In Memory

 Official Entry to the 2009 International Pinoy Expat Blog Awards
TOP 8 – 2009 International Pinoy Expats Blog Awards
***

SALUDO AKO SA ‘YO!

two years and 3 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng dalawang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay!

‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo.. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi.

kinabukasan, ayos agad ako ng resume ko update at scan ng mga iba pang kailangan at send.. marami pangyayari at hindi rin naman naging mabilis at madali ang pag ayos at paghintay.. hanggang sa na approved at makarating na nga ako dito. welcome kingdom of saudi arabia.

hindi ko din naisip na sa dami ng bansa dito ako mapupunta. pero pamilyar na sa akin ang bansang ‘to sa loob ng labing dalawang taon. 6 years old palang yata ako nung magpunta ‘yung tatay ko dito. ang layo ng saudi nun, sobrang layo dahil sa kalayuan isang beses lang sa loob ng dalawang taon namin sya pwedeng makasama. wala yata akong matandaan na nabuo ang pamilya namin tuwing pasko, palaging may kulang, palaging may bakanteng upuan. nakita ko na yata ang lahat ng klaseng pagsasakripisyo ng nanay para mapunan ang lahat ng pangungulila naming magkakapatid sa isang amang nasa ibang bansa.

hindi ko padin dati maintindihan ‘nun bakit ba kasi kailangan pang ganun pwede naman hindi mag abroad, pwede namang sa pilipinas lang. pero uso kasi yata nun ‘yon marami din naman akong mga kaibigan at ka klase noon na nasa abroad din ang mga tatay nila..

‘diko makalimutan yung isang christmas card “for my terrific son” , isa na yata yun sa pinakamagandang card na natanggap ko galing sa tatay ko.. masarap kasi talaga yung pakiramdam na proud sayo yung magulang mo.. kaloko ko nga nun parang hindi ko lang iniintindi yung mga kwento nya sakin dati kung ano hitsura dito sa saudi.. ngayon alam na alam ko na..

I missed those days, your stories, the miles you drove, the adventures you took.. i never imagined nor even expected that I will be here, almost in the same place where you used to work..

minsan gusto ko magkwento, gusto kong makipagbidahan sayo kasi yung mga nakikita ko sa pictures mo dati, ngayon napupuntahan ko nadin, yung mga streets at stores na dinadaanan mo…

ayoko naman talaga dating mag abroad, kasi hindi ko din naman pinangarap na umalis ng pilipinas. kontento nadin kasi ako kung anong meron.. pero dumarating ang pagkakataon at oportunidad na kailangan nating kuhanin at subukan. eto na, bon jr. sa saudi. sayang nga lang talaga at hindi kami nag abot ng tatay ko dito. edi sana dalawa kaming blogger ngayon. taragis!

sa pagpunta ko dito, isa lang ang napatunayan at naunawaan ko ; hindi biro ang sakripisyong ginagawa ng mga taong lumalayo sa pamilya upang magtrabaho alang alang sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay.

saludo ako sa ’yo Bon Sr.

 

**ILOVEMYDAD

Bonifacio F. Talampas, Jr.
Dammam, Kingdom of Saudi Arabia

 

9 Responses to In Memory

  1. the father of the man of steel –astig! saludo naman ako sa ‘yo Bon Jr.

    mahalin natin ang ating mga magulang :)

  2. tsiremo says:

    We salute you bonski!!! – wordpressers

  3. leemi says:

    ..same place, different time.

    at namiss ko lalo si Tatay..

  4. lee mi says:

    i like this post..binasa ko ulet.. add kita ha.

  5. eloiski says:

    ang ganda nito. ang ganda. dahil papa ko din isang dakilang ofw. sana dumating din yung panahon na lahat ng bansang napuntahan ng papa ko, mapuntahan ko din. at ipagmayabang din na, pa dito na me, wer na you… hakhak!

  6. Thanks for creating In Memory bonistation I’m enjoying the content. Would you think about a guest post on a web site I help run? Do you believe that you could contribute? You may see our post styles at http://www.earngo.info/bookmarks.php/tisaosssoo and surely we would be thinking about having you post an write-up or two on our blog, what do you think? When you are interested let me know via the contacts page on our internet site.In Memory bonistation is an interesting name for a blog, maintain up the top effort, thanks, from Judith Bennett

  7. Do you’ve a presence on facebook? I cannot seem to come across In Memory bonistation on the website and I would love to connect with you there. I like your writing style, thanks Imani Richards

  8. JPS says:

    Galing ng site mo, wala ako masabi! Napadaan lang ako kasi nabasa ko sa ibang blog tungkol sa iyo.

    At this, parang nagising ako sa message mo dahil ako, hindi talaga naging malapit sa ama dahil lagi rin siyang wala, dahil busy rin siya noong panahon na nasa saudi siya.

  9. chin says:

    i am deeply moved ….sniff

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: