now boarding!

hindi ko alam kung pano uli sisimulan ang bagong entry ko. tagal kong nawala dito pero sabi ko nga hinding hindi ko bibitawan ang istasyong ito. hehe. back to normal. nandito na uli ako sa saudi. tuloy ang pakikibaka ng kuneho sa lupain ng mga kamel. taragis!

ang sarap talagang magbakasyon sa pilipinas, kakaiba ang pakiramdam paglapag palang ng eroplano at makita mo sa bintana ang mga bubong ng mga bahay na malapit sa airport parang ang sarap lumundag ng immigration at makalabas kana agad sa naia. adik na yata ako sa feeling nag pag -uwi.. (hmn umuwi nalang kaya ako?) haha. tulad ng inaasahan na surpresa ang aking nanay sa biglaang pagsulpot ko sa bahay! walang nasabi habang yakap ko kundi “ang daya mo”  kasi hindi nya talaga ineexpect nuong hapon na yun na makikita na nya ng live ang anak  nyang artista bunso (nyaaa!). ^^

walang kasing saya ang feeling! masarap ang nasa sarili mong bahay, nasa sariling bansa. sa araw araw na pag gising  na eexcite ako. parang yung pakiramdam na bumalik ako sa pagkabata at naranasan uli yung pag aalaga ng nanay ko.. kakaiba talaga ang feeling pag nandyan sila sa tabi mo, yung sila ang maghahanda ng pagkain dagdag pa don ang sobrang sulit na mga kwentuan habang kumakain. sarap talaga ng may inuuwian.

kasama din ang mga kaibigan at tropa na may pasalubong o wala ramdam mo yung excitement sa kanila sa pagwelcome sayo. masasabi kong mga pang habang buhay na fans  haha na naniniwala at sumusuporta sakin.  mahal ko kayong lahat. sabay kaway at may showbiz na ngiti. syempre naman hindi ko rin palalagpasin ang pagkakataon na pasalamatan ang nagmamayari ng puso ni bons. you are everything i never knew i wanted.  mahal na mahal po kita.

**

 salamat din sa mga nag nag greet nung birthday ko. pwede pang humabol. in kind or in cash (via paypal) haha.  ilan sa mga naresiv kong email greeting ay may mga attachment na ganito:  

ice formed-birthday greeting na ginawa sa gitna ng highway sa isang parte ng canada.
naks! halifax!

dsc024481

 

dito binuo talaga yung complete name ko parang exam lang na may acronym, go find and lets all learn from its meaning. BON background picture was taken from new zealand! cool!being-happy-is-being-bon

 

********* 

at salamat po uli sa mga madalas dumalaw dito nung wala ako.. sa mga patuloy na nagbibigay ng hits sa blog stats ko! buhay na buhay padin.. kaya naman…

tara.. byahe uli! welcome again to bonistation! 

 

now boarding,

bons

23 Responses to now boarding!

  1. chicksykat says:

    beys!..ok basa mode na..heheh

  2. chicksykat says:

    maya na comment mababasa mo agad eh…hehehe

  3. topexpress says:

    naks! tara na….. byahe tayo mode ka pare koy! mabuhay ka BONI! (tingduuung!) next station, guadalupe station, ang susunod na istasyon ay guadalupe.

    baba na!

    bons: ahah. tingdung! saya naman. welcome din dito sa bonistation.sana eh ayos kalang sa expressway mo hehe.

  4. chicksykat says:

    welcome back sa blog’s world tagal mo nga nawala namiss ka namin..naks!^^

    alam mo totoo ka iba talaga ang feeling kapag kasama mo ung mga mahal mo sa buhay at nakakakwentuhan mo araw araw.

    at parang naiimagine ko ung reaction ng iyong mahal nanay nung nakita ka sa biglaang pagsulpot mo sa bahay nyo.panigurado mangiyak ngiyak yun habang nakayap sayo..

    at sana tuloy tuloy na ang iyong pagbabalik,dami mo nang fans na nagaantay sayo eh..hihihi^^

    bons: uu sarap mag stay sa bahay. kung pede nga lang dyan nalang ako sa pilipinas. haha., subukan kong maging active na uli ako dito sa station…

  5. blurosebluguy says:

    wow..tagal ka naming hinintay ah!….welcome bak parekoy! hmm …nakakamiss tuloy ang bahay…at syempre ang mga mahal sa buhay…
    belated hapi bertdey din pala….

    bons: salamat parekoy sa paghihintay basta palaging tandaan “may bukas pa” haha. limang buwan nalang uuwi uli ako yahoo!! google!!

    Off topic: bakit walang link ang name mo going back to ur blog? configure mo po.sayang naman hits! ^^

  6. TeenToinks says:

    Ei.. Approaching boni station!

    Sa pag blog man o sa desyerto.. Finally ur back!

    Kay tagal mong nawala, babalik ka rin… Babalik ka rin!

    its always HOME pag nasa pinas!

    bons: am back! and am fine! english haha amp!

  7. cindyrella says:

    wow, sa mga sinabi mo dito, na miss ko tuloy ang pinas, iba kasi ang alaga sa akin pag nasa pinas ako. ang saya sayan parang lahat ng tao pinagbibigyan ka? tsaka ang sarap ng tulog ko pag nandun ako… hay!! belated happy bday pala!! ^^

    bons: nasaan ka ba ngayon? ge salamat sa pag greet, belated tenk yu! ^^

  8. Heleyna says:

    Uyyy 29 na pala si Bon..hindi pala tayo magka-age. toinks!
    Welkam bak! Sorry nemen, belated happy birthday! Dami nagyaring samu’t sari kaya nawala sa sirkulasyon. {ang totoo super late ko na naalala kaya nahiya na bumati ahihi}.

    Kaway na sa mga fans! God bless…

    bons: haha ipagingay na 29? ok lang yan huli man daw at magaling (kasi duktor) naihahabol din! ^^ cheers!

  9. sandijmartin says:

    welcome bak bon! :)

    bons: salamats!

  10. Nice... says:

    hay, sarap nga ng feeling ksama family sa pinas, kaya lungkut lungkutan n2man pag alis.. =(.. hhmm..

    belated po… God bless!

  11. joycee says:

    Welkem beks Kuya Bons..

    At betdei mu pala hinde ko alam sorry naman nyahahaha…

  12. Ax says:

    late na late na pero belated happy birthday. or should i say, advanced happy birthday.

    balik saudi ka pala ulit.

    uwi ka na ulit dito sa pinas.

  13. gilbert says:

    buti ka pa kagagaling mo lang sa bakasyon. ang gaganda ng mga pix mo. madalas pa rin kitang icheck dito sa blog site mo, nakikisilip kung me bago, he he he…belated happy birthday pala.
    eto yong no. fan mo dito sa Doha, Qtar just in case nakalimutan mo na…

  14. Parekoi, cencia naman ngaun lang ako nakadalaw! Welcome back sa blogging industry, hehehe..

    Nakabalik na ba ang kuneho blood mo sa pagsusulat? hehehe..

    I truly agree, ang sarap umuwi! Ang sarap ng kwentuhang umaatikabo, bumubula ang bibig at minsan kinakailangan pa ng pulis para matigil ang traffic, hahaha..

    Back read muna ako ha.. Godbless!

    Sobrang dami nating dapat pagkwentuhanan parekoi, as in!

  15. At teka, bagong bihis ang housie mo ah, pwede bang manenok ung house dati? Gusto ko ding magbihis eh, hehehe..

  16. livingstain says:

    nahuli akong sumalubong sayo… huhuhu… tagal tagal na pala nito….

  17. polaber says:

    e nalungkot nman ako at d tyo nagkita..hamo..dadalaw ako jan s dammam pag mayaman n ko.magkapit bahay n lang nman tayo..

    promis mo n bubusugin mo ko jan h..heheh…promis din n papasalubingan kita ng sand dito para maiba nman yung buhangin n pinipino mo jan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: