notiboi’s trippin’

naalala ko pa yung english na kanta na ginawa mo sa typewriter..  ipinasa mo yun sa grupo natin., freshmen palang tayo lahat nun, at nagsisimula palang mabuo at makilala ang mga magiging bagong ka klase at kaibigan..

labing dalawang taon na ang lumipas, tara balikan muna natin..

naalala ko pa nun sa buong klase ikaw ang parang pinakabata, at totoo nga kasi mas lamang pala kami sa ‘yo ng isang taon. pero ganun pa man, hindi yun naging sagabal para mas maging angat ka sa nakararami, sabihin na nating; isa ka sa mga bright na mag aaral nung panahon na yun. isa ako sa naging saksi kung pano mo inaaral ang lahat ng subjects na meron tayo lalo na ang math kasama na ang lahat ng klase ng calculus at kung ano anong equation.

simple ka lang din naman nun. larawan ng karaniwang estudyante. papasok, iiyak (haha joke!), maglalagi sa canteen, sa internet lab or kaya naman sa library. alam ko syempre! dahil sa mga panahong ‘yan.. nanduon din ako. kasama mong tumatawa, nambobola at nangungulit sa ibang mga kakilala at ka klase. at isa sa mga bagay na nagkakasundo tayo ay ang pagiging active sa iba’t ibang org at activities sa loob ng school.

mas naging popular ka pa lalo nung naging member ka ng student council. matalino ka naman talaga at masipag kaya kayang kaya mong pagsabayin ang lahat. kahit may mga pagkakataon nagiging sakitin ka, bat ang dalas mong magkasakit nuon? badtrip na tonsilitis kase hehe. di matatapos ang isang linggo ng hindi ka nagkakasakit lalo na pag malapit na ang exams. alam mo bang kinakabahan kami pag ganun haha. (wala kaming kokopyahan!) isa ka sa  top 5 na nakaka solve ng problems sa integral at differential calculus samantalang kami ay negative ang score haha. may utang  pa. taragis! pero hindi naman lahat ng jackpot ay na sa ‘yo ^^ bleh! kwits kwits lang din tayo. may ibang subjects din naman na lamang kami  tulad halimbawa ng P.E. lols!  ako ang presidente ng  PE Club kaya partida sa lahat ng incentives pagdating dun haha.

pero seryoso, isa ka sa hinahangaan ko sa talino at galing nung nag aaral pa tayo. kung paano mo hina handle ang lahat ng bagay. oo kahit na college na tayo pero madalas kapading umiyak nun. at hindi ko sasabihing natatawa ako .. sa ‘yun ka eh, mababaw ang luha mo at madalas mapaiyak ng mga simpleng salita o gawa ng mga taong naka paligid sayo, yun ang rason kaya tinawag ka din ng tropa na “nubitaaa!”  na para bang palagi dapat nasa tabi mo si doraemon hehe.

sarap alalahanin ng samahan nuon, bawat isa sa atin nagsisimbulo ng iba’t ibang klase ng tao, pero  magkakaiba man, sa huli nagkakasundo sundo parin. ikaw ang pinakabata pero ikaw ang pinaka madiskarte at may pinakamaraming niligawan. .(bwahaha!) kala mo ha! alam ko pa ang mga pangalan nila. ^^ gusto mo i-enumerate at bilangin natin! chos!

makakalimutan ko rin ba na diehard fan ka ng A1 at Westlife. na ilang araw lang ang lumipas ganun narin at fan nadin kami. lakas ng hatak mo. ikaw din ang may kauna unahang cellphone sa barkada. isang araw sinundo ka ng mommy at daddy mo sa school, nun pala bibilhan ka nila ng cellphone pero hindi pa uso ang text nun  at “piltel” pa ang network provider. pag pasok mo kinabuksan angas ng dating haha richkid! pero muntik mo din maiwala yun kasi nalaglag nung pasakay ka sa jeep umuulan at nag aapura ka nun. tangengots buti nakita ko!

sa 5th year hindi tayo naging magka grupo sa thesis dahil kailangan nating mag spread-out sa barakda (leader-leaderan daw tayu mga boys over girls!) haha. sobrang daming suportahan ang naganap, sa mga ginawa natin lahat successful at magaganda ang kinalabasan. namiss ko ang salitang “cheers!”. sa OJT sa baguio sanggang dikit padin tayo, walang patawad magkakasama at buhol buhol ang iisang likaw ng bituka.

eto sigurado tatawa ka, parehas na taon din ng muntik ka ng mag monghe! ^^ hindi ka nga lang pinayagan pa ng supreme court (family mo), at subukan daw munang ma experience mo ang buhay professional..

lumipas ang mga  taon, maraming mga pangyayari at pagbabagong naganap. kasabay ng pag buo at pag tupad ng kanya kanya nating mga pangarap alam ko mas naging mas matalino ka at mas malawak lagpas pa sa tulad ng dati.. 

at sa pagbabalik sa kasalukuyan;  masaya ako at hanggang ngayon astig padin ang samahan natin! kahit hubadero kana at ako eh simpleng artista lang harhar!..  pero eto ang pinakamabigat.. sa mga susunod na araw o buwan, haharapin mona ang totoong landas na dapat ay nuon mo pa sinuong.. ang lugar na kung saan mas magiging kapakipakinabang hindi lang ang talino mo kundi pati na rin ang kakayahang makatulong at makapagbigay inspirasyon sa bawat taong makakasalamuha mo..

parekoi, hayaan mong makita ko sayo ang isa sa mga pinangarap kong maging….

at alam kong hanggang ngayon ay may kaba ka parin na nararamdaman pero ikaw narin ang nagsabi, ‘yan ang makakapag patahimik at makakapag pa panatag ng loob mo.. at sa araw na magdedesisyon kang sumagot sa KANYA ng oo.. ay araw din ng simula ng pagkakaroon ng totoong kahulugan ng buhay mo..

 

“His calling is a declaration of love.”

Your response is commitment, friendship, and love manifested in the gift of your own life as a definitive following and as a permanent sharing in his mission and in his consecrations. To make up your mind is to love him with all of your soul and all of your heart in such a way that this love becomes the standard and motive of all your actions.- Pope John Paul II 

***

bloggerjorge will soon permanently leave malaysia  and will return to the philippines to pursue seminary life.

bonistation

82 Responses to notiboi’s trippin’

  1. teentoinks says:

    Ang daming memories na naalala ko habang binabasa ko toh:

    IYAKIN: Sa apartment, habang nag kekwentuhan tayo nun, kala ko ako lang umiiyak nun, may narinig na lang ako na humihikbi kita ko si Jorge mas nauna pa pala umiyak, to think na ako ang nag kekwento nun.

    SAKITIN: Bat nga ba sakitin si Jorge, pero kahit sakitin sya mas madalas pa yan present kaysa sa akin.

    BAGUIO: Naalala ko yung dala nya na crucifix, bible and rosary. That time….. kasalukuyan syang nagdadalawang isip kung pursue nya ba yung “calling” nya.

    A1&WESLIFE: Natandaan ko toh, pati hairstyle ni BEN ginagaya nya. Isa lang talaga di nya magaya.. yung boses! Kaya instead na kantahin nya, may dala sya CD at DiskMan… ahahha laging handa! Ayaw kumanta!

    CALCULUS: ahahaha… pakopya!

    Hays.. way back college days, naalala ko na naikwento nya rin sakin nun bout sa mga monghe, natanong ko sya nuon bout sa “calling” nya, di ko lang sure kung natatandaan pa nya.

    T:bakit ba gusto mo pumasok? (pasensya imature pa)
    J: Bakit naman hindi?
    T:Eh kasi feeling ko ang lungkot dun. (pasensya imature na engot pa)
    J: Dun naman ako magiging masaya!

    Wala na ko nasabi… end of story! Hehe

    But now parekoi, I want you to be happy. May your journey be as smooth as possible. Let burdens and difficulties be your guide to show you the right path and where you truly belong. May you find in your heart the real HOME. A Home that you’ve always wanted since college.

    Lika nga dito… hug kita! Pakurot na rin, tas pasabunot na rin sa….. kilay mo! Muak* Labsyu parekoi!

    @BON: Yun lang… hahaha! Mag rereact pa eh. Gusto mo rin makurot? Hoy…. parehas kaming year of the rooster (confidential yung age) ni Jorge kaya 1year din tanda nyo sakin! Yun lang! hehe

    bons: sa haba ng comment mo dika gumawa ng sarilin entry mo!~? haha. isa ka pa ngang iyaken, dapuan lang ng langaw iiyak na! (lols!) alam ko pag nag aabsent ka eh nakikipag date ka lang nun wahihi. pero di nga? parang wala akong natandaang umaabsent ka nun? puro ka lang late! morning ang klase alas dos ka na darating eh ano yun haha taragis! certified late ka! pero kahit na ganun ikaw padin ang pinaka galante at financer namin sa maraming bagay hihi pati ang talk and thanks! (remember~!?) isa kadin sa richkid na may sinaunang cellphone smart billcrusher naman ang sau! patawag namaaan! sa ibang bahagi ng comment mo, si jorge na rereply sayu…

    tinatanong moko bat si jorge lang me ganito, mag madre ka na kasi pramis gagawan din kita! awwwts! ^^

    • teentoinks says:

      Ako yung kumuha nung last pic, yun lang di man lang ako binati! ahaha…. Don’t worry di ko na aasamin ang gawan mo ng entry, kasi lam ko ilalaglag mo ko. Taragis ^^.. <<<naks nakikigaya!

      Hoy… may rich kid ka pang nalalaman, kailan naman naging issue yun? Smart Billcrusher gamit ko ikaw naka PHILIPS SAVVY na…oha… may txt ka na nun. pa txt naman!

      Kaya pala nag SAVVY ka nun, nakigaya ka lang sa CRUSH mo! bwahahaha joke! Taragis ^^ <<<nakigaya uli!

      Si BOSH ni Jrg namaltos daliri ko dun, kahit isang msg lang isend ko. ahaha

      bons: ahaha, yung BOSH na kulay dilaw, bat nga ba sobrang tigas ng keypad na yun, napunta din yata sakin yun!? pero no comment sa philips savvy, parang diko matandaan na nagkaroon ako nun hehe!! (state of denial) taragis!<–original. haha

    • Jorge says:

      Ahahaha!! kamote! sino iyakin ha?! ako pa eh siga to!! woi!!

      toinks!!

      Uu nga, agree ako kay bons, mahipan ka lang ng hangin iiyak ka na, at ang pasok eh 7am, papasok ka ng 2pm kung kelan tapos na klase! hahaha.. at isa pang agree, richkid ang bruha!! utangan ng bayan! nde nawawalan ng pera, may sariling apartment at nde mabilang na boyprends, bwahahaha!! Eto pa, nakaMOUSSE ang buhok from tip to end parang manikin lang, at nakigaya pa si elisa!! hahahaha…

      teka, humahaba comment ko wala namang wenta.. toinks!!

      T:bakit ba gusto mo pumasok? (pasensya imature pa)
      J: Bakit naman hindi?
      T:Eh kasi feeling ko ang lungkot dun. (pasensya imature na engot pa)
      J: Dun naman ako magiging masaya!

      Teka, para namang ang sungit ko dyan, mahinahon nmn sagot ko ah, hehehe.. perahas tayong immature dyan parekoi, to tell u the truth, nde ko alam ang pinagsasabi ko dyan, siguro dahil ‘hilaw’ pa ang pagtranslate ko sa ‘tawag’ kaya ganyan ako sumagot, hehehe..

      Sakitin ako nun kasi nde pa ako nakakaano, bwahahaha!! kaya ngaung laging umaano eh nawala na ang pagiging sakitin, hahaha!! toinks!! hanube!

      Asan na ba ang a1 at westlife ngaun? disbanded na ba? Well at least nagaya ko ung buhok ni ben adams!! hahaha! Plano pa nga nating manood ng concert nila kaso wala tayong pera, kaya in our dreams nalang, si ariel natatandaan ko umiiyak pa sa mga kanta nila, wahahaha!!

      Calculus?! Woi, nangongopya din ako kapag nde nag aral! hahaha..

      Ano pa ba? Eh bat nde kaya tayo magsulat ng sarili nating entry no?!

  2. lhen8 says:

    ha ha :-) naka base ako dito oh :-) pangalawa ? :-)

    hehehe :-) teka basa muna ako… :-)

    bons: nahuli ng konti, pero ayus lang yan! pasok padin sa top10. ^^

  3. jun-g says:

    wow! pwedeng pangmaalaala ito bon. ipadala natin kay miss charo santos at sayang din ang 10k (tama ba?) hehehe…

    pero naantig ang puso ko habang binabasa ang entry na ito.

    una sa pagkakaibigan… panalo!
    pangalawa sa katalinuhan… galing pala nitong si jorge!
    pangatlo sa tawag ng nasa itaas… sana talaga maging magkapatid tayo sa kapisanan!

    wag kang mag-alala jorge… alalahanin mong isa na naman itong laboy… si St. Ignatius isa din certified palaboy na tulad mo… tawag nga niya sa sarili nya, “Pilgrim”

    excited na ako para sa’yo.

    at nagdarasal din para sa’yo…

    bons: salamat brod jun-g,. MAS patok padin yata ang kwento ng buhay mo kaya yun ang pwedeng pang MMK hehe. palagi ko din sinasabi kay jorge, kung papasok na sya, lahat ng araw sa buhay nya dapat maging makabuluhan kahit na mahirap abutin ung final goal dapat i-enjoy padin and besides.. its the journey.. not the destination…. kaw na bahala sa magiging bagong school mate mo ha! ^^

    • jun-g says:

      walang makakapantay sa pag-aalaga mo sa bespren mo… kakabilib…

      lahat naman ata ng buhay ng tao pwedeng pang MMK. hehehe…

      basta. lagi ko kayong sinasama sa aking mga dasal.

      see when i see you…

  4. lhen8 says:

    napakaganda ng post mo bon grabeh naalala ko ang dalawa kong bestfriend na seminarian ……kausap ko lang kagabi ang isa (bro.ian) na nasa seminaryo

    hindi malungkot bon pag tinawag ka………
    tignan nyo nalang ang mga share stories ni padz (fr.fiel)
    may mga ganung factor talaga hindi nya makita masaya siya outsideworld ….. parang ako rin sa dami ng night life ., gimmik ko sa mga kada ko nung nagwowork pa hindi pa rin ako masaya kahit kumukita at gumigimmik may hinahanap ka talaga…. marami na ring mga nakarelasyon pero hindi ko makita yung quality ng isang guy na hinahanap ko….

    ngayon ngang volunteer work ako sa foundation at parish…hindi sumasahod pero yung feeling na may mapangiti kang kabataan, may mapasunod kang kabataan.., masaya na ako………tapos pag hindi makapag apostolate…. dun ko nararamdaman ang mga pananakit ng katawan ko na to the point na nagkakasakit ako…….

    pero pag nag apostolate ako…kahit maraming ginagawa hindi ko maramdamang pagod ako…… mas nakakapagod pa nga nung magwork ako nun sa ACA VIDEO AT SA PHOTOGRAPHY STUDIO….

    masasabi ko lang masarap pakiramdam pag tinawag kang mag lingkod….tignan mo nalang si padz patambling tambling sa bokasyon nya :-)
    kaya pala napadaan ka sa site ko …… eto pala ang post mo

    bons: aww! ang haba din hehe. kwento ng bokasyon mo yan! at naalala ko sa post mo nakapangkasal ka ng walang groom oha! pang madre ung kasal na ganun! ^^. hinihintay lang naman nya ang OO mo! mas marami pang surprises ang nakalaan sayu! goodluck din po

  5. boypulubi says:

    Ang galing. Ang galing din ng inyong samahan. Mga kulitan. Pagbutihin niyo pa. Hanga ako sa kanya at sa kabila ng lahat ay nakapag desisyon na siya na pumasok sa seminaryo. Matutuwa Siya sa iyo. Pero matanong ko lang pareng bons, sabi mo hubadero siya, pwede ba ang mga ganoon doon? hehe

    bons: haha ang tanong mo ay tanong ko din! malamang kautuan lang din dadalhin nya sa loob haha. pwera biro, hndi madaling desisyon yun lalo na pag nasanay kana sa buhay na may sarili kang trabaho at kita.. its just like giving up everything.. tama naman diba, sundin nalang natin kung ano ang gusto ng puso natin… lahat tayu iba iba ang bukasyon sa buhay, kung saan tayo mas mapapabuti dapat dun tayo! hurray! salamat pareng BP.

  6. lhen8 says:

    pa base daw si fr.fiel
    kase brownout daw sa kanila eh

    at may misa siya ngayon kase fiesta..

    o ayan padz nka BASE kna rin

    bons: haha ang pari wala na naman kuryente!!! toinks

  7. lhen8 says:

    ikaw may bokasyon ka rin ba bon? hmmmmm alam ko meron
    ang mahalin ng husto at maging faithful ky ms. pinkie (si TOKAYO)
    :-)

    NA soon tawag kayo ng sacramento ng matrimonyo :-)

    bons: uu yan ang bokasyon ko! ^^ apir!

  8. it is the character of very few to honor (without envy) a friend who has prospered. panalo ang friendship n’yo. a friend loves at all times.

    for jorge, find out and discover what it is you love to do, and then do it with your whole heart.

    bons: ingleserong mangyan! hehe. nakaka proud naman talaga ang mga kaibigang ganyan! at sabi ko nga sa kanya ko nalang din titignan ang pangarap ko! =) ung goal nya parang sakin na din yun! salamats uli.

  9. topexpress says:

    Nakakainspire ang ganitong mga storya ng buhay ng magkakaibigan. Pagkakaibigan kahit saan mapadpad patuloy ang buhay at pagsasamahan.

    To Kuya Jorge, (ehehehehe) as you pursue ur dream in embracing ur calling. Sana maging masaya ka sa pagpasok sa BAHAY ni KUYA at ng AMA.

    ayos tol pareng Boni! patunay na ang distansya ay di hadlang sa tunay na pagkakaibigan!

    bons: samahang walang kapantay! gold eagle beer!~. sa buhay natin marami tayong magiging kaibigan at lahat sila may kanya kanyang parte at kuntribusyon sa pagbuo ng ating sarili. parang sayo lang din, sa hanay ng mga kaibigan mo.. proud ako at isa ako sa kanila!

  10. azul says:

    namimiss ko tuloi ang bespren ko..grabe na pala ang napagsamahan nio ni jorge..kilalang kilala mo na cia..

    anuman ang tahaking landas ni jorge hemsyur magigingmasaya cia..

    kudos sa inyong dalawa..

    bons: wala namang maling desisyon basta para kay BIG BRO! salamat po sa pagdaan dito! =)

  11. pinkdiaries says:

    napakasarap talagang magkaroon ng totoong mga kaibigan, na mag tetreasure talaga ng friendship nyu, kahit malalayu pa pagitan.. at nandyan padin masasabihan ng mga problema, o kung anu anu pa.

    goodluck sa friendship nyu, and goodluck kay jorge! :-)

    bons: bigay pugay muna sa aking mahal na reyna, na sobrang napagod sa english camp nila,..(half bow sabay halik sa kamay) naks! ^^ salamat po sa pagdaan dito.. mahalaga ang mga kaibigan sa buhay at dahil sa kanila nagiging ok ang lahat hanggang sa panahong makita natin ang taong mas lubos na mag aalaga at makakasama ng pang mas matagalan..

  12. timangkey says:

    Masaya talaga ang me mga tunay na kaibigan…

    Goodluck ke Jorge…

    papasok na xa sa bahay ni Big Bro…

    bons: uyy bago ka dito!? welcome sa bonistation! salamat sa pagdalaw! wala kang link!?

  13. Jorge says:

    Sandali lang, punas muna ng luha..

  14. i remember jorge…

    nasa blogspot pa lang ako noon. then one day, nakareceive ako ng email sa kanya…kwentuhan…kwentuhan…hanggang yon nga, nasabi din niya na na-fe-feel niya na may calling siya….

    regular visitor na niya ako sa bloggerjorge noon pa. pero mas napadalas ang laboy ko sa bahay niya ngayong andito na ako sa wordpress.

    this post is a revelation…noon din gusto kong magmonghe…kaso di ako tinanggap ng mga trappist monks ng guimaras kasi baby pa daw ako…16 pa yata ako noon when i inquired. SVD ang tumanggap sa akin at natuwa ako that dito ko nakita ang kahulugan ng buhay ko.

    welcome to the seminary world jorge…masaya, makulay, magulo at maganda ang buhay seminaryo! by the way, ung post ko na “buhay seminarista” ay ginawa ko talaga with you in my mind — at siyempre para sa mga bloggers na nililigawan kong magtry sa seminaryo namin, kahit search-in lang (itago na lang natin sila sa pangalang ____ , ____ at _______)

    “nubitaaa!” hangad ko ang lahat ng mabuti para sa panibagong laboy mo. vocation is indeed a mystery. marami ka pang kakaining bigas, marami ka pang trials na haharapin, marami pang mga temptations ang hahabol sa yo — but rest assured na nandito kami, lalo na ako, praying for you.

    Salamat Bons sa post na ito.

    God bless you Jorge…

    bons: ang ganda naman ng mga sinabi ni fr. kakabasa ko lang din ng entry mo, at yun nga si jorge din ang naalala ko habang binabasa ko un, naiwan yata dun ung pangalan nya habang naiisip mo sya while writing.andun padin kasi ung impact. well. sigurado mas malaking tuwa ang mararamdaman ni bloggerjorge ngayon dahil sa mga comment mo at ng iba pang readers.. salamat uli father at hahayaan kong si jorge ang sumagot dito… (teka bigla kang nabuhay nagkakuryente na dyan! yeeeyy! haha. happy fiesta nadin po)

    • Jorge says:

      Pads!! thank u thank u din!! Maraming salamat sa suporta.. touched din ako when you said you are thinking about me when you are writing your latest entry, salamat po!

      Please continue to pray for me, sana makapasa ako at magtuloy tuloy na.. It helps me a lot when people are showing their support, siguro nmn alam mo din yan, hehehe..

      At talgang nubita na din ah!! hahaha, hang kulet!!

      Kiddin aside, thank u (again and again) sa mga advices, I know marami pa akong kakaining bigas, marami pa akong maeexperience, marami pa akong trials at tribulations na lalagpasan.. when the time comes, I know you are just a text away and I know you will be there for me too…

      And wow! Naging interested ka rin sa Trappist? May kilala akong blogger na gustong pumasok dyan, hehehe.. nde ko sasabihin.. toinks!! I really saw the inner peace that I’m looking for that time sa mga monghe kaya nagbalak akong pumasok buti nlng nde natuloy, hehehe..

      Godbless u always pads!

      • regarding trappist: kasi dati noong wala pang promo ang mga airplanes, mas gusto ko magbarko from davao to manila. ang route na gusto ko lagi ay davao-gensan-zamboanga-iloilo-manila. that is about 3 days and 4 nights sa dagat.

        pag dumadaan na kami bandang iloilo and guimaras, kita doon ang trappist monastery. nasa tuktok ng bundok yan and it stands majestically overlooking the sea. from the barko naman, it is a wonderful sight to behold.

        taht time di ko pa alam na trappist monastery pala un. pero everytime na dumadaana ng barko doon, i felt inner peace in my heart.

        noong nalaman ko na yon pala ang trappist monastery, aba, mas tumindi ang desire ko…ngunit yun, nga masyado pa daw akong baby. 16. siguro di nga para sa akin…

        “nubitaaa!” all the BEST! Mag-e-enjoy ka for sure sa loob! Again, welcome sa mundo ng seminaryo!

    • bons, talagang nabuhay ako pagkatapos makapamiyesta. tatlong bahay ba naman ang pinuntahan ng baby priest. OMG! buwan-buwan may fiesta dito kasi nga ang mga chapels ay 32 lahat! grrrrrrr!!! talagang mahirap magpataba dito sa isla.

      bons: padz sarap naman daming biyaya! busog busog burp!

  15. Jorge says:

    Okay, cencia na, super busy lang kanina sa office, gusto kong magcomment ng ready ang pag iisip ko, hehehe..

    Ciempre palakpak naman ng tenga ko sa mga papuri mo parekoi, hehehe.. kaso parang over naman yata, nde nmn ako ganun katalino baka kung ano isipin ng readers mo, hehehe..

    Thank you, thank you, maraming maraming salamat. Words are not enough to thank you not only by writing this but by being a great friend. It was indeed perfect kasi may mga ups and downs tayo, boring naman kung nde tayo mag aaway o magkakatampuhan di ba? In that way also, nakikilala natin lalo ang isa’t isa at lalong lumalalim ang friendship. Eto nga naalala ko, nagkatampuhan tayo ng todo as in over to the maximum level tungkol kay suzette (ayan, nagpangalan na ako, hahaha!), nung binuko mo ako kay kat (ayan, may pangalan ulet! toinks!!), di ba matagal din tayong nde nagkibuan pero one time nalock ung cyber’s office mo at sinuot ko ung maliit na butas para buksan ung pinto since ako ang pinakamaliit sa atin.. hinding nde ko malilimutan sa buong buhay ko un kasi gustong gusto ko ng magkabati tayo kaso nga lang walang chance and I believe God locked that door para magkabati tayo and it make our friendship tighter.

    And yeah, everytime I watch doraemon, naaalala ko kayo kasi ako nga si nubitaaaa!! hahaha.. kamote kayo, nde nmn ako ganun kaiyakin, uy! slight lang, hahaha.. nabisto tuloy ako.. toinks!!

    I admit, sobrang miss ko na kayo.. di bale, ilang linggo nalang at magkikita kita na tayo, we will spend our time as if it is the last.. We will make history again, we will make unforgettable memories again na pagtanda natin, un naman ang irereminiscence natin..

    Again, maraming salamat sa suporta nyo about my plans. I still remember when we were in college, against all odds ang pagmomonghe ko, si tina super sa interview daig pa si kris akino, grabe!! hahaha.. Pero ngaun, wala akong masabi.. you never know how your support helps me to get through this. Nde kasi madali.. I really really appreciate it. I actually never let a day without praying for you and the tropa, you are my family na rin naman kasi mga kamote kayo, toinks!! nakokornihan na ako, hahaha!!

    Hay buhay.. Never ending thanks parekoi.. I owe you this one and I must say, I will never forget this entry of yours for the rest of my life. Godbless u always!

    Corny mang sabihin pero… labsyuh parekoi!! hahaha.. toinks!!

    bons: hahays nalulunod na naman ako sa haba ng mga comment.. salamat din ng marami parekoi! sobrang dami pang mga nangyari dati na talaga namang masarap alalahanin! tagal na ng mga yun, pero sarap isipin na parang kahapon lang at walang ipinagbago, buti nalang at mga alagad tayo ng impormasyon at teknolohiya (toinks!). magkakalayo man may mga regular na usapan padin.. palagi lang kaming nandito para sayo, malaki ka naman na at siguradong kaya mo ng panindigan kung ano man magiging desisyon mo.. basta nandito lang kami! nandito lang ako!

  16. p0kw4ng says:

    awww ang sweet naman at talagang ramdam ko yung totoong meaning ng kaibigan sa samahan nyo at sa mga pinagdaanan na magkasama kayo….

    gandang entry bons…

    kay jorge: Goodluck sa pagsagot sa tawag…maging malakas ka sana sa lahat ng klaseng tukso!

    bons: salamat mis p0kw4ng! o kendeng muna! lols!! after mong mag comment binasa ko uli ang buong entry ku! nakakatuwa pala hehe. paulit ulit kong naramdaman yung totoong meaning ng pagkakaibigan hindi lang sa aming dalawa, pati na rin sa iba ko pang kaibigan! =) maraming salamt po at nagandahan ka!

  17. joycee says:

    Nung una ko kayong makilala ni Kuya Jorge at pati si Kuya Buyoy, humanga ako sa friendship niyo, sama mu na din si Ate Tina, matagal na kayong magkakasama tapos parepareho pa kayong naging blogger.

    Sobrang humahanga ako sa friendship niyo kase kahit magkakahiwalay na kayo, you support each other sa mga decision niyo sa buhay.

    God bless you Kuya Bons, and may God continue to bless Kuya Jorgie. :)

    bons: salamat joyce sa iyong mga sinabi, oo nga no dahil sa sinabi mo mas naapreciate ko yung mga simpleng bagay na kwentu kwentuhan namin kahit magkakalayo kami. su buyoy isa pang sobrang astig makisama at palaging nandyan para sa mga kaibigan..

  18. dlysen says:

    Isang masaganang kwentuhan ang aking nasaksihan dito. Hindi talaga natin mapiglan ang tawag nang ating damdamin, kung may kailangan alalahanin, balikan, at pagsikapang marating. Isang matagumpay na lakad para sa iyo mahal na kapatid.

    bons: salamat po sa pagbisita dito.. masarap balikan ang ilang mga kwento ng ating buhay, lalo pa’t iyon ang naging pundasyon ng ating mga tagumpay..

  19. flamindevil says:

    congrats pareng jorge, or shall i say rev jorge?

    i’m really happy for you. pag si Lord talaga ang tumawag sayo, kahit san, kahit kailan, pag ready ka na, ‘yes’ na lang ang sagot mo.

    ang galing. i’m really proud of you. mukha ka naman talagang mabait.

    teka, blog ba to ni jorge o ni boni?toinks.haha.

    congrats sa frenship nyo pareng boni. i know it would go a loooongggggggg way. :p

    bons: awwwts! blog ko ‘to! salamat sa pagdalaw! madagdagan ang mga kaibigan nating pari at mababawasan ang artista yesss! ikaw kelan ka mag papari?! haha para solo kona ang title!! lols

    • hahahaha. akala ko ako lang ang nalito! lol. kanina di ko rin alam kung kanino iadress ang comment, kay bons ba o kay jorge…lol

      bons: hehe. ako rin nalito na father! pag open ko to parang nakikibasa lang akon ng comment haha nakakakalimutan kong sakin pala kaya diko narereplyan! ^^

  20. jubs says:

    bonski kakatouch naman, parekoi jorge congrats, kung ano talaga nasa puso and mind mo go! go! go! nandito kami para sau, remembered ko tuloy yung college days natin kahit alam kong sabit lang me naramdaman ko na itinuring nyo isa sa mga tropang engineer and thanks to that, specially kay jorge kasi sya ang pimakamalapit sakin una sa lahat, isang tao na mapagmahal at matulungin sa lahat lalo na sa pamilya, kaya saludo ako, kami sau…

    bons: welcome uli dito jubs! buti napadaan ka! kita kits na soon!! iready mona ang uniform mo wahaha sabi ni tina! diko lang maimagine na nakapalda uli si tina after 12 years wahaahah!!
    tanda ko padin un na si jorge ang taga pag alaga at protector mo dati.. ^^ madalas sya sa inyo inuubos ang laman ng ref hahaa!!

    • teentoinks says:

      Hi mahal jubs! miss you! muak* See yah soon… Pagdating nila, gawa uli tayo ng memories.. moments… together… AGAIN!

      Punta tayo sa McDo, uupo tayo sa dating pwesto. Tas TREAT NI BON at JORGE (the best)

      Para mas BONGA, mag uniform tayo! waaaahhh…. teka erase erase… haha..

      Miss you all!

      bons: woi! sino ba nag aaral ngayun!? diba ikaw?!?? edi ikaw ang me baon!! mag ipon kana mula sa allowance mo para malibre mo kami! hindi naman ako mapili! twister fries at burger masaya na ku dun!

      • Jorge says:

        Uniform?!! cge mag uniform ka ng pang lafo, ung palda ha, bwahahaha!!

        bons: natawa din ako dito hehe! kasi naman naalala kong bigla yugn hitsura ni tina nung nakapalda pa sya na uniform wahahah!

    • Jorge says:

      Hi jubs!! Thank u achie!!

      never kang naging sabit ah! kasama ka talga sa amin.. malapit na kaming umuwi, gawa ulet tayo ng memories that we will cherish when we grow old.. kita kits!!

      thank u talaga, as in! Godbless u always!

      bons: naks! feeling blog nya talaga! hehe

  21. TSI says:

    Keep it up guys and continue the friendship you have started, saan man kayo dalhin ng panahon.^_^

    bons: salamat artsi!! o wala ba tayong i ci click dyan!? haha!

  22. Winkie says:

    nagulat ako sa pic… kala ko, wrong blogsite ako. hehehe!

    teka, di ko pa binasa. i will be back… tulog muna. antok na eh! pero ung last sentence na daanan ko. madadagdagan pala ang mga nakaputi sa semenaryo. salamat na naman!

    balik ako, bons! :)

    bons: balik ka agad! baka maubusan ka ng oscha at mompo! tagay naaaaaa! lols!

  23. when His call is sounded…
    everything comes to a halt..
    only those who have ears to hear..
    can heed and understand the call.

    heed the call
    because you will not be led astray.
    believe, live and hope..
    even if the road seems so narrow
    and bumpy.

    at the end of a long,
    winding and tedious journey
    i am sure
    He will be there,
    waiting for you..

    blu

    bons: thanks blu! astig naman nyan!!

  24. dencios says:

    pasensya na boss bonistation nalito ako, akala ko sa sarili mo ito inaalay hanggang sa mabasa ko pala sa huli na sa ibang tao.

    sarap balikan ng memoris. yun nga lang sa kwentuhan na lang pero yung aktual na nangyari o kung mangyayari pa ba ay hindi na o puedeng mahirap ng ibalik.

    gayunpaman saludo ako sa barkadahan nyong dalawa. parehong guapo, parehong matalino, parehong sikat.

    san ka pa?

    gudam mga bossing mula sa dubai!

    bons: wohooooo dumalaw ang crowned-prince ng dubai hehe! welcome ulit dencios! salamat sa mga sinabi mo haha sarap pakinggan nyaaaaaa! =) mas guwapo ka! mas matalino! at higit sa lahat mas sikat!! artista ka kaya ng atlantis! yihaaaaaaaa!

  25. aksoriyalmo says:

    Ang hahaba ng comments nila. Hehe. Yawts. Ngayon, mas lalo kong nakilala si Kuya Jorge at maraming natutunan sa college layp niyo. Ang saya niyo pala!

    Tatawagin na rin naming Father Jorge si Kuya Jorge?

    bons: oo sa comment para lang silang nag entry! =) salamat ax. lahat naman tayo dumaan sa buhay estudyante at lahat tayo may kanya kanyang kwento. IKAW ANONG KWENTO mo?
    ** baka mausog si kuya jorge,. pag pray nalang muna natin.

  26. lovely says:

    teka lang wala akong masabi hehe..
    mag babawi muna ko hehe..

    aun..nakakahanga naman ang frendship nyo..ang tagal na rin tapos..magiging rev na rin si kuya jorge..ikaw ba kuya boni ehhe,,.hindi mo ba sila susundan hehe..
    well pag pala talaga si lord ang tumawag sayo hindi mo mahihindian.. talagang ung puso ni kuya nandun..at masaya sya..:)
    namiss ko tuloy ang buhay estudyante ,..makapag kwento nga rin hehe..:)

    kuya boni mag ooct na hehe..:)

    bons: so ooooctooobeerr fest naaaaaaa!? hehe babaha na naman ang beer!!
    oo pag tinawag ka hindi ka pwedeng humindi! pero sa case ko kasi tinatanong moko! tinawag na nyako kaso pinauwi din!! hahah. tapos ibinigay nya si PD. ^^ hmm cheeesy!~

  27. Dorm Boy says:

    Go blogger Jorge may you find fulfillment sa calling mo! Gogogo!

    bons: woi DB salamat sa pagdaan!!! GO GO

  28. hehe, ayon, nilagay ko na ung pix na sabi mo sa blog ko…

  29. lhen8 says:

    kita mo princesa ng buhay mo?…. comm’l model na siya ng pantene :-)

    ako ang naglay out nung billboard niya…. natupad na rin ang pangarap ng wife to be mo…… ikaw gawan din kita ….. hehehe :-)

  30. blu.sparks says:

    @bon:
    friendship knows no boundaries. friends are extensions of ourselves. what you have is a great bond. continue to nurture it. life is never fulfilling without friends.

    @jorge:
    you must be so proud to have a great friend. finding yourself and heeding your call is one great achievement. you’re one of the few, you must be so blessed. goodluck and God bless you.

    serious mode..hehehe

    bons: wow! salamat sparks! huli ka man parang naka base ka nadin sa ganda ng sinabi mo!

  31. ELIment says:

    Masyadong mkabagbag damdamin ang sinulat mong ito bon.kitang kita ko yong solido nyong samahan.ang sarap din minsan ala2hanin yong samahan maging malungkot man ito o masaya kse ito ang ugat ng magandang samahan.

    • Jorge says:

      hi eli, ako muna magreply.. hehehe…

      thanks naman, bunga yan ng halo halong experiences, nde ibig sabihin nyan na lagi kaming masaya, marami din kaming problemang pinagdaanan kaya siguro lalong lumalim ang samahan naming lahat..

      thanks thanks!

  32. ELIment says:

    Jorge, go go go na! Hangad ko din na sana dyan m mkita yong tunay na hinahanap at gusto mong maging ikaw.

  33. chicksykat says:

    ang sarap talaga magkaron ng kaibigan na kahit may mga kanya kanya na kayong buhay nanjan pa rin sa tabi mo or kahit magkalayo nararamdaman pa rin ung pagiging magkaibigan tulad nyo ni kuya jorge.ipagpatuloy nyo lan yang magandang samahan na yan hanggang kayo ay tumanda na.^^

    para ngang bulong bulungan na nga dito sa blogosperyo yang pagbabalak ni kuya jorge na pumasok sa semenaryo akala ko biruan lang yun totoo na pala.

    @kuya jorge,tumatanggap ba sa semenaryo ng hubadero?..aheheh

    pero kuya kung yan talaga ang sa tingin mong calling mo go lang susuportahan ka lang naming lahat.and we will PRAY na malagpasan mo ang mga trials na ibibigay ni BRO..

    GOD BLESS TO BOTH OF YOU{bons & kuya jorge}^^

  34. livingstain says:

    padaan lang po, tumitingin kung may bago na….

    ingatz

  35. potsquared says:

    wow.. sarap talaga ng friendship.. jorge.. uwi ka na? kailan? ehehehehe ingats and Godspeed!

  36. shynyrd says:

    ayos …. napaka inspiring naman nito. at kainggit…
    may mga asawa na yung mga friendship kaya di na pd abalahin, sabi ng nanay. hehehe

    God bless po!

    • Jorge says:

      okay lang kahit may asawa na, nde nmn mababawasan ang friendship kapag may sarili ng families eh, mababawasan lang ang time..

      thanks shynyrd.. Godbless din!

  37. ladyinadvance says:

    wow naman……blessing tlga ang mga tunay na kaibigan…..

    nice one…..dumaan lang..hihihihihi

  38. boypulubi says:

    Lapit na siguro ang uwi mo pareng bons.
    Ingat sa biyahe.

    Enjoy ng todo hehehe.

  39. Walongbote says:

    Sayang naman d n2loy ang pagm0m0nghe nyo hehe, a1 and westlfe? Nakz! Gus2 ko dn cla dti, baby pku nun.. bsta makakanta lang ay0s na.Hehe.

    0o nga lapit n bumlik c jorge! 2loy b pagpas0k nun sa anu? Whatevr hs decisi0n.We support him.

    P.S.
    Added u on twitter. Heres mine twitter.com/superjeniffer08 tnx.

  40. Walongbote says:

    Sayang naman d n2loy ang pagm0m0nghe nyo hehe, a1 and westlfe? Nakz! Gus2 ko dn cla dti, baby pku nun.. bsta makakanta lang ay0s na.Hehe.

    0o nga lapit n bumlik c jorge! 2loy b pagpas0k nun sa anu? Whatevr hs decisi0n.We support him.

    P.S.
    Added u on twitter. Heres mine twitter.com/superjeniffer08 tnx.
    http://painuminmoko.idlip.net

  41. sows says:

    nobody nobody batchu! (clap clap clap clap clap!)

    haha..nanggugulo po! hehe $,$

  42. ronelM says:

    bestfren forever! kaw ba c nobitaa at cya c doreamon?hihihi thanks po sa pagbahgi ng kwento nio…

  43. boypulubi says:

    O sige pareng bons. Ingat sa biyahe at enjoy sa bakasyon sa Pinas.
    Malamang kapag nabasa mo ito nakabalik ka na diyan sa Saudi.

  44. HI Bons! i’m back to desert! hehe. Sayang nga lang di ko kau nameet nila PD :)
    Maybe next time. Balitaan nyo nalang ako sa GEB. Hayz…
    Gusto kong lumipad pabalik ng Pinas. hahaha. :D

    Take care & Enjoy ur vacay with PD :)

  45. taga-bundok says:

    weet weet… stop-over muna ako sa boni station. ;)

  46. Ax says:

    Hi Kuya Boni, hope you are enjoying every bit of activities you’re doing here in Pinas! Ingats!

  47. kaye says:

    awww… this is one of the sweetest posts i have ever read. and to think you wrote this for a friend. :-)

  48. Nina Osborne says:

    hi there %BLOGINTITILE% owner. i would like to say that %BLOGINTITLE% is genuinely nice plus the post was excellant. it seems that you’ve got lots of visitors on your blog. i have started off blogging couple of weeks back and i’m still struggling to get any visitors to my blog. i would genuinely like it if you go to my blog and comment on the posts. even though the blog is completely new, still there is some great content on it. i hope you will love reading it. Cheers Nina Osborne

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: