paramdam lang

kahit wala akong post wala pading araw na naging zero ang viewer ko (hikhik). salamat po sa mga bumabalik balik. ^^

sobrang init dito sa saudi. minsan umaabot sa 48degrees celcius ang temperature. swerte na lang talaga at may aircon. pero sa labas ng building awww! ang init parang nag aapoy ang paligid ok sana kung apoy yun ng masarap na pagmamahal sa maalab at madilim na gabi (hays). pero hindi eh hindi mo kakayaning tumayo at baka ilang minuto lang ma stroke kana. summer dito simula ng march hanggang september.

dalawang taon na ako! ang bilis pala ng panahon, parang kelan lang unang dumating ako, hirap paniwalaan sa sarili ko na nakarating ako ng saudi.. pero kahit ganun marami padin akong gustong alamin at gawin. mga bagay na hanggang ngayun eh nananatiling “hindi pa” para sa akin.

tulad halimabawa ng:
1. hindi pako nakakita ng buhay na camel sa malapitan yung pede kong hawakan o sakyan.
2. hindi pako nakakapunta sa sinasabi nilang red sand! (isang malawak na disyerto na hindi naman pula ang buhangin.)
3. hindi kopa nakikita ng personal ang hari, prinsipe, prinsesa o sino pa man sa kanila.

pero dito lang din ako naka experience na ang mall may schedule hindi ka basta basta pwede pumasok! may mga araw na family lang ang allowed sa loob! taragis kaya kung balak mo lang maglaboy o magtingin ng mga dumadaang chicks, zero hits ka, tsaka ano ba naman makikita mo sa mga babae kundi mata.. isa yun sa kultura at paraan nila para mapangalagaan ang mga kababaihan.

masasabi mo talagang bawat bansa may kanya kanyang katangian; wala man silang mga forest at kahit halos isang beses lang ang ulan sa loob ng isang taon maswerte padin dahil nasa bansa nila ang pinakamraming reserba ng langis. wala pa yata sa limang piso bawat litro ang presyo ng gasolina dito. 1st class pa yun; walang polusyon sa kahit saang kalsada..

mayaman ang gobyerno hindi na kailangan mag tax ng mga tao. yun nga lang masyado pa sigurong bata ang bansa nila dahilan para mangailangan sila ng tao at manggagawa galing sa ibang lugar (tanaann! “kami yun” Overseas Worker at iba pa) ^^ pero unti unti nagkakaroon nadin sila ng sariling kasanayan at sa darating na panahon makakaya na nila ang lahat ng uri ng trabaho.. matinding pagpapalawak ng edukasyon at training ang ilan sa mga priority ng gobyerno.

hays ang habang paliwanag para naman akong saudi national nyan hehe. hamo na nga sila. bottom line is masarap ang maging isang ofw mainit man o malamig ang panahon sulit na sulit yan lalo na pagdating ng swelduhan yihaaa! sa ngayon patuloy padin akong nagpapasalamat kay Big Bro dahil binigyan ako ng pagkakataon na makapag work dito at sana more years to come pa!

 

 

Bons

**

“Not everything that makes us happy is right..but for sure, there will come a time when everything that is right,will make us happy”..

 
 special thanks to AxeRealm, JasonHamster and LivingStain click this

48 Responses to paramdam lang

  1. livingstain says:

    alam mo ba sir na ako yung pabalik balik dito… sir pag umuwi ka mapagdadaos tayo ng grand EB for 3, with mang jorge… whahahaha… mag uwi ka ng tapang camel… hihihihi…

    one more chance… (I hate you)


    bons: salamat sa palagiang pag bisita! ^^ sige grand EB nalang kasama si laboyking jorge.. nakakain na pala ako ng camel! hehe

  2. ako bumabalik-balik din ako dito at natuwa naman ako na may post na ulit…

    bons: salamat po father! ^^

  3. Heleyna says:

    oo nga parang kang saudi national kung magkwento. hmm informative naman eh imperness. {ganun, may schedule ang mall? nyay!}

    para ka ding multo…paramdam. haha. GBU!


    bons: thanks! mukha lang siguru arabo minsan hehe pero hindi ko ipagpapalit ang dugong pilipino naks! ahaha! amp! salamat sa pagdalaw multo ba kamo? awoOOO!!

  4. teentoinks says:

    1. hindi pako nakakita ng buhay na camel sa malapitan yung pede kong hawakan o sakyan.
    CONCLUSION: Takot ang camel sa kuneho. Lalong wala naman sumasakay na kalabaw sa camel. Toinks!

    2. hindi pako nakakapunta sa sinasabi nilang red sand! (isang malawak na disyerto na hindi naman pula ang buhangin.)
    CONCLUSION: Baka naman nakapunta ka na di mo lang alam na yun na yung RED sand… Remember color blind ka! Second thought… pano mo malalaman na nasa RED sand ka nga kung hindi pula ang buhangin?(GULO) Toinks uli!

    3. hindi kopa nakikita ng personal ang hari, prinsipe, prinsesa o sino pa man sa kanila
    CONCLUSION: Isa lang ibig sabihin nyan…. Ayaw nila magpakita sayo, kaya wag mo sila hahanapin! OK? Hehe

    Newei, masyadong bata ang bansa nila pero maunlad na? we take advantage of whatever opportunities that KSA can offer. We need job and they need us… mayaman ang basa nila at mayaman tayo sa tao… so NO TO BIRTH CONTROL! Make sense naman diba? ahihihi TOINKS!

    Ciao pangs…


    bons: haha kontrapelo ka ah! huh! welcome sa internet kasi may broadband kana!

  5. p0kw4ng says:

    tuwing makakarinig ako ng camel at makakikita eh di ko makalimutan yung kwentong barbero na sa sobrang sabik sa babae nong isang taga saudi eh ginahasa ang camel…ahahaha sowee po camel!

    welkam bak!

    bons: parehas tayu ng naalala! alam ko din yung joke na yun at ang sabi pa nya ayaw nya ng dear kase mabilis tumakbo yun! hahays! anyway salamat p0kw4ng.

  6. parekoy! ang tagal mong nawaal ah…musta naman,,,,dito mainit na rin sa italya…summer na…pero syempre alam ko mas mainit dyan sa saudi….hehehehehe …mabuti naman at nagparamdam ka ulit..heheheh……miss ka na namin…dami ng nangyari dito…may mga pakontes…may nanalo at may natlao din…hehehehehehehe! marami na ring nag eb sa manila…hehehehehehe…sana kami rin….bakasyon ako at the end of this month…wheeeewwwww…saya !

    bons: wow! ramdam ko ang excitement mo sa pagbabalik ko wah! hehe salamat parekoy! ang dami ngang pakontes palagi parin naman ako bumibista sa mga blog nyu. silent mode lang.. malapit na apal bakasyon mo! saya saya naman!! ako sa october.. enjoy mu lang!!

  7. flamindevil says:

    magpapamisa ko!may bagong post ka na pareng boni!yipeeeeeeee

    biruin mo,bilis talaga ng panahon.tama ka dyan.at kainggit ha.walang tax sa kanila. naman!

    btw pareng bons, tenks sa pag tour sakin sa napakaganda mong palasyo.hehe


    bons: hindi ka makakapagpamisa wala din pari . si revsiopao eh naka indefinite leave sa blog nya! anyhow, pareng rye baka may mang mang away sakin na fans mo nyan ah haha dahil na itour kita eh baka sabihin masyado na tayung close! wiiiiiiiiiiiii!!

    • flamindevil says:

      loko loko ka.lol ako dito..literally

      bons: wahaha! mainam na nagiingat nyehehe

      • livingstain says:

        nyahaha sir bon naikwento ko nga rin pala yun sayo. whahaha natatawa tuloy ako… pag ba kasi nakaclose si FD may nangaaway… whahaha…

        bons: eh yun ang ayon sa tsismis na kumakalat haha

  8. The Lady in Green Ruffles says:

    ayt..sabi nga ng ate ko na andyan din..halos magkasabay lang kayo nagpunta jan..uwi na nga dis december..yahoo!

    bons: wow saya saya dami pasalubong! hhehe! salamat po sa pagdaan dito! green ruffles nice name! ^^

  9. Ax says:

    huwaw, kahit wala kang bagong post marami ka pa ring bisita hehe.

    ay, kuya, lalo na ako. kahit nandito ako sa pinas di pa rin ako nakakakita ng raflesia. at di ko pa rin nakikita ang madam president. at di ko pa napupuntahan ang bohol.

    bons: salamat ax! at salamat din sa message in a tissue! ^^ sabagay ako din naman hindi ko pa nakita si GMA. gusto ko din pumunta sa bohol! tara!!

    • Ax says:

      oo nga yung tissue! hehe. nagulat nga kami ni jason kase kakilala ka pala ni stain!

      sabi namin, “talaga?”

      hehe. eh, bossing yun si sir boni!


      bons: nyaaa! may ganun bossing!? hindi po,. karaninwang tao lang din si boni hehe. nandito yung tissue na yun nanjan sa ilalim ng entry!

  10. Jorge says:

    Ay! nagbabalik!! aawwwooo!!

    isa ako dun sa mga dumadalaw sayo dito kahit wala kang entry, nakaopen in all tabs ako lagi, kaya lahat ng nasa peborit ko nag oopen in one shot.

    osya, i super thank Big Bro din at nde ako dyan napunta, nde ko makakayanan ang may schedule sa mall! at masisiraan siguro ako ng bait kung makikita ko lang eh puro mata at itim na kulubong!! wahahah hehehe hihihi hohoho huhuhu.. ibalik nyo ko sa pinas ang drama ko nyan! toinks!!

    namiss ka ng sambayanang blogista parekoi! welcome back!

    bons: awooo! salamat hehe. paramdam lang kundi mo naramdaman eh busy ka! wahaha.anyhow. hindi ka nga makakatagal dito kase hindi ka pede lumaboy ng lumaboy.. kaya pasalamat ka nga at nandyan ka sa malaysia. pallit tayu kahit 1 month lang O!? hehe.

    salamats ule!!

  11. joycee says:

    Ayeee welcome back, Kuya. Mukhang bising bisi ka nga jan Saudi. Basta enjoy at siguraduhing magagawa ang mga bagay na di pa nagagawa. :)


    bons: thanks joycee!! busy busyhan lang hehe! salamat sa pagdalaw ha!

  12. livingstain says:

    papadamihin ko bisita mo, sana makatulong…

    • arsean24 says:

      makikisingit na lng ako d2…hahaha isa sa mga bisitang inaya ni stain…wehehe

      parang gusto ko na din pumunta dyan at maranasan ang saya kapag swelduhan na…wehehehe..akoo din gusto kong makakita ng camel…?

      bons: salamat po! uu masaya talaga pag swelduhan wahahah! tara dito at maghanap tayo camel! ^^

  13. potsquared says:

    ayan nabuhay uli si bons.. ehehehehe.. ang bilis ng panahon.. 2 years ka na pala sa saudi.. sana magtagal ka pa jan.. more blessing for you kaibigan..


    bons: thanks engr pot! musta yung rubix cube mo haha napeke moko dun wah! kala ko talaga iphone ang idemo mo! taragis! ^^

  14. glaiza says:

    hi sir musta? kpitbahay lng pla tau. im hir sa dubai..

    bons: hello!^^ naku eh pang mayaman lang ang dubai! sarap daw dyan eh! thanks sa pagbisita

    • glaiza says:

      pngmayaman lng b d2???!!! bkit d mo cnb agad skin sir? kainis!!! mgnda lng po ako d ako myaman hhehehehe.. dont wori lagi ako visit d2 lagi kc ako ala gngwa s opis hehe.


      bons: hahah. pang mayaman ang pang magaganda lahat lahat na! ^^ eh tsaka sin city daw yan wahaha! sarap naman dyan! hahayss!! sige tambay kalang dito pag hindi ka busy~!

  15. naglalambingnacute says:

    hi boni padaan din..

    ngayon lang ko napadpad dito pero nakikita ko na ang name mo sa blogsphere..


    bons: pano ba talaga maglambing ang isang cute? eh di napaka cute na nun? hahayss! ^^ salamat po sa pagdaan!

  16. anakngpating says:

    napadaan uli kuya boni hehe..

    basta ko uwian mo ng buhangin ha hehe..jokenesss..

    naalala ko ung wild boys..ung laway ng camel kinain ni chris,at steve-o haha..kulet..

    dami pa din hits kasi nag aabang sila sayo..


    bons: awww dinalaw ako na isa sa mga reyna ng blog! hehe! salamat anakng pating oo! hehe .

  17. IKAY says:

    haayz sadyang ganyan ang buhay dito sa middle east..hehehe!
    pagmainit sobrang init…pag malamig nman sobrang lamig…
    pero imperness d2 sa kuwait walang skedyul ang mall..ahihi
    napadaan lng po.. ^_^
    GBU!

    bons: wow kuwait ka?! regards sa emir! hehe! ^^ uu skedyul talaga naexperience kona kase hindi kami pinapasok wahaha! sabi eh family daw !! salamat po sa pagdalaw dito!

  18. bernardumali says:

    nasubukan mo na bang magsuot ng damit nila? weird ah, may schedule ang mall. kumusta pala crime rate dyan? lol.


    bons: haha hindi pa! ang nasubukan ko palang eh magpahaba ng balbas wahaha! ^^

  19. petter tosh says:

    Napadaan lang idol ok tong new entry mo napabatid mo sa mga mababasa mo na kung gaano kahirap at kainit dito sa na disyerto sa bansa ng mga arabo pero ayon sa pag kakakwento mo ang lake nga dipirensya ng saudi at qatar dito kasi medyo open na hindi sila ganung kahigpit kung tatambay ka naman sa mall makakakita ka ng mga chicks na kaiikli ng suot hehehe tulad din dyan may family day din dito di ka makakapasok sa mall kapag puro lalake kayo pero kung may kasama kang babae makakapasok yun ang rules nila kaya kung minsan napipilitan makipag kilala at makisabay sa iba nating kababayan dapat nga lang makapal sa pakikipag kilala sa mga chick na pinay.Ganun pa man hwag mo ng asamin na makakita ng camel ang baho kase hehehehe kumakapit yung amoy nya kahit maligo ka pero isang araw lang naman hehehehe

    more post idol na miss ko tumambay dito

    bons: salamat mr.penshoppe model hehe! uu pede din naman dayain kunyare part of the family ka hanap ka nalang ng kakilala para may kasabay ginagawa nadin namin yan dito haha.pero ung maiikling suot wala talaga eh.. hahayss. mabaho pala ang camel? haha siguru yugn mga hindi naliligo.. nagkalat nga daw ang camel dyan eh kahit sa streets makikita sila.. pag uwi mo nalang ako wahaha! salamats sa pagdalaw dito!

  20. hanz sapitan says:

    naku! parang masarap magpunta ng saudi pero ayokong iwan ang pinas!
    1. Di ko kaya ang sobrang init.. kung dito nga sa pinas nalalaga na BETLOG ko sa init jan pa kaya!
    2. Dito madami ka makikitang Chicks.. at madami ka makikita sa kanila ahihihihi
    3. Dito kahit walang pera pwede pumunta sa mall at walang sked!
    4. Dito walang hari at reyna na royal blood,, hari ng kagaguhan at reyana ng kurapsyon meron hahahah
    5. Di pa rin ako nakakakita ng camel. Camel toe oo nyahahaha

    Kaasar naman, bumalik ka na lang dito para di ka nagsisenti jan hahaha.. apir sir bon!


    bons: wahaha salamat sir! kaloko haha. so far hindi pa naman nalaga betlog ko dito hehe. magaganda daw ang prinsesa dito ay panalo ang looks haha yun nga lang mahirap ma spot-an! salamat sa pagdaan!

  21. nicki says:

    panalo!!!!
    haha..Ü


    bons: yipiiiiii!

  22. Jgo says:

    Hi Sir! Welcome back…=) Muzta na? Penge camel!hehe

    bons: thanks ^^ wala ako camel haha di pa nga ako nakakita eh!

  23. Ubastet says:

    I like this:
    “Not everything that makes us happy is right..but for sure, there will come a time when everything that is right, will make us happy”..

    Very optimistic! :)


    bons: thanks! ako din gusto ko yan hehe! finally may nakapansin din! hahaha! salamat po sa pagdaan!

  24. nicelyn says:

    don’t worry hon, makikita mu din ung mga bagay na hndi mu pa nakikita jan as of now.. ( haba ng comment ko!)
    nagparamdam lang! hehe


    bons: thanks hon! luv u! ^^

  25. chicksykat says:

    oh matinong comment na toh…

    alam mo ba habang binabasa ko tong post mo naluluha ako…hindi dahil sa natats ako or wat evah..naluha ako kase masakit na pala ung mata ko,hindi na nman ako sanay magbasa ng mahaba naninibago na nman ako..{sabi ko nga walang connect sa post mo..eh bakit ba comment ko toh eh…ahehhehe}

    ako din curious ako ano ba itsura ng mga hari, prinsipe, prinsesa jan sa saudi..

    eh tuwing kelan lang pala kayo pwedeng magmall jan?kapag diy op ng mga “Overseas Workers”…{curious lang po..hehe^^}

    salamat uli sa malupit na payo^^


    bons: wahah kala ko pa naman nakasulat na naman ako ng isang matikas na obra kaya naiyak nun pala diprensya mona sa mata hihihi.anyhow! ang pinagtataka ko sa saudi! may hari may prinsipe ma prinsesa pero WALANG REYNA! nyahaha! uu sad but true hehe!~
    may ilang malls naman na anyday pede pumunta..

  26. Hi Sir Cute..daan lang!

    bons: haha salamat po!

  27. topexpress says:

    ahahahah. tol, welkam back! silent mode ka kasi. Ako din di ako masyado nakakapag blog hop kasi busy sa work, pagdating sa bahay tulog na din hirap kasi backshift o graveyard.

    wawa ka naman! na experience ko na yung tatlo na wish mo! ahehehe

    1. Face to face encounter sa camel, sinakyan ko pa at naka kain na din ako!

    2. Been into the Red sadn pero di naman red orange lang, kaya nagiging red is dahil sa pag lubog ng araw yung light effect sa orange sand nagiging red.

    3. Ive met one of the prince since stock holder namin sia sa company at kinuha nia kami na mag perform sa jeddah ng launching ng psp.

    yehaaaa!!! welcome back sa blogspere! wag na kasu maging lurker!

    hmp!


    bons: limang taon ka naman kasi sa saudi haha. tsaka superstar ka nga ng riyadh kasi ^^ anyhow goodluck dyan sa canada puntahan nadin ang mga dapat puntahan..

  28. p0kw4ng says:

    psstt boni..balik ka sa bahay ko at may pekpektyur na yun…kung bakit ba naman kasi ineedit ko pa lang yun nong pumasok ka,ahahaha….

    salamat!

  29. shynyrd says:

    wow ang sweet naman ng tatlong pogi..
    nag eb pa sila
    at nag sb
    para lang iprotesta na mag BLOG ka..

    woohooo…

    padaan…


    bons: ahaha oo nga! at sa starbucks pa nag inom mga susyal wahah

  30. Chris says:

    so made it saudi po ba tong post na tohh???

    la lang nagpaparamdam lang din po dito sa blog nyo..

  31. jason says:

    parang alam ko na

    kung bat i papack ang hamster..

    hahahahah

    ayokong pumayag.
    hahahahah

  32. flamindevil says:

    dumaan lang ulit para mangulit..

    kaw naman masyading defensive sa comment sa post ko!nyahahaha

  33. chennn says:

    ganda ng quote :)
    naexcite naman akong pumasok bukas, hehe

  34. shynyrd says:

    padaan din…

  35. Jin Navarro says:

    I tried to publish a comment earlier, but it has not shown up. I think your spam filter may possibly be broken?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: