libreng kape

sobrang lamig sa office kaya naman mas ok pang magkape sa labas, eto unang gabi ng duty ko na ramadan mode. masarap pag ramadan mababait ang mga tao, tulad ngayon nakalibre ako ng kape! 1riyal din yun (12.50pesos). ayaw ng pabayaran sa akin sabay bati nya ng ramadan kareem na hindi ko rin naman alam ang ibig sabihin kasi hindi naman ako muslim. pero parang holy greetings yata basta ganun ang mahalaga eh libre ang kape ko ngayun hehe.

ang tahimik sa loob ng ospital para bang kahit anong oras ay mayrong kakalabit sa likod ko tapos sasabihing “huwag kang lilingon” o kaya naman magpapatay- sindi ang mga ilaw na parang mawawalan ng kuryente..  kaya lumabas ako at tumambay sa may ER entrance (uu pasukan ng emergency pag me aksidente o ano pa man) sa labas sa bandang gilid may mga bench na parang  waiting area.habang umiinom ng kape ramdam ko talaga na nasa saudi ako kasi kung anong lamig ang meron sa loob ng ospital ay sya namang todo ng init sa labas.. may mangilan ngilang stars.. wow! madalang ako makakita ng bituin dito at swerte ngayung gabi meron aww! para lang star in a million, pati ang buwan ay visible.. sobrang halaga ng buwan sa mga muslim, sa buwan ibinabase ang simula at pagtatapos ng ramadan, napansin ko uli tuloy yung ambulance na naka park common sa atin ang tatak na red cross pero dito walang palatandaan na ganun.. ang makikita mo lang ay red crescent.. sobrang init padin parang sinasabayan ng hangin ung init ng kapeng hawak ko.. hanggang ngayon may mga pagkakataon padin na hindi ko mapaniwalaan na nasa saudi ako.. dati nadidinig ko lang to sa kwento ng tatay ko at nakikita sa mga pictures na ipinapadala nya. hays sana talaga nag abot at nag kasama kami dito sa saudi, mas marami siguro akong matutunan at malalaman pa..  na miss ko tuloy ng husto ang tatay ko, si mr. bon sr…

ubos na ang kape pero ayoko pang bumalik sa office, masarap din paminsan minsan iwanan ang computer at mag muni muni sa labas..pero kailangan nading pumasok dahil tumunog ang pager na dala ko, ibig sabihin lang may service call ako na kailangang puntahan.. tawagan ko lang saglit..

**page from ICU

may konting problema lang sa system, common naman kaya saglit lang din. dito ako ngayun sa lobby sa loob na ng hosp. tahimik padin pag ganitong madaling araw, may mga pangilan ngilan na nurse na dumadaan at papunta sa cafeteria, breaktime din nila siguru.. (hmm makakalibre din kaya sila ng kape!?) hehe. ewan ba madalas ako may discount or may libreng kung ano pag pumupunta ako dun favorite yata ako nung mokong na nasa cashier nyaaa!

dito muna ako sa lobby,magpapalipas ng oras.. nasa harapan ng inuupuan ko ang reception area na may bantay ngayon na isang military police, ospital pala kami ng sundalo para sa mga bago palang nakakaalam.unang pagkakataon ko ang magtrabaho sa ospital syempre hindi ako nurse na tulad ng inaasahanng iba. sa IT department ako at 24/7 ang operation namin, isa ang naka duty pag gabi, sampu naman pag sa araw..

original manuscript(ready for auction)*lols

katabi ko ngayun ang reserved wheelchair taragis! wala lang, wala talaga akong magawa pang 3rd page na to ng isinusulat ko back to back pa na ako lang panigurado ang makakaintindi ng handwriting. pamatay oras lang.. dati ayokong ayoko ang pumupunta sa hospital kasi kakaiba ang ambience at amoy ng mga ospital, dito sobrang linis, para lang syang hotel sa linis.. kaya ngayun sanay na sanay na ako pati ang elevator na dati big deal sa akin dahil hindi ako sanay! (haha putrages nakakahiya). anyway..

libreng kape. wooooo! sana bukas libre uli haha.

 

 

“make it a habit to tell people thank you. to express your appreciation, sincerely and without the expectation of anything in return. truly appreciate those around you, and you’ll soon find many others around you. truly appreciate life, and you’ll find that you have more of it.”

ramadan kareem to everyone..

bonistation

97 Responses to libreng kape

  1. Jorge says:

    BASE!!

    Basa mode muna..

  2. livingstain says:

    second base…

    basa mode muna..

  3. Jorge says:

    gaya gaya talaga tong si mantsa, bwahahaha!!

    naku, nde ako nagkakape eh.. anyway, masarap talga kapag libre, masarap kumain, uminom o maglibot kapag libre.. kasi LIBRE nga!! ay nakalimutan kitang batiin, dito sa Malaysia.. Selamat Hari Raya!

    bons: marami nga rin palang muslim dyan! ang ganda naman ng pagbati nila! parang tunog hari at reyna?! ^^ salamat sa pag base! haha

  4. senyor says:

    Ramadan Kareem sadik..chiiiz i remember those times na naghahanap ako ng stars sa kalawakan at talagang wala akong mahanap infairness di naman maulap..pinch yourself baka nanaginip ka lang at pagmulat mo nasa Pinas ka pala kaya pinch..piiiinch!!! slide show ba yung image sa sidebar mo..nagbabago everytime na nagpupunta ko dito hahaha!!!

    bons: haha meron talaga stars! dati nagtataka din ako kasi wala akong makita pero may mga pagkakataon na lumalabas sila.. uu yung picture slideshow yun haha.

  5. livingstain says:

    gaya gaya daw ako sir bon??? naniniwala ka ba don??? hahahaha… sabi ko nga MAGAGALING LANG ANG GINAGAYA KO… kaya kung ginagaya kita… alam mo na yun…. aaaawwww….

    mahilig ako sa kape, mas gusto ko to kesa sa gatas at milo, dalawang tasa sa umaga, 8 am at 10 am, dalawa ulit sa hapon, 2:30 pm at 4:30 pm… may oras talaga yan… paborito ko ang kape, hindi ko alam kasi may kakaibang dulot sa akin ito, ang init na nagmumula sa tubig ay tila isang gayuma na nagpapalakas ang kumukupleto sa simula ng araw ko… swerte ko na lang at hindi na uubusan ng 3 in 1 dito sa office, amoy pa lang mapang halina na…

    ay nakalimutan kitang batiin, dito sa Pinas… Salamat Hiraya Manawari…

    “Hiraya manawari, Hiraya manawari, mga pangarap natin, ating abutin… ang kapangyarihan nasa puso natin, Hiraya manawari… ating abutinnn…”

    bons: ang haba ng comment! ako din mahilig sa kape. pero hindi naman sing adik na tulad mo haha apat na beses!? baka ma awardan ka ng 3in1 nescafe nyan!? masarap ang kape lalo ng sa magdamagang duty! para lang akong nasa PABASA sa pinas haha pag holyweek! ^^ kape sa madaling araw tapos mga 3:30am simula na ng prayer nila sabay sabay ang mga mosque maririnig mo kahit saang dako kapa..

  6. Prinsesa ng Drama says:

    Ramadan Kareem! Hayz buti ka pa night shift, pero ang hirap din nun ah? hehe.
    Patago na naman kami pag lunch break dito sa ofis. Buti nalang yung mga kasama kong muslim dito ay ayos lang daw uminom sa harap nila basta wag lang daw pagkain talaga. Kung hindi baka dalin ko na ang PC ko sa pantry. wahaha.. :D

    Ingatz po.

    bons: haha natawa ako dun sa dadalin ang pc sa pantry awww! respect nalang din kasi sa kanila kumbaga sila eh nagtitimpi sa pagkain tapos magpapakita pa tayu parang iniinggit sila.. kaya dapat talaga patago ang lunch. ako buti nalang pang gabi kaya wan2sawa ang pagkain walang tago tago eh parang fiesta kaya ang pagkain nila pagsapit ng 6pm haha!

  7. hanz says:

    hmmmm ang cheezee nyo naman nung nasa kahera nyo.. uy i smell somthing.. kaya siguro madalas ka may freebie at discount?? nyahahaha

    nakakainggit naman yung peaceful na paligid jan sa work place mo..

    Dito meron din libreng kape courtesy of sir gino and IT hehehe kaw nga lang magtimpla ng sarili mo hahaha

    bons: haha oo sir minsan nga may naiisip nadin ako haha pero ayoko na lang bigyan ng kulay..^^ cheezeee!! nakakamis din ang kape dyan sa IT office sa inyo tsaka libre din dyang mani!~

  8. Pasyalera says:

    Nasa Saudi ka pala?! Akala ko nasa Boni ka lang kaya Bonistation yung name ng blog mo. Hehehe! Sarap. Sana ako rin may libreng kape. At swerte ka nga kasi kung umaga ka naka-duty, malamang walang libreng kape kasi Ramadan. Hehe! :D

    bons: hehe uu dito nga ako sa KSA.swerte nga at umaga sa araw kasi patago ang pagkain. salamat po sa pagdalaw. dinalaw ako ng sikat. gusto ko ang blog nyu dami ko nakukuha info about travel and places

    • Pasyalera says:

      Hehe! Ang hirap nyan. Nung nagpunta ako ng Dubai dati, pinilit ko talagang umuwi bago mag-Ramadan kasi baka mamatay ako pag hindi ako nakakain. Hehehe!

      Salamat din sa pagsilip sa aming mumunting blog. Masaya kami na nakakatulong kami kahit papano sa mga gustong gumala. Hehehe! :D

      bons: ako din dati ang akala ko bawal talagang kumain. hindi naman pala. sa mga muslim lang pala yun at hindi naman kasali lahat.

  9. teentoinks says:

    Ahh.. liyad tayo.. tuwad.. tihaya! Ah teka mali ng napasukan na blog! nyahahahaa

    Uy.. may free coffee jan? PENGE… Masarap magkape kung libre, naku naman nakuha na naman sa kindat yan, malamang sa carabao charm! hehe

    ramadan kareem to everyone.. (ginaya ko lang)

    Shukran! Shukran! Ciao pangs.. ingats!

    bons: haha natatawa talaga ako sa mga caption na yan ni jorge. liyad, tayo, liyad sige! liyad! haha. adik kadin sa kape diba!? hoy, wag moko pagbintangan haha wala akong ginagawang masama ahihihi

  10. boypulubi says:

    Tamak ka Kabayang Bons.

    Kung may libre bakit ka pa bibili. Samantalahin na rin basta huwag lamang abusuhin. Pero totoo ba ang sabi nila? Masama din daw kapag uminom ng sobra sobra. Lalakas ang kabog ng iyong puso at baka hindi ka rin daw makatulog.

    bons: haha masarap ang libre! pero lahat ng sobra masama kaya hinay hinay lang din sa pag inom ng kape.

  11. p0kw4ng says:

    ang mura naman ng kape dyan parang presyo lang sa mga terminal ng bus sa pinas,hihihi

    naintriga lang ako..pag ospital ba ng mga sundalo eh hindi masyadong kasing busy ng mga normal na ospital? syempre ang tanong ko eh pag walang mga war war ekek ha,hihihi

    samantalahin ang ramadam at libre kape pala!!

    bons: ordinaryo lang din kasi meron ung 10SR (mga nasa 120petot) hehe. wag na un pang sa batangmangyan lang ung mga ganun eh. pang mayaman ba.. hehe
    about sa hospital, marami din kasi mga immidiate family ang covered ng hospitalization, konting sakit,panganganak,lagnat,h1n1, operasyon sa kung ano ano.. mga ganung kaso.. kaya busy hospital padin kasi malapit samin ang isang kampo ng militar kaya andun din sa paligid ligid ang mga family nila. iniimagine ko nga sitwasyon namin pag may war war ek ek dami siguru nun! haha

  12. dencios says:

    ramadan din syempre dito sa dubai. kame til 4pm kame this time of yr. at wala namang libreng kape. hehe. samantalahin mo yan. dito tea ang libre with milk :D

    ospital ka pala working. kala ko sa mismong palasyo ka kasi may nabasa muna ako sa comment section na hari at reyna nung hindi ko pa nabasa ang buong post. hehe.

    bons: uu ung mga regular employee 9am-4pm alng pasok nila.susyal naman dyan tea with milk! haha. sarap nyan. sa middle east ko lang din yan natutunan eh! ospital ng hari at reyna (lol!joke) salamat sa pagdaan pareng dencios

    • Jorge says:

      uy, teh tarik ang tawag dyan! hehehe..

      bons: tarik pala yun! were learning parekoi! geee tenks!

      • dencios says:

        oo tea with milk nga, o kung ano man ang tawag. hehe

        nung nagpa check up kame sobrang dami lagi ng tao sa ospital ng middle east. ewan ko lang jan sa inyo.

        dito kasi ang dami lagi nagpapa check up, di ko lang alam kung bakit hehe

        at ang dami din pinoy lalo mga nurse natin.

        bons: syempre iba talaga ang pinoy pinagkakatiwalaan tayo dyan sa larangan ng patient care at kung ano ano pa. dito din super star ang mga pinoy/pinay nurses! mahilig yata talaga sila pa check up pareng dencio konting nararamdaman ayun check up agad gusto..

      • dencios says:

        sabagay tingin ko din kasi sila may health card kaya mura

        e sa pinas, wala tayong mga pribelehiyo kaya mahal paospital

        diba?

  13. pwede ba yong caramel dark roast coffee jelly mocha frapp, venti ha para hindi bitin. taragis libre pala eh. hahaha.

    ang layo layo ko sa base. putek. layo pa kasi ng byahe ko ngayong araw, been to a small island in the middle of laguna bay. pero kahit di ako base, had a nice experience today to share tol, done a quick survey with the fishermen there, taragis, while i was almost done with my 2nd to the last respondent, napatagay ako ng GIN, birthday pala ng husband ng kausap ko, taragis. para lang akong artista tol haha, pinagkaguluhan hahaha, so i quickly grabbed the shot glass full of GINEBRA SAN MIGUEL, taragis, tinungga ko w/o chaser. hmmmmm. sarap. tuwang-tuwa tol yong mga fishermen na nag-iinuman when i did that. hahays. lasenggo ang batangmangyan?? nice experience tol. simpleng buhay sa isla. babalikan ko yun. gagawa ako ng blog.

    pero mas masarap talaga ang kape if it’s free! parang ‘yong gin, masarap kasi libre. hahaha. but i don’t drink gin tho. hahays!

    bons: ano kamo? hindi ko alam ung kapeng sinasabi mo! pang mayaman kase talaga at hindi ako umiinom nun haha.masyadong gala ang batangmangyan kinakarir ang blog? nag gagala sa mga isla para me ma iblog? ahah at nagpapanggap sa mga tao na umiinom ng gin? awwts! parang hindi ko kayang inumin un.. kahit pa sya libre hehe. sige abangan nalang namin ang kabuuang kwento tungkol dyan. salamat sa pagbisita. (hik! haha nalasing sa isang tagay?)

  14. pinkdiaries says:

    ay, late aku.. senxa na busybusyhan lang muna..

    kape?! pahigop naman! hehehe.. hindi ako masyadu mahilig sa kape, peru ok nadin kapag walang mainum, haha.. ang sarap nyan with pandesal..

    ramadan kareem! be safe always! 8…

    prince: thanks po ^^ busy ang mahal na reyna sa english camp nya. sige ipagtitimpla kita ng kape at ipag be bake ng pandesal..=)

  15. lipadlaya says:

    Ramadan Kareem… pakape ka naman boss,,

    oo nga no,, okay din pag ganitong time kasi half day lang pasok ko tapos break pa ko para kumain, hehehe (patago nga lang…)

    bons: salamat sa pagdaan! ME kadin ba naka base?! saan ka?!

  16. Winkie says:

    penge naman ako cofi!!! :P

    bons: oo ba! ihihingi kita sige haha

  17. hehehe di ako mahilig sa coffee…

    bear brand lang ako eh…

    kung nagpupunta nga kami ng mga friends ko sa starbucks, nagugulat sila, fresh milk lagi order ko…

    bons: ang susyal naman ng kura paruko naten haha! fresh milk ang hanap! ^^

  18. azul says:

    hmmm halos lahat naman ng libre amsarap weh..ahehe

    wala ka pa bang encounter sa mumu jan?yay

    be safe always..

    bons: salamat po azul! so far wala naman mumu,meron man siguru eh hayaan mo sila di naman kami magkakaintindihan haha. pero siguru pag nasa abroad dun mo makikita ang difference ng mga paniniwala lalo na sa ganyang mumo. pero me experience nako sa bahay namin dito hehe! awooo!! “naglilipat ng channel mag isa” haha

  19. anakngpating says:

    nung sinabi mo palang sakin kuya na mainit jan hehe..di ko na nipansin ang init din dito hehe..maswerte na ko’t may aircon dito sa shop hehe..
    parang natakot ako dun sa patay sindi hehe..tapos mag isa ka lang naglalakad hehe..wala nga bang mumu jan hehe..ospital kasi eh hehe..
    buti pa kayo pag ramadan walang pasok kasi ako hehe..kahit anong holiday may pasok pa rin hehe..

    bons: mainit na masarap ahaha! yun lang yun! maswerte padin ang plipinas dahil perfect ang climate natin kahit paminsan minsan ay may malalakas na bagyo. walang forest dito, wala ding mga lawa ilog at anu pa. pero may malalawak na dagat lalo dito sa area namin… beaches!! wohooo!!

  20. smiling even i am sick..hehe

    bons: get well soon joyce

  21. ELIment says:

    Sipag mo naman.nagsu2lat hbang humihigop ng kape.astig ah.
    Ganun pla un.sbi nga nila, npakagalante daw nga mga arabo kpag ramadan

    bons: uu wala magawa eh, para maiba naman. iniwan ko ung pc sa office tapos lumabas ako may dalang steno at ballpen tapos kape ayunn!! mga arabo galante sila tama lalo sa mismongh eid holiday! (ung final day ng ramadan) kasi tulad natin pag pasko ang pagbibigay ay isang paraan para magpasalamat sa mga natanggap natin.. ganun sila…

  22. shynyrd says:

    http://shynyrd.wordpress.com/2009/07/27/countdown-timer/

    padaan..

    thanks…

    bons: taniman kaya kita ng time bomb!? ahaha peace!

  23. Heleyna says:

    ayun syempre at huli ako ng bonggang bongga. Pareho tayo dun sa ayaw ng amoy ng hospital at di sanay sa elevator. madalas nahihilo pa ko nun at mas gusto ko pa maghagdan..ayun maraming bagay naman ang nakakasanayan din paglaon.

    magkano ang manuscript?…take note dahil sa libreng kape naisulat mo ito. astig!

    bons: huli man daw at magaling!? eh huli padin doc! ^^ ung sa elevator sanay nako.. yihiii! sa ospital naman buti nalang hindi ganun ang amoy ng hospital namin.. pero kung ganun man siguru eh masasanay din ako kasi riyals ang kapalit ahha riyaleesss! awwww! ang manuscript!? haha interested!?

  24. aksoriyalmo says:

    awts, kuya basahin ko pag uwi ng bahay!

  25. Hmmm. Military Hospital? Sa King Fahad Military Hospital (tama ba yung name… oh wateber yun na yun) ka ba nagwowork?

    Nakakatuwa naman. Dun kasi yung kapatid ko pero sa pharmacy naman siya naka duty.


    bons: King Abdulaziz Medical City.. yan po ung hospital.. thanks for visiting…

  26. TSI says:

    I remember when my older bother was confined at Obeid hospital in Riyadh..ang bango ng hospital nila hehe at puro filipinang mababait ang attendant at mga gay na rin na mahilig mag interview lol hehe ..mahilig sa kape ang mga arabo kaya may tinawag silang coffee arabica na tulad ko addicted sa di baba ng 5 cups a day..btw mr bon talampas if you have time…iwan ka lang ng comment ang entry ko na “Ang Bulador” ..tenkyu.^_^

    bons: hindi ko makita ang comment section dyan sa bulador nayan.. heheh pero nabasa kona sya! maganda!!

  27. meliza catedral says:

    masarap talaga paglibre!heheh. adik rin ako sa kape 3beses isang araw ako umiinom dhil sa nyt shift kung work. may malamig at mainit.toinks! anong brand ng kape nila dyan. masarap ba dyan kagaya dito sa atin.

    bons: parehas lang din! syempre pag pinoy hahanapin padin ung nescafe or kung ano mang nakasanayan natin… yung lang din.. minsan maxwell.

  28. jason says:

    sorry naman di ako nakapag setup ng garena.
    nagparehistro kasi ako kahapon. pede na kong bumoto.

    hehehe

    di nga pala ko nagkakape except na lang kung
    ano sa… hhehehe basta.
    teka..

    mabuhay mga IT!
    sana may libreng
    chocolate milk.. dun pasitib na pasitib sakin ahahha
    WHOOOOOOOOOOOOOOOOOWWWW!!!!

    bons: oks lang! busy din eh.. mabuhay mga IT. (information and tsismis!)

  29. jason says:

    nasan ka bon ahhahhha

    bons: sumama kay mais! lols!

  30. Ax says:

    awts. akala ko nakapag comment na ako dito! yay. mukhang may selective amnesia ako ah..!

    gusto ko lang magkape kapag kapeng barako tapos niluto dito sa bahay. ayoko ng instant coffee.

    at ayoko rin ng starbucks.. kapag hindi libre.

    so ayun!

    bons: thanks sa pagbabalik, hindi pako nakatikim ng kapeng barako! sana me mag patikim dyan.. paging…peyging…

  31. jun-g says:

    alam mo ba na si St. Ignatius de Loyola makakita lang ng tatlong stars ay iiyak na… hehehe…

    nice to observe the details of some things that are sometimes taken for granted… the coldness and the hotness in Saudi… memories and wishes with your tatay… mga libre at discount… ramadan kareem… at marami pang iba… hehehe…

    sabi nga ni Jorge, Selamat Hari Puasa…

    trivia pala… the exact meaning of Kareem is generous… kaya nung nilibre ka ang sinabi Ramadan Kareem… sagot na man dito pagsinabihan tayo ng Ramadam Kareem ay Allahu akram (di ako sigurado sa spelling) hehehe… meaning Allah is the most generous… pero minsan sinasabi naman Ramadan Mubarak (dont know the spelling ulit) meaning naman nito… have a “blessed” ramadan… natutunan ko po ito nung brunayuki pa po ako…

    Ramadan Mubarak to all our Muslim brethren!

    bons: thanks jun-g! naging brunayuki kapala hehe. salamat sa mga analysis sa taas minsan nanagyayari siguru talaga ung mga pagkakataong wala tayung magawa at dun pumapasok na maapreciate natin ung mga bagay at pangyayari.. salamat din sa pagdalaw dito.. welcome sa station ko…

  32. taympers says:

    ah may libreng starbucks cofi kaya jan? lol/

    bon: meron din! gloria jeans meron din! libre kung libre! ahaha

  33. blu.sparks says:

    libreng kape lang ang sinimulan at humaba na ang post.
    ahehe

    yan ba talaga pag ramadan?
    mababait mga muslim?
    just asking.
    hehehe

    bons: oo nga eh haha iba talaga pag sinumpong ng walang magawa haha! uu mababait ang mga muslim! generally naman they are peace-loving! ^^

  34. flamindevil says:

    lalim na ng sinisid ko.kasalanan ng peysbuk yan!haha

    hindi nga,may pager pa dyan?uso pa rin?

    ramadan kareem parekoy.

    bons: oo ganyan talaga pag mga late! hehe mag scroll down ka! wahaha! uu may pager pa pero hindi na messging system.hindi na sya dadaan sa operator.alert pager lang na makikita mo dun yung extension number na kailangan mong tawagan or kailangan mong magreturn call.. ginagamit un pag hindi ka nila macontact sa hotline mo kasi nasa labas ka ng office or pag nasa ibang department ka..ayun they will page you! awwwts!

  35. topexpress says:

    LIBRENG KAPE? namiss ko tuloy yan tol… masyado ako nakarelate sa blog mo na to. Naalala ko pa nung nasa saudi pa ako at isa ako sa mga bumabati ng ramadan kareem! nakakamiss tlga ang buhay saudi.

    hahahaha, di ko pwede makalimutan ang pager na yan, ang istoya ni pager.. beep beep!……. beep beep!

    Nakakamiss ang bait ng mga muslim pagsapit ng ramadan. Ang pagbibigay ng mga lumang kagamitan gaya ng tv, dvd, at mga pagkain. Ang nakakabilib nilang disiplina sa fasting at ang kanilang matibay na paniniwala sa kanilang relihiyon.

    Tunay na nakakamiss nag buhay saudi at ang libreng kape.

    bons: late ka den!? para ano pa’t express ka!?~ lols! ang pager ko na naiwan sa inyo na milya milya ang layo haha! imagine mo un suggestion mu na pag may nag page tatawagan moko wahaha! ang babait nila diba nga yung ibang muslim namimigay pa ng pera!! yup bilib din ako sa disiplina nila sa kanilang relihiyon!! aprub! apir~!~

  36. ELIment says:

    Eto naman oh.novo ecijano rin kaya ako.hehe

  37. wow!

    pahingi ng kape sir bon! peborit ko yan eh :)

    natawa ako dun sa 3 pages..

    ginagawa ko din kasi yan hehehe

    bons: i auction modin ang mga drafts mo!? hehe salamat po sa pagdalaw!

  38. kape!
    kape!
    sa disyerto!
    hehehe.
    napaka ironic.
    hehehe.
    pero gusto ko
    ang eksena.
    hehehe.
    nakakainggit.
    nakakatuwa. hehehe.

    bons: parang naalala ko ung mga alien sa Men in Black sobrang hilig sa kape ng mga alien na un! sabi “kape! kape! kape! kape!” anong eksena ang nagustuhan mo!? haha!

  39. arsean says:

    kape sa umaga..kape sa tanghali..at kape sa gabi…hahaha

    Hndi naman halatang ako adik sa kape ng lagay na yan…hahaha libre din kasi ung coffee dito sa office namin dahil na rin sa sobrang ginaw dulot ng todo sa lakas ng aircon kea madalas ang aking pagkakape…

    bons: sarap nyan lalo pag umuulan!! ung makikita mo ang patak ng ulan sa glass wndows sobrang lamig at madilim ang paligid! sarap ng umuusok na kape!

  40. lipadlaya says:

    dumaan lang po para sa libreng kape… meron pa ba jan?

  41. hisnameisdencios says:

    hehe
    wala pa pala update si boss boni!

  42. TSI says:

    Dapat nag u-update kase ramadan..sabi wala daw maisip toinks!!!!

  43. Dorm Boy says:

    Napadaan lang po! Saya naman me libreng kape ka! Naalala ko tuloy nga kaibigan kong nandyan sa Saudi! Sana ok din sila sa araw ng Ramadan! Nice blog yo have here! Astig!

  44. boypulubi says:

    Napadaang muli. Makiki-inom lamang sa libreng kapihan :)

  45. jason says:

    pakape ka naman dyan

    hahaha

    kamusta na!!

    dee op ko bukas hahahah

    chill lang!!

  46. wag masyadong mag-kape. hehehe!

  47. Seiko says:

    hehe
    wala pa pala update si boss boni!;. All the best!!

  48. boypulubi says:

    Ubos na yata ang libreng kape

  49. topexpress says:

    asukal meron din nakasupot sa ice candy bag? :D

  50. Prinsesa ng Drama says:

    bisita lang. hehehe. :D

    uwian na! lol ;)

  51. topexpress says:

    tol……… ayieeeeeeeee malapit na uwi! ahihihi

    wala lang! napadaan lang.

  52. jason says:

    pende kape medyo

    wala sa mood ang hamster ngayon

    kaya pabuga muna ng apoy dito

    bago mo ipadala ang kape ha!!

    WAHAHAHAHAHHAHAHA

    Teka nakalimutan kong mag hand stand plus tumbling

  53. livingstain says:

    huy sir… labas na… tama na yan, nakakaputi ng buhok ang sobrang OT…

    smile… just simply smile….

  54. joycee says:

    Masarap talaga lahat ng libre kahit hinde kape. :) Pero I love coffee, can’t imagine life without it! :)

  55. Leonp.v says:

    Ako . . .i lab kape kahit d libre!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: