si ek atbp.

sobrang hilig ko talaga sa pets nung bata pa ako.(kahit nun malaki na) gusto mo maging pet kita!? lols. at naalala ko pa ang lahat ng uri ng hayop na pinagipunan ko ng baon  para lang mabili mga yun. normal lang din naman siguru sa isang bata yung ganun na curious sa ibat ibang hayop na pedeng iuwi sa bahay (kahit yata sisiw at itik na napapanalunan sa palabunutan pinatos ko  eh) malimit akong nag uuwi ng kung ano ano sa bahay nuon galing sa school, ibong maya na nakalagay sa maliit ng kulungan at pilit aalagaan at papakininin hanggang sa kung saan nya kayang mabuhay. nag karoon din ako ng dagang kosta hehe ang ku cute yung mga puti at mababait talaga sila.at halos hindi ko na makontrol ang bilis ng pagdami nila kaya hinintuan ko din kasi hindi ko sila kayang alagaan lahat. ksama pa ang guinea pigs, aquarium fishes, arowana,  iguana, piranha(isang piraso lang), turtle, pati  hipon at kung ano ano pa^^

pero pinaka the best sa lahat ay si “ek” ang alaga naming parrot. na nabili ko sa halagang 700pesos! ^^ (year 1996) baby palang sya nun wala pang balahibo o feathers kung yun gusto mo tawag maliit pa sya nun as in chick! (hehe) at ako na ang nagpalaki sa kanya handfed pa! awww! naging pangalan nya “ek” kasi yan lang dati ang nadidinig namin sa kanya pag gutom na sya. “eeekk!” “eeeekkkk!” lols. hanggang sa lumaki at natutong magsalita! tulad ng “pangeeeeeeet” galit pa sya nun pag sinasbai nya yan hehe. o kaya naman “pabileeeeeee” kasi malapit sya sa tindahan namin. nakakatuwa isipin na yung mga ibon na ganyan may attachment sa taong nag alaga sa kanila at para lang ding aso na namimiss ka pag hindi ka nakikita at natutuwa pag dumarating ka.. yun nadin siguro yung naging dahilan kung bakit limang taon lang sya nag stay samin.. naging busy nako nung malapit nako mag graduate sa college at madalang mauwi sa bahay.. at madalas daw ayaw kumain at parang may sakit.. minsan itetext ako ng nanay ku para lang sabihing umuwi ako kasi ayaw na naman daw kumain at pagdating ko nga sa bahay kakain sya at magiging masigla uli. hangang sa (year 2001) may time na halos isang linggo akong hindi nakauwi at nakatanggap nalang  ng text na patay na daw si ek! (parang tao lang hano). nalungkot ako nun iba yung pakiramdam.. at may mga pagkakataon na napapanaginipan ko pa din sya. (ganun ka close haha) maraming beses na nakikita ko sa panaginip at tuwing magigising ako nalulungkot lang ako. hayss.. namiss ko na din yung mokong na makulit na yun!

** na ishare ko lang napanaginipan ko kasi sya uli kagabi kasama ng iba ko pang mga pets! (di kaya pet din ako!?) haha o kaya isang mulawin?! mga ganun ba.. haha.

 eto buti may nahalungkat pakong lumang picture kasama si ek..

picture bons at si "ek" (1999)

 

 

“I’m holding on to something that used to be there hoping it will come back, knowing it won’t.”


Bons

72 Responses to si ek atbp.

  1. pinkdiaries says:

    BASE sa prince! :-) basahin muna ng maigi hehe

  2. pinkdiaries says:

    aha, bon ikaw bayan?!bagung bago ang picture ahh.. hehe,

    wow, ang sarap mu namang maging amu, dahil lahat ng pets mo lahat sila inaalagaan mung maigi, at talagang mahal na mahal mo. Ganun naman talaga eh, mapa bagay o hayup man yan, kapag napamahal satin talagang aalagaan natin yan ng bonggang bongga! :-)

    naalala kong naikwentu mu nga sakin yan, about sa pet mo, na sabi mu nga tinetex kapa nila nanay para umuwi ka lang at magpakain sa parrot mu, at sisigla nadin, haha, may kinikilala ha. Nakakalungkot naman at hindi ko sya nakita. hehe.

    o sya, wag nang malungkot, marami pang pet dyan na pwede mung alagaan, sige, kunwari pet mu nalang aku! wwaaahhh! hehehe :-)

    bons: haha bagong bago nga ang picture. *buti at may naitabi pa. hindi pa uso digital camera nun kasi lols. pet-lover ako hehe as in! dun napupunta lahat ng baon ko nung nag aaral pako awwww! ^^ ikaw nalang ang nag iisang pet ko! haha. ilovemypet!!

  3. Dorm Boy says:

    Second Base!

    bons: lol!

  4. Dorm Boy says:

    Naks naman! Naalala ko rin mga alaga ko nung bata pa ko! Mga inampon kong pusa at binigay na aso sa akin! Saan man sila ngayon sana happy sila. Me soul din ba kaya ang mga hayop? Sana nasa heaven na sila lahat!

    bons: uu nung bata din ako madalas ako bigyan ng mga tuta.. kung saan kami magpunta at may bagong panganak na aso ayun binibigyan ako hehe. sarap din mag alaga ng aso..

  5. 4th base! (not so bad!)

    bons: haha gilasan mo naman kase padz!

  6. confirmed! noong sinabi ko na mag-aalaga ako ng rabbit…may isang blogger (itago na lang natin siya sa pangalang jorge) na nagsabi sa akin na sa yo daw ako pumunta dahil lahat daw yata ng pwede maging pet meron ka. hehehe.

    bons: oo nga pala fr. nakabili kaba ng rabbit? ano na nangyari?! kamusta na yung plano mo nayon. haha natawa ako sa itago nalang natin sa pangalang jorge.. haha itinago mo poa ha hehe hindi obvious na si bloggerjorge un. maraming pedeng maging pet dyan sa lugar nyu!!

  7. wahahahahaha!

    kakatuwa talaga makakita ng old pictures!

    ang payat mo pa dyan. lol.

    bons: ganun talaga wahahaha!! lahat naman nagbabago!^^ ayeeeee!!

  8. hahaha, astig ang picture. hahays.

    tol, malamang barkada na sina Ek ang alaga kong si Pekto Parotti, nasa heaven na sila ngayon (parang tao lang hahaha). masrap talaga ang may pet, parang tao din sila, may damdamin, kaya nakakalungkot talaga pag namamatay o umaalis at hindi na bumabalik. ngayon may alaga akong labrador, ang pangalan nya ay si Leoj, napakilala ko na sya sa’yo dati. hahaha. sobrang close ko din yun, hinihintay nya ako sa pag-uwi ko. hahahays. higit sa lahat, sobrang gastos din magmaintain ng pet, pero sulit naman. haha.

    nice post. pero may bago ka namang pet eh, yong bago mong i-BON. hahaha.

    bons: oo nga nakita kona yang si pekto sayang din yang pet mo na yan cockatoo! at ang mahal ng bili mo hehe! mayaman talaga ang batangmangyan! ^^ masarap din mag alaga ng aso! rewarding dahil sa affection na ibinabalik nila sa taga pag alaga.. kaalis ng pagod lalo pag sasalubong sayu pag uwi mo ng bahay. thanks sa comment
    about sa i-bon haha taragis! wag maingay! sikreto lang ang i-phone bon. lols!

  9. TSI says:

    Those were the days..^_^

    bons: oo nga! those were the days! taragis ka alam ko nginingisi mo hehe

  10. taympers says:

    awww ang cute ng tsinelas mo. hehehe… ako din mahilig sa pet pero now di na.

    bons: haha tsinelas sa bahay yun! hindi saken waahahaha! ano pet mo dati!?!?

  11. anakngpating says:

    bukas ako mag comment ahha..nag reresto lang ahaha..
    di ko pa kasi nabasa eh hehe..

    bons: ingat!

  12. boypulubi says:

    Nakakalungkot naman.

    Ang bait naman ni ek dinadalaw ka kahit sa panaginip man lang.

    Tama si batangmangyan ang blog mo ang bago mong i-BON :)

    bons: hmm. madalas ko nga sya mapanaginipan. siguru dahil attached din talaga ako dun.

  13. Ax says:

    Huwaw. Ibig sabihin may pag-asa pa talaga ako tumaba?

    bons: hehe oo naman why not! ako nga ang payat ko din dati! kumain ka ng gulay! awwwts!

    Naalala ko ang Friends for Sale sa Facebook.. Tapos gagawing pets yung mga kaibigan mo.

    bons: may ganyan nga dun. kung ano ano nauuso! naalala ko tuloy pet kongng tamagotchi hehe

    Huwaw, naalala ko tuloy si Six Balls. Aso namin yun, meron siyang six spots sa katawan kaya pinangalanan siya ng Daddy ko na Six Balls. Nakakamiss naman. Gusto ko sana marinig si Ek kung paano magsalita, pero siyempre hindi na pwede. Masyadong naging malapit sa si Ek para ikaw lang ang magpakain. Huwaw, pwede mo na siya utusan para sugurin kunyari si Hamster di ba? Hehe. Parang, Ek, kill that Hamster! Ang galing.

    Pero, ayun. Lahat naman ng alaga ay nawawala din. Alam naman natin na napasaya tayo ng mga alaga natin.

    Bilib ako sa’yo. Nasa subconscious mo pa rin si Ek dahil napapaniginipan mo pa rin siya. Iba ka talaga mag-alaga ng pet. Hehe. Walang double meaning yun ha.

    bons: ang dami mo namang naalala.haha. minsan pag may sumpong si ek nanunuka yun hehe. inaaway nya yung aso namin (tsina name)! tapos nakikipag laro naman si tsina lalo sya inaasar. nakakamis lang siguro talaga. pag stay nako sa pinas, definitely ill get another one!

    • Ax says:

      Oo nga. Bili ka ulit ng parrotsss pag nandito ka na sa Pinas. Bili ka na rin ng otter. Sa ngayon meron kaming turtlesss, dogss, fishessssssssssssss, at salamander.

      kung gaano karami yung s ganun din sila karami. hehe.

  14. p0kw4ng says:

    ahahaha pinagbabaliktad baliktad ko yung pics pero di ko makita ang resemblance mo sa ngayon! galing!

    dati isda lang ang gusto kong alagaan pero lagi akong namamatayan…sabi ng nanay ko kung papaano ka daw mag alaga sa pet ganon din sa tao…kaya pala ganon ako sa mga naging lalaki ko..ahahaha

    bons: nahirapan ka hanapin ang resemblance. toinks hehe iba talaga hitsura ko nun. hehe. sabi nga nila ang bata habang bata pa bigyan ng ng aalagaang pet para magkaroon sya ng sense of responsibility, sa case mo wahah natawa ako.. “kaya pala ganon ka sa mga naging lalaki mo” haha. astig ka talaga p0kw4ng! ^^

  15. hanz says:

    WOW! panalo sa hairdo! para ng jao mapa lang a? di ba ikaw nawawalang myembro ng da gwapings?? hahaha.. apir sir bon!

    bons: haha sir hanz, panahon ng kabataan natin yan pa uso nun! nyaaaa! apir sir!!!

  16. jason says:

    nakakalungkot naman si EK..
    naalala ko tuloy

    sila baby brown at baby brownwhite… huhuhu

    teka ikaw ba talaga ang nasa piktyur!!

    bons: mga aso yang si baby brown and brownwhite!? my simpathy! ahehe
    oo ako yang nasa picture. 10years ago hehe.

  17. kikayness says:

    nalungkot ako bigla…naalala ko yung pet ko na hermit crab….nakipaglibing kay Michael Jackson, hinde na bumalik huhuhuhu

    bons: haha hermit crab! ang susyal naman ng pet mu! nung gradeschool ako madalas din ako bumili nyan nasa isang timba, depende sa size! pag malaki mas mahal, 5pesos, 3pesos may piso pa nga. at pilit kong inilalagay sa tubig na may asin para maalat heeh. tapos pinagpapalit palit ung bahay nila. kahit ayaw lumabas nung iba hiuhugot kong pilit. hehe pinakamatagal na sa kanila ang 2days wahaha!. pero cool ang hermit crab! pede ilagay sa bulsa!haha

  18. lovely says:

    hays..di kasi ko mahilig sa hayup..hehe..
    di talaga..ayaw kasi ng nanay ko sa mga yan..
    pero isda gusto nya kaya kahit paano nakapag alaga kami pero namatay din ehhe..kasi nwalan ng kuryente samen halos isang linggo aun patay hehe..
    ang cute naman ni ek hehe..ang bata mo pa jan kuya ah ehhe..

    bons: ung isda kailangan nga ng airfilter, edi sana 1week ka nag ihip sa airpump nila haha pra amy bula bula! wahaaha! may mga nanay talaga na ayaw mag alaga ng pet ang anak nila minsan nanay ko ganyan din! pero wala naman na sya nagagawa pag nakita nya me dala akong new pet hehe. tumatagal sya nadin nag aalaga. ^^

    • lovely says:

      haha..baka pag ako ang nag ihip ako naman ang mamatay buhay nga ung isda , wala naman syang amo na ehhe..dahil sa air filter na kailangan nila hehe..sino pa ang mag aalaga hehe..
      uu ayaw talaga ng mga nanay ehhe..makalat daw kasi sa bahay ang mga hayop hehe..

  19. ELIment says:

    Aba at mahilig ka pla sa pet.ako din nun.pati sisiw ng kapitbahay ikinukulong ko sa bahay.pinakaayaw ko lng tlga nun yong pusa.

    Teka lang.nadala ako sa quote mo sa bandang huli ah.

    bons: salamat boss ELIment. ako din kalaban kasi ng lahat ng alaga ko ang pusa, nakakatakot malingat ka lang eh nakaabang na ang pusa kahit gano pa kabait ang pusa basta nakakita ng daga awww kawawang dagang kosta! tsaka ung mga ibon na alaga ko naku palagi inaakyat yung kulungan pag gabi nagigising ako nadidinig ko nagkakagulo mga ibon nun pala nakasabit na sa kulungan nila ung pusa hindi makaalis kasi nakakapit ang kuko haha. naalala ko may ginawa pa kami ng kuya ko sa sobrang inis namin pinagpalit namin ung pusa ang nasa loob ng kulungan tapos ung ibon inilipat namin sa ibang lalagyan, maghapon nakakulong ung pusa haha sabi kuya ko para daw magtanda! lols!

    salamat sa pagpuna sa quote hehe. emo no?^^

  20. kathy says:

    ay kame rin nung bata kame ng kuya ko kahit nung maghigh school na kame ang hilig namin magalaga ng mga pet..para na ngang mini zoo ung bahay namin kase meron kameng rabbit,guinea pigs,gold fish,hamster,turtles,scorpio,nagkaron din kameng dagang costa,mga love birds at mayna.ang pinakaayaw ko lang nun na inalagaan ng kuya ko ung water snake ba tawag dun.naku tumatakbo na talaga ko kapag hinahawakan na ng kuya ko yun kase alam ko ilalapit na nya sa kin yun,at tumatakbo ako habang tumitili.ahehehe

    nakakamis din magalaga ng pet noh.pero nung minsan binilan ko si daughter kulet ko ng pairs ng rabbit wala pang 1 month namatay na naover feed ata..aheheh

    at ang pekchure parang hindi ikaw..ahehehe^^

    bons: saya naman! haha naalala ko tuloy ung watersnake.is it same with garter snake?nag alaga din kami nyan kaso nakakatakot lang haha. pero 2days lang yata nabuhay after mabili sa petshop then namatay din.. ang dami dami kong guinea pigs at ang bilis nila dumami! ^^ nakaktuwa lang sila palaging guess what ang color ng anak. un nalang ang consuelo kung ano kalalabasan ng kulay. yung mayna nyu nakapagsalita?! may local version sya ung martines. bumili din ako nun pero hindi ko napagsalita.. wuy welcome back pala! babalik kana sa blogging?

    • kathy says:

      hindi ko alam kung same sila ni garter snake.pero ayoko sa kahit anong snake..maski nga sa bulate takot ako eh..heheh
      yung sa min din ang bilis dumami ng guinea pig ang bilis nila manganaktapos ibaiba nga kulay nila pati ung rabbit nmin nun ang daming manganak.tapos kapag medyo malaki na hahayaan namin ni kuya ko na maglaro sa sala namin,ang kyukyute nila kaya!..ung mayna nmin nakakapagsalita tinatawag mga name namin..katuwa.^^
      sana nga makapagblog na rin..hehehe

  21. topexpress says:

    ahahahahaha. tawa ako ng tawa… nakakatuwa makita… hindi si ek (i know peaceful na sia)…. kundi kay bon. bespren tol, putek! hahahaha bakit di ko to nakita nun ha?! ahahahah

    naku buti nlng na SAVE ko pa ang alaga kong si patutoy. ahihihi :D

    bons: wahaha nung umuwi ako sa pinas, nahalungkat ko yan tapos scan ko lang den nakasave sa isang folder.may pag gagamitan pala ako hehe. ang payat wahaha.

  22. livingstain says:

    nice hair…

    nakalungkot naman ang kwento ni ek hano…. (natawa ako sa word na “hano”, wala lang natawa lang ako)

    napamahal sya talaga sayo, at nakakatuwa din na nakita mo sya hanggang nakakapagsalita na, siguro sobrang nasuklian na nya ung P700 mo…

    wag ka na malungkot, for sure nasa heaven na si ek… sabi nga ni pope JP kahit daw hayop napupunta din sa langit…

    SMILE na sir..

    bons: uso nga haircut na ganun dati hehe. sulit na nga ung 700pesos ko.pero nakakahinayang din kasi.40years ang inaabot ng parrot pero sa case nya 5years lang dahil sa depression. haha kahit naman sa tao nakamamatay din ang depression kaya tama ka smile lang. at masaya ang buhay.

  23. yhen says:

    wow talagang may connection kayo ni ek…

    sadness talaga ang mawalan ng alaga dahil mappamahal talaga sa iyo yan ng totoong buhay…

    maiba ako kuya, ikaw ba talaga yang nasa litrato? laki ng pinagbago… hehe

    bons: sadnes nga wahaha! uu ako nga yan haha sampung taon na ang nakalipas awwwts!!

  24. jun-g says:

    pagnakita ka kaya ni ek ang picture na ito… ano kaya isisigaw nya?… hehehe…

    bons: hahaha hindi pangeeet for sure! kasi never nyako tinawag na ganun wahahahaha!

  25. taga-bundok says:

    …kalungkot naman. pero, astig nga picture mo. hehe^^

    bons: marami sa bundok na pet hehe! hanap moko.ahihhi!

  26. flamindevil says:

    hindi ikaw yan pareng bons!hindi!

    si gio alvarez yan.hahahaha

    sad naman ang nagyari kay ek..naalala ko tuloy yung dog namin before, jumbo name nya. nagka rabies kaya namatay. :c

    btw,tenks sa text nung berdey ko..:p

    bons: ahaha. gio alvarez! wushuuuuuu! pushngew!! beng beng! hehe. delikado pag narabies buti walang nakagat sa inyo. welcome back sa KL! ako naman ang uuwe maingget kaaaaaaa! hehe

  27. Winkie says:

    lol @ rye’s comment *turo sa taas*… gio alvarez daw!!! very Ang TV! hahaha!

    never akong nag-alaga ng pet. im really not a pet person. pero sad ang story ni ek ah! may his soul rest it peace. hehehe!

    bons, bakit ung pic nyo ni ek parang mala-sepia? parang circle 70! hahaha! *jowkness* peace bons!!! :P

    bons: haha hindi pa nga yata uso kasi nun ang digicam.kaya scanned pic lang awwwts! ok lang yan ang mahalag yung ngayun haha (lakas!) biro lang. bida nga kasi ung parrot sya nalang pansinin nyu haha.

  28. boypulubi says:

    Yung ek ang bida sa kwento pero napunta pa rin sa iyo bons. sikat ka talaga hehe

    ang payat mo pa daw ang sabi ng iba.

    parang dekada sisenta naman daw ang kuha sabi ni winkz. “naughty girl”.

    Pasensiya na inuulit ko pa eh pwede mo naman basahin sa itaas :)


    bons: haha uu nga eh tsikat tsu poy! awww aww!

    Ang sa akin mynah lang.
    Pero namatay din ng di inaasahan.
    Marami rin siyang salitang natutunan.
    Madalas niyang sabihin ay “magandang umaga” magdamagan.

    bons: natawa ako magdamagang sinasabi ang magandang umaga nyahaha cool kahit gabi na magandang umaga padin hehe apra lang syang di baterya haha ayus din ang maynah kasi hindi nga yata tumatagal ang buhay nila.. nagkakaroon ng sakit sa vocal chords ahihihi

  29. waahhh..im back from pinas..salamat pala at nagkausap tayo noong geb namin sa tivoli..
    when i went home nagkita na naman kami ng labrador ko after less than two years…..hirap pala…kasi eto bumalik na naman ako dito sa roma…at naiwan na naman sya…

    • waaahh.. kua blu. lam u ba namtay ung dalawa kong black lab. hayst…. ayun. sobrang amo tlga nila… sobra ko silang mahal ayun kaso nagpaalam na sila. hayst. kua pag nagkababy ang black lab u akin na lang? hehehe mrrming salamat po.

  30. waaahhhh…
    sad namn.
    i know the feeling.
    hayts.. siguro ganon tlga pag miss na miss mo na ang isang bagay napapaniginipan mo xa…
    hayst.

    naluha ako don ah…
    seryoso.
    lam ko kc ang emotions na hatid non.
    tpos may pix pa kau..

  31. wawa naman si ek! :(
    bons ikaw ba yang asa pic? hehehe. :D

    naku mahilig din ako magalaga ng mga hayup nung hayskul ako. yun nga lang nadali ako ng kagat ng dagang kosta. hahaha. sabi nga nila mababait naman daw yun? ewan ko bakit daliri ko napagtripan nila. hahaha. :D

  32. whahha. ang puge nong nasa pix.
    artistahin tlga kua bon. wahahha. apir!

  33. tsenn` says:

    PABILEEEEEEE!
    hangkyut. wahaha.. XD
    ako po hindi mahilig sa hayop, pet man o hindi. hehe.

  34. boypulubi says:

    tol, magpapa-burger ka daw sabi ni MB.

  35. gudang says:

    whooaaaaa. sobrang ibang-iba ang ichura mo. :D hahaha. ilang beses pa ko nagcompare. HMM, basta naman ikaw yan. hahaa. welkam back…. pala saken. :D awww.

    —gudang!

  36. topexpress says:

    eekkkkkk eeeeeeeekkkkkk eekkkkkkkkkkkk :D :P

  37. shea says:

    ny EK.. ikaw yun? parang hindi naman.. hehehe

    magkamukha kayo infairness. hahaha jowk lang..

    gusto ko rin mag ka parrot.. hai…

    nigagaya ka niya magsalita?

  38. Jorge says:

    ayan, tapos na..hehehehe

    uy, kakatuwa naman, naalala ko si ek! tuwing lilibot kami sa inyo, ek sya ng ek, hahaha!! kakamiss nga naman!

  39. Prinsesa ng Drama says:

    padaan kuya bons ;) hehe.
    12 days nalang at uwian na. (nanginggit ba daw?hehe.)

    sana magkita-kitz tau nila PD ;)
    ingatz.

  40. Nakakabilib naman ng attachment nyo ng mga alaga mo lalo na kay Ek. Sa lagay na ikinamatay nya ang isang linggong pagkawalay sa’yo’y isang palatandaan na isa ka ngang dakilang mapagmahal sa mga alaga mo. Masuwerte sila sa’yo. Lalong-lalo ang babaeng magiging pet mo habang buhay, naks :)

  41. boypulubi says:

    Tao po hehe.

  42. “I’m holding on to something that used to be there hoping it will come back, knowing it won’t.”

    ganda nito!

  43. azul says:

    at ayun naalala ko aso namin dati si bebop..1 yr lang cia sa amin at super lab cia nila mama at bro ko..nung mamatay nga yun super ngawa si mama na parang bunsong anak yung nawala..

  44. meliza says:

    wawa nman c ek namatay cya dahil sa kalungkutan. sobrang mahal ka nya kaya nalungkot cya..baka inisip nya di ka na babalik kaya di nya nakayanan ang kalungkutan. pati sa panaginip dinalaw ka sa sobrang attached sa iyo ng alaga mo..
    anyways yung pic nyo dalawa ang ganda. ng kuha. ngapala ikaw ba yan? toinks. ilang taon ka na dyan bon?

  45. joycee says:

    Nyahahaha kaw ba yan Kuya??? Kalungkot naman ang kamatayan ni Ek hamuna may ibibigay siguro na bagong pet sayo. :)

  46. kengkay says:

    ganyan daw talaga ang mga alaga e, kaya nga sabi nila iba talaga ang loyalty nila sa amo nila. at least maganda ang memories mo sa kanya at may pechur pa!

  47. Jorge says:

    eeeeeekkkkk!! wala bang bago?!?

  48. boypulubi says:

    Tol asan ka na?
    Miss ka na namin. hehe

    eeeeeeekkkkk eeeeeeeekkkkkkk

    naki ek-ek na rin ako.ang kulet kasi ni toper. hehe

  49. blu.sparks says:

    di ako mahilig sa pets pero mejo im learning to love them na.
    may aso na kasi kmi ngayon.
    masaya din pala.
    magastos nga lang din.
    hehehe

  50. dencios says:

    ako din aso ko namatay na lastweek lanhg sa pinas..

    well thats life. baunin na lang natin ang memories ng mga hayop na naging part ng kahit paano e paglaki at buhay natin..

  51. mr. sleepyhead says:

    Ako di po eh..mahilig din ako sa mga pet…MMay mga naalagaan din ako na weird na mga hayop like grasshopper,dragonfly,catterpillar at yung tinatawag nilang hermit crab.. Dami ding goldfish na namatay ksi wala akong aquarium na may oxygen..haha.

    Ngayon, Im planning to buy Hamster…75 pesos lang kasi eh..
    Anyways…nakikiramay po ako sa pagpanaw ni Ek…kakalungkot talaga kapag namamatayan ako ng pet..lagi ako umiiyak..

  52. mr. sleepyhead says:

    hello kuya!
    pa visit ulit dito,,.

    pa visit naman po tong newest post ko,.
    http://wp.me/pDqV4-25

  53. otep says:

    wow naman, isa lang ibig sabihin ng panaginip mo, mag ampon ka na daw na panibagong pet, puwede ako.. awooooooo, awoooooo..

    anong hayop yan?

    aso ‘yan may unggol lang sa dulo para cool. pero natawa ako kay ek parang manananggal lang. ekekekeke…

    pero serioully, isa lang ibig sabihin ng panaginip mo bukod sa namimiss mo s’ya, naging mabuti at mapagmahal kang hayup este tao lols.

    pero lam mo yung nasa grade school ako nun, eight years ago.. trip kong alagaan yung suso at gagambang nabibili paglabas sa school share ko lang,

    pero magandang pet ngayon hamster.. try mo :)

  54. hi there admin. i have to say that you simply have a very nice blog(si ek atbp. bonistation) and i was actually impressed with it.i’m new to blogging and i would love to know other blog writers and learn from their website. My blog(http://buzzflash.net/story.php?id=1340192) is pretty new and i’m still learning to work with it. i hope i will get to know a whole lot from blog writers like you. cheers for this well-written post.

  55. Do you guys have a twitter fan page for si ek atbp. bonistation? I looked for 1 on the internet but could not come across it, I’d really like to become a fan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: