On Duty

December 6, 2009

pasko na naman, at sa ikatlong pagkakataon wala ako sa bahay.

masarap na mahirap ang buhay sa abroad.. di natin maikakaila oo mas maluwag ang buhay, mas maginhawa.. pero syempre may kapalit yun.. tulad nalang sa mga panahong ganito.. sakripisyo uli, malayo ka sa mga mahal mo sa buhay..  isang napakahalagang okasyon na naman ang magdaraan na hindi mo sila kasama.

bukod sa pamilya, ang dami kong namimiss sa pilipinas pag christmas season

mga namimiss ko:

ang pag gising ng maaga para sa simbang gabi, ang puto bungbong, bibingka, libreng tsaa, ang hamog sa umaga, ang umuusok na hininga (hehe), ang traffic sa kalsada, ang dami ng tao sa mall, ang shopping, ang mga tugtog sa restaurant at national bookstore, ang commercial sa TV..

hays.. sarap ding isipin ang kabi kabilang christmas party at raffles sa kumpanyang pinapasukan.. ang babait ng mga tao, ang lamig ng paligid, ang sarap magsuot ng jacket.. ang pagkain sa jollibee.. ang pakikipag sisksikan sa palengke para sa murang pamasko at regalo.. ang masasayang forwarded jokes at quotes..,

ang holiday sa dec 23 minsan mas maaga pa, ang tenderjuicy hotdogs, ang spaggheti, ang christmas bonus ang pangangaroling, ang something funny, something cute, something sweet, ang exchange gifts.. ang hugs and kisses, ang regalo galing sa boss, ang promo ng smart at globe, ang sun cellular unlimited call, ang mga resibo, ang kampana ng simbahan.. ang parol, christmas lights, ang hamon, keso de bola, ang barbeque.. ang walang humpay na inuman, kwentuhan.. tawanan.

at ang katahimikan ng umaga isang araw matapos ang pasko.. ang tirang pan at sandwich spread, ang mga prutas sa ref, keso at iba pa..

lahat lahat ng nag papaalala ng pasko…

oops! emo haha,. hahays, nakakamis lang talaga.. mahirap ipagdiwang ang pasko sa bansang hindi ito kinikilala. pero sabi nga ang totoong diwa nito ay nasa puso.. at maaari nating makita at ibigay sa ating kapwa, patuloy tayong magpapasalamat sa KANYA, dahil minsan sa kasaysayan ng ating mundo, SIYA ay dumating at nakipamuhay sa atin..

kaisa po ng lahat ng mga naka duty sa araw ng pasko;  nurses, duktor, security guards, pulis, pari, sundalo, c-center agents, drivers, reporters at marami pang iba na nasa serbisyo publiko haha.. =)

Isang MALIGAYANG PASKO PO sa ating lahat!

Bon’s Hospital Schedule:  ON DUTY (awwts!)
Date: DEC 22,23,24 / 28,29,30,31
Time: 7pm-7am – (Phil Time 12am-12pm)
Pag online po kayo matapos ang inyong noche buena isang hi and hello lang masaya napo!
YM ID: bontalampas


bato

December 3, 2009

ang ENTRY pong ito ay hindi ko gawa (hindi tatak bonistation).. ito po ay isang akda ng isang kaibigan..

“Aray”, “Aguy”… at pag medyo susyal “ouch”, ilan lang yan sa mga paborito nating linya kapag nasasaktan tau…Madaming paraan kaya tayo nasasaktan, sabi  nga sa mga napapanod at nababasa natin – nasasaktan tayo pisikal o kung hindi man sa paraang emosyonal. Napapasikat pa yan kapag ang paborito mo ng dramatic actor o actress ang magbibitaw ng linyang “saktan mo ko ng pisikal ay mas nanaisin ko pa, kaysa patayin mo ang puso ko sa mga sakit at hapdi na para bang yaong pinipiga ito hanggang tumigil sa pagtibok at bumitiw ang huling hininga kasama ng pagmamahal ko sayo”… YaY! Nakakatense.

Read the rest of this entry »


ako ba yun!?

November 3, 2009

nakakatense naman talaga ang nakita ko sa sementeryo nung nov. 1, first time ko ang okasyong ganito sa pilipinas after 2years pag aabroad. at finally nadalaw ko si BON Sr. sa araw mismo ng undas.

IMG_2117

nakakatense yung pangalan! =)

 

sabi ko nga sa kapatid ko parang nakita ko nadin tuloy ang pangalan ko sa lapida at ganyan din ang siguradong nakasulat pag wala nako (awwww!).

 

Eternal Rest grant unto them,
O Lord,
and let perpetual light shine upon them.
May they rest in peace.

 

 


notiboi’s trippin’

September 20, 2009

naalala ko pa yung english na kanta na ginawa mo sa typewriter..  ipinasa mo yun sa grupo natin., freshmen palang tayo lahat nun, at nagsisimula palang mabuo at makilala ang mga magiging bagong ka klase at kaibigan..

labing dalawang taon na ang lumipas, tara balikan muna natin..

naalala ko pa nun sa buong klase ikaw ang parang pinakabata, at totoo nga kasi mas lamang pala kami sa ‘yo ng isang taon. pero ganun pa man, hindi yun naging sagabal para mas maging angat ka sa nakararami, sabihin na nating; isa ka sa mga bright na mag aaral nung panahon na yun. isa ako sa naging saksi kung pano mo inaaral ang lahat ng subjects na meron tayo lalo na ang math kasama na ang lahat ng klase ng calculus at kung ano anong equation.

simple ka lang din naman nun. larawan ng karaniwang estudyante. papasok, iiyak (haha joke!), maglalagi sa canteen, sa internet lab or kaya naman sa library. alam ko syempre! dahil sa mga panahong ‘yan.. nanduon din ako. kasama mong tumatawa, nambobola at nangungulit sa ibang mga kakilala at ka klase. at isa sa mga bagay na nagkakasundo tayo ay ang pagiging active sa iba’t ibang org at activities sa loob ng school.

mas naging popular ka pa lalo nung naging member ka ng student council. matalino ka naman talaga at masipag kaya kayang kaya mong pagsabayin ang lahat. kahit may mga pagkakataon nagiging sakitin ka, bat ang dalas mong magkasakit nuon? badtrip na tonsilitis kase hehe. di matatapos ang isang linggo ng hindi ka nagkakasakit lalo na pag malapit na ang exams. alam mo bang kinakabahan kami pag ganun haha. (wala kaming kokopyahan!) isa ka sa  top 5 na nakaka solve ng problems sa integral at differential calculus samantalang kami ay negative ang score haha. may utang  pa. taragis! pero hindi naman lahat ng jackpot ay na sa ‘yo ^^ bleh! kwits kwits lang din tayo. may ibang subjects din naman na lamang kami  tulad halimbawa ng P.E. lols!  ako ang presidente ng  PE Club kaya partida sa lahat ng incentives pagdating dun haha.

pero seryoso, isa ka sa hinahangaan ko sa talino at galing nung nag aaral pa tayo. kung paano mo hina handle ang lahat ng bagay. oo kahit na college na tayo pero madalas kapading umiyak nun. at hindi ko sasabihing natatawa ako .. sa ‘yun ka eh, mababaw ang luha mo at madalas mapaiyak ng mga simpleng salita o gawa ng mga taong naka paligid sayo, yun ang rason kaya tinawag ka din ng tropa na “nubitaaa!”  na para bang palagi dapat nasa tabi mo si doraemon hehe.

sarap alalahanin ng samahan nuon, bawat isa sa atin nagsisimbulo ng iba’t ibang klase ng tao, pero  magkakaiba man, sa huli nagkakasundo sundo parin. ikaw ang pinakabata pero ikaw ang pinaka madiskarte at may pinakamaraming niligawan. .(bwahaha!) kala mo ha! alam ko pa ang mga pangalan nila. ^^ gusto mo i-enumerate at bilangin natin! chos!

makakalimutan ko rin ba na diehard fan ka ng A1 at Westlife. na ilang araw lang ang lumipas ganun narin at fan nadin kami. lakas ng hatak mo. ikaw din ang may kauna unahang cellphone sa barkada. isang araw sinundo ka ng mommy at daddy mo sa school, nun pala bibilhan ka nila ng cellphone pero hindi pa uso ang text nun  at “piltel” pa ang network provider. pag pasok mo kinabuksan angas ng dating haha richkid! pero muntik mo din maiwala yun kasi nalaglag nung pasakay ka sa jeep umuulan at nag aapura ka nun. tangengots buti nakita ko!

sa 5th year hindi tayo naging magka grupo sa thesis dahil kailangan nating mag spread-out sa barakda (leader-leaderan daw tayu mga boys over girls!) haha. sobrang daming suportahan ang naganap, sa mga ginawa natin lahat successful at magaganda ang kinalabasan. namiss ko ang salitang “cheers!”. sa OJT sa baguio sanggang dikit padin tayo, walang patawad magkakasama at buhol buhol ang iisang likaw ng bituka.

eto sigurado tatawa ka, parehas na taon din ng muntik ka ng mag monghe! ^^ hindi ka nga lang pinayagan pa ng supreme court (family mo), at subukan daw munang ma experience mo ang buhay professional..

lumipas ang mga  taon, maraming mga pangyayari at pagbabagong naganap. kasabay ng pag buo at pag tupad ng kanya kanya nating mga pangarap alam ko mas naging mas matalino ka at mas malawak lagpas pa sa tulad ng dati.. 

at sa pagbabalik sa kasalukuyan;  masaya ako at hanggang ngayon astig padin ang samahan natin! kahit hubadero kana at ako eh simpleng artista lang harhar!..  pero eto ang pinakamabigat.. sa mga susunod na araw o buwan, haharapin mona ang totoong landas na dapat ay nuon mo pa sinuong.. ang lugar na kung saan mas magiging kapakipakinabang hindi lang ang talino mo kundi pati na rin ang kakayahang makatulong at makapagbigay inspirasyon sa bawat taong makakasalamuha mo..

parekoi, hayaan mong makita ko sayo ang isa sa mga pinangarap kong maging….

at alam kong hanggang ngayon ay may kaba ka parin na nararamdaman pero ikaw narin ang nagsabi, ‘yan ang makakapag patahimik at makakapag pa panatag ng loob mo.. at sa araw na magdedesisyon kang sumagot sa KANYA ng oo.. ay araw din ng simula ng pagkakaroon ng totoong kahulugan ng buhay mo..

 

“His calling is a declaration of love.”

Your response is commitment, friendship, and love manifested in the gift of your own life as a definitive following and as a permanent sharing in his mission and in his consecrations. To make up your mind is to love him with all of your soul and all of your heart in such a way that this love becomes the standard and motive of all your actions.- Pope John Paul II 

***

bloggerjorge will soon permanently leave malaysia  and will return to the philippines to pursue seminary life.

bonistation


si ek atbp.

September 10, 2009

sobrang hilig ko talaga sa pets nung bata pa ako.(kahit nun malaki na) gusto mo maging pet kita!? lols. at naalala ko pa ang lahat ng uri ng hayop na pinagipunan ko ng baon  para lang mabili mga yun. normal lang din naman siguru sa isang bata yung ganun na curious sa ibat ibang hayop na pedeng iuwi sa bahay (kahit yata sisiw at itik na napapanalunan sa palabunutan pinatos ko  eh) malimit akong nag uuwi ng kung ano ano sa bahay nuon galing sa school, ibong maya na nakalagay sa maliit ng kulungan at pilit aalagaan at papakininin hanggang sa kung saan nya kayang mabuhay. nag karoon din ako ng dagang kosta hehe ang ku cute yung mga puti at mababait talaga sila.at halos hindi ko na makontrol ang bilis ng pagdami nila kaya hinintuan ko din kasi hindi ko sila kayang alagaan lahat. ksama pa ang guinea pigs, aquarium fishes, arowana,  iguana, piranha(isang piraso lang), turtle, pati  hipon at kung ano ano pa^^ Read the rest of this entry »


saludo ako sa ‘yo

August 7, 2009

peba

 (Official Entry to the Pinoy Expat Blogger Awards 2009)

***

two  years and 3 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng dalawang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay!

‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo.. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi.

kinabukasan, ayos agad ako ng resume ko update at scan ng mga iba pang kailangan at send.. marami pangyayari at hindi rin naman naging mabilis at madali ang pag ayos at paghintay.. hanggang sa na approved at makarating na nga ako dito. welcome kingdom of saudi arabia.

hindi ko din naisip na sa dami ng bansa dito ako mapupunta. pero pamilyar na sa akin ang bansang ‘to sa loob ng labing dalawang taon. 6 years old palang yata ako nung magpunta ‘yung tatay ko dito. ang layo ng saudi nun, sobrang layo dahil sa kalayuan isang beses lang sa loob ng dalawang taon namin sya pwedeng makasama. wala yata akong matandaan na nabuo ang pamilya namin tuwing pasko, palaging may kulang, palaging may bakanteng upuan. nakita ko na yata ang lahat ng klaseng pagsasakripisyo ng nanay para mapunan ang lahat ng pangungulila naming magkakapatid sa isang amang nasa ibang bansa.

hindi ko padin dati maintindihan ‘nun bakit ba kasi kailangan pang ganun pwede naman hindi mag abroad, pwede namang sa pilipinas lang. pero uso kasi yata nun ‘yon marami din naman akong mga kaibigan at ka klase noon na nasa abroad din ang mga tatay nila..

‘diko makalimutan yung isang christmas card “for my terrific son” , isa na yata yun sa pinakamagandang card na natanggap ko galing sa tatay ko.. masarap kasi talaga yung pakiramdam na proud sayo yung magulang mo.. kaloko ko nga nun parang hindi ko lang iniintindi yung mga kwento nya sakin dati kung ano hitsura dito sa saudi.. ngayon alam na alam ko na..

I missed those days, your stories, the miles you drove, the adventures you took.. i never imagined nor even expected that I will be here, almost in the same place where you used to work..

minsan gusto ko magkwento, gusto kong makipagbidahan sayo kasi yung mga nakikita ko sa pictures mo dati, ngayon napupuntahan ko nadin, yung mga streets at stores na dinadaanan mo…

ayoko naman talaga dating mag abroad, kasi hindi ko din naman pinangarap na umalis ng pilipinas. kontento nadin kasi ako kung anong meron.. pero dumarating ang pagkakataon at oportunidad na kailangan nating kuhanin at subukan. eto na, bon jr. sa saudi. sayang nga lang talaga at hindi kami nag abot ng tatay ko dito. edi sana dalawa kaming blogger ngayon. taragis!

sa pagpunta ko dito, isa lang ang napatunayan at naunawaan ko ; hindi biro ang sakripisyong ginagawa ng mga taong lumalayo sa pamilya upang magtrabaho alang alang sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay.

saludo ako sa ’yo Bon Sr.

inmemory

**ILOVEMYDAD

Bonifacio F. Talampas, Jr.
Dammam, Kingdom of Saudi Arabia


proud to be pinoy!

August 4, 2009

iampinoyhindi ko pwedeng palagpasin ang pagkakataon na ‘to para magbigay din ng pasasalamat. hindi man personal pero sa maliit at kaya kong paraan.. gusto ko ding maging bahagi ng kasaysayan upang sa darating na panahon kung babalikan man natin ang nakaraan mayroon ako kahit isang simpleng naisulat sa panahong ito..

sa pagkawala nya, nabuhay ang pagkakaisa, suporta at pagiging makabayan ng bawat pilipino. mas naramdaman ko ngayon ang sarap ng pagiging pilipino.. mas naapreciate ko ang sinasabing demokrasya na naibigay nya para sa bawat isa sa atin, ang kaibahan nya sa lahat ng mga namumuno at ang kahalagahan ng kalinisan ng kaluluwa at intensyon..

MARAMING SALAMAT PRESIDENT CORY. thru you; once again, i became more proud that I AM A FILIPINO.