burp!

December 17, 2008

matapos ang halos kalahating buwan na pag iisa sa bahay, nakapag breakfast din ako ng may kasabay. dumating na kasi ang isang housemate galing bakasyon sa pilipinas. loaded ang aming agahan at nun lang yata ako uli nabusog, burp! iba padin kasi pag may kasabay at kabidahan ka habang kumakain.

marami na naman ako narealize nung mga araw na magisa lang ako sa bahay. at parang na homesick yata ako nun.^^ naisip ko na naman yun mga panahon na nasa pilipinas pa ako nag wowork, reporting 8am-5pm. gigising ng alas sais ng umaga para gumayak at babalik sa bahay minsan past 7pm na. kundi nag pagabi sa office dahil traffic sa rush hour ng 5pm malamang nagpalamig sa mall. at pagdating sa bahay, pagod at halos inaantok na. Read the rest of this entry »