On Duty

pasko na naman, at sa ikatlong pagkakataon wala ako sa bahay.

masarap na mahirap ang buhay sa abroad.. di natin maikakaila oo mas maluwag ang buhay, mas maginhawa.. pero syempre may kapalit yun.. tulad nalang sa mga panahong ganito.. sakripisyo uli, malayo ka sa mga mahal mo sa buhay..  isang napakahalagang okasyon na naman ang magdaraan na hindi mo sila kasama.

bukod sa pamilya, ang dami kong namimiss sa pilipinas pag christmas season

mga namimiss ko:

ang pag gising ng maaga para sa simbang gabi, ang puto bungbong, bibingka, libreng tsaa, ang hamog sa umaga, ang umuusok na hininga (hehe), ang traffic sa kalsada, ang dami ng tao sa mall, ang shopping, ang mga tugtog sa restaurant at national bookstore, ang commercial sa TV..

hays.. sarap ding isipin ang kabi kabilang christmas party at raffles sa kumpanyang pinapasukan.. ang babait ng mga tao, ang lamig ng paligid, ang sarap magsuot ng jacket.. ang pagkain sa jollibee.. ang pakikipag sisksikan sa palengke para sa murang pamasko at regalo.. ang masasayang forwarded jokes at quotes..,

ang holiday sa dec 23 minsan mas maaga pa, ang tenderjuicy hotdogs, ang spaggheti, ang christmas bonus ang pangangaroling, ang something funny, something cute, something sweet, ang exchange gifts.. ang hugs and kisses, ang regalo galing sa boss, ang promo ng smart at globe, ang sun cellular unlimited call, ang mga resibo, ang kampana ng simbahan.. ang parol, christmas lights, ang hamon, keso de bola, ang barbeque.. ang walang humpay na inuman, kwentuhan.. tawanan.

at ang katahimikan ng umaga isang araw matapos ang pasko.. ang tirang pan at sandwich spread, ang mga prutas sa ref, keso at iba pa..

lahat lahat ng nag papaalala ng pasko…

oops! emo haha,. hahays, nakakamis lang talaga.. mahirap ipagdiwang ang pasko sa bansang hindi ito kinikilala. pero sabi nga ang totoong diwa nito ay nasa puso.. at maaari nating makita at ibigay sa ating kapwa, patuloy tayong magpapasalamat sa KANYA, dahil minsan sa kasaysayan ng ating mundo, SIYA ay dumating at nakipamuhay sa atin..

kaisa po ng lahat ng mga naka duty sa araw ng pasko;  nurses, duktor, security guards, pulis, pari, sundalo, c-center agents, drivers, reporters at marami pang iba na nasa serbisyo publiko haha.. =)

Isang MALIGAYANG PASKO PO sa ating lahat!

Bon’s Hospital Schedule:  ON DUTY (awwts!)
Date: DEC 22,23,24 / 28,29,30,31
Time: 7pm-7am – (Phil Time 12am-12pm)
Pag online po kayo matapos ang inyong noche buena isang hi and hello lang masaya napo!
YM ID: bontalampas

34 Responses to On Duty

  1. BASE! BASE! BASE!

    yeah right, Pasko na naman and you’ll be missing those things you said, and it’s kinda sad tho, but on the otherhand i’m pretty sure that you won’t be missing the true meaning of Christmas — whatever it is, just google it hahaha! am wishing you a meaningful Christmas, at sa lahat ng malalayo sa pamilya this season, isang maligayang Pasko mula sa puso ng BatangMangyan!

    bons: haha! agap sa base! anyways, salamat sa pag greet! maligayang pasko din!

  2. yiN says:

    ako rin nasa work sa trabaho ng pasko, pangalawang pagkakataon. pero nasa pilipinas ako. belat pare, hehe. kaya yan. kaya yan.

    bons: oo nga kaya yan! kaya yan! hehe. san kaba work? bat me pasok ka din..

  3. ELIment says:

    hehe..eto naman ang kainaman sa aming mga nasa pinas. damang dama namin ang pasko. pero buti ka pa..dimo kailangang magtago sa mga inaanak..haha

    advance merry christmas parekoy.. nawa’y maramdaman mo rin ang tunay na diwa ng araw na ito kahit pa ibang lahi at kultura ang kasama mo.

    bons: salamat ELI. oo kaya habang nasa pinas dapat i enjoy ang pasko, kasi ang daming tao ang nagnanais na makapiling ang pamilya nila sa mga ganyang okasyon! salamat sa pag greet! maligayang pasko din sayo at sa pamilya mo!

  4. Ax says:

    Merry Christmas Kuya Bons!

    bons: same to you ax!

  5. theonoski says:

    awwttss..ok lang yan bro, sabi mo nga ang diwa ng pasko ay nasa puso ng bawat isa sa atin (insert kapamilya xmas station id here). sama kanalang sa office xmas party namin =D

    bons: oo dahil si Bro naman talaga ang star ng pasko! haha! sige pasabit sa christmas party nyu!!

  6. p0kw4ng says:

    ahahaha at talagang nakapost ang YM..add nga kita at makapag Hi at Hello din!

    bons: haha ms.anyayahan ikaw ba tong ka chat ko ngayun? lols! thanks p0wk!

  7. Rocky Garcia says:

    Advance merry xmas sa yo!

    bons: salamat rocky! pengeng tis hert! =)

  8. pareho ang pasko natin…malayo sa pinas…hayaan mo paggising pa ako i ym kita…pero dito pa lang …

    bons: siguarado ako kasama ka or isa dun sa mga binanggit kong mga naka duty sa pasko! ^^

  9. Heleyna says:

    Nyahaha sana hindi ako duty sa pasko. Goodluck bon! Kape lang katapat nyan.

    bons: a cup in hand you know its worth your while. a cup in hand, let’s sit and stay for awhile, let minutes turn to moment. let’s mix, let’s talk one moment, one nescafe! merry christmas!

  10. neil dalanon says:

    ok lang kahit wala physically. wag lang dapat mawawala emotionally.

    :-D

    meri meri meri krismas!

    bons: honga honga! salamat po neil!! meri krismas!

  11. Kala ko nasa pinas ka pa rin Bons? Hindi lang hi hello ang marerecieve mo sa akin, isang malakas na paputok kasama na ang new dun, hehehe!

    Merry Christmas kapatid!

    bons: maligayang pasko king! sana ngayong pasko maliwanagan ka na sa buhay na dapat mong tAHAKIN hihihi! God Bless!

  12. topexpress says:

    ahahaha pareho tyo tol! i have my shifts for the holidays, 24,25 31 and 1 duty ang utol mo!

    sarap balik balikan ng mga alaala ko sa pasko na kasama nag pamilya ko. Ang mga nabanggit mo ay iilan lang sa mga masasabi ko na sobrang namimiss ko.

    What i really miss is my family and the laughters na meron ang pamilya ko sa bahay namin tuwing ssapit ang ganitong season. Well, what we are doing now is also for them naman! aheheh kaya:

    KAMPAI!!!! taas mo tasa ng kape mo at gumising tyo!

    (brrrrrr!!! ang lameg na dito! puro yelo na!!!)


    bons: waaah duty ka rin pala! pano tayo ang mga bayani sa oras na yon! kasi tayo ang magsisilbi sa mga mas nangangailangan! yun ang isang totoong diwa ng pasko hahas. kundi kundisyon lang ng utak eh hano lols! hahays buhay ofw! merry christmas jump ka muna dito sa saudi tol tapos magdala ka nadin ng snow!

    kampai!!!

  13. hello bon! advance merry xmas! same same my friend. hehehe.
    ako din 3 years na kong nagpapasko dito sa disyerto. hayz… :(

    ayun nga ang simbang gabi ang nakakamiss sa pinas pati ang bibingka’t puto-bumbong. hehe!

    di din uso ang pasko dito. pero kami ng mga ofismates kong pinoy merong xmas party syempre! :D

    bons: oo nga kanya kanyang paraan nalang para ma icelebrate ang pasko! aware naman sila na mahalaga sa ating ung araw na yun pero syempre iba padin pag nasa pilipinas ka at hindi lang naman mismo isang araw ang mahalaga. the whole season yun ang nakakamiss! hays! next year sa pinas na ako papasko!

  14. i_k_a_y says:

    haaayz kakamiss tlga ang pasko sa pinas…

    advance merry x-mas poh! :D

    bons: ikay! salamat meri christmas!!

  15. taribong says:

    Hehehe sa probinsiya nga lang pamilya ko, miss na miss ko na rin sila hehehe di bale, konting tiis na lang….

    bons: o uwi kaba sa pasko!? uwi na! wag sayangin ang pagkakataon! merry christmas!

  16. kaye says:

    napatawa naman ako kasi pati national bookstore, special mention. haha.

    napadaan lang po… nakita kita sa tambayan ng aking hubby…

    naalala ko. kagabi habang kumakain kami ni Bong sa McDo, di ko maiwasang mapailing kasi ang mga kanta, talagang pang80s ata. mala-lionel richie at kung anik anik na mga boyband, not christmassy at all.

    pero tama ka, isa sa pinakamasaya ang pasko dito sa atin. kahit na wlang mashadong pera, yung pagsasama sama ang masaya. kasi sama samang sumisimba, kumakain, nageexchange gifts at nagkakantahan pa. nalungkot tuloy ako sa isipin na habang nagsasaya ang mga pamilya, marami sa mga kababayan natin ang malayo dahil kailangan nilang gawin yun para rin sa mga pamilya nila. saludo ako sayo, bon. ikaw at iba pa nating mga kababayan maging nandito man at nagtatrabaho sa mga araw na nabanggit mo, o nariyan sa ibang bansa, ay tunay na mga bayani!


    bons: salamat po sa pagdalaw. isang karangalan hihih! ^^ uu masaya padin ang pasko sa pinas kahit hindi kadami ang pera.. iba ang pakiramdam pag kasama mo ang pamilya kahit simpleng salo salo nagiging makabuluhan dahil moments naman un!! salamat po sa mga sinabi mo dito, mas lalo tuloy ako na homesick hehe na imagine ko ksi ung pagkain sa labas.. ung sa mcdo at malamig na hangin… hays! merry chritsmas po sa buong pamilya!

    • kaye says:

      hehe sorry na. napakatradisyunal pa rin kasi nating mga pinoy, which I think is what makes Christmas and other events special.

      Merry Christmas in advance din sayo. :-)

  17. bongkito says:

    ei bon! padalaw lang po! at advance meri krismas!

    mahirap talaga ang ganyang kalayo. pero buti na lang kahit papano yung pagiging on duty nakakatulong para di mapansin ang lungkot at hinagpis na malayo sa mga minamahal. pero di bale, marami naman kami dito sa blogsperyo ang kasakasama n’yo lalo pa’t sa panahon ngayong Pasko. isipin mo na lang na parang andyan lang lahat kami katabi ng flat o apartment mo dyan sa kung san ka man.

    ingat lang lagi bon! basta bago dumating ang araw ng Kapaskuhan, babati kami ni Kaye s’yo. at isisimba ka pa namin sa araw na ‘yun! pramis ‘yan! :D


    bons: bongkito ^^ maraming salamat po sa pagdalaw. isa na sa benepisyo ng pagsusulat sa blog ay ang pagkakaroon ng maraming kakilala at kaibigan. yung mga taong tulad nyo po na nagiging inspirasyon din para mas lalong mapaigi ang buhay. natuwa lang talaga ako sa kwento sa blog mo.. nakakainspire, kasi nakakita ka ng lakas sa kabila ng pagsubok. anyway, salamat po uli! dalaw dalaw lang po dito welcom kayo.. MERYY CHRISTMAS! /strong>

  18. tsiremo says:

    Maligayang Pasko Bonbon!

    bons: ganun din sayo Tsitsi!

  19. Pabisita Boni. Naku ramdam ko rin ang lungkot ng malayo. Nung andun din ako Pinas. Duty rin ako…either Pasko or new Year.

    Yap…isa ako sa makiki-greet sa iyo sa araw ng Pasko.

    Advance Maligayang Pasko!

    bons:salamat superlowlow! (slang yan) san kanaba ngayon?

  20. hanz says:

    Di ko yata maimagine ang sarili ko na nagsesenti sa araw ng pasko dahil malayo sa pamilya ko.. ahuhuhuu..

    Eniwey, oks lang yan sir bon. itaas mo.. TSERS! ahihihi meri krismas!..

    Ooopss astig yung mg snow effect mo ha?!

    bons: tsers!!! haha alam ko naman sir na hinding hindi mo kaya malayo sa iyong mga mahal sa buhay haha lalo na sa dalawang anak mo! awwwts! MERRY CHRISTMAS SA BUONG PAMILYA!

  21. teentoinks says:

    Merry Pasko… Oks sige greet kita sa YM, sa YM, sa YM!! Hehehe
    YM ha… YM! Merry Christmas!


    bons: o sige!! wag ka magulo haha

  22. repah says:

    wow.. cge..pwede ba akong makisali.. iyym din kita.. hahahaha…

    iingitin na lng kita dito… hehehe…

    kayung mga nasa ibang bansa ang tunay na bayani… khit pasko.. nagtrtrabaho pa rin sa pamilya… Mabuhay… awww!!

    bons: pwedeng pwede po! ^^ maraming salamat po!!! merry christmas!

  23. lovely says:

    before ako umuwi kuya ng marikina sa 24 ym tayo ha hehe..

    hang dami talagang nakakamiss pero tulad nga ng sinabi mo nasa puso ang pasko, give love on christmas day..:)

    bons: salamat lovely! merry christmas din sa pamilya mo!!

  24. leroy says:

    pers taym ko dito. wala lang. kailangan kong magpa-pansin. haha

    bons: uy! leroy welcome! leroy leroy sinta! buko ng papaya! ay mali! hehe!

  25. meliza catedral says:

    helo! bons. naligaw na nman ako dito sa iyong munting tahanan ng blogs!
    ang tagal kung di bumisita dito!heheheh..well anyways pasko na nga at maraming ngaabang na reregaluhan lalo na mga inaanak..hhehehe! at saka magastos ubos ang pera! wahahah.. nkkamiss nga pag malayo sa iyong mga minamahal..
    ako uuwi sa amin probinsya sa pasko pero balik rin ako.. di ko cla makkasama sa new yr kasi my pasok ako..:(
    dont worry hi! na lng kita sa ym…
    merry christmas and hapi new year!

    bons: tagal mo nganag nawala! enjoy mo ang pasko sa probinsya, nakakamiss yan! maligayang pasko sa inyung lahat!

  26. taga-bundok says:

    Hohoho! Talaga namang nilahat na oh… Hehe, ako 5 years ng walang Pasko dito sa disyerto. :(

    Merry Christmas Kuya Bon! :)

    bons: woi nasa disyerto ka din pala? saang banda?! hehe! MERRY CHRISTMAS!

  27. france says:

    naku naman boni i miss the tender juicy hotdog…the real hotdog…… hahahaha ako kahit hindi duty may dala pa rin trabaho….. asus kainis!well maki cyber pasko na lang sa pinas buti na lang naimbento ang internet, webcam, ym, skype kahit malayo tayo nakikita at nakakausap natin ang mga taong mahal natin…hindi gaya dati snail mail, tape recording ….. ma swerte pa rin ang henerasyon natin …. well well well sana sa 2010 dun tayo makapag pasko sa pinas!!!! WUHOOOOOO

  28. cAtHy says:

    i bu-buzz kita sa xmas!
    miss ko din ang jollibee..

    merry christmas!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: