bag ko ‘to

na tag ako ni livingstain tungkol dito na nagsimula naman kay machongbutiki. nung una ko to mabasa kay mb, natawa ako kasi para lang artista sa SNN with Boy and Kris at nakita ko to minsan ng mag feature sila ng mga celebrity  ^^

akoto1… enjoy naman kasi parang dahil sa bag eh nakakaaliw na makita yung isang bahagi ng personality ng isang tao..  ano ang karaniwang dala nya, mga bagay na kasama nya sa paglakad, pag pasok sa opisina at iba pa. aminin man natin o hindi lahat tayo siguradong may bag at naging parte din to ng paglaki natin. kinder ako ng unang magkaroon ng bag, tuwang tuwa ako nun at ilang linggo bago magsimula ang pasukan sabik na sabik ako at halos tuwing umaga eh binubuksan ko yun! (amoy bago)^^ – wala nasabi ko lang haha,. konting reminiscing lang wushu!~

o ngayung nagwowork nako, hindi na simpleng notebook at papel ang laman ng bag ko, kasabay ng pagkamulat sa totoong buhay at pagpunta sa mga bahay aliwan at pakikipagsapalaran sa hamon ng bukas (ahaha taragis parang totoo!)  naging mas makabuluhan at kapakipakinabang na ang mga bagay na nilalagay ko sa aking bag..

eto…

bagko

click mo lang para sa mas malaking view.

1. paracetamol– mabilis kasi ako ma stress lalo pag mainit;  pag stress resulta sakit ng ulo kaya palaging may dalang gamot.

2. notebook-parang cellphone lang din, hanggat maari dala ko sya, lalo pag night shift ang duty o kaya naman ay pag may dota tournament kami.^^ eto na yata ang pinakamahalaga kong gamit.

3. mouse and mouse pad– maliit lang naman kaya palagi nakasiksik sa bag kasama nya ang mousepad na ibinigay lang sa akin, thank you sa sponsor^^.

4. external hard drive-hehe eto palagi ko to dala kahit wala ang laptop dinadala ko ‘to lalo sa office kasi pag gabi pedeng manood ng movie pag walang masyadong work. nandyan ang tons of movies ko. (all categories hmm.. hehe) nandyan din ang mga installers at other softwares na kung ano ano at pag may kokopyahin na bago galing sa iba dapat palaging handa. ^^

5. surgical mask– haha hindi ko alam kung bakit meron nyan sa bag ko, basta pag bukas ko sa isang pocket nakita ko yan. pero nailagay ko yata nung minsang magka outbreak ng H1N1 dito sa hospital namin.binigyan ako ng isa tapos humingi pako ng extra. mahirap na! ^^

6. mp3 player– (courtesy of topexpress) gingamit ko pag nasa bus ako; pag pauwi sa bahay o kaya papunta sa akoto3work.. madalas pag may malayuang byahe pampatanggal inip at tamang sound trip.

7. 5Riyals– haha akala ko pulubi na ako pag kapa ko sa bag ko may 5riyals pa pala ako nyahaha (62.50pesos equivalent) makakabili na yan ng dalawang bottled water at isang sandwich. ^^ hindi ko yan pang emergency; wala lang wala ako maipaliwanag kung bakitt meron nyan dyan.

8. notebook charger– nahiwalay lang sa laptop  pero dapat kasama ndin sya dun. pangarap kong magkaroon ng laptop na hindi na itsina charge bulky kasi yan hahays!

9. bluetooth earpice/handsfree– gamit ko pag gusto ko maglaro sa laptop ng ako lang nakakaranig o kaya pag watch ng live streaming sa internet. (hindi ko sya ginagamit sa cellphone haha)

10. redoxon vitamin c– nilalagay ko nalang sya sa bag ko kasi madalas ko ma skip pag nasa bahay lang. kailangan ng vitamins lalo na sa work ko. mas mainam na ang malakas ang resistensya baka maisahan ako ng mga virus na yan! huh! kala nila ha! hehe.

11. shades – madalas akong night shift duty sa hospital.kaya pag labas ko sa umaga dito sa saudi ang 7am mataas na ang araw hindi yun kaya ng aking mga mata at kasi isa ako sa ka pamilya nila edward cullen hehe. kailangan ko mag shades para hindi ako masilaw. =)

ayan ang laman ng aking bag. ang haba naman nito! napagod ako sa pag eexplain! para sa akin ang mga yan ay ilang mga bagay na kasama ko hindi man sa araw araw pero masasabing paborito at pede nading sabihing awwwts! si bon yan!

**

itatag ko ang mga sumusunod (pakita nyo laman ng bag nyo)

ung mga GREEN sumagot na sila kaya ivisit nyo po.. ^^

1. fr.fiel felmar (sea snakes!?)

2. batangmangyan (traveller’s bag?)

3. potsquared (dont miss this! watch out!)

4. lady in green ruffles (weakness ng mata ko ang green ^^)

5. supermankind (baka nandyan sa bag mo ang powers mo!?)

6. purpledribbledlife (sir poging hanz)

7. ax (hindi raw sya nag ta tag, baka mapapayag ko.baka sakali lang)

8. joyceish ( takot sa tag eto na tag mo)

9. TSI (patingin bag mo!)

 10. winkie (tignan natin ang bag ni winks!)

other bags/purse/table

pinkdiaries  livingstain  machongbutiki  jorgelaboy  shynyrd  p0kw4ng  tintoinks  topexpress

 

best regards!

bons

 

 

 

82 Responses to bag ko ‘to

  1. Jorge says:

    Base nga!

    hehehe. astig ng caption!! high tech talga!!

    mmyang tanghali ko na gagawin to, kasi nga talga, nde ako nagbabag kaya table nlng ang gagawin ko, kahiya nmn kay mantsa.. toinks!!

    pakopya nmn ng movies!! all categories!! hahaha!!

    bons: sa october kopyahin mo lahat! lahat lahat! haha! abangan namin ang laman ng table mo!

  2. pinkdiaries says:

    haha, 2nd base nga ksi si jorge pdin ehh…

    ako baka nxtym nlng, wala pa tym ma kuhanan ehh… =)

    bons: ako! ako nalang mag pipicture hehe!

  3. 3rd base nako..hehe
    cige post ko maya..hehe..ung bag ko lang ung green..haha..hindi ako color coordinated..

    natag na din ako ni ate joyo..hehe

    pero thanx thans
    natats ako

    bakit nga pala weakness ng mata mo ung green?hehe

    bons: sabi ni insan eduard color blind ako sa mixture of red and green ^^.

  4. ayos ang pix!

    bons: salamat pow!

  5. naisu says:

    vain! hahaha! hindi kasi ako mahilig sa bags, sa totoo lang. :P

    bons: waa!~ ano naman kina vain ko dyan hehe.

    • Jorge says:

      hihi.. tanong ko lang, nde kasi ako magaling sa english, ano ibig sabihin ng ‘vain’? kasi sabi sa oxford, ang ibig sabihin ng vain ay useless, worthless, hopeless o ineffective.. hmmm? natanong ko lang..

      bons: ang alam ko lang vineyard! haha!

  6. jason says:

    ang astig naman….

    ang organized ng bag.

    pa arbor naman ng shades..

    thank you in advanced!!

    bons: aww! kamahal naman ng comment mo hehe!

  7. jason says:

    o sige…

    ahhhhh

    yung bag na lang..

    :D

    di ako makagawa nitong tag na to tinag na ko
    ni machong butiki…

    kelangan ko kasing magprepare hahahah

    bons: paghahandaan talaga! waaaaa! baka puro manila bulletin ang laman!> hikhik

    • wosho. kahit kelan k nmn. dapat sinabi mo na lang na ayaw mo. para di sayang sa space, eh di sna crinoss out ko na lang name u tpos pinalit ko ang ibang pangalan.
      .
      .
      .
      .
      sayang sa character. hehehe

  8. dhyoy says:

    wow naman… sa middle east ka work? hmmm… like ko yang bag mo… ang ayos ng gamit mo… neat…

    sa bag pa lang malalaman mo na minsan ang isang bahagi ng pagkatao ng isang tao….

    nice!

    bons: salamat po dhyoy! nakita ko na nga din ang bag mo! hangdameeee laman hehe! ^^ at may siang bagay akong gusto dun! =)

  9. kuya bon, nurse ka ba jan sa saudi? ahehe..jeddah?

    ganun..hirap naman ng ganyan..

    bons: nurse-nurse-san lang po =) dito po ako sa dammam,sobrang layoooo sa jeddah.^^ andun kapatid mo?

  10. p0kw4ng says:

    ang sosyal naman at may pa nukbuk nukbuk ka pa dyan!

    ganon ba yun..don nakikita ang personalidad ng tao? hihihi

    bons: ayeeeee! haha p0kw4ng ikaw ang gusto kong makitaan ng laman ng bag eh! hehe

  11. hanz says:

    wow totyal ang laman ng bag!

    bons: haha sir ung bag mo san!~

    • hanz says:

      Sir wait mo post ko bukas yung akin.. mejo busy now..hehehe

      • hanz says:

        Naku tinamad na ako ipost wala kasi ako mkita matinong cam. pero eto laman ng bag ko
        1. Natasha/Boardwalk/MSE brochure- oo nagpapaorder ako.tinutulungan ko si misis. kabisado ko na nga mga sukat ng panty at mga DEDE e
        2. Jessica Zafra Book- Di ko matapos tapos basahin. Luma na itong book na to
        3. Index cards- class cards ng mga students ko sa NSTP
        4. Microtel Post it- Listahan ng mga pautang hehehe
        5. 2 pcs white board marker na walang tinta- gamit sa varsity
        6. 1 pc pentelpen- pangvandal sa CR
        7. 2 ballpens na may ibat ibang kulay na tinta- cute e
        8. stabiloboss- malapit na din maubos
        9. Thermos- nagbabaon ako ng kape at milo
        10. PANTY & BRA- paorder ko!
        11. Log book- wala ako pambili ng organizer e
        12. Celphone charger- shemps
        13. totbras at paubos na tutpeyst!- baka kasi may makipaghalikan sa akin e!

  12. livingstain says:

    naman si sir walang tutbras sa bag… hehehe (nangengealam?) ang ganda naman ng bag, sana sa October may magbigay sakin ng ganyan kagandang bag…. (sir dalawa ha…)

    ung musk paulitulitlang ginagamit…

    anyway salamat sa pagtugon mo, sayo langako magcocomment, gudnyt. salamalaykum

    bons: haha nasa drawer ung tutbrush ko at kung ano ano pa.. hindi pedeng wala un. at tulad mo hindi rin ako mapakali pag hindi ako nakapag tutblush! ^^ ung mask hindi pedeng paulit ulit nyaaa itapon mona pag kagamit!
    **kunyare wala ako nabasa tungkol sa bag.

  13. anakngpating says:

    yun yon eh ehhe,,di ko akalain na gagawa ka ng tag haha..kuya boni hehe..

    ang cute naman ng bag mo adidas ehhe..pwede kong utangin ung 5 riyals mo haha jokeness..

    si kuya boni nga hehe..

    pareho tayo dun sa mp3 hehe..

    bons: haha dipende talaga sa tag! tulad nito nah enjoy naman ako kasi. thanks po sa pagtingin at pagpuri s abag ko nyehehe sige sau nalang ung 5riyals! ano laman ng mp3 player mo>?

    • anakngpating says:

      ako din eh naenjoy ko hehe..excited pa kong kinuhaan ang laman ng bag ko kahit medjo malabo hehe..
      di nga akin na lang ung 5 riyals remembrance din hehe..

      laman ng mp4 pala ..kanta saka video ng moymoy palaboy hehe..halo-halo songs ko eh..may kasamang michael jackson pa un hehe..

  14. shea says:

    ang gwapo mo daw, sabi ni TLGR..

    bons: awwts! haha salamats! sino si TLGR? ^^

  15. topexpress says:

    ahhahaha. ayos! nasingit ako?! ahaha wow! salamat sa pag aalaga sa gip kong mp3.

    subukan ko gawin yung sa akin sa ops ko. busy pa eh.

    katikas ng mga gamet! pang mayaman! di na ma reach!!! konyo na!
    di na pang masa!

    awts! ahehhe apir!

    bons: aww thanks ule sa gadget! kung pang mayaman mga yan eh ano na lang tawag sa mga gamit mO>? pang maharlika!? ahehe! at kahit ganyan pang masa padin to!! (sabay kabog sa dibdib) ahaha

  16. TSI says:

    Natawa ako sa 5 riyals, isang pakete ng LM blue haha may sukli pang 1 riyal at isa pa sigurado ako panadol yang paracetamol na yan o fevadol..madala kase akong mag-overdose niyan. :)

    bons: uu tama ka panadol haha effective naman kasi talaga! ^^ 4SR lang pala LM blue.

  17. teentoinks says:

    Nice… hmm nahuli naman ako.. sige kahit yung HP notebook na lang sakin, parang walang may gusto kumuha nun eh. nyahaha

    Teka.. bukod sana sa BAG, yung laman din sana ng laptop ang ipakita o kaya naman kahit yung nasa external hard drive. nyahaha.. Hmmm.. all categories ha!

    Newei, wala ka bang polbo jan? Weh…

    bons: haha isa pa tong mahal ang comment! hindi ko po pinamimigay ang laman ng bag ko ahehe, ung surgical mask pede hingin.. ibibigay ko kung sino me gusto. =) ung files ng laptop at xhdd sige paguwi ko ikopya natin lahat sa laptop mo. (kahileg neto oo hahayss) haha

  18. TSI says:

    ilang Gb yung HD mo? toshiba sya if im not mistaken..

    http://www.tsiremo.com/2009/08/kreative-blogger-award/

    bons: salamat sa kreativeblogger award! tag kita dito sa bag ha!

  19. joycee says:

    Awww ganda anman ng pagkakadescribe ng laman ng bag, weee.

    Takot ako sa tag na’to, kase magulo bag ko eh, buti, so far, wala pang nagatatag saken neto wehehehe.

    bons: anong wala! ayan o tignan mo number 8 ka! gawin mona! anyhow salamat po s apagdaan at sa pagpuri sa bag ku hehe.=)

  20. joycee says:

    Napakadayaaaaaaa mo!!!! Dayaaaaaaa dinagdag mo lang yan eh waaaaaaaah!

    Payn antayin mo ha!!

    bons: ahaha bat ba kase blog ko naman to eh! gawa na!! dalawin namin yan!

  21. cool! ayos tol. timing, kakabalik ko lang from a 2-day trip, hahaha, pero magulo bag ko eh. no problem tho, i’ll do it just for fun hahays. okidoks!

    bons: go! eh baka maruming damit laman nyan haha

  22. potsquared says:

    aba.. eto pala yung tag na sinasabi mo.. ehehehe.. sige.. para sa iyo.. video blog ko to… nakagawa na ako dati kaya lang puro basura laman.. well wala pa rin namang pinagbago laman ng bag ko.. pero sige.. gawa akong bago para ma update naman.. salamat bons… saan mo nga pala ginagamit ang note book? koleksyones ba ng mga telephone number ng mga chicks yan? share naman!! at ano ang laman ng external HD? hmmm.. ayo ko ng alamin.. maiinggit lang ako..

    bons: salamat engr pot! aabanagan ko talaga yan at siguradong bockbuster sa takilya yang videoblog mo tungkol sa bag hehehe. kakantahan din kita ng lupang hinirang! ^^ astiggg ng anak moooo!

  23. Winkie says:

    ahahay! kasali nga ako sa tag! sige sige, game ako jan!

    parang napressure ako sa entry mo. may picture pa talaga nung bag na kakasukbit sa may-ari. ang daming laman ng bag mo ah! hindi ba naman bumibigay ang likod at balikat mo sa bigat nyan?! hehehehe!

    p.s. nainggit ako sa mousepad mo. esprit pa talaga! arbor naman! hehehe!

    bons: nyaaaa! salamat po at gagawa ka! ^^ magaan lang yan, pero siguru pag babae bubuhat ay mabigat nga, ung esprit waaahh binigay lang din po eh ^^ hanapan nalang kita dito hayaan mo hehe.

    • Winkie says:

      pramis, gawain ko ung entry within the day. pikchuran ko lang later ang ang bag ko.

      i feel na mabigat yang bag mo. ako kasi, everytime na may dalang laptop (which i very seldom do) eh nabibigatan… to think na ang laptop ko eh less than 2kg ah! hehehe!

      watch out for my tag entry :P

  24. azul says:

    ayos wah..uso nanaman nga ang tag..at napakadami palang laman ng bag mo..mostly mga gadgets..

    bons: thanks sa pagdaan! konti lang po yan.. hehe

  25. jason says:

    loko to ah!!

    syempre isang dyaryo ;lang laman ng bag ko everyday

    ehehehe

    bons: haha ano yun tempo? nyaaaa

  26. precious says:

    hehehe…ayows..un ang masarap i-arbor! nyahahha!

  27. joan says:

    ..ahhhhhhm ayus ang laman ng bag. hehe . lang powder? lol. hehe.
    ..padaan lang. ;)

    bons: salamat sa pagdaan 1st time mo yata dito? welcome welcome! ^^ ung powder haha di ako gumagamit nun alergic po nyaaa!

  28. aksoriyalmo says:

    waaah! grabe. nahiya talaga ako dun! hehe. di kase ako sumasagot sa mga tag.

    waaah! di ko na alam ang gagawin ko.

    bons: hmm.malapit ko ng sabihing suplado pala si ax, at ayaw bumaba sa level namin hahah **pressure na to**

  29. blu.sparks says:

    puro hi tech ang laman.
    ayos to ah.
    hehehe.

    salamat sa pagdaan sa bahay ko.
    :-)

    bons: nagkataon lang na yan ang laman ng bag ko nung araw na un haha. next time ung mga polbo at kikoy kit naman haha.

  30. wow, peram ng laptap. hehehe
    babalik po ako dito para magkomento ng maaus. hehehe. apir!

    bons: sige lang! welcome back in advans! haha =)

  31. tsenn` says:

    nakita ko po ung captions ng mga laman ng bag nio.. ayun.. naalala kong coe ka po.. hehe..

    gusto ko ung vitamin c *singhot singhot* :)

    happy weekend po ^________^v
    apir ;)

    bons: apir! coe ka nga din pala! *haha nagbalikan lang ng ala ala.

  32. Polaber says:

    Laman ng bag coach bag ko ay ang lv wallet ko n wallang laman kundi mga resibo ng card. Huhuh. Shades gamit s bus para d hlata n tulog n. Lipbalm at lipstick. Suklay n d ko p ngmit khit minsan dhil self combing po ang hair ko. Panyo kc iyakin ako. (d lng halata kc mukang taliban dw ako). Pocketbook n dahilan kaya mabigat at mlki lgi ang dala kong bag.Yun n. Bkit gnito comment ko? Wala lang. Inget kc ako s notebook e. Pocketbook lng kc kya kong bilin. Tse!!!

    bons: haha at may tse pa! nyehehe dahil naman dyan sa pocketbooks kaya naman patuloy kang naiinlove diba? hekhek!

    • Polaber says:

      Ayayayyyy. Hahah. D nman kay gilda olvidado at helen meriz tong dala ko noh.

      bons: si helen meriz alng kilala ko kasi nakabasa nadin ako ng ilan nyan.

  33. boypulubi says:

    Ako’y napapabilib sa mga laman ng inyong bag.

    bons: salamat po boypulubi napadaan ako sa blog mo at mukhang napaka makata mo. aabangan namin ang iba mo pang post! welcome ka dito

  34. gusto ko din ung bag u!!!
    ang sarap sigurong suotin nyan..
    hehehe
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .

    bagets na bagets pala ang bonistation.
    hehehe. ngaun ko lang din po na laman sa middle east ka po
    ng tratrabaho.. namimiss ko na ang tsapati nila pati na
    din ang syawarma nila. napakadistinct ng lasa.. hehehe
    .
    .
    .
    .
    .
    kua wag na lang andoks, hehe, kahit syawarma na lang.
    hehehe. ung galing jan ha?
    hehhee.
    .
    .
    .
    .
    .
    maraming salamat po sa pagtugon
    sa tag ni stain!
    pati ako nagpapasalamat. ewan ko kung
    bakit? hehehe. apir!

    ingat ka palge,.. =)

    bons: salamat! galing kaba ng middle east? ano ba un tsapati? hehe diko alam un eh. nyaaa! salamat sa bagets na bagets! awwwts! walang maiingget ha! hehe.

    • hehehe. dati pero matagal na po un. hehhee.
      oo bagets na bagets tlga kua bon!
      apir!
      eh pano yan kuya nainggit na ko.
      ibig sabihin nyan dapat bigay mo nalng sa akin.
      hehehe. apir!

  35. pwede ko rin bang hingin yung
    .
    .
    .
    .
    .
    balbas u?
    .
    .
    .
    .
    .
    pinangarap ko tlgang
    magkaroon ng ganyang balbas
    ung parang bermuda na kumakalat.
    hehehe
    kaso ayaw tumubo ng ganyan.
    hehehhe
    kaya kuya akin na lang yan!
    hehehe
    apir!

    bons: kung pede nga lang ipamigay bakit hindi!? kasi kahit ako napapagod nadin magtanggal nyan haha. diko alam kung bakit marami ako nyan! ^^

  36. Prinsesa ng Drama says:

    napadaan lang po ;)
    galing sa blog ni ms. winkie. hehe.
    ingatz. :D

    bons: salamats! ^^

  37. Eljudie says:

    Naks ayos ang tag ahh idol napaka organized mo naman sa gamit at pansin ko rin ahh sobrang sikat ka na talaga ang daming comment kung di mo pa ako sabihan di ko malalaman may bagong entry ka hehehe.anyway mas nagustuhan ko yung notebook mo hehehe kasi ako bumili ng laptop para pang dota hehehe joke lang.pero sa tutuo asawa sya ng camera ko kapag wala sya wala ang lahat hahahaha kaya palagi kong dala kahit mabigat.nakakamis mag blog ^^ di kana daw ma reach sabi ni Master topex di na pang masa hahahaha

    ingats idol!!

    bons: haha salamat natawa naman ako, pang masa padin to!! nyaaa. dipa uli tayo ule naka laro dota KSA vs. QATAR. salamat sa pagdaan! dalaw lang paminsan minsan!

  38. shea says:

    salamat sa pagdaan sa blog ko. hehee

    buti na lang di nabasa ni tlgr un comment ko dito. kundi toinks na naman ako. hehehe

    bons: awww! no comment! ^^

  39. flamindevil says:

    impeyrness, celeb na celeb ang dating.

    marunong umanggulo at magpose habang naksukbit ang bag. haha. :p

    bons: haha hoy ung laman ng bag ang highlight! hehe celeb celeb ka dyan hehe! busy busy ka ah! late ka na dumalaw dito! tulog ng tulog!! anyway salamats!

    • flamindevil says:

      alam mo namn buhay artista. taping, pictorial, interviews, mall shows..lapit na ko sumuko.hahahaha

      bons: kaya nga ako iniwan ko na ang buhay na ganyan.hekhek

      • flamindevil says:

        sabi nga pala ni direk,magparamdam ka raw. si tita angge, hinahanap ka sakin.hindi ka raw sumipot sa contract signing. anu ka ba naman!pumunta ka na.parang kagat lang ng langgam to.

        bons: haha gusto ko na ng matahimik na buhay. im off! ^^ gusto ko na ng non-showbiz life.

  40. pinkdiaries says:

    napa smile naman aku sa “main station” =) ( wala lng gustu ko lng mag smile.. hehehe)

    kisses!! ^^

    bons: hugs and kisses ^^

  41. jeremiah says:

    waw…teking teki ang dating aah..hehe..ako naman di naman mawawalan “loperamide” sa bag para handa ‘pag dumating ang ‘di inaasahan..hehe..

    bons: haha ayos! salamat jeremiah! napadaan nga ako sa blog mo astig.. buhay na naman! sige tuloy tuloy lang!

  42. hehe, ako din, lagi akong may dalang flash drive, para laging ready sa bagong makokopya! LOL

    bons: mismo! pakopya nga! hehe

    • TSI says:

      Natawa naman ako sayo pareng kelvs, yun ang goal kaya tayo bumibili ng portable na flashdrives para mangopya ng kung anu-anong files lalo na ‘daw’ yung scandals..haha biro lang, mga softwares kalimitan toinx!!!

  43. glaiza says:

    bkit alang polbo, cologne, alcohol at kung ano2x pa n nsa bag ni stain n tinalo ang mga gamit ko s bag hehe

    bons: haha wala ako nun! vain kasi si stain nyahahha (laglagan!)

  44. hehehehe parang notebook lang yata ang nakikita kong the same sa bag mo at bag ko. tamang-tama ang post mo kasi paalis ako papuntang cebu at naghahanda ako ng bag ko…sunday evening byahe ako punta zambo city. then pm ng monday plane ako puntang cebu. so sa cebu na ako magpopost ng sagot sa tag mo boni.

    hehehehe.

    hay, sa wakas naka-net na ulit ako. 3 days na walang smart signal dito sa olutanga island, zamboanga kaya wala ring smart bro. ewan ko bakit nawala ang signal. daming mga smart users na nagalit. buti na lang after the fiesta, bumalik na ulit…

    bons: salamat fr. busy pala ikaw kaya pala nawala ka ilang araw kasabay ng pagkawala ng signal ng smart hehe. hirap pag ganun dapat pala may other sim! or smart lang talaga meron dyan. mahirap din pag dependent na ang tao sa technology ayun syempre magagalit un. dalawang beses magagalit ang tao regarding sa technology/improvement 1st.pag migration na manual to automated.ayaw na ayaw nila yan! lahat ng dahilan at pintas alam nila sabihin. 2nd.pag nag DOWN ang server/or pag hindi available ung technology na nakasanayan nila! haha! nakuu nagagalit mga yan! halos mmakalimutan na ang mga reaksyon nung una palang! (ayyy nakwento ko lang pader!) hehe! happy fiesta!

    abangan nalang namin bag mo! happy trip to cebu!

  45. Purple Masque says:

    Finally nakita ko na rin ang pic mo! Ahihihi… cute!

    bons: haha thanks po! =)

  46. meliza catedral says:

    madekwat nga yan yung bag mo.toinks! pangmayaman. kumpleto rekados yung laman..hehehehe

    bons: salamat melisa sa pagdaan! kmpleto rekados nga gusto ko na silang gawing bulalo lahat haha!

  47. JollyBiscuit says:

    oist ako rin i-tag mo! gusto ko rin pakita laman ng bag ko! (hehehe ipagpilitan ba?) napadaan lang!

    bons: haha sige ba! sure! sure! ano link mo!? my pleasure to tag you hehe. penge biskwit!

  48. aksoriyalmo says:

    awts, kuya boni! ako nga ang dapat mag sorry sa’yo! yay. the post was not meant to hurt someone! sorry, sorry!

    sorry talaga!

  49. otep says:

    bonbon, may kuwento ako sayo,

    ‘ung tag ko dito nasa borador ko pa rin hanggang ngayon,

    nakakatawa kasi, habang ginagawa ko ang entry ko na ito..

    nalagyan ko na ng label yung mga laman ng bag ko,

    nang biglang.. may “Ting! Ting! Ting!” naalala ko na parang may kulang.

    Doon ko nalaman, na nawawala na pala wallet ko awts. share ko lang Nyahahahahah :D

    ganda ng layout mo ha, parang sa architect ang dating :)

    naiinggit ako,

    pati dun sa pic mo side by side., pang model ng bag! :)

    susyalin ang laman ng bag mo, insecure tuloy ako. Nyahahhahaha

    makapaglagay nga ng desktop sa bag toinks!

    bons: welcome otep.malapit na nga ako magtampo sayu eh kasi blog ko lang yata ang hindi mo pinupuntahan hehe. eto ba ang 1st comment mo? nyahaha! anyway salamat.sana nagpasabi ka na na ifullstop ko ang buong MRT station para masalubong ka ng maayos!

    parang pwede din naman yung desktop ang ilagay sa bag.. un nga lang traveling bag hehe! ayus un! mas gusto ko pa nga ang desktop kesa sa notebook eh.palit nalang tayo nyaahaha.

    • TSI says:

      Si otep di mo nga makikitang nagko koment pero nagbabasa yan boni, o ayan otep ha lol header ko? toinx!!! Sumingit lang ako boni wala pa palang update. ^_^

  50. lipadlaya says:

    napadaan lang po..

    OFW ka din pala. Dito naman ako sa Qatar. Lapit na ramadan, bawal na naman lahat. hehehe

    sir, exchange link tayo a…. salamat po
    http://lipadlaya.wordpress.com

    bons: oks salamat sa pag daan! lapit na nga ramadan. hehe hindi na naman sila kakain! ^^

  51. livingstain says:

    sir im back na… hahaha nice sidebar… ginaya moko… hahahaha…

  52. koinkoink says:

    wow parang di bag ng nurse! lol! cool stuff!

    bons: hihih hindi naman po talaga ako nurse. “alagad po ako ng impormasyon at teknolohiya”

  53. boypulubi says:

    May bago sa sidebar mo parekoy..

  54. aksoriyalmo says:

    kuya bons, napadaan po!

  55. TSI says:

    Weekly ata ang update dito hehe..Ramadan Kareem!!! ^_^

  56. Heleyna says:

    Uyyy pareho tayo sa number 1 kaso di natalab sa kin ang paracetamol hehe.

    sayang nageexpect pa naman ako ng kikay kit wala naman. yan nga pala fave kong shirt mo – akin na lang? :P

  57. rommel says:

    haha. hala yan palang bag attack post ay isang meme? :D haha. ;} ayoko ipakita ang laman ng bag ko sa iba. haha. puro geek stuffs. hahaha.

    links ex pala.?

  58. hisnameisdencios says:

    wala akong mga ganyang kagandang gadgets. pero pareho tayo ng mp3 ko sa gym. :)

  59. promking says:

    akala ko yung sinasabi mong notebuk, notebook talaga…

    notebook computer pala

  60. hanz says:

    Sir cenxa na wala ako magamit na cam para kunan laman ng bag ko kaya di ko na pinost sa blog ko dito na lang ehehhe

    Naku tinamad na ako ipost wala kasi ako mkita matinong cam. pero eto laman ng bag ko
    1. Natasha/Boardwalk/MSE brochure- oo nagpapaorder ako.tinutulungan ko si misis. kabisado ko na nga mga sukat ng panty at mga DEDE e
    2. Jessica Zafra Book- Di ko matapos tapos basahin. Luma na itong book na to
    3. Index cards- class cards ng mga students ko sa NSTP
    4. Microtel Post it- Listahan ng mga pautang hehehe
    5. 2 pcs white board marker na walang tinta- gamit sa varsity
    6. 1 pc pentelpen- pangvandal sa CR
    7. 2 ballpens na may ibat ibang kulay na tinta- cute e
    8. stabiloboss- malapit na din maubos
    9. Thermos- nagbabaon ako ng kape at milo
    10. PANTY & BRA- paorder ko!
    11. Log book- wala ako pambili ng organizer e
    12. Celphone charger- shemps
    13. totbras at paubos na tutpeyst!- baka kasi may makipaghalikan sa akin e!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: