alaala

habang wala pa po akong bagong entry. i share ko lang muna ‘to. malamang marami na sa atin ang nakabasa nito dahil nagpaikot ikot ito sa mga emails sa loob ng matagal na panahon…

masarap padin syang uliting basahin.. mahaba pero its worth reading…

It’s always nice to look back and smile …

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN…
Si Nanay ay nasa  bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga  bakod at gate ang magkakapit-bahay,kung meron,gumamela lang;

Pwedeng  iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala;
wala namang lock ang mga jeep na  Willy’s noon.

10 sentimos o diyes lang ang baon:  singko sa umaga, singko sa hapon;

Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom  sa di mo kakilala.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila  ay Maestro/a:

Grabe na ang  kaso pag napatawag ka sa principal’s office
o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak…
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili, trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan  at darigold na maliit ang mga gulong)

“sketeng”(scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa  gitna para suotan ng sinulid (pwede pang  makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca,  borador, atbp. Di nakikialam ang mga matanda sa  mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at  maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,tatsing  ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon  yon!)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo  para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang  tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas – suot mo  pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo  kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high  technology …di ba minsan nangarap ka na rin .  mas masaya noong araw!

Sana pwedeng maibalik…Takot  tayo ngayon sa buhay.Kasi maraming napapatay,  nakikidnap, maraming addict at masasamang loob…

Noon takot lang tayo sa  ating mga magulang at mga lolo at lola.
Pero  ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara  …
Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila  tayo…

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit …Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.

Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game  boys.

 

Tayo noon … Doon…

Tinutukoy  ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;

Ang pagtatakip mo ng  mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pagnanonood ka ng nakakatakot sa “Mga Aninong Gumagalaw”

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala  namang calculator. Abacus lang ang meron tayo…

Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama;

Pa gtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib  ng lalake at may dikin  naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.

Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay  ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?  Pamimili ng  bato sa bigas;

Tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na  puro kahon;
naglako ka ba ng ice-candy o pandesal  noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang  hininga;

pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;  Meron pa bang himbabao,  kulitis at pongapong?
O kaya ng lukaok, susuwi at espada?

Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata.
Estigo santo kapag nagmamano.

Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa “berdugo” at sa “kapre”;
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

Yung crush mo?
Pag recess:  mamimili ka sa garapon ng tinapay – alembong,taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel;  Kung gusto mo naman -pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;

Puriko ang matika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap  magpa-rikit ng apoy.

Madami pa…

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa  pagitan ng daliri para sa  sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo, ang duhat kapag inalog  sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri kasi
puno na ng kanin… Halo-halo: yelo, asukal at  gatas lang ang sahog;

 Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;
naghahanap ka ng chalk  kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.

 Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para  sa white-side-wall na  gupit;

Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol  ang mga punda at kumot; 
madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? P wede rin sa  laylayan…

May mga program kapag Lunes sa  paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes  kasi magi-isis ka ng desk.

Di ba masaya? Naalala  mo pa ba?

Wala ng sasaya at gaganda pa sa panahon na yon…
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon…

 
Di ba noon…

Ang mga desisyon  ay ginagawa sa awit na “sino ba sa dalawang ito?
Ito o ito?” Pag ayaw ang resulta di ulitin: “sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?”…

Awit muna:  Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao  batuten…
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;

Masaya  na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;

Naaasar  ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin  pag napapa-trouble tayo.

Di natutulog si Inay,  nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.

Kung naaalaala mo ito…

nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN! Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Nasa iyo ang susi… paki-buksan mo lang  …

God Bless!

** salamat po sa author, wala man kaming pagkakataon ngayon na makilala ka.. saludo kami sayo dahil sa pamamagitan ng gawa mo, nagkaroon kami ng pagkakataon na balikan ang nakaraan.. ang masaya, simple, tahimik at mapayapang buhay….

Bons

32 Responses to alaala

  1. petter tosh says:

    wow new entry ng idol ko ^^

    ang sarap ngang balik balikan para akong nag time travel sa new entry mo halos lahat sa nabanggit at nabasa ko dito naranasan ko nung bata pa ako masaya, simple, tahimik at mapayapang buhay tama ka dyan bro ang sarap talagang maging bata nabuhay na tayo sa KAPAYAPAAN lalo na nung panahon nayon.Isa lang ang masasabi ko bro kung makakabalik ako sa panahon na yun hahanapin kita at makikipag laro ako sayo hahahahaha..^^

    bons: wow! salamat sa comment! sarap talagang balikan nun!! nakakmiss nga yung mga laro dati wala ng ganun ngayon! brod its my pleasure to play with you lalo na artista ka pa pano pako tatanggi non~!~

  2. y says:

    reminds me of a beautiful childhood and youth. i’m so thankful na naranasan ko yung mga ganung bagay nung during my growing years. nakakalungkot nga lang na ibang-iba na ngayon. hindi na ganun kasimple ang buhay. sana pwedeng bumalik. sana pwedeng mag-rewind. hay…
    nice post! nakakabata sa pakiramdam. astig talaga generation natin. hehe!

    bons: uu sarap kung may rewind, ung mga bata ngayun hindi na nila alam yan. wala na yatang harangtaga ngayun. kasi madalang nadin mawala ng kuryente at mapansin ang bilog na buwan. madami pang iba na ang sarap talaga balitan.. salamat po sa pagdaan..

  3. flamindevil says:

    aba hindi ko na alam ang ibang terms ah..napaghahalata ang edad ng gumawa..hehe

    this is nostalgia at its best parekoy..galing..dami kong naalala

    teka,nalimutan nya pa ang pompoms,chikadee,bubblers,fanta,lala chocolate, bote dyaryo na kapalit ay junk food, shake shake shampoo, saksak puso tulo ang dugo, ps ps i love you,langit lupa impyerno,taguan,taguan tsinelas,open the basket,at kung anu ano pa…

    bons: hindi kona din alam un iba dyan, pero halos karamihan naabutan natin. ung pompoms! at mga kakaibang laro kasama din un mangga mangga hinog kanaba? haha. mangkok o mangkukulam?? wahahah

  4. topexpress says:

    pareng bon! isa ka sa pinakamagaling na ecijanong blogger sa balat ng earth! (para sa akin ha!) naks! ^_^

    Sarap balik-balikan ng nakaraan, mga alaalang nagdaan di ko pa din malimutan. Naalala ko pa ang pag gawa ng bangkang papel, elising gawa sa dahon, at ang huli sa mga makukulit at makikiring salagubang.

    ang mapang asar na “tutubi tubtubi wag magpahuli sa batang mapanghi…” ^_^

    Eh ang tanong? pare koy, nasaan ka ba nung kabataan? sayang naman kasi di nagtagpo daan natin, eh di sana nakalaban kita ng jolens, o makabayan? eh di sana mas masaya ang alaala ng kabataan. kahit bata tayo pagkatapos ng laro sabihin ko pa din ” tagay!” kaibahan lang, sago at gulaman o tinimplang juice ang inuman! ahehehehe

    nice entry tol. sarap balik balikan. sa author ng email na yan, saludo ako sayo. salamat sa pagalala sa mga “alaala”.


    bons: haha. dalawa n kayung maghahanap sakin nun bata pa ako. sama mo si tosh! at magtagay tagay tayo! uso din nun ang mga baril barilan long ranger at kung ano ano pa at masarap ang gumanap na palaging bida kasi ang angas ng dating tapos kunyari naninigarilyo at ang kabayo ay patpat lang naman na parang sinasakyan tapos tatakbo ng patalon talon sabay palo sa pwet! haha. ang dami sobrang umaapaw sa mapaglilibangan nuon.. pag umuulan naman sarap tumapat sa alulod ng bahay wahah di natin alam nun madumi pala un kase may mga dumi ng pusa! whahahaha!

    kung nag abot tayo saya ng laro! at siguru ka text din kita mayron ako nuon na makarang pamato! palaging tao! haha.. tapos yung mga laruan eh itataya sa tatsing na nsa loob ng square na guhit sa lupa.. kailangan lang ng manipis na bato para sa pamato at pagalingan umasint sa laruang nakataya! oopss napahaba.. ilalaan ko pa ung iba sa ibang comment hahah. salamat sa pagdalaw!!

  5. Jorge says:

    Uy, bagong entry!! At binalik mo sa dati ang theme mo ah, hehehe.. mas maganda to hano?

    Teka, gusto ko tong ipost nun pa sa blog ko kaso nde ko makita ung kopya ko, hehehe..

    Gustong gusto ko tong basahin pati na rin ung ibang mga version (na galing din sa email mo, hehehe), kasi totoong totoo to, nakakarelate ako sa lahat ng mga nakasulat, astigin talga to, sino kaya original author nito? hmmmm…


    bons: ngayon nandito na sya anytime pede nating balikbalikan. masarap kasing ulit ulitin.sakto kase ang karamihan sa mga sinasabi.masaya tlaga ang buhay dati napakasimple.. ang galing ng author..

  6. potsquared says:

    ayos to bon ah… nagawa ko pa yung iba jan… masarap talaga noon.. worry free talaga… haayyy…


    bons: salamat engr pot sa pagdalaw!! sigurado ko alam mo lahat yan =)

  7. livingstain says:

    hindi ko inabutan ung 10 dyes nung nagaaral ako, pati ung nasa stick ng ice drop…

    ung mga laro pasok ako jan….


    bons: ako din hindi kona inabutan yun. ang baon ko nun piso sa umaga, piso sa hapon.. ang mura pa ng bilihin nun hayst!

  8. azul says:

    how nostalgic though yung ibang mga terms hindi ko talaga alam..

    napangiti ako ng maraming beses lalo dun sa part na magiisis ng desk..ginagawa kasi namin dati yun nung elem ako.nung kahoy pa ang desk namin..

    ang sarap talaga balikan ng nakaraan lalo pa ngayong panahon na ito na lahat nagbago na..kinain na ng teknolohiya at kung anu anu pa ang panahon ngayon…


    Bons: oo ako din naalala ko ung desk! ilalabas ang mga desk sa classroom at paputian or pakintaban kase tuwing friday iisisin ng pakiling tapos konting tubig at sabon!!pero nung panahon nayun aminin natin pinangarap natin ang ano mang technology na meron tayu ngayun!

    sarap lang balikan…

  9. kay tagal na hinintay…saan ka bang lupalop nanggaling parekoy?….tama ka mas maganda noong araw …mas simple..mas maganda ang buhay …
    ang totoo nyan….ngayon ko na lang talaga napagtanto na ang mabuhay ng payak ay susi sa tunay na kaligayahan……
    kay sarap alalahanin……


    bons: wahaa kaytagal bang hinintay? hehe nagpunta kasi ako sa nakaraan! ayan pagbalik ko dito dala ko na yan pasalubong para sa lahat! ^^ hehe salamat po sa pagihintay at sa pagdalaw!! welcome palagi!

  10. joycee says:

    minsan nakakaingget yung mga mas nakakatanda kase naexperience nila *o niyo* yung mga gantong bagay.

    yung iba naabutan ko jan, yung iba hinde, yung mga bata ngayon ibanag-iba ang trip tsktsk.


    bons: masaya nuon!! simple lang buhay pero kuntento kung anong meron!!

  11. jeremiah says:

    hmm..retrospection spree ito.. :D hehe..nakakatuwang nakakalungkot dahil nasanay na tayo sa kasalukuyang panahon at okei di naman ang buhay, pero may mga simpleng bagay na hahanaphanapin natin pero wala na dahil naging parte na lang sila ng nakaraan natin.. :|


    bons: sa mga susunod pang panahon mas malala pa ang technology.. maaring ang mga nangyayari ngayun ang aalalalahanin ng susunod na henerasyon! hays! sobrang high tech na siguru nun!! 20 years mula ngayun….

  12. teentoinks says:

    TAYO NOON…

    Simple… Payak… Pag highest ka sa exams, ikaw na magcheck ng exams ng mga classmates mo, pagkakaguluhan ka pa. isa pang nakakamiss sa school yung mag uuwi pa ng “bulgor” or “yellow corn” tas may pa-feeding once a week or pag may bday, kaya may baon ako laging kutsara sa bag ko. Tas bibili pa ng lugaw at pandesal na singlaki ng mangkok na lalagyan ng lugaw, piso lang na baon busog na!. Haysss…. Ang simple ng buhay noon!

    Awit muna: Alin alin alin ang naiba… piliin kung alin ang naiba!

    Eto ang pinaka gusto ko noon:
    “Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa”

    Ngayon kasi, ang dami na distraction, parang hirap na gumawa ng oras para sa isa’t isa.

    Ang galing ng author, simpleng buhay… hindi masyadong kumplikado pero masaya at payapa.


    bons: oo nga pag hihest ikaw mag tse tsek haha,sikat ka pag ganun! marami kang magiging friends hehe! well ganito nalang kaya nating gawin ang nalikan ang nakaraan! pero we should be happy dahil kahit papano naranasan natin yun, hiniling din naman natin ang kaginhawahan sa lahat ng bagay at nandito na ngayun un! masaya padin ang kasalukuyan! bow!

  13. p0kw4ng says:

    hay para akong bumalik nong bata pa ako..nagiigib ng tubig sa poso ng kapitbahay…magkakatulong sa pagkakabit ng kulambo…pagtulog sa papag…hay ulit…parang naririnig ko pa ang sitsit lang ng nanay ko eh nagmamadali na akong lumapit kahit na ano ang ginagawa at kahit gaano pa ako kalayo…

    ang gandang post!

    bons: nag time travel si powkie! nakakatuwa usually mga girls nagkakabit ng kulambo tapos kami namang mga boys eh pang gulo! hehe salamat po sa pagdaan!

  14. bipolarsisa says:

    “Kung naaalaala mo ito…nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN! ”

    saklap..hindi ako nakarelate sa mga nabanggit..gulo na talaga ang panahong inabutan namin. tsk.


    bons: so hindi ka nabuhay sa kapayapaan!? ^^ sayang! sobrang payapa at simple ng buhay nuon…. pero salamat po sa pagdaan..

  15. leoj says:

    -palagi ako presidente ng klase – haha
    -tagacheck ng papel – astig
    -palagi kumakanta twing monday program – frustrated singer :)
    -gimik: ilog, dagat – no other place like mindoro
    -tambay sa kaklase sa barrio – kain ng nilupak at buko – yummy

    Simpleng buhay noon — MASAYA — MAPAYAPA
    Kumplikadong buhay ngayon — NAKAKALUNGKOT — MAGULO

    yet we can still be and always be HAPPY.. remember that simplicity is the essence of happiness. sabi nga ni Bo Sanchez (research na lang kung sino sya, haha) “simplify and live the good life”.. that simple!

    Life is beautiful!


    bons: so ikaw ang pinakamatalino sa klase at sigurado ikaw din pinaka maraming kaibigan! hehe ganun kase pag taga check ng papel^^ at ok sa talent kase kumakanta sa program pag monday! pangarap kaya ng bawat bata un na masama sa program!! sarap talaga ng simpleng buhay noon!! haysss! lalo na sa probinsya! salamat sa pagdalaw dito bro!

  16. flamindevil says:

    daan ka sa blog ko ngayon din pareng boni!bilis.may surprays ako.tingin ka sa upper right corner may pogi.hehe


    bons: wahaha andun pala ako yihaaaaaa!! ^^ salamats!!!

  17. ladyeliz says:

    ano ito blast from the past bons.hehhehe! pwede ito pang maalaala mo kaya.
    anyway tama ka masarap balikan nung kabataan ntin.yung mga nbanggit mo dyan nagawa ko lahat yun nung bata pa ko at saka naranasan ko yan. ngenjoy talaga ako nung kabataan ko. pagkinompare mo ngyn at noon ay iba na. kasi ngyn lahat hitech. iba na mga kabataan ngyn.
    wow!ang ganda ng blog mo bons as in.ang galing mo talaga bons gumawa ng blog at saka pwedengpwede ka na maging writer.bilib na talaga ako sa iyo.
    ngapala bons c meliza ito nkagawa na me ng account dito para sa blog. kaya abangan mo rin in the near future ang blogs ko.


    bons: hihihi ^^ hindi po ako ang author.. salamat po sa pagdaan dito sa bonistation! abangan nalang namin ang iyong blog soon to be! ..

  18. Ax says:

    ang haba ng post pero nag enjoy ako! hindi ko yata naabutan yung iba dyan! memories, ow! memories!


    bons: oo bata ka pa kase!! ^^kasabay mo na nga yata ang mga test tube babies hehhe!

  19. bernardumali says:

    proud ako at nabuhay tayo sa ganyang panahon. memorylane kakamiss. maraming namimiss ang henerasyon natin ngayon.

  20. yhen says:

    ang sarap talagang gunitain ang ating kabataan…

    noong panahon ko naintindihan ko lang at naisakatuparan ang salitang crush nung 4th year na ako. ngayon nasa kinder palang alam na ano ibg sbhn nito at sila mismo may itinuturing na crush.

    noon, tawagan lang sa telepono ang form ng bonding at chikahan aba ngayon elem palang pwedeng mag sleep over wd frens or magtextsan magdamag.

    noon, limang piso lang baon ko araw2 ngayon kaunti pa ang 20 pesos sa elem stud.

    ay grabe talaga….

    shocks i cant believe i am saying that. ayon kasi kay bob ong na kapag sinimulan mo ng ikumpara ang panahon mo noon sa panahon ngayon it only means one thing GENERATION GAP o kung sa tagalog pa eh TUMATANDA KA NA.

    hehehe… nwei, ayos lang… ganun talaga ang buhay… kelangan mag grow…

  21. pickleminded says:

    hi! i happened to see ur site, and the topic po is great, kakamiss ang childhood and its really nice to reminisce those times. Hope u can visit my site as well… Thanks Thanks

  22. nicelyn says:

    my new entry na pala.. nahuli aku.. hehe. (para nmng nag cocomment aku madalas?).. Niweiz, ganda ng entry at hndi msyadong mahaba..haha

    Sarap tlagang balikan ang mga bagay bagay na nangyari stin nung bata pa tyu.. kaukulitan, pakikipag harutan, hay, at kung anu anu pa.. thats life!

    Nice entry hon.. hehehe ^^

    bons: ayun o dinalaw ng mahal na reyna ang aking blogsite! ^^ bigay pugay hehe! thanks hon!

  23. flamindevil says:

    tagal ng bagong post..

    gawin mo kong inspirasyon para makasulat ka ng bago..nyahaha

  24. Ax says:

    napadaan lang! hehe.

  25. jason says:

    hi boni.

    heheh salamat napadaan ka samumunting bahay ng hamster.
    hehehe

    at syempre dahil pareho tayo ng theme, i aadd kita sa blogroll ko

    at dahil sinabi mong napabili lang kami ng suka

    hahahaha

  26. walang new post ang ating station ngayon ah…

  27. flamindevil says:

    hanubey pareng boni

    san ka na?

  28. jason says:

    Oi

    sama ka sa mga pag-gala namin ha!

    pag andito ka nasa Pinas!

    HEHEHEH

    aantayin ka namin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  29. livingstain says:

    Hmpf…

  30. bumalik sa alala ko ang kapayapaan at payak na pamumuhay noon

    sarap ngang balikan kuya hehe

    ang peaceful talaga..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: