simpleng buhay nuon..

na aalala mo pa ba?

 

 

 

 

bonistation

 

 

72 Responses to simpleng buhay nuon..

  1. base! oo naman. tuwing kabilugan ng buwan!

    bons: oo nga! tapos minsan pag wala pang kuryente labasan mga bata sa kalye

  2. libangan yan tol ng mga batang mangyan sa mindoro :P

    Points to ponder – If you can find a path with no obstacles, it probably doesn’t lead anywhere – :)

    bons: sarap maging bata uli! hehe.nakakamis din
    salamat sa points to ponder. tama ka, sa buhay wala namng madaling daan, kung meron man maaring wala din kapupuntahan yun. lahat dumaranas ng pagsubok na kailangang malampasan! cool

  3. livingstain says:

    base… ako dapat ako dapat base… ang haba haba naman neto, may gudnez akala ko mapapasubo ako sa basahan…

    well sa patentero/harang-tagang laro na yan naaalala ko ang sarap maglaro sa school sa ilalim ng puno ng dalawang acacia, tapos pag sat ang Sunday dun kami sa alikabukan naglalaro… si mama lagi akong tinatawanan kasi palagi daw akong itim na kwintas sa leeg at kili kili… hahaha… (pinaghalong pawis at alikabok) hahahah.

    nasan na kaya ang mga kalaro ko

    bons: haha.parang naalala ko din yung ganun.uso nga ang itim na kwintas nuon sa leeg at kilikili. astig sarap alalahanin ang dating buhay.

  4. teentoinks says:

    Oks… asan ako jan? haha Ikaw yung naka upo sa dulo.. aaahhh TAYA! hehehe

    Kakamiss! Ciao!

    bons: black and white.. madilim hindi kita makita! madaya ka nataya mo tuloy ako haha. asan kaba?!! ^^

  5. jason says:

    oo dati kasi black and white ngayon colored na.

    bons: dati crayola. ngayon paintbrush na? ahaha

  6. TSI says:

    Hinahanap ko yung post na babasahin ko hehe, saglit ko lang nalaro yan. ^_^

    bons: yan lang un. wag ka na maghanap pa ng iba.^^

  7. jason says:

    naaalala ko pa dati.. nung bata pa ko..

    natutulog kami sa tanghali kasi kelangan daw, hindi makakakapag laro ng family computer pag di natulog at wal ring libreng ice candy..

    pag sapit ng 4PM, lalabas kami maghahabulan, magtataguan, mag iice ice water, cops and robbers, iikot hanggang mahilo habang nakatingala at hawak hawak ang kamay na paikot.

    tapos ayun, ngayon puro computer na,

    nakakamiss

    bons: oo ganyan nga. pipilitin ka patulugin sa tanghali tapos sa umaga naman gigisingin ka ng maaga,hays dimo maintindihan hehe. ginawa ko din ung pagikot na un ng nakatingala hehe. sara nuon,di pa uso ang dota at kung ano anong computer games. physically active pa mga bata dati! tsaka sarap ng ice caaaaaaaandyyyyyy nyaa saya

  8. topexpress says:

    Tanda ko pa, kasali ang larong iyan pag sasapit na ang Intrams. Ganun din ang pagsigaw ni nanay sa aking pangalan para pumasok na dahil mahamog na at gabi na, baka daw maka tisod pa kami ng nuno. :D

    tol, naaalala mo pa din ba…? :D

    bons: oo naalala ko! haha astig sa realization yang picture na yan! at naalala ko pa tono ng boses ng nanay mo pag tinatawag ka hehe. at minsang umalis ka sa kalagitnaan ng laro at dahil dun nag ayawan naaaa!!

    • naki-reply lang para kay topexpress haha. eh habang nagpapatentero, may dadaan na nagtitinda ng kinulteeeeeeeeeeeee. o hanggang ngayon may kinulte pa hahaha :)

      bons: ano kamooooo??? kinulteeeeeeeeeeeeee! haha

  9. hanz says:

    Ang natatandaan ko.. sa tangang buhay ko na naglaro ako ng patintero 2 beses lang ako nakasave! as in 2 beses lang tsamba pa. lagi ako natataya e!

    bons: sirhanz salamat sa pagdaan kahit busy ka dyan sa work(farmtown) hehe nakakdalaw kapdin awwww!

  10. anakngpating says:

    huwaaa i miss my chilhood hanggang ngayon naman muka pa rin akong bata hehe..

    dati gamit namen tubig lang hindi chalk hehe..ung ang palatandaan namen hehe..tapos ang tagutaguan haha..

    kakamiss talaga,..

    bons: uu pag bilog ang buwan. sarap talaga nun laro na un. and childhood moments ang panalo! sarap balikan pag naaalala. salamats sapagdalaw naknam!… pating! haha

  11. arsean says:

    ayt kamiss nman ng harang-taga…ang naalala ko sa laro na toh…hmmm…

    lagi ata kaming buro non kami lagi ang taya… :-( atska i remember natry n din nming magpatintero sa Luneta pangunwind during our review classes kasi super toxic talga…hehehe

    ang sayang balik-balikan.. :-) dumaan ulit ako sir… add na din kita sa link ko…

    bons: wow kakaibang gimik ung patintero sa luneta. kaming mga laki sa probinsya eh hanggang pangarap nalang nuon yun.. ^^ salamat sa pagdaan arsean. add nadin kita! (lumalaking pamilya ng wordpress)

  12. p0kw4ng says:

    naalala ko to bigla! nakakalaro lang kasi ako nyan sa gabi eh tuwing nagbabakasyon ako sa bulacan at sa rizal sa mga tita ko pag summer! dami kong kalaro…don na din simula nong crush crush…tapos makakalaro mo pa,hihihi kilig!

    asan na kaya sila? yun pa din kaya ang mga mukha nila?? ikaw bonz alam mo kung asan na sila? hihihi

    bons: un ang hindi natin alam, nasaan na kaya sila? kasi kahit ako ung iba kong mga kalaro hindi konadin alam kung nasaan na sila. ung iba habang bata palang eh umalis na sa lugar namin. kakamiss ang summer vacation kahit tag init masaya padin!! holyweek,swimming lahat lahat na pumapasok sa alaala ko ^^

  13. pinkdiaries says:

    ay, naalala ko yan, mahilig aku makipag laru nung bata pa aku ng harang taga, pag umuuwi kami ng zar. nandon kasi lahat ng mga kalaro ko nung bata ehh..hay, kakamis yung mga nilalaru natin nung bata noh?! hehe..

    thats all..=)

    bons: masarap talaga sa probinsya.kahit ba uso pa man ang “mamatanda ka” hehe pag dilim ng konti eh papauwiin na tayo kasi ngaa madilim na at baka kung ano mangyari, pero may mga pagkakataong pag maliwanag ang buwan ayun sarap maglaro ng harang taga.. kakamiss!

  14. Prinsesa ng Drama says:

    huwaw kakamiss nga yang larong yan! thanks po sa pagbisita sa blog ko.
    na-add ko po kau sa blogroll kahit walang paalam. hehehe.:D

    salamat!

    bons: assalamalaykum! shukran katir ^^ bisita ka lang din palagi dito.!

  15. boypulubi says:

    maari pa bang ibalik ang kahapon?

    • Mikey says:

      Hindi na pwede ibalik ang kahapon… nakaraan na yun… pag ibinalik mo, wala nang nakaraan at pag walang nakaraan walang ala-ala na babalikan? (er, may sense ba yun? LOL)

      bons: awwwts! hehe. basta kung nasa kasalukuyang panahon tayo, lets make the most out of it! para pag dating ng kinabukasan, wala tayong regrets at masaya nating aalalahanin ang nakaraan. tulad ngayon… ang simpleng buhay nuon na aalala nating lahat… =)

    • aksoriyalmo says:

      para sa akin, maibabalik pa natin ang kahapon.. sa isang aspeto kung saan ang kahapon na nais nating balikan ay ang damdamin na nararamdaman natin. maglaro ulit tayo ng patintero. magtanim ulit tayo ng monggo. magtagu taguan. maglakbay patungo sa kabilang barangay.

      kung ang tanong ni BP ay ang kahapon–oras at panahon. hindi na.

      kung ang kahapon na tinutukoy niya ay yung dating ikaw.. kaya pa.

      bons: very well-said ax! salamat sa magandang paliwanag.

      • boypulubi says:

        ang galing ng iyong kasagutan Ax sa aking katanungan.

        bons: ikaw ano ang sagot mo bp?

      • TSI says:

        Time machiiiiiine..bumabalik ang oraaaas..libre lang mangarap..sing. ^_^

        bons: ang sarap sanang magkaroon na sapatos na lumilipad, spaceship, kotse ni batman..

    • boypulubi says:

      @bons:

      Para sa akin ay maari din
      Ibalik ang kahapon natin.
      Minsan ba’y kalungkutan ang nadarama?
      Tila may pagkukulang pa.

      Silipin ang nakaraan.
      At alamin ang kasalukuyan.
      Isipin kung may gustong baguhin.
      At ngayon, ito’y gawin.

      —–

      Tara na, mga “blogger” na Filipino.
      Sama-samang mag-patintero tayo.

      bons: makata talaga tong si BP astig sa mga sagot ah! tara na patintero naaa!

    • pinkdiaries says:

      mahirap napung ibalik pa ang kahapon..

      bons: kung babalik tayo sa kahapon, sigurado ko hahanapin parin kita dun hehe!

  16. Mikey says:

    uhm… jackstone? :P

    bons: haha. sungka?!

  17. aksoriyalmo says:

    one photo.

    one liner.

    one word.

    NOSTALGIC.

    bons: salamat ax sa pagpapahayag nyan!

  18. tsenn` says:

    elementary days..
    heka 10yrs ago plang naman un, di pa naman ako katandaan hahaha!

    di ako maxadong nasasali sa mga ganyan kuya,
    mahiyain kasi akong bata..

    bons: akala ko talaga dati ung kwit dun sa tsenn’ eh mistyped lang haha. balak kong alisin par ama icorrect tapos nakita ko s aibang comment mo sa iba meron talaga so naisip ko ah kasama pala un sa pangalan hekhek. cool!! tara laro tayu! ^^

    • tsenn` says:

      haha angkyut :) opo meron talaga,
      maiba lang ^_^
      tara laro tayo kuya, kea lang slow motion,
      mabagal kasi aku hahaha :)

      bons: slow motion wahaha nakakapagod un kaya!?

  19. senyor says:

    chiiiiz di ko ata nalaro yang patintero, piko at step no..teka saan ang origin ng “step-no”?

    bons: awww ano lang nalaro mo ba?? sayang naman na skip moang saya ng paglalaro ng ganyan!

    • senyor says:

      chiiiz bahay-bahayan lang ata ..may nanay at tatay hahaha biro lang :)

      bons: boss dumalaw ako sa blog mo hehe nainosentehan ako pano ba mag comment dun hihi. dito nalang tuloy ako nag comment, pa order ng kape!! pampagising nyt duty ako waaaaa!

      • senyor says:

        chiiiz click mo yung comment count sa left side boni and another window will pop-up or you may just leave a brief message thru cbox chat bossing. :-)

        bons: got it senyor! salamats! high tech kasi ng blog mo eh hehe

  20. blu.sparks says:

    ay yung tatlo nag to-tong its..
    hahahah

    bons: haha si hamster,ax at stain yun! ^^

    • jason says:

      hahahahahaha pano mo nalaman na ako nga yun!

      hahah natawa naman ako dito
      adik ka bonbon

      bons: naman! style na style nyu un o! lalo kana eh kahilig mong gumala kaya!

  21. otep says:

    wow naalala ko tuloy pagkabata ako,

    naaalala ko pa yung mga oras na nakikipag-away ako dahil sa pagiging patotot ko. ang dadaya kasi nila. Nyahahahaha :D

    Nice photo ha! san mo nakuha ‘yan?

    galing!

    may naglalaro pa kaya n’yan ngayon?

    bons: awww patotot! naalala ko din ang syatong! pag talo ka tatakbo kang habang sumisigaw… pede sigurong laruin ng mga blogger sa luneta pag may EB haha

    • otep says:

      wow.. good idea.. bonbon :D

      kayo na ni eli ang palarong pambansa ambasador!

      sana talaga hindi pa pinaglilipasan ng panahon ang mga ganyang uri ng laro, na yaman na’ din ng ating bansa at pagkabata.

  22. Heleyna says:

    BEYS!!! huli na naman..tsk tsk
    naaalala ko khit hindi ako taga probinsya
    ganyan din kami noon..6pm ang curfew hihi

    asan ka dyan sa litrato :P

    bons: haha base ka dyan. kung pahulihan nga labanan eh naka base ka! nyaa! aga ng curfew 6pm haha maliwanag pa un a

  23. azul says:

    namiss ko bigla makipag laro ng patintero, mataya taya at piko..ahahay

    bons: kasama pa un langit lupa impyerno.. imp imp impyerno! haha

  24. joan says:

    ..na miss ko na rin tuloy. hehe. ahhhhhm patintero tayu kuya?? hehehe.
    ..hai…. buhay uhugin. nakakamiss. :p

    bons: uhugin sa manggas ng damit ipupunas! haha

  25. aeiouz says:

    sabi ko nga sa friendster message ko, salamat sa pag gamit sa kuha ko na yan, at least me pakinabang. hahaha… rami rin pala makakarelate dyan.

    bons: boss salamat sa pagpapahiram ng picture ha! oo nga ang daming nakaalala ng kasimplehan ng buhay bata noon dahil sa picture na yan!! dalaw kalang dito pag me oras ka!

  26. yhen says:

    astig ng pix….

    haha.. balik-tanaw ito… pero ang saya talaga ng mga laro noon… may interaction wd frens talaga unlike now na virtual friends nalang.. hehe

    bons: salamat yhen! oo nga puro virtual freinds nawala na ng personal interaction hahays! masaya padin noon…

  27. joycee says:

    Waaah patintero!! Lage ako natataya jan waaaaaaah!

    bons: dapat mabilis ka!

  28. bipolarsisa says:

    nostalgia.

    nakakamiss ang patintero! waha.

    bons: dapat mauso uli yan eh! kahit paminsan minsan lang

  29. Eli says:

    Nuon khit walang kuryente enjoy mglaro.ngaun kpg wlang kuryente dina makapaglaro.tpos offline pa.naku badtrip.!

    bons: haha tama ka jan eli!! badtrip pag walang uryente parang ipinagkait na ang lahat! wahaha!

  30. jason says:

    Gusto kong marewind buhay ko…

    ahhhh

    bons: meron kami rewinder sa bahay haha ung kotse pa ung design nya kulay pula! ^^

  31. sana naman hindi pa ko huli upang makapag salita!

    OO
    SOBRANG NAMIMISS KO NA ANG PAGKAKATAONG YUN!
    MGA PANAHON KUNG SAN HINDI GANON KA BIGAT
    ANG PROBLEMA. WALANG STRESS. SIMPLE LANG.
    .
    .
    .
    .
    .
    kung bakit ksi kelangn magmadali, gusto ko ulet mglaro
    mgtakbo takbuhan, mag tago taguan. magpatintero,
    magteks, magjolens, mag barilbarilan, at magmeryenda ng
    putot kottsinta at saka mag ice candy.
    .
    .

    .
    ..
    .
    .

    maraming salamat kua bon, sa pagpapaalala. sobrang nakabalik ako. apir!
    napakagandang post, hindi ko n binsa ang iba pang commento.
    sapat na sa akin ang larawan at ang mga kataga. apir!
    ='( gusto ko tlgang balikan ang mga araw na un.

    bons: wow mas mahaba pa ang naisulat mo kaysa sa post ko hehe. salamat sa comment! malaki talaga impact nung picture at lahat siguru tayu gustong bumalik sa nakaraan kung saan bata tayu at sobrang simple ng buhay. maglalaro.matutulog.gising.laro ulit! waaa!

  32. hehehe naglalaro kaming mga bata noon sa amin niyan…

    at pagdating ko sa seminaryo naglalaro kami nyan pag september kasi family feast namin yan eh…

    kakamiss…

    bons: sarap naman!! thanks father fiel

  33. Jorge says:

    uy, bakit nahuli ako?!?! nde to maaari!!

    social pa nga ung mga bata nayan kasi sa semento sila naghaharang taga, kasi sa lupa lang tas tubig lang ang pang guhit, ung galing sa galon na may maliliit na butas.. kapag natuyo, buhos ulet ng tubig sa lupa kaya ang mga paa nun naninigas sa sobrang dumi at putek, hahaha!!

    un lang. bow*

    bons: late! hehe tutulog ka din sa pansitan eh no!? busy ka na naman sa farmtown wahoooooooooooo! tubig nga lang ang uso sa atin nun pag bilog ang buwan

  34. Eljudie says:

    oo naaalala ko pa nuong bata pa ako madalas namin itong laruin ng mga kaibigan ko ang sarap balik balikan ang mga ala alang yun.

    BTW: ganda ng concept ng shot na ito idol ikaw ba ang nag shot nito?

    like this MAGNIFICO!!!^^

    bons: hiniram ko lang bro hehe! ^^ salamat sa pagdaan dito!

  35. hisnameisdencios says:

    kung puede ng mag turn back time, isa yan mga ganyang moment ang babalikan ko. :)

    bons: salamat sa pagdaan pareng dencios! welcome dito sa bonistation

    • boypulubi says:

      Hindi pa huli ang lahat. Tara mag-patintero tayo. “Online” nga lamang. Biro lang :)

      Magandang gawing patalastas ang mga sinaunang pinaglalaruan ng mga bata noon upang manumbalik sa mga kabataan ngayon.

  36. senyor says:

    chiiiz boni pwede ba kita makausap ngunit papaano?

  37. jason says:

    pinaka namiss ko nung bata ako…

    yung pagiging bata ko.
    spoiled.

  38. Mon says:

    nakow! hanggang high skul nilalaro pa namin to. grabe. eto yung larong ma-uubos enerhiya mo sa kakatakbo at kakatawa. hehe

  39. TSI says:

    Wala pang update hehe try to visit this post:

    http://www.tsiremo.com/2009/07/saranggola/

  40. meliza catedral says:

    ang galing talaga bons ang genius sa pagbblog… keep it up!
    cympre yung pic na yan di ko rin makkalimutan ang laro na yan. one fav dati nung bata pa ako.

  41. Polaber says:

    Dito nasira ang malasutlang kutis ko. Worth kc nagchampion nmn kmi khit sub lng ako nun. Heheh. Yung k labteam ko jan ang d ko mkakalimutan. Hahah. Abay asan n kya yun ngayon!!!!

  42. Winkie says:

    hmmmm… PSP na lang ang inabot ko eh! hehehe!

    seriously, i miss patintero. ang simple lang ng buhay noon. kasalda lang talo-talo na… masaya na ang laro.

    ang kyut ng pic… very nostalgic ang dating! :)

  43. flamindevil says:

    ay gusto ko yan.

    dapat may ‘inch’ para mas masaya.

  44. bluepanjeet says:

    hindi ko alam kung may naglalaro pa ngayon nung laro namin noon na patintero at chichu. pero masasabi ko na pinakamasayang buhay ko bilang bata ay pag naglalaro ako ng mga ganito.

  45. dlysen says:

    naku nakakamiss ang patentero, sipaball, syato, at marami pang larong pangbata. ngayon kc psp na hawak nila, delikado na maglaro sa mga kalsada dahil sa mga pasaway na motorista. Anu na kaya ang itsura ng lugar na eto? may lates picture kaba tapus my nag psp naman. lol

  46. J.Kulisap says:

    base- nakiki Epal lang po.

    Tinawag lamang ako ng larawan. Hindi na kailangan ng mga mahahabang kwento para maipahatid ang mensahe.

    Yan ang larong Pinoy, bintol ang tawag sa amin, mas masarap kapag kabilugan ng buwan.

    Tatak Noypi

  47. mr. sleepyhead says:

    whaaaa! kaka miss yung mga ganyang bagay..tulad ng tagutaguan sa ilalim ng buwan,,whaaa! tapos habulan sa bukid at the middle of the night..kaka miss talaga!

  48. bongkito says:

    Hi Bons! alala ko noon nung nasa Manila pa ko nakatira, ang laro namin nyan mula 8 hanggang pasado alas-DOSE… ng madaling araw ha! hehehe iba trip namin nuon. pero masaya! simple lang buhay nuon kaya ang saya! sarap lang talagang balik-balikan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: