment ha! hehe! asan si ruffa…??? and ai?

  37. azul says:

    http://bloociadow.wordpress.com

    yan po url ko..hehe salamat dami dami apaw apaw!

  38. Jorge says:

    Pangatlo na to.. Wag mo kong ibaban ha, hihihi

    Magbabalik! Yan ang uso ngaun, wag kang magulo..

    Ingat sa byahe! Godbless!

  39. kathy says:

    maligayang pagbabalik sa pinas!!!

    yiheee..nanood na siguro sya ng you change my life..hehehe^^

  40. flamindevil says:

    bon voyage.kala ko may new post ka na .hehe

  41. taympers says:

    Napadaan lang.Inpernes natawa ako dun sa isang boteng sanmig light. Haha

  42. Jorge says:

    BASE!

    Eto ang uso ngaun, base sa hulihan, hihihi..

    My apologies parekoi, u know how busy i am sa work, tas wala pang internet dito sa housie.. hayszz!!

    Eto na ang matino kong comment, after 10years:

    1. Sa public school din ako nag aral, at may garden garden din, ciempre teacher si mader kaya minsan nalilibre ako sa gambulan ng lupa, aarte lang ako na nahihilo eh ieexcuse na ko ng teacher at papauntahin sa room ni mame, hihihi.. kaya ayun, wala akong matinong garden!
    2. Ayoko ng wrestling! Nasasaktan ako eh, hehehe..
    3. Sumasali din ako ng boy scout pero nde ako naging boy scout of the year kasi iyakin ako, waahahaha!! iyak ako ng iyak hanggang ihatid ako sa bahay namin, hihihi..
    4. Naks tambtaks!! May dugong pulitiko!! Ayoko ng magkwento tungkol sa mga pagiging presidente, nde kasi ako nag excel dyan, hmpf!
    5. Wahaha, alam ko to, buti nlng pumasa ako sa color blind test ek ek na binigay mo, lumalabo lang mata ko ngaun, grrr!!
    6. Buti ka pa laking kumbento, ako nde, hehehe.. Pengeng mompo nek time!
    7. Uu nga, buti nakasurvive ka sa dengue, ang hirap magkasakit parekoi!! Sa tyan tinusok? pwede ba un?
    8. Talong walang lasa? Musta ang taste bud mo parekoi? Ang sarap kaya nun lalo na kapag prito at nilaga with buro, aaww!! Tsalap!
    9. No comment ako dito, ganyan ako dati nung nagsisimula palang uminom, hihihi.. Teka, kelan ito? Parang nde ko yata alam na nalasing ka sa isang boteng tsaa este san mig light pala, hehehe
    10. Wow! ngaun ko lang to nalaman ah! Toinks! hihihi..

    Un lang, bow! Cencia na talaga parekoi! Enjoy your long vacation!!

  43. brotherutoy says:

    tagayan na naman ba dito ulit? antagal ng ikot ng baso ah.

  44. glesy the great says:

    ahahaha.. grabe naman isang san mig light.. hehe… pero na-amazed ako sa pang-ten.. talaga? eh di sana nag-vroovroom ka na ng mga sasakyang lumilipad… sakristan ka dati? di mo binalak maging alagad ni BRO? cheers;p-glesy the great

  45. kathy says:

    napasarap ang bakashen nakalimutan na yata ang kanyang bahay..

    cge na nga enjoy ur vacation bons^^

  46. Ax says:

    mr. president ka pala nung highschool.

    colorblind, siguro ako din. di ko alam, pero nadi differentiate ko naman ang blue, green and red.

    hindi ako boyscout. wala lang. ayoko ng damit nila.

    hehe.

  47. glesy the great says:

    teka pahabaan ba dito ng comment.. pwedeng magdikit na lang ako ng lyrics tapos repeat chorus ten times?? ahehehe ang corny ko..

    anyway, nagcomment na ako dito sa pagkakaalam ko… at nakiki-usi lang kung may bago ng post…. kaya magpost ka na kasi nagpaparinig na ako.. cheers;p-glesy the great

  48. Mon says:

    kung naging boni avenue ka e di mag-utol sana tau. hehhe.. add kita ha total sabi mo u like my blogname. hhe. thanx pre. ;)

  49. y says:

    sir!=) achiever po pala kayo. binasa ko lahat pero the last one caught my attention. airforce! ang astig nyo naman. wala ba kayong balak mag-active duty? hehe!

  50. y says:

    pwede po pala pa-xlinks? thank you!

  51. polaber says:

    asan ang comment ko dito?d b meron n??

  52. polaber says:

    ay jusko..montikan ko n d makilala yung comment ko.kung ano ano kc ginagamit e…heheheh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: